Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Kaysa

GIVEN TIME

"Bakit mo ginawa yun?" Mahinahong saad ni Mark kay Nathan. "Bakit? Ano bang pake mo?" maangas na sagot niya kay Mark. "Siraulo ka ba!? Muntikan ng mamatay sila Ella panong mawawalan ako ng pake? Pakipaliwanag nga Nathaniel, bakit?" "Di niyo maiintindihan, wala kayong maiintindihan kase wala naman kayo sa sitwasyon ko! Di niyo alam nararanasan ko!" sigaw ni Nathan pabalik, napatakip ako sa bibig ko at pinigilang wag humikbi, ayoko ng ganto, hindi ko gusto to. "P-panong di namin maiintindihan kung kahit minsan di mo magawang magpaliwanag?" Sabat ni Hannah sa pagitan ng kaniyang mga hikbi. Mahinang tumawa si Nathan at tumingin isa isa samin. "Akala niyo masaya? Sa tuwing sinusubukan kong mag open up sa inyo? Anong nangyayare? Nathan pano yung seryoso? Di ba dyan lagi nauuwi?!" saad niya pa sabay tingin sakin. "Ikaw Aprielle? Nung sinabi mo bang naiinis ka kay Steph ginawa ko bang biro yun?" napaawang ang labi ko sa sinabi niya at nanglalambot na tumingin isa isa sa kanila at saka napadako kay Steph. "Di ba sabi mo? Di mo makayang makita si Steph ng ilang oras dahil naiinis ka sa kaniya? Bakit? Kasi nasa kaniya na lahat? Ikaw Jamaica." Lahat sila ay napatingin kay Jamaica samantalang ako ay napaupo na lng sa upuang katabi ko. "Sinubukan mong lumayo dahil sa nangyari sayo, Akala mo di ko alam? Nanahimik lng ako." saad ni Nath habang matamang nakatingin kay Jam pero umiwas lng si Jam at ngumiti. "Atleast ako di kayo naargabyado, walang napahamak kahit isa sa inyo, mas pinili kong lumayo kaysa mapahamak kayo." unti unti yung harang na tinayo ni Jam para di bumigay, nawala at tuluyan ng tumulo yung mga luha niya. "A- alam niyo magsiuwian na lng muna tayo, magpalamig tayo ng ulo. Tsaka natin to pag usapan." saad ni Ate Quiin at saka umalis. "Bakit? Tatakbo ka ulit? Para ano? Matakasan mo lahat—" "Oo! Para matakasan ko ! Anong problema kung takasan ko? Anong problema? Ayaw kong masira pagkakaibigan nating lahat! Kaya heto sinusubukan kong pigilan!" pati si Ate Quiin ay bumigay na. "Sa ilang beses mong pagpigil na mangyare yung gantong bagay, mas lalong lumala, mas lalong nasira." saad ni Nath sabay tayo at iniwan kaming lahat. Lumapit sakin si Steph at hinawakan ang balikat ko pero umiling lng ako at umalis na din. . . . . . They say break up could shatter your whole life But For me, Watching my friends grow apart with each other already breaks my heart. Friend ship over is more heart breaking than break up. If ever If ever I don't want to know them if ever I'll go back time. . . . . I—no they are part of my life, if ever, If ever I could go back time I will fix everything, everything, every inch of it. . . . . .
Ju_Daeyang93 · 23K Views

Beg for a chance (Tagalog)

She loss her father when she was eight kaya napilitang mangibang bansa ang kaniyang Ina para mabigyan siya ng magandang kinabukasan. Lumaki siya sa pangangalaga ng kaniyang Lolo at Lola. Isang huwarang anak at larawan ng responsableng kabataan si Arianne. Pangarap niyang maging isang pilot kaya nag-aral siya ng kursong BS Aeronautics sa Maynila. Nakapag-asawang muli ang kaniyang Ina at tumira na ito sa UAE kasama ang bago nitong pamilya. Inalok siya ng kaniyang step father na sumama at doon na lamang ipagpatuloy ang pag-aaral pero tumanggi siya. Pinili niyang huwag malayo sa kaniyang Lolo at Lola. Nang nasa ikatlong taon sa kolehiyo ay nakilala niya si Justin, isang mayaman at guwapong binata. Niligawan siya nito at tinanggap naman niya. Minahal niya ng history si Justin to the point na isuko ang sarili sa binata. Si Karina naman ang babaeng gagawin ang lahat mapasakaniya lamang ang lalaking minamahal, nag-aaral din sa paaralang pinapasukan ni Arianne. Siya ang pinili ng Ina ni Justin para sa anak ngunit taliwas ito sa damdamin ng binata. Si Karina na matagal nang nagmamahal kay Justin ngunit kaibigan at nakababatang kapatid lamang ang tingin sa kaniya nito. Hinadlangan niya ang pagmamahalan ni Justin at Arianne sa tulong ng Ina ni Justin. Ipinahiya at tinapakan ang pagkatao ni Arianne sa harap mismo ng kanilang eskwelahan. Kasabay ng puwersahang pagpapadala kay Justin sa Amerika nang hindi man lamang nakakausap si Arianne. Hindi alam ni Arianne na buntis siya nang mga panahong iyon, na-depress siya at naapektuhan rin ang kaniyang pag-aaral kaya pansamantalang tumigil siya. Kinuha siya ng kaniyang Ina sa UAE at doon ipinanganak ang kaniyang sanggol. Doon muling ipinagpatuloy ni Arianne ang kaniyang mga pangarap. Naging ganap na piloto si Arianne sa tulong na rin ng kaniyang Ina at asawa nito. Nagtatrabaho si Arianne sa isang sikat na Airline nang hindi sinasadyang maging pasahero sa kaniyang flight ang dating nobyo na si Justin kasama ang babaeng buntis. Muli ay gustong bumalik ni Justin sa buhay ni Arianne dahil nalaman nitong single at malaya pa ang dalaga. Galit at pagkamuhi na lamang ang nararamdaman ni Arianne kay Justin lalo na at kitang kita ng dalawa niyang mata ang pagiging sweet nito sa babaeng kasama pero may gana pa itong humingi ng isa pang pagkakataon para sa kanila. Muli siyang niligawan at sinuyo ni Justin lalo na nang malamang siya ang ama ng anak ni Arianne. Hindi siya tumigil kahit na nagbanta ang kaniyang mga magulang na aalisan siya ng mana kapag pinili niya si Arianne over Karina. Naging bingo si Justin sa dikta ng magulang. Ipinaglaban niya si Arianne. Muli namang nasagi at nagising ni Justin ang natutulog lamang na damdamin ni Arianne para sa kaniya nang malaman nitong mas pinili siya ni Justin kaysa sa ano mang mamanahin nito mula sa mga magulang. Binigyan niya ito ng isa pang pagkakataon. Hindi naglaon ay nagpakasal sila. Natunaw naman ang mala-batong puso ng mga magulang ni Justin lalo na ang kaniyang Ina nang makilala nito ang sariling Apo mula kay Arianne. Napagtanto nito na hindi matatawaran ng ano mang halaga ang kaligayahan ng anak na si Justin. Natutunan din niyang tanggapin at ipagmalaki ang manugang na si Arianne sa bandang huli.
88JoyCee · 9.7K Views

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!
Chixemo · 1.4M Views

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.
jilib480 · 47.6K Views

March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story)

Synopsis/Introduction: Paano kung isang araw, paggising mo, wala na ang taong pinakamamamahal mo? Oo, alam ko. Masakit, at mas gugustuhin mo pang mawala nalang din kaysa mabuhay nang hindi siya kasama. Pero, paano kung mayroong paraan? Paano kung may paraan para baguhin ang nakatadhana? Handa ka bang harapin at isugal ang buhay mo para sa buhay ng taong pinakamamahal mo? Ito ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin na nakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay — si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala nang ibang ninais si Jin kundi ang makabalik sa oras at panahon upang mailigtas niya si Chris mula sa hindi nito inaasahang pagkasawi. Gamit ang isang time machine, isang proyekto ng company na siyang pinagtatrabahuhan ni Jin, naniniwala siya na sa wakas, may sagot na sa kanyang mission na mailigtas si Chris sa pangalawang pagkakataon. 6 years ang itinagal bago natapos ang time machine. Tumanda na rin ang itsura ni Jin. Ngayon, 27 years old na siya. Sa araw na ito, naka-set na ang lahat at handa na siyang bumalik muli sa March 21, 2021 upang iligtas si Chris, at makabalik sa kasalukuyang buhay niya kapiling ang buhay na Chris. Nagsimula na ang pagpapaandar sa time machine. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon, nabago ang pagkakaset ng oras nito. Imbis na mapunta si Jin sa tamang panahon at oras, ay napunta siya sa maling timeline. Dinala siya ng kanyang time machine sa March 21, 2020, isang taon bago nangyari ang insidente. Dahil maling oras ang kanyang napuntahan, nais niyang i-set ulit ang time machine sa March 21, 2021, ngunit may isang malaking problema at ito ang hindi napaghandaan ni Jin. Hindi siya makakaalis dahil wala pa ang time machine sa panahon na ito. Ang buong akala ni Jin ay kasama niya ang time machine kahit saan mang oras niya nais pumunta. Makakaalis lamang siya sa oras na mabuo muli ang time machine. Napagpasyahan niya na lamang na manatili at maghintay, hanggang sa dumating ang oras na kanyang ikinatatakot. Naisip niya, dahil mas matanda na siya kay Chris sa mga panahong ito, hindi siya pwedeng makilala nito o ng kahit sino pa man. Kung magkataon, may malaking epekto ito sa kasalukuyan. Maaari ring may mangyaring hindi maganda sa kanya, at tuluyan na siyang hindi na makabalik sa tunay niyang oras. At dahil mananatili siya sa taong 2020, hindi maiiwasang magtagpo silang dalawa ng batang Jin sa taong 2020. Aaminin niya sa batang Jin na siya ito mula sa hinaharap upang tulungan siya, ngunit hindi niya rin maaaring sabihin ang lahat ng mangyayari upang protektahan ang kanyang sarili. Magpapanggap silang dalawa bilang magkapatid, at magtatago siya bilang si Jon, ang nakatatandang kapatid ng batang Jin. Sa isang taon na kanyang ilalagi, marami siyang bagay na matutuklasan sa pagkamatay ni Chris na hindi niya inaasahan.
Gonz0 · 113.3K Views

Love me, My Prince

[This Novel is strictly R18+, with VIOLENCE and SEXUAL Content] ....... He is the Prince of DARK LORDS. Soon to be the Master of all Masters. Nagtraining siya para maging isang mahusay na pinuno at para malagpasan ang narating ng magulang niya. She is the Warrior Princess She secretly loves Cally since she was fourteen. She will do everything to make this Prince fall for her kahit pa ang magtakong at magbestida na hindi niya nakasanayan. ....... "Honey, ano ang gusto mong gawin? Bakit walang tubig itong niluluto mong spaghetti?" tanong ni Cally isang hapon nang mabungaran niya na makapal ang usok sa kusina. "huh? Nilalagyan ng tubig ang pagluto ng spaghetti?" tanong ni Prin kasabay ng mga pag-ubo. "Baka hindi mo rin alam na nilalagyan din ng tubig ang sinaing?" Gulat na gulat ito. "Nilalagyan din ng tubig ang pagluto ng kanin?!" Nasapo ni Cally ang noo niya. "Honey, sa tingin ko ay mas papayagan pa kita na sumama sa misyon kaysa ang sunugin mo ang bahay natin" "It's not my fault! They are normally dry! Ang alam kong may tubig ay ang sinigang." Cally "...." GENRE : Action, Romance Photo credit to the rightful owner. edit by myself ............. LMMP consists of Three stories/books inside: 1.The Dark Guards and the Prince 2. Voyage Memories 3. The Return of the Princess Other novels: Si Makisig at Si Maganda [COMPLETED] My First Love is a Problem Boy [COMPLETED] At the end of the rainbow [COMPLETED] WORKPLACE ROMANTIC [COMPLETED] My First Love is a Genius Girl [on going] ............. (You can reach me to) instagram : Feibulous_wn Fb: Feibulous (same DP as my Webnovel and instagram) Email : Ms.Feibulous@gmail.com ......... Update : daily Enjoy your reading time
Feibulous · 2.2M Views

HWANGJE-UI IYAGI

Ayon sa Babaylan (Lady Kun Yang) magsisilang ang imperatris ng dalawang sanggol na lalaki isa'y mahina at ang isa'y malakas. Ang kambal ay parang Yin at Yang magkawangis ngunit magkaiba. Ngumiti ang imperador nang marinig na kambal ang isisilang ngunit sumagot ang babaylan di di pa dyan nagtatapos ang yong kalbaryo. Tanong nang imperador ano ang yong tinutukoy babaylan? Taon matapos po kayong mamatay ay mamamatay rin ang isa nyong anak. Mayroong solusyon ba para di matupad ang nakatadna? Wala, walang itinugon. Makalipas ang ilang minuto... Paalam na po kamahalan! (Bow sabay alis) Di lingid sa kaalaman ng hari ay mayroon pang nakaaalam ng kalagayan nya at iyon ay si Yunuko Gen Dal Chi. Nang makasilang na ang reyna pinanumpa ng imperador ang mga naroon na,huwag sabihin na nakaanak na ang reyna at kung ilan ang isinilang at kung sinumang lumabag dito ay mamatay maging buong angkan; gayon nga ang naganap. Nang makaalis na... Pumasok si Yunuko Gen Dal Chi, at sinabi ang kanyang nalalaman. Sinabi nya sa imperador na handa nyang ibuwis buhay nya para lang sa prinsipeng kanyang aalagaan dahil nga naring nya ang sinabi ng babaylan. Kamahalan baka maaaring maiwasan ito kung paghihiwalayin natin ang kambal. Sumangayon naman ang imperatris at imperador bagamat maykurot sa kanilang dibdib kaysa mamatay ang isa. Ang pangalang ibinigay sa kanya ng imperador ay Hwangje ngunit pinalitan ito ng yunuko ng Saeng Chul. Dinala nya ito sa kanila at inalagaan ng magasawa nang buong buhay hanggang sa magbinata. Hanggang isang araw...
1YEOJA1BABAE2GIRL3 · 67.8K Views

Enchantress Amongst All Alchemist Ghost Kings Wife (Tagalog)

Paglalarawan Si Mu Ru Yue, ay isang kahalili sa kanyang nakapagpapagaling aristokratikong pamilya sa Hua Xia. Matapos pinatay ng kanyang kalaban, muling nabuhay siya sa katawan ng isang kamakailan lamang na namatay na walang kabuluhan na Miss sa Mu Family ng Martial God Continent, na binugbog hanggang sa kamatayan. Sa silid ng trono, nakangiting tumanggap siya ng paunawa sa kasal upang magkaroon ng pagbabago sa pag-aasawa upang ikasal ang isang kamangmangan na Ghost King mula sa Kaharian ng Zi Yue. Kilalang-kilala na ang Ghost King ay tanga at tanga, na may hitsura ng multo. Ngunit sino ang nakakaalam na siya talaga ang pinaka-dalawang mukha na tao? Nagtawanan ang lahat, na iniisip na ang isang magandang-para-walang-akma ay tugma sa isang tanga, ngunit hindi sa kanilang mga ligaw na pangarap ay itinuring din nila na siya ay isang tunay na henyo sa paggawa. Nang tiningnan ni Mu Ru Yue ang lalaki, na may guwapong hitsura ng Diyos, sinabi niya, na kumakutot sa kanyang mga ngipin, "Ye Wu Chen, nagsinungaling ka sa akin. Paano ka ba tanga? "Nakangisi ang Hari ng Ghost habang mahal niya itong niyakap. "Sa tabi mo, handa akong maging tanga na malaya mong mai-order." Buod ni Miki Ang dating may-ari ng katawan ni Mu Ru Yue ay nalason. Dahil dito, ang kanyang mga meridiano ay naharang, na humadlang sa kanyang paglilinang, na kalaunan ay humantong sa kanya na kilala bilang basurahan. Matapos mabugbog hanggang sa kamatayan, si Mu Ru Yue, na orihinal na naging kahalili sa isang nakapagpapagaling aristokratikong pamilya sa Hua Xia, ay muling nagkatawang-tao sa kanyang bagong katawan. Gusto nilang i-seal ang aking landas? Sasanayin ako upang maabot ang rurok ng mga lupain! Binigyan nila ako ng isang hangal na prinsipe bilang aking asawa? Maaari kong gawin sa kanya. Mas madali para sa akin na makitungo sa kanya, kaysa sa ibang mga kandidato na ibabato sa akin sa hinaharap. Sinisikap kong maging sapat na makapangyarihan na walang sinumang magagalit o papatayin ako.
Gina_Reyes · 141.4K Views

More than a Friend

SYNOPSIS Si Harrysen Bautista ay isang dating nerdy guy, na masyadong study hard palagi at advance kung mag-isip hanggang sa makilala niya si Mandyzon McBride na akala niya ay pinsan lang ng kanyang kanyang matalik na kaibigan mula bata na si Kriston McBride dahil masyadong magkalayo ang katangian ng dalawa, mula sa panlabas na anyo at ugali ng dalawa. Naging mas matalik na magkaibigan sina Harry at si Mandy kaysa kay Kriston hanggang sa hindi na lang niya namalayan na nahuhulog na pala siya kay Mandy. At isang araw sumubok siyang umamin na, kay Mandy kahit alam niyang kaibigan niya si Mandy na baka mafriend-zone lang siya nito na iyon nga ang nangyari dahil may mahal itong iba. At ng pagkatapos ngang umamin ni Harry kay Mandy na may pagtingin siya rito ay lumipas ang mga araw at taon na hindi sila nagkikibuan. Hanggang sa magdesisyon na siyang magbago ng anyo ng pangangatawan at iba pang stilo niya. Pati na rin ang baguhin ang nararamdaman para kay Mandy, ngunit hindi pala niya kayang limutin ang nararamdaman para sa dalaga. Ano kaya ang gagawin niya kapag mahalata niyang may gusto si Mandy sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ang dalaga? Paano siya makakamove kung sa puso niya ay alam niyang hindi pa niya limot ang nararamdan niya para kay Mandy? Paano kung umamin sa kanya si Mandy na may gusto ito sa kanya, ngunit alam niyang may kasintahan ito. Anong gagawin niya kung alam niyang may nagmamay- ari na rito? Paano niya haharapin ang sitwasyong ito kung alam niyang maaaring talo na siya. Guguluhin pa ba niya ang magkasintahan o maghahanap na lamang siya ng mas nararapat sa kanya? Hahayaan ba niyang makasira siya ng relasyon o magmomove na lamang siya? O ipaglalaban niya na lang ang nararamdaman para sa kaibigang dalaga?
darkranger143 · 17.5K Views

Behind the scene of 1940's (Filipino/Tagalog)

Hong Kong 1940 December Sa kalagitnaan ng tumitinding pangalawang digmaang pandaig ay wala paring tigil ang paroon at parito ng mga tao. Tulad na lamang ng magkapatid na sina Celio at Celia na kasalukuyang sakay ng naglalayag na pampasahirong barko mula Japan patungong Hong Kong. Maraming sakay ang barko na karamihan ay mga sino (Chinese), may mangilan-ngilang kanluranin din. Malaki ang kainan sa loob ng barko na halos puno na rin sa tanghaling iyon. Sa isang sulok na mesa ay makikita doon na nakapalibot ang limang ginoo na pangkanluranin ang kasootan. Dalawa sa mga ginoong iyon may mala mais na buhok, mapuputing balat at namamaga pa ang pisngi dahil sa lamig ng panahon kagaya ng isa pa na ang ipinagkaiba lang ay ang itim na buhok. Ang dalawang pang ginoo naman ay parihong may itim at kulot na buhok, maputi din ang mga ito marahil ay dahil sa matagal na pamamalagi sa kanlurang lupain, hindi nga lang tulad sa tatlo kanina na halata ang lahing kastila at amerikano. Masaya silang kumakain na animoy walang kagulohang nagaganap. May kung anu-anong pinag-uusapan na minsan ay nagkakatawanan pa. Marahil ay nakasanayan na lamang nila ang putukan, bumbahan at iyakan dahil sila ang mga sanggol na isinilang sa magulong panahon. At ngayon sa panahon ng kanilang tagsibol ay papaano nila gagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? "Nakakahiya mang aminin ngunit sasabihin ko parin." Wika ng isa na may mala mais na buhok na nagngangalang Alfredo Diaz. "Sa iyong kaanyuan ngayon ay mukhang higit ka pa yatang mas magandang lalake kaysa sa amin ginoong Celia." Sumang-ayon naman ang tatlo habang patuloy ang masayang kaninan. "Ang pangit kasi, mas pagkakamalan pa akong babae kaysa sa kanya eh." Pagbibiro naman ng kapatid ni Celia na si Celio at napahalakhak ang mga kasama nilang mukhang mga kanluranin ngunit sa pilipinas isinilang at may lahing malaya. "Nagsalita ang sampid." Banat naman ni Celia na kasalukuyang nakaayos ng panglalake dahil napagkatuwaan lamang nito. "Ako sampid? Kala pala ang gwapo ko." Sinabayan pa iyon ni Celio ng malakas na tawa pati narin ng mga kasama nila kaya naman ay nagtinginan sa kanila ang iba pang naroon na kumakain din. Nagkasabay naman na siminyas ng katahimikan sina Manuel Revera na may mala mais ding buhok at Robert Taylor na siyang nag-iisa sa kanilang may lahing kano. "Bukas ng umaga ay dadaong na ang barkong ito sa hongkong, may pupuntahan pa kaming tatlo kaya baka hindi na kami makasabay sa inyong magkapatid pauwi." Seryosong pahayag ni Robert. Natigilan naman si Celia dahil ibig sabihin niyan ay hindi na niya makikita ang matagal na niyang hinahangaan (daw) na walang iba kundi ang makisig na si Robert. Ano bang pwedi niyang gawin? Nais niya pang makasama ito ng matagal. At hindi niya pa nakukuha ang kailangan niya dito. "Nako tamang-tama lamang iyon dahil nais din namin ng kapatid ko na mamasyal muna sa hongkong." Pagdadahilan ni Celia na sasalungatin sana ng nakababatang kapatid na nasa tabi niya, mabuti na lamang at tumingin muna ito sa kanya, at sa tinginan ng magkapatid ay nagkaintindihan sila. "Wala kaming kakilala dito sa Hong Kong, baka pweding sumama narin kami sa inyo?" Nagkatingin ang tatlo, halata sa mga mukha ng mga ito ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Celia. "Ah kasi..." Hindi naman alam ni Alfredo kung ano ang dapat sabihin. "Kung hahayaan mong sumali si Celio sa amin ay pwedi namin kayong isama." Si Robert ang nagsalita. "We're not going there just for fun." "I can't let him join that secret org of you people." Pagtanggi naman ni Celia. "Bakit hindi nalang kaya ako ang pasalihin niyo?" Natawa ang mga ginoo sa winikang iyon ni Celia. "Ayaw mong pasalihin si Celio pero gusto mong isali ang iyong sarili?" Pagpapalinaw ni Manuel kay Celia.
Sept_28 · 34.5K Views

Single Dad by Author Bhelle

Alice Singson, panganay sa anim na magkakapatid at tumatayong pangalawang ina dahil sa lasinggera at sabungerong nitong mga magulang. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil mas pinili niyang magtrabaho na lang upang mapag-aral ang iba niyang kapatid. At dahil na rin sa kagipitan ay kung anu-anong trabaho na lang ang kaniyang pinapasok. Ngunit dahil sa taglay niyang kagandahan ay palagi siyang napagseselosan ng mga among babae, kaya mas pinipili na lang niyang magresign at muling maghanap ng raket upang sa ganoon ay masuportahan pa rin niya ang mga pangangailangan nila sa kanilang bahay. Nag-apply siya bilang taga-alaga ng isang bata, ngunit may kakaibang ugali ang kaniyang among sobrang sungit at higpit. Kinly Sy Roger, isang business man at anak ng yumaong Don Miguel Roger at Cynthia Sy Roger. Mag-isang tumataguyod sa kaniyang nag-iisang anak, dahil sa pangangaliwa ng Ex-wife niyang si Angela Domingo ay hindi na siya muling nagmahal. Itinuon na lang niya ang buhay niya sa pagtatrabaho at sa anak niyang si Kenny. Ang three years old kid na napakatalino at bibo niyang anak. Isang taon pa lang noon si Kenny ng mahuli niyang may ibang lalaki si Angela. Kaya simula ng araw na iyon ay pinalayas na niya ito sa bahay at ginamit niya ang pera niya upang mapunta sa kaniya ang costudy ng bata. Dahil sa pera ay nagagawa ni Kinly ang lahat ng naisin niya sa buhay, isa lang ang hindi niya kayang gawin sa ngayon. Iyon ay ang muling magtiwala at magpapasok ulit ng bagong babae sa buhay niya. Mapipigilan ba ang pusong magmahal ulit kung nakatagpo na naman ito ng taong muling magpapatibok non? O pipilitin na lang balewalain ang nararamdaman kaysa masaktan ulit?
Author_Bhelle · 5.5K Views

The Gangsters are Secret Agents?! || Tagalog (On-Going)

"King!" sigaw ko matapos niyang iharang ang kanyang sarili sa balang tatama dapat sa akin, agad ko siyang hinila at nagtago kami sa likod ng kotse. "King! Wag kang pipikit okay?! Stay with me please!" pagmamakaawa ko sa kanya, apat na bala ang naputok sa kaniya, dalawa sa braso at dalawa sa magkabilaang hita. Sa hitsura niya ngayon ay hindi ko alam kung aabot pa siya. Hinubad ko ang longsleeve kong damit at agad hinati sa apat, ayos lang na wala akong pang-itaas, naka sports bra naman kasi ako, mas mahalaga ang buhay ni Dwayne kaysa sa damit ko. Matapos kong mahati ang tela ay agad ko itong itinali ng mahigpit sa kanyang braso at hita na natamaan ng bala. Kinuha ko muli ang baril ko at nagsimulang barilin ang ba pang kalaban. Agad kong pinindot ang earpiece ko pagkatapos. "Are you guys okay?" pangangamusta ko sa mga kaibigan ko. "Agent Dawn! Anong nangyari? I saw that you were about to get shot! Hindi agad kita nabalaan dahil maraming nagsulputan sa likod ko!" hinihingal na pahayag ni Romina. "It's okay Agent Reese, I'm fine, but King is here and was shot four times, he risked his life for me" sabi ko rito, narinig ko naman ang pagsinghap mga kaibigan ko. Pati sila ay hindi makapaniwala na nandito ang gang ni Dwayne, hindi na sila nakasagot pa dahil alam kong abala sila sa pakikipaglaban. "Agent Trevor, Agent Trevor are you there?" tanong ko sa earpiece ko na nakakonekta sa buong Agents na kasama ko. "Yes, Agent Dawn I'm here" sagot nito. "I need reinforcements right now here at the basement! Send it ASAP! I need a group to cover me and a medical!" sigaw ko rito, dahil baka hindi niya ako marinig dahil sa putukan ng baril. "Copy Agent Dawn" Mga ilang minuto ang lumipas ay dumating na rin ang pinapadala ko, agad ko namang sinenyasan ang isa sa mga medical team na pumunta sa kinaroroonan ko. Nakita naman nila kami at agad na pinuntahan. "King, stay with me okay? Please stay with me, anjan na ang medical team, maaalis na rin ang bala jan sa katawan mo okay?" pagkausap ko dito habang tinatapik-tapik upang hindi siya tuluyang makatulog. "Uno" pagtawag pansin nito sa akin, tiningnan ko namang siya ng nagtatanong, hindi ko namalayan na nag-uunahan na ang mga luha ko sa paglabas. This is not me, I never cried. "Always remember that I love you okay? No matter what" sabi nito kaya agad naman akong tumango ng paulit-ulit. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang lakas niya ng bigla niyang hinila ang batok ko at mapusok na hinalikan, I responded with his kisses, after all hindi ko alam kung makikita ko pa ang taong pinakamamahal ko. Naputol ang aming ginagawa ng dumating na ang medical team sa kinaroroonan namin at binuhat na si Dwayne papunta sa van kung saan siya gagamutin. Now, it's my time to collect some debts. Agad kong pinalitan ang magazine ng baril ko na paubos na at humarap sa mga kalaban They will pay for what they did to you Dwayne, ipaghihiganti kita.
softiecloudsie · 5.1K Views

FOREVER WITH YOU (WITH YOU SERIES #1)

LOVE IS UNPREDICTABLE... Wala ni sinuman ang nakakaalam kung kailan ang tamang pagmamahal.. Dahil kung may nakakaalam nito siguro wala nang nasasaktan. Wala nang nabibigo ng dahil sa pag ibig na yan. Maraming ibig sabihin ng pagmamahal... may pagmamahal sa magulang, sa kaibigan, sa kakilala at sa iba pa. Pero alam mo ang pinakamasakit na pagmamahal? Yung pagmamahal na hindi mo inakala. UNEXPECTED, yun ang kadalasang tinatawag nila. Loving a person in a shorter time is not a Love, because Love takes time. But why everyone so easy to fall inlove? Napakadali nilang magkagusto sa isang tao... At madali rin silang masaktan. And that's how a Heartbreak begins... Paano kung kaya nagkagusto ka sa kaniya dahil pamilyar siya? Pamilyar ang mukha niya pati rin ang nararamdaman mo sa kaniya. Is it true that the mind, but not the heart, can forget? Kasi kung totoo iyon , siguro isa siya sa taong ganon... Nagmahal sa pangalawang pagkakataon ngunit sa iisang tao lang naman. And that's how my story goes... How does falling in love with my first love again help me remember my past? But that isn't the end of my tale... I must confront the challenges, the consequences, and the truth. But what if it causes another heartbreak? Is it possible for me to win this game? Or should he be surrendered? Kasi una palang iba na ang perspective ko ng love... para sa akin LOVE IS A CHOICE ... At ang choice ko, ang huwag nang muling masaktan... Lalong lalo na sa iisang tao lamang. --------------- JESSA TORRES -------------- ISA lang ang pangarap ko at yun ay mahanap ang babaeng pinaka mamahal ko... Siya ang pangarap ko... Siya ang kaligayahan ko... Kaya nung nawala siya parang nawala na din ako... Nakalimutan ko kung paano mabuhay... Yes, I'm alive but not living... Naging Robot ako sa nakalipas na 5 taon... Pero nagbago yun... Nang makilala ko siya... Siya na kamukha ng aking sinisinta... Doon ko napatunayan na tunay na mapagbiro ang tadhana... Dahil nung saan handa na akong kalimutan siya bigla kang dumating para ibalik ang aking pag asa... Totoo, iniisip kong sana ikaw na lang siya... Hindi dahil pareho kayo ng mukha... Kundi dahil... pinatibok mo muli ang puso ko... At dahil sa takot kong lokohin siya... kinalimutan ko ang nararamdaman ko sa'yo... kinalimutan ko na sa kakaunting panahon... pinasaya mo ako... binigyan mo ng kulay ang mundo ko... Tama ba ang desisyon ko? Tama ba na gamitin kita para kalimutan siya? Alam kong pagiging selfish ito kung tawagan pero yun kasi ang meaning ng love sa akin... LOVE is being selfish. I want to be selfish just for the first time... Gusto kong maging makasarili para maging akin ka... Pero huli na ng ma-realize ko... Dahil kung saan wala kana... Doon ko na realize kung gaano ka kahalaga... Aaminin ko..mas minahal kita sa kaniya... Mas ginusto kong mahalin ka... Mas ginusto kong pahalagahan ka... At dahil sa 'yo nabago ang paniniwala ko Nabago ang paniniwala ko sa pag ibig... Mas inuna ko ang nararamdaman mo kaysa sa nararamdaman ko... Doon ko na-realize na LOVE is not selfish, because love knows how to sacrifice... At yun ang ginawa ko... Pinalaya kita sa kung anong gusto mo! Kakayanin ko kaya to? Kakayanin ko kayang wala ka sa tabi ko? Sana kaya ko! ________BENJAMIN REYES________
Miss_EITZZY · 3.6K Views
Related Topics
More