Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 60 - Love You For Ten Thousand Years

Chapter 60 - Love You For Ten Thousand Years

Chapter 60: Love You For Ten Thousand Years

Hindi sa 'di napansin ni Ning Xi na kakaiba ang pakikitungo ni Lu Tingxiao sa kanya, pero tumigil sa tamang punto si Lu Tingxiao. Kung mag-ooverreact siya, magmumukhang iniisip niya na may ibang nararamdaman si Lu Tingxiao kahit wala naman.

Kaya parang sumasagot lang sa normal na tanong, normal lang ding sumagot si Ning Xi: "Male!"

Bahagyang nanliit ang mga mata ni Lu Tingxiao. "Uuwi ka ba ngayong gabi?"

'Yung tanong… kapag pinagtuunang pansin nagtutunog na parang…

Inilabas ni Ning Xi ang acting skills niya at nagpanggap na walang ibig sabihin 'yung tanong kaya walang bahalang sumagot, "'Di ako sigurado eh, pero pag pauwi na ako, tatawagan kita. Malelate na ako, akyat muna ako ha!"

Ngayong gabi, maraming 'di inaasahan ang mangyayari; pa'no kung 'di na niya kayanin ang pagkabwisit at mauwi sa pambubugbog niya kay Jiang Muye buong gabi?

Mabilis na tumakbo si Ning Xi paakyat at kinuha ang malaking itim na bag bago niyakap ang munting siopao na bata at mabilis na nag-goodbye kiss na parang kidlat.

Habang tinitignan ang likod ng babaeng madaling tumakbo palayo, nagbago ang mukha ni Lu Tingxiao, naging sinlamig ng snow tuwing August.

Bukod kay Ning Xi, wala nang pinahahalagahan si Little Treasure, maging ang sarili niyang ama. Pero habang tinitignan ang nandilim na mukha nito, yumuko siya at nagsulat sa board. Tapos kinalabit niya ang kanyang daddy gamit ang maliit niyang daliri.

Naramdaman ni Lu Tingxiao ang bahagyang pag-pindot sa braso niya. Tumingin siya sa baba at nakita ang question mark na iginuhit ng anak niya sa board.

"Tinatanong mo ba kung bakit ako malungkot?" nagtaas ng kilay si Lu Tingxiao at tumigil saglit bago marahang sumagot, "'Pag dumating ang araw na maging sa iba ang Tita Xiao Xi mo, iba na ang tatawagin niyang darling bibigyan ng good morning, good night, at good bye kiss, iba na ang kasamang kumain ng hotpot, at hindi na ikaw ang special sa mga mata niya, at wala ka nang karapatang kumustahin siya, magiging masaya ka ba?"

Nablangko saglit ang bata bago nadurog ang ekspresyon sa mukha nito na para bang guguho na ang mundo.

At sa ganun, nakahanap ng balanse ang isang ama.

Nagsimulag umiyak si Little Treasure at kinuha ang cellphone ng tusong ama para magsumbong kay Tita Xiao Xi.

Nag-send siya ng umiiyak na emoticon: (>﹏<.)~

Papunta na sa airport si Ning Xi nang makita niya ang text ng batang siopao at naisip niya na baka nalungkot lang ang bata dahil 'di sila nakapag-hotpot, kaya madali siyang nag-ipon ng matatamis na salita para amuin si Little Treasure: [Aiya, ano'ng problema, darling, malungkot ka ba? 'Wag ka nang malungkot, 'pag 'di ka masaya, 'di rin masaya si tita. Nagyon may kailangan lang puntahan si tita ha, bukas lalabas tayo para sa hotpot, okay? Muah muah! Love you for ten thousand years! I love darling's smiles the most!]

Nang makita ang sagot, biglang naging mga ngiti ang kaninang luha ni Little Treasure at ipinakita at ipinagmalaki sa daddy niya ang nakalagay sa cellphone.

Nakita ni Lu Tingxiao ang malambing na mga salita ni Ning Xi sa text, "…" at para siyang sinuntok sa dibdib…

Pagkalipas ng dalawang oras, sa aiport ng B City.

Kahit pinaghandaan ni Ning Xi ang pagdating, ikinagulat pa rin niya ang eksena.

"Ahhhhhh! Jiang Muye! Jiang Muye! Jiang Muye!"

"Hubby, tingin ka naman dito! Hubby, I love you! Hubby, gusto kong magkababies tayo!"

"Muye, Muye, ikaw ang pinakagwapo! I'll support you forever!"

"Muye, Muye, ikaw na talaga ang pinaka! I'll protect you forever!"

...

Karamihan ng nasa eksena ay mga batang babae na fans ni Jiang Muye; may ilan rin siyang nakitang mga tita na fans at may iilan ring mga lalaki. Lahat sila nagtitilian sa abot ng makakaya ng mga puso't lalamunan nila. Nakabantay na sa labas ang mga airport security personnel pero 'di pa rin makontrol ang mga tao.

"Mga asawa ko, hinaan niyo lang, okay? 'Wag natin istorbohin ang ibang tao! Shhh!"

Sa dagat ng mga tao, may isang sexy na boses ang narinig. Nanahimik nang isang segundo ang mga tagahanga niya bago sila nagsihiyawan ulit at halos sirain na ang bubong sa ingay. Malayo sa katahimikan, lalo lang naging eksplosibo ang kaganapan.

Nagtago sa likod ng isang poste si Ning Xi para manood mula sa malayo, nakatago sa mga itim na linya ang ulo niya.

May sama ng loob pa rin talaga 'tong lalaking 'to, gusto niya talaga akong mamatay!

Kapag lumabas siya at nagpakita, mabubuhay pa kaya siya ngayong gabi?

Mabuti na lang at handa siya…

Related Books

Popular novel hashtag