Chapter 318: Big Fat Liar
"Ning Xi, dahil ganun naman pala ayon kay Xueluo, tanggapin mo na lang!"
"'Di mo naman iisiping cheap sila 'di ba? Titignan mo pa lang alam mo nang mamahalin saka mas magaganda pa kaysa sa mga laos mong damit!"
"Sa'n ka pa nga ba makakajackpot nang ganyan? Kunin mo na!"
…
Nanindigan si Ning Xi sa prinsipyo niya na 'wag makipagtalo sa mga parang walang isip. Ikasasama lang ng loob niya kung magagalit siya sa grupo ng mga hangal na 'to kaya nanatili siyang mahinahon at pinanood lang sila na gawing mga tanga ang mga sarili nila.
Gulong-gulo pa rin ang mga pumapanig kay Ning Xueluo dahil nagtataka sila kung may mali ba silang nasabi.
"Ah!" biglang sigaw ng isang babae na malapit sa dressing table.
Ano naman kaya ngayon? Lumingon si Ning Xi.
"Ning Xi, gumagalaw 'yung furniture dito sa bahay mo! Natakot ako!"
Nagulat ang babae at tinignan ang na-switch na candle decoration.