Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Keh Doon Tumhe

His Favorite Mistake [Filipino]

“There’s nothing special about you! The only good thing about you is your surname, remove that and you are nobody! Next time, be a worthy opponent.” Madalas silang pinagtatapat ng mga teacher nila since high school. People around them see them as cats and dogs, the North and South, two people with opposite beliefs and opinions on many things. Makita pa lang nila ang isa’t-isa ay siguradong giyera ang magyayari! Erick came from a well-known family of lawyers. People automatically believe they are well off, knowing how well-compensated lawyers are. But not his family. His parents are prominent human rights lawyers, while his siblings are pro bono lawyers helping the marginalized sector with free services. They may not be rich financially, but their family is well respected and loved because of their principle and free services for the poor. Dalia’s a different story. Her parents are business magnates who were running different businesses. Since she was a little kid, her dream is to become a lawyer. Running their company, while giving free legal services to the poor is one of her greatest dreams! Iniidolo niya ang mga magulang ng binata kaya ganoon na lang ang inis niya dito when he is not living up to his surname! But things drastically changed in her life that forced her to change drastically. Years later, Erick became one of the well-known lawyers in the business field. Unlike his parents, tinahak niya ang linya kung saan siya magkakaroon ng madaming pera. While Dalia vanished into oblivion. No one knows what happened to her. Until Erick saw a familiar face on his friend's phone while he was browsing an application he called The Angels’s Book. Without second thoughts, he applied for a membership for a Golden Card that could get him into the Golden Hour. Doon nakita niya ang babaeng pamilyar sa kanya. Iba man ang kulay ng buhok nito at ng kislap ng mga mata nito, he is sure who she is. Pero hindi daw siya nito kilala. Is she the woman Erick’s looking for? Or just another fallen angel in need of a savior?
RomanceNovelist · 2.4K Views

IN JAILED FOR JUSTICE

Siya ay isang famous Prosecutor sa Korean Government mayroon siyang kakambal na nakulong ngunit isang araw nabalitaan nyang patay na ito tanging siya lamang ang kauna-unahang nakaalam dahil kaibigan nya ang pulis na nagdala dito sa Hospital. Sinabi nya dito na huwag nitong ipagsasabi kahit kanino man na patay na ito; nagbakasyon rin sya ng isang taon sa pagiging Prosecutor para matutukan ang pagiimbistiga sa pagkamatay ng kapatid. Tunghayan at subaybayan ang magaganap. Protagonist Lee Wang Yong (tunay na pangalan)/ Lee Wang Yang(kapatid na nakulong, magpapanggap si Lee Wang Yong na si Lee Wang Yang) 28 yrs old. Matalino, Cold but soft hearted, walang babaeng hindi mabibighani sa kanya ngunit nagsusuot lagi ito ng salamin at hindi man lang naglalagay ng m0ake-up, lip tint maging gell para maayos ang buhok. Hilig pa nitong magsuot ng plain white or black shirt, pantalon at rubber shoes noong kabataan at nagaaral pa siya. Pero ngayong hindi na lagi itong nakacontact lenses, nakaamerikana at nakakurbata maging black shoes pag magisa na sya ay mahilig itong magjacket at jogging pant ng ternuhan black or white tuwing umaga nagjojogging rin sya bago sya humarap sa court. [Lee Joon Gi] Lee Wang Yang Gwapo, kilalang lapitin ng chicks, myembro ng Bam Gang in other term Night Gang kinatatakutan sa kalsada. Kung anong ikinatalino ng kapatid sya naman nitong kabaligtaran. Laging nasasangkot sa gulo, ilang beses na ring nakulong dahil sa gulong kinasangkutan at mga riot. Ngunit ito ang pinakamatindi napatay nito ang kanyang coworker na kapwa guardia rin. Pero in reality...sya ang papatayin nito at ang ginawa lang nito ay self defense. Hanggang sa nakulong at misteryosong namatay at ayun ang iimbistigahan ni Wang Yong. [Sunoo- Enhypen] Kang Dalhae Tenant ng bahay na inuupahan ni Wang Yong. Kaso namatay nang maaga dahil sa trahedyang naganap sa Itaewon noong Halloween gayon din ang kapatid nitong si Chaeryung at Chaesang. [Moon Chae Won] Kang Chaeryung kapatid ni Dalhae at gf ni Wang Yang. Nagkakilala sila sa Lotte that time guardia doon ito di pa sya nakukulong that time. [Moon Ga-young] Isang araw nabalita na lamang na pinatay niya ang coworker niya that time si Wang Yong ay nasaPilipinas as a New Ambassador ng Korea sa Pilipinas ukol sa 5 koreanong nambibiktima ng kapwa koreano hinggil sa pyramid scam at prostitution na umakyat na ang kaalaman sa Korea at inatasan itong ibalik sa Korea ang mga naturang koreano para doon na ipakulong. Kaya huli na nang malaman nito at nakakulong na ito. Inapila niya na kung maaaring siya ang humawak sa kaso ng kanyang kapatid ngunit di sya pinayagan. Kang Hana- First love niya si Wang Yong kasi nung bata pa ito ito ang nagalaga dito nagtutor simula grade 4-7 natigil lang nang magaral si Wang Yong ng college at then di na sila nagkita. Anak ng mayari ng Latte Company [IU] Iba pang Taugan... Lee Sangwoo~Abugado ni Lee Wang Yang Lee Dowan~ama ni Wang Yong at Wang Yang Moon Chaegyong~ina nina Wang Yong at Wang Yang. Lee Wang Bi~kapatid na bunso nung dalawa babae sikat na vloger at influencer. Tunghayan natin kung anu-anong scheme ang matutunghayan ni Lee Wang Yong are you ready?!.
2YEOJA1BABAE2GIRL3 · 5.8K Views

Harana, Isaw, Tamang Tiyempo, At Ikaw (Filipino)

Kontento na sa buhay niya si Donna. Meron na siya ng lahat ng pwedeng hilingin ng isang babae. Hindi siya mayaman at sikat pero meron naman siyang masayang pamilya, supportive na mga kaibigan, stable na trabaho at higit sa lahat, love life. Sa katunayan, limang taon na sila ni Jestoni. Nagtatrabaho ang nobyo niya sa Amerika para sa pamilya nito at para raw sa future nila. Mahirap para kay Donna ang malayo rito pero dahil mahal niya si Jestoni at may tiwala siya rito, tiniis niya ang lahat. Pero basta na lang bumaliktad ang mundo niya nang malaman niya mula sa nanay nito na tinatapos na nila ang relasyon nila dahil nagpakasal na ito sa isang Amerikana para makakuha ng green card. Lahat ng pangarap niya para sa kanilang dalawa ay naglaho at ang mga sakripisyo niya ay nabale-wala. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng mundo. Para sandaling makalimot ay dinala siya ng mga pinsan niya sa isang bar upang panoorin ang paboritong banda ng mga ito—ang papasikat pa lamang na Tough Love. Doon ay nakilala niya ang gitarista na gwapo sana pero snob na si Bob Earvin Montelibano. Ang akala ni Donna ay makakalimot nga siya kahit pansamantala lang pero mukhang pinagkakaisahan yata siya ng tadhana. Nang gabi ring iyon, isang lalaking kapangalan ng ex niya ang nag-propose ng kasal sa nobya nito. Sila dapat iyon kung hindi lang siya nito ipinagpalit sa American dream nito! Nilayasan niya ang mga pinsan sa bar at sa hindi inaasahan ay sinundan siya ni Bob Earvin at sinigurong walang mangyayaring masama sa mga tao sa paligid niya—este sa kanya pala. Doon nagsimula ang friendship nila. And then Bob Earvin asked her out. Hindi iyon inaasahan ni Donna. Pumayag siyang makipag-date dito sa susunod na magkita sila. Pero may iba nang plano si Donna. Nang magkita sila ulit, dalawang taon na ang nakalipas at naghilom na ang sugatan niyang puso. Pumunta uli siya sa bar kung saan nagpe-perform ang Tough Love at hindi hamak na mas sikat na ang mga ito ngayon. Ang akala niya ay nakalimutan na siya ni Bob Earvin. Pero nagulat siya nang basta na lang siya nitong halikan. Para raw iyon sa pang-iindyan niya rito dalawang taon na ang nakararaan.
slightstories · 36.6K Views

Beg for a chance (Tagalog)

She loss her father when she was eight kaya napilitang mangibang bansa ang kaniyang Ina para mabigyan siya ng magandang kinabukasan. Lumaki siya sa pangangalaga ng kaniyang Lolo at Lola. Isang huwarang anak at larawan ng responsableng kabataan si Arianne. Pangarap niyang maging isang pilot kaya nag-aral siya ng kursong BS Aeronautics sa Maynila. Nakapag-asawang muli ang kaniyang Ina at tumira na ito sa UAE kasama ang bago nitong pamilya. Inalok siya ng kaniyang step father na sumama at doon na lamang ipagpatuloy ang pag-aaral pero tumanggi siya. Pinili niyang huwag malayo sa kaniyang Lolo at Lola. Nang nasa ikatlong taon sa kolehiyo ay nakilala niya si Justin, isang mayaman at guwapong binata. Niligawan siya nito at tinanggap naman niya. Minahal niya ng history si Justin to the point na isuko ang sarili sa binata. Si Karina naman ang babaeng gagawin ang lahat mapasakaniya lamang ang lalaking minamahal, nag-aaral din sa paaralang pinapasukan ni Arianne. Siya ang pinili ng Ina ni Justin para sa anak ngunit taliwas ito sa damdamin ng binata. Si Karina na matagal nang nagmamahal kay Justin ngunit kaibigan at nakababatang kapatid lamang ang tingin sa kaniya nito. Hinadlangan niya ang pagmamahalan ni Justin at Arianne sa tulong ng Ina ni Justin. Ipinahiya at tinapakan ang pagkatao ni Arianne sa harap mismo ng kanilang eskwelahan. Kasabay ng puwersahang pagpapadala kay Justin sa Amerika nang hindi man lamang nakakausap si Arianne. Hindi alam ni Arianne na buntis siya nang mga panahong iyon, na-depress siya at naapektuhan rin ang kaniyang pag-aaral kaya pansamantalang tumigil siya. Kinuha siya ng kaniyang Ina sa UAE at doon ipinanganak ang kaniyang sanggol. Doon muling ipinagpatuloy ni Arianne ang kaniyang mga pangarap. Naging ganap na piloto si Arianne sa tulong na rin ng kaniyang Ina at asawa nito. Nagtatrabaho si Arianne sa isang sikat na Airline nang hindi sinasadyang maging pasahero sa kaniyang flight ang dating nobyo na si Justin kasama ang babaeng buntis. Muli ay gustong bumalik ni Justin sa buhay ni Arianne dahil nalaman nitong single at malaya pa ang dalaga. Galit at pagkamuhi na lamang ang nararamdaman ni Arianne kay Justin lalo na at kitang kita ng dalawa niyang mata ang pagiging sweet nito sa babaeng kasama pero may gana pa itong humingi ng isa pang pagkakataon para sa kanila. Muli siyang niligawan at sinuyo ni Justin lalo na nang malamang siya ang ama ng anak ni Arianne. Hindi siya tumigil kahit na nagbanta ang kaniyang mga magulang na aalisan siya ng mana kapag pinili niya si Arianne over Karina. Naging bingo si Justin sa dikta ng magulang. Ipinaglaban niya si Arianne. Muli namang nasagi at nagising ni Justin ang natutulog lamang na damdamin ni Arianne para sa kaniya nang malaman nitong mas pinili siya ni Justin kaysa sa ano mang mamanahin nito mula sa mga magulang. Binigyan niya ito ng isa pang pagkakataon. Hindi naglaon ay nagpakasal sila. Natunaw naman ang mala-batong puso ng mga magulang ni Justin lalo na ang kaniyang Ina nang makilala nito ang sariling Apo mula kay Arianne. Napagtanto nito na hindi matatawaran ng ano mang halaga ang kaligayahan ng anak na si Justin. Natutunan din niyang tanggapin at ipagmalaki ang manugang na si Arianne sa bandang huli.
88JoyCee · 9.3K Views

Escape From Reality (Tagalog)

May kanya-kanyang paraan ang bawat tao upang takasan ang mapait na reyalidad ng mundo, may nanunuod ng K-Drama, nagbabasa, natutulog, nagpipinta, naglalaro ng mobile or computer games at iba pang maraming bagay upang maging abala lamang ang isip at makalimot tayo pansamantala sa sakit na ibinabato sa atin ng mundo. Sa kaso ni Caia Ortaleza, pagsusulat ang kanyang naging takbuhan sa mga panahong siya'y lugmok at luhaan, binibigyan siya nito ng panandaliang comfort at kapayapaan. Umani ng mga papuri at pagmamahal ang bawat kuwentong kanyang natatapos mula sa kanyang mga masugid na mambabasa. Ngunit sa kabi-kabilang isipin, problema sa pamilya at sa kanyang nobyo ay mahihirapan na ang dalaga na tapusin ang dalawang kuwentong kasalukuyan niyang isinusulat. Sa kanyang muling pagbaling sa pagsusulat, sa halip na comfort ay frustration na ang kanyang nadarama sa tuwing sinusubukan niyang simulan muling bumuo ng mga salita, hanggang sa nawalan na siya ng pag-asa at ganang ituloy ang kuwento, napagdesisyunan niyang itigil na ang kanyang nasimulan, pati na ang kanyang pangarap. Pero mukhang hindi gano'n kadaling iwanan ang pagsusulat. Dahil misteryosong mailalahad at magpapatuloy ang kuwento ng isa sa mga karakter niya na simula pa lang ng istorya ang mayroon at kanyang naisulat. Ang karakter na pinakapaborito niya sa lahat ng kanyang nilikha... si Rashiel Azul Allegre. Ang nakakaloka pa ay kasabay ng pag-usad ng kuwento ay mapupunta mismo ang dalaga sa loob ng istorya kung nasaan ang binata, doon ay makakaharap at makakasama niya hindi lang si Azul kundi pati na ang iba pang mga karakter na likha gamit lamang ang makulay niyang imahinasyon. Surprisingly, sa pananatili niya roon ay nakakalimot siya sa lungkot at alalahanin patungkol sa totoong mundo. Sumasaya na hindi niya napapansin. Nalilibang ang isipan na hindi namamalayan. Nakahanap ng kaaway, kakampi, kaibigan, pamilya, kapanatagan pati na ang hindi inaasahang pag-usbong at paglago ng kanyang damdamin. But, reality is way too cruel... because, every story has to reach its own end. Dahil sa nagulo ang kanyang naisip na orihinal na plot ng istorya ay hindi na alam ng dalaga kung saan ba tutungo ang kuwento, kahit na siya pa ang nagmamay-ari nito pati na ng mga karakter na nakapaloob dito, maging siya ay walang magawa kahit na anong pilit pa ang gawin niyang kontrolin ang mga bagay at pangyayari. Patuloy sa pag-usad ang istorya, ngunit walang may alam kung lungkot o saya ang dulong nakalaan sa kuwentong kanyang napasukan.
Meowpyyyyy · 12.9K Views

Talunan Nga Ba Ang Prinsesa Ng Huolan?

Si Trisha Herlaz ay isang modelo at magaling na martial artist at cultivator. Ngunit isang araw habang siya ay pararangalan ng "Noble Excellency Award" isang matagal na niyang inaasam-asam na parangal sa martial arts school, hindi inaasahan ang kaguluhang magaganap kung saan dito masasawi si Trisha... Ngunit hiniling niya na sana manatili pa siyang buhay at maenjoy ang buhay... Kaya nang magmulat siya ng mga mata doon niya nalaman na nasa ibang bansa at panahon siya. Napag-aralan niya ang mga sitwasyon at kailangan niyang ipaghiganti ang may-ari ng katawan na gamit niya. Siya na si Cheng Xiaoran, ang nag-iisang prinsesa ng kahariang Huolan di marunong magcultivate ng inner chakra at chi. At may mahinang katawan kaya naaapi ng mga taong may alam sa martial arts! Ngunit napakaarogante, mainipin,at makulit nito... Nagkagusto rin si Xioran sa isang napakagwapong anak ng pamilyang Fei, isang napakagaling na cultivators na pamilya sa kahariang Huolan,dala sa kanya sa kapahamakan sa nakaraan nito. Gusto nitong maghiganti sa lahat ng tao na nanakit sa kanya kasama na ang lalaking pinakamamahal niya. At itama lahat ng pagkakamali... Pero kailangan nya munang mahanap ang "nakatadhana" para sa kanya upang masira ang sumpa... Ngunit ayaw payagan ng hari't reyna si Xiaoran na lumabas ng kastilyo dahil mapanganib daw para sa kanya. Ngunit buo na ang pasya niya... Para makalabas ng kastilyo, kailangan niyang magbalatkayo bilang isang lalaki upang hindi mahalata ng pamilya niya na sumuway sa kanya Habang nasa sitwasyong iyon nakatagpo siya ng bakla na napakakulit at laging lumalapit sa kanya... Magagawa kaya ni Trisha na ngayon ay si Xiaoran na ang kagustuhan ng may-ari ng katawang gamit niya?... Basahin ang mangyayari sa kwento ni Trisha Herlaz na naging si Cheng Xiaoran sa makalumang panahon... Halika tunghayan mo ang bawat mangyayari sa buhay ni Xiaoran. Basahin mo ang kwento niya....
shistineJdLd1 · 11.4K Views

Daver Mclarenz ( Billionaire Series #1 )

"Ang daming lalake d'yan girl. Kung imumulat mo lang yang mga mata mo mas maraming nararapat sa'yo hindi ang tulad lamang ng Gerald na 'yun na kulang sa aruga. Tara sama ka sa'kin, may ipapakilala ako sa'yo." "Sabi ko tulungan mo ako, at hindi ibugaw sa ibang lalake. Kaloka ka." "Alam mo, hindi kasi niya natikman man lang ang kabibe mo girl, kaya iniwan ka niya. Ikaw naman kasi pihikan ka. Pero mabuti na rin 'yun hindi mo ibinigay ang talaba mo." anito habang pinanlalakihan ng mata ang kabibe ko at patawa tawang kumagat muli sa burger nito. Nakakahiya talaga ang bibig ng babae na 'to. Inikutan ko na lamang siya ng mga mata saka kinagatan rin ang burger na hawak ko kanina pa na medyo lumamig na. Gerald Ruchard ang ex ko. Isang itong pure pinoy ngunit nakapangasawa ng kano ang nanay nito kaya pinalitan ang apelyido. Hindi siya gwapo tulad na rin ng sinabi ni Cherry. Hindi siya 'yung tipo na lilingunin mo kapag nakasalubong mo sa daan, sakto lang. Hindi rin naman siya panget, pero okay lang dahil mabait naman siya, sweet at maalaga.....noon. Noong nanliligaw pa lamang siya sa'kin at nitong mga unang buwan namin together. Sinagot ko siya dahil matagal na rin siyang nanliligaw sa'kin almost 2 years din. Nagkakilala kami sa isa sa mga part time jobs ko. Naging kapalagayan ko siya ng loob dahil maboka ito. Magaling magpatawa at madaldal, hindi ka maboboring. Ngunit nito lang nag-iiba na ang ihip ng hangin. Madalas na kaming mag-away. Isa rin sa dahilan ayokong pumayag na may mangyare sa'min kahit matagal na nito iyong ini-uungot sa akin, hindi pa kasi ako handa para ibigay ang talaba ko, ika nga ni Cherry. Tapos lahat ng gagawin namin at mga pupuntahan pinag-aawayan pa namin, hindi kami magkasundo. Ultimo simpleng bagay pinupuna nito na nauuwi pa rin sa away. "Musta pala kayo ni ate Beth? Inaaway ka pa rin?" tanong nito makalipas ang ilang minuto. Hindi lingid sa kaalaman ni Cherry ang pagtatalo at hindi namin pagkakasundo ni nanay Beth. Hindi ko ito tunay na magulang. Ito na ang nakagisnan ko noong ako'y bata pa lamang. Isa itong GRO sa isang club sa subic na mismong pinapasukan din ni Cherry slash Maria Concepcion at gusto nitong doon rin ako magtrabaho. Ngunit tumanggi ako. Doon na nagsimula ang palagi naming pag-aaway ni nanay Beth sa araw araw. I mean pang-aaway sa'kin ni nanay Beth. Ni minsan hindi ko ito sinagot dahil nirerespeto ko ito, humindi lang ko dahil hindi ko talaga kayang magtrabaho sa club. Hindi ko kayang halos hubad na ang katawan ko sa harap ng mga tao lalo na ng mga kalalakihan. Gusto rin kasi akong i-recruit ng baklang may-ari ng club na pinagtatrabahuhan ni nanay Beth at Cherry. Hindi man mala-bundok ang dibdib ko tulad ng kay Cherry may umbok naman iyon at may kurba rin naman ang katawan ko. Maraming part time jobs ang pinapasukan ko para kahit papaano makatulong kay nanay Beth ngunit parang kulang pa iyon dito. Nag-iipon din ako para sa susunod na taon makapasok na ako sa kolehiyo. Gusto kong mag-aral at makatapos dahil si nanay Beth hindi na ako gustong pag-aralin. Kahit tambakan na ako ng maraming part time jobs, okay lang. Kakayanin ko huwag lang ang bagay na iyon. Isa pa rin naman akong babae na nangangarap makahanap ng lalakeng mala prince charming ang datingan ang nakalaan para sa'kin. Oo, sa edad kong bente anyos, naniniwala pa rin ako sa fairy tales at happily ever after. Ngunit nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Ilang kurap pa ang ginawa ko upang mag-adjust ang paningin ko. Nanlalabo iyon ngunit maya maya lamang luminaw rin iyon. Sa nanghihinang katawan pinilit kong bumangon at umupo ngunit mabilis ko rin itinakip ang kumot sa aking katawan dahil kakarampot na damit lamang ang suot ko, kung matatawag ba iyong damit. Napakanipis niyon at sobrang ikli. Mas nagimbal ang buong pagkatao ko ng higitin ko ang kumot ay isang hubad na lalakeng walang saplot na kahit ano sa katawan ang nakita kong nasa tabi ko at mahimbing na natutulog.
QueenJM22 · 9K Views

What a stupid lies

May isang babaeng sa kwentong ito na naging ubod ng sama dahil lamang sa kanyang nakakalungkot at masakit na pinag daanan o karanasan. Ang pangalan nya ay Aruna Mae Smith. Ang family nya ang dahilan kung bakit lahat ng kakilala nya o nakakasama sya ay tingin sakanya ay demonyita or a monster. Her family is the one of the reasons why she became a monster. Ayaw nya sa father nya dahil sa masama nitong ugali at isamapa yung stepmother at stepsister nya na lagi nyang katalakan at kapikunan tuwang mag kikita kita sila sa malaki nilang bahay. Nung mamatay ang mother nya walang ibang ginawa ang dalawa kung ‘di sya inaapi,sinasaktan sya. Kaya naman lumakas ang loob nya ng malaman nya sa kanyang lawyer na lahat ng ari-arian at kayamanan ng mother nya ay mapupunta sakanya. Walang ni isang piso makukuha ang tatay nya. Hindi nya pinaalam sa lahat na sya ang nag mamay-ari ng lahat kadahilanang sa tingin nya isa sa naktira sa bahay nya ang nag papatay sa pinaka mamahal nyang mother. She have plans to investigate her family by her self. Kaya nyang gawin iyon dahil hindi sya yung babaeng inaakala nyong mahina. Nang mainis ang father nya sakanya pinadala sya sa isang creepy na school. Hindi nya alam kung bakit kailangan nya pang lumipat ng ibang school. Nag tataka sya bakit doon sya mag aaral dahil sa dati naman nyang school ayos naman lahat ng grades nya. Sa pag pasok nya sa bago nynag school,may nakilala syang bagong dalawang kaibigan. Makukulit ang dalawang ito at may pasensya sa ugali nya kaya naman hindi nag tagal naging comfortable sya kasama ang mga new friends. Hanggang isang araw na kasalamuha nya na ang hari ng school nyang pinasukan. Isang makisig at nakakaakit na lalaki. Halos lahat ng babae nag kakandarapa para mahalin nya at napansin nya. Pero ibahin mo si Aruna. Wala syang ka inte-interest sa mga lalaki dahil ang priority nya ay ang mahanap kung sino ang pumatay sa nanay nya. Naging enemies nya ang hari ng school nya at ang mga kaibigan nito. Ayaw doon,away dito. Hindi nya namamalayan mahuhulog na sya sa nakakagulong kinikilos ng hari. Ang haring iyon ay ang bumuo ulit sa mundo nyang nasira. Hindi nya inaasahan na mag mamahal sya sa buhay nya at magiging masaya sya sa piling ng mahal nya subalit hindi nya alam na yung lalaking bumuo ng nasira nyang mundo ay sya din parang wawarak nito. Iniisip nya na bakit sa dami ng lalaki sya pa yung minahal nya? Sa dami ng lalaki sila pa ang pinag tagpo ng tadhana. Pinag sisishan nya na minahal ang hari dahil sa tingin nya ay maling minahal nya ang haring iyon. Hindi nya inaasahan na ang hari pala ang mag bibigay sakanya ng totoong sagot na matagal nya nang hinahanap at hinihintay.
Mix_04 · 2.5K Views

WILDFLOWER SERIES:1 Very Irresistible

One thing can describe Farren Sanita Navareth she is ... crazy. In her twenty-nine years of existence to this world no one can ever make her turn on. Kabaliwan ba ang tawag pag niyaya mo ang isang lalaking na makipag sex sayo? O tawag doon tigang? Farren never attracts to her opposite sex, or same sex, she never like someone, she never fantasise someone and she never been inlove to someone. No one can make her heart skip a bit, make it beat fast and make her breathless. Hindi siyang matatawag na tomboy o ano, her friends call her 'alien'. Alien for not being attract to someone even if it once. She was been in relationships, pero hindi iyon nag tatagal, maybe 2 to 3 weeks lamang. Kahit na may mag hubad sa harapan niya, ay wala paring epekto iyon sa kanya. Crazy right? mapapa saad na lang na. Is this a fucking curse? All thing her life was perfectly ready, lupa, bahay, at iba pa. She was ready to be inlove, to cry, and to get fucking married. Her mother was always saying na pag dating ng 30s ng mga babae mahihirapan na silang magka anak, and that's scare her a lot kaya naman ayaw niyang umabot sa puntong iyon. Puwede na naman sana siyang mag asawa, pero wala talagang lalaking nag papatibok ng puso niya at mag bibigay sa kanya ng kakaibang sensasyon. And then, she saw this man, a man can make her heart beats so fast and a man can make her wet under her panties. Wala nang paligoy ligoy, niyaya niya itong makipag sex sa kanya at nang pumayag ito ay laking tuwa niya. Farren believes wedding before sex kaya naman nagawan niya iyon ng paraan. She's desperate as hell kaya naman hindi na niya ito pakaka walan pa. She will make her heart fall for him and she will make his heart fall for her. Mas maganda ng sigurado, bago pa ma agabyado. And that's her greatest motto. WILDFLOWER SERIES: BOOK ONE VERY IRRESISTIBLE
mystertiosgirl · 16.6K Views
Related Topics
More