Chapter 50: Sarangheyo
"Sige pakilagay na lang diyan, pakisabi sa Little Young master niyo thank you ha!" wika ni Ning Xi. Inilabas niya ang cellphone niya para magtext kay Little Treasure.
Kahit na mukhang busy ang production crew sa trabaho nila, ang totoo niyan, nakatingin sila sa direksyon ni Ning Xi, nakikiusyoso kung ano'ng pinadala sa kanya ngayon.
Sa huli, mukhang tatlong bote… ng juice?
Kanina, mukhang balisa si Ning Xi tungkol sa roses. Nung sumunod, hindi rin siya nagulat o natuwa sa diamond. Pero ngayon, bakas ang tuwa sa mukha niya at masaya pang nagtetext.
Kanya-kanya ng sinabi ang mga crew:
"Ah, siguradong 'di na gumagana ang pera sa magaganda ngayon, puso na ang pinaka pinahahalagahan!"
"Tama 'yan, 'di niyo ba narinig sabi nung babae personally handmade daw 'yung juice! Sobrang sweet naman!"
"Pustahan, 'yung nagpadala ng juice ang makakapanalo ng puso ni Ganda!"
"Ako pusta ko 'yung nagpadala ng diamond!"
"Wala bang pupusta sa nagpadala ng flowers?"
…
Pagkatapos inumin ang fruit juice at isang green bean soup, sumigla muli si Ning Xi habang nagpatuloy ang taping.
Samantala, nasa bahay nila si Lu Tingxiao dahil 'di siya pumasok sa trabaho para samahan ang anak nang tumunog ang cellphone niya.
May bagong text daw mula kay Ning Xi.
Binuksan ito ni Lu Tingxiao. At bahagyang umangat ang gilid ng mga labi niya.
[Darling, thank you sa juice at green bean soup! Sobrang sarap! Sarangheyo!]
Matagal tinitigan ni Lu Tingxiao ang text bago tinawag si Little Treasure na tahimik at blangkong nakadungaw sa bintana. "Little Treasure, come here."
'Di siya pinansin ni Little Treasure.
Napabuntong hininga si Lu Tingxiao. "Nag-text si Tita Xiao Xi mo."
Dali-daling tumakbo si Little Treasure na parang isang rocket at tumalon para abutin ang cellphone.
Pero itinaas ni Lu Tingxiao ang hawak niya para 'di maabot ng bata. "Ipapakita ko sa'yo,kung tatawagin mo 'kong 'dad'."
Puno ng pagpoprotesta ang mukha ng maliit na siopao at ayaw makisama.
Nang malapit na ulit sumpungin si Little Treasure at halos paiyak na, saka lang bumigay si Lu Tingxiao at iniabot ang cellphone.
Habang tinititigan ni Lu Tingxiao ang anak na binabasa ang text nang bakas ang saya sa mukha, nagkaroon ng pag-aalala sa mukha ni Lu Tingxiao.
Siguro dahil sobrang kaunti ng pinoproblema ni Lu Tingxiao kaya ibinigay ng Diyos si Little Treasure sa kanya para subukan siya.
Napakatalino ni Little Treasure; aanim na buwan pa lang siya nang matutong magsalita. Kahit na tahimik talaga ang personalidad ng bata at 'di talaga 'to madaldal, mula talaga nung aksidente, 'di na siya nagsalita kahit kailan.
Madaming parte ng childhood ni Little Treasure ang nakaligtaan ni Lu Tingxiao, at nang gusto na niyang bumawi, nalaman niyang huli na ang lahat.
Wari niya tuloy kung darating pa 'yung araw na maririnig niyang tawagin siya ulit na 'dad' ni Little Treasure…
Matagal nakatitig ang bata sa cellphone, mukhang may 'di siya naintindihan. Tapos lumapit siya sa daddy niya at itinuro ang salitang "Sarangheyo" gamit ang maliit niyang daliri, siguro tinatanong ano'ng ibig sabihin nu'n.
"Modal particle, parang expression lang, walang special meaning," Seryosong sagot ni Lu Tingxiao.
"Pu-oppa [1], para 'tong walang pinag-aralan, 'wag mo ngang lituhin si Little Treasure! 'Sarangheyo' means 'I love you' in Korean, okay?" sabi ni Lu Jingli habang tumatalon-talon, at gumawa pa ng hugis puso gamit ang kamay niya.
Nang marinig ni Little Treasure, tinignan niya nang masama ang daddy niya at tumakbo palayo para ipagpatuloy ang paggawa ng fruit juice.
Fluent si Lu Tingxiao sa labindalawang languages. Kung isinulat sana ni Ning Xi sa Korean, malalaman niya ang ibig sabihin, kaso dahil sa pagkakasulat [2], 'di niya naintindihan.
"'Di mo ba kailangang magtrabaho?" tanong ni Lu Tingxiao kay Lu Jingli, parang isang boss na kausap ang empleyado.
Biglang nagdala ng upuan si Lu Jingli sa harap ng kapatid para maupo habang kausap ito, halata ang excitement sa mukha nito. "Boss, may mahalaga akong report para sa'yo!"
Tila walang bahala si Lu Tingxiao, parang sinasabi ng mukha niya na kung gustong umutot ni Lu Jingli, gawin na lang niya.
Winagayway ni Lu Jingli ang mga kamay niya sa labis na excitement. "Alam mo ba ang nabalitaan ko? Kanina, nagpadala ng mga regalo 'yung admirers ni Xiao Xi!"
"'Yung fruit juice at green bean soup na pinadala ni Little Treasure sa kanya," kalamadong sagot ni Lu Tingxiao.
"Alam ko, pero bago pa 'yun, may iba pang nagpadala sa kanya ng mga regalo. What's more, dalawa sila. 'Yung isa nagpadala ng red roses at halos mapuno 'yung buong film site, 'yung isa naman nagpadala ng malaking diamond!"
Dahan-dahang nanlamig si Lu Tingxiao; sa init ng panahon ng araw na 'yun, makakatulong na maglabas ng init.
...
[1] Kahit na 'kuya' o kapatid na lalaki ang ibigsabihin ng 'oppa' sa Korea, ginagamit lang ito ng mga babae para itukoy ang mga mas matatandang lalaki sa kanila.
[2] Transliteration ng salitang 'Sarangheyo' na nakasulat sa papamagitan ng Chinese pinyin ang ginamit ni Ning Xi.