Chapter 1157: Nawala Na Ba Siya Sa Katinuan?
Ganito siya kaagang umuwi?
Nagsuspetsa si Zhuang Liaoyuan. Madalas ay gabing gabi na umuuwi ang sutil na ito at madalas siyang wala sa bahay. Kadalasan, inuumaga pa siya.
Lumingon siya at sasabihan sana siya ng "aba, alam mo pang ito ang bahay mo, ha?", pero hindi lumabas ang mga salita sa bibig niya…
Pumasok ang lalaki na nakasuot ng school uniform at may dalang school bag. Bagong gupit siya at mukhang isang masiglang high school boy.
Ito ba...ang anak niya?
Hindi lang si Zhuang Liaoyuan, maging ang mga kasamahan niya ay nagulat din. Noong huling makita nila siya, mas mahaba pa sa buhok ng babae ang buhok niya at palagi siyang nakasuot ng makukulay na damit na parang disco ball.
Ibang iba ang binata na nasa harap nila mula sa pagkakaalala nila!
"Uncle Zhang, Uncle Ling, Uncle Zheng…" Binati ni Zhuang Rongguang ang mga bisita.
Nakabalik sila sa kanilang mga isip.