Chasing The Sun And The Moon
Lunar Rian, isang babaeng inosente at walang muwang sa mundo. Ngunit nang kumidlat ang totoong buhay ay namulat siya, namulat siya na iba ang mundo sa inaakala niya. Hindi niya napag-handaan ang hamon ng buhay kaya natangay ito sa malalim at madilim na parte ng karagatan. Wala siyang maaninag na ilaw, wala siyang mahawakan na kamay. Nalunod siya nang nalunod sa ilalim ng dagat. Walang nakakaalam sa dilim at madugo niyang buhay. Ang batang umiiyak lang ang sugat niya noon, ay siya na mismo ang sumusugat ng kamay niya ngayon.
Pilit niyang hinahabul ang buwan dahil ito nalang ang ilaw niya sa madilim niyang mundo.
Solar Thompson, isang masayahin at makulit na bata. Wala siyang kamalay-malay sa magudong mundo sa labas ng tarangkahan ng bahay nila, dahil ginawa lahat ng Ina niya ang lahat para hindi niya masilayan ang totoong kulay ng mundo. Ngunit nang mamatay ang Ina niya sa maagang edad ni Sol ay walang naka-pigil sa bata na makita ang totoong kulay ng buhay. Nasilayan ni Sol ang mga bagay na hindi niya dapat napapansin dahil murang edad niya. Ngayon na malaki na siya ay tumatak na sa isipan niya kung ano talaga ang buhay. Ang batang malayang tumatawa noon ay nakakulong na sa mga mata ng tao ngayon.
Sinusubukan niyang habulin ang araw dahil ito nalang ang nakikita niyang totoong liwanag.
Dalawang kabataan na pinag-tagpo ng pagkakataon. Isinulat ang kwento nila para mabuo ang hindi inaasahang pag-ibig. Ngunit hindi mawari kung sa tuwa o sa luha matatapos ang lahat.
Chasing The Sun And The Moon
(Loveless Generation Series #1)