Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ooku Arikoto

GIVEN TIME

"Bakit mo ginawa yun?" Mahinahong saad ni Mark kay Nathan. "Bakit? Ano bang pake mo?" maangas na sagot niya kay Mark. "Siraulo ka ba!? Muntikan ng mamatay sila Ella panong mawawalan ako ng pake? Pakipaliwanag nga Nathaniel, bakit?" "Di niyo maiintindihan, wala kayong maiintindihan kase wala naman kayo sa sitwasyon ko! Di niyo alam nararanasan ko!" sigaw ni Nathan pabalik, napatakip ako sa bibig ko at pinigilang wag humikbi, ayoko ng ganto, hindi ko gusto to. "P-panong di namin maiintindihan kung kahit minsan di mo magawang magpaliwanag?" Sabat ni Hannah sa pagitan ng kaniyang mga hikbi. Mahinang tumawa si Nathan at tumingin isa isa samin. "Akala niyo masaya? Sa tuwing sinusubukan kong mag open up sa inyo? Anong nangyayare? Nathan pano yung seryoso? Di ba dyan lagi nauuwi?!" saad niya pa sabay tingin sakin. "Ikaw Aprielle? Nung sinabi mo bang naiinis ka kay Steph ginawa ko bang biro yun?" napaawang ang labi ko sa sinabi niya at nanglalambot na tumingin isa isa sa kanila at saka napadako kay Steph. "Di ba sabi mo? Di mo makayang makita si Steph ng ilang oras dahil naiinis ka sa kaniya? Bakit? Kasi nasa kaniya na lahat? Ikaw Jamaica." Lahat sila ay napatingin kay Jamaica samantalang ako ay napaupo na lng sa upuang katabi ko. "Sinubukan mong lumayo dahil sa nangyari sayo, Akala mo di ko alam? Nanahimik lng ako." saad ni Nath habang matamang nakatingin kay Jam pero umiwas lng si Jam at ngumiti. "Atleast ako di kayo naargabyado, walang napahamak kahit isa sa inyo, mas pinili kong lumayo kaysa mapahamak kayo." unti unti yung harang na tinayo ni Jam para di bumigay, nawala at tuluyan ng tumulo yung mga luha niya. "A- alam niyo magsiuwian na lng muna tayo, magpalamig tayo ng ulo. Tsaka natin to pag usapan." saad ni Ate Quiin at saka umalis. "Bakit? Tatakbo ka ulit? Para ano? Matakasan mo lahat—" "Oo! Para matakasan ko ! Anong problema kung takasan ko? Anong problema? Ayaw kong masira pagkakaibigan nating lahat! Kaya heto sinusubukan kong pigilan!" pati si Ate Quiin ay bumigay na. "Sa ilang beses mong pagpigil na mangyare yung gantong bagay, mas lalong lumala, mas lalong nasira." saad ni Nath sabay tayo at iniwan kaming lahat. Lumapit sakin si Steph at hinawakan ang balikat ko pero umiling lng ako at umalis na din. . . . . . They say break up could shatter your whole life But For me, Watching my friends grow apart with each other already breaks my heart. Friend ship over is more heart breaking than break up. If ever If ever I don't want to know them if ever I'll go back time. . . . . I—no they are part of my life, if ever, If ever I could go back time I will fix everything, everything, every inch of it. . . . . .
Ju_Daeyang93 · 22K Views

Daver Mclarenz ( Billionaire Series #1 )

"Ang daming lalake d'yan girl. Kung imumulat mo lang yang mga mata mo mas maraming nararapat sa'yo hindi ang tulad lamang ng Gerald na 'yun na kulang sa aruga. Tara sama ka sa'kin, may ipapakilala ako sa'yo." "Sabi ko tulungan mo ako, at hindi ibugaw sa ibang lalake. Kaloka ka." "Alam mo, hindi kasi niya natikman man lang ang kabibe mo girl, kaya iniwan ka niya. Ikaw naman kasi pihikan ka. Pero mabuti na rin 'yun hindi mo ibinigay ang talaba mo." anito habang pinanlalakihan ng mata ang kabibe ko at patawa tawang kumagat muli sa burger nito. Nakakahiya talaga ang bibig ng babae na 'to. Inikutan ko na lamang siya ng mga mata saka kinagatan rin ang burger na hawak ko kanina pa na medyo lumamig na. Gerald Ruchard ang ex ko. Isang itong pure pinoy ngunit nakapangasawa ng kano ang nanay nito kaya pinalitan ang apelyido. Hindi siya gwapo tulad na rin ng sinabi ni Cherry. Hindi siya 'yung tipo na lilingunin mo kapag nakasalubong mo sa daan, sakto lang. Hindi rin naman siya panget, pero okay lang dahil mabait naman siya, sweet at maalaga.....noon. Noong nanliligaw pa lamang siya sa'kin at nitong mga unang buwan namin together. Sinagot ko siya dahil matagal na rin siyang nanliligaw sa'kin almost 2 years din. Nagkakilala kami sa isa sa mga part time jobs ko. Naging kapalagayan ko siya ng loob dahil maboka ito. Magaling magpatawa at madaldal, hindi ka maboboring. Ngunit nito lang nag-iiba na ang ihip ng hangin. Madalas na kaming mag-away. Isa rin sa dahilan ayokong pumayag na may mangyare sa'min kahit matagal na nito iyong ini-uungot sa akin, hindi pa kasi ako handa para ibigay ang talaba ko, ika nga ni Cherry. Tapos lahat ng gagawin namin at mga pupuntahan pinag-aawayan pa namin, hindi kami magkasundo. Ultimo simpleng bagay pinupuna nito na nauuwi pa rin sa away. "Musta pala kayo ni ate Beth? Inaaway ka pa rin?" tanong nito makalipas ang ilang minuto. Hindi lingid sa kaalaman ni Cherry ang pagtatalo at hindi namin pagkakasundo ni nanay Beth. Hindi ko ito tunay na magulang. Ito na ang nakagisnan ko noong ako'y bata pa lamang. Isa itong GRO sa isang club sa subic na mismong pinapasukan din ni Cherry slash Maria Concepcion at gusto nitong doon rin ako magtrabaho. Ngunit tumanggi ako. Doon na nagsimula ang palagi naming pag-aaway ni nanay Beth sa araw araw. I mean pang-aaway sa'kin ni nanay Beth. Ni minsan hindi ko ito sinagot dahil nirerespeto ko ito, humindi lang ko dahil hindi ko talaga kayang magtrabaho sa club. Hindi ko kayang halos hubad na ang katawan ko sa harap ng mga tao lalo na ng mga kalalakihan. Gusto rin kasi akong i-recruit ng baklang may-ari ng club na pinagtatrabahuhan ni nanay Beth at Cherry. Hindi man mala-bundok ang dibdib ko tulad ng kay Cherry may umbok naman iyon at may kurba rin naman ang katawan ko. Maraming part time jobs ang pinapasukan ko para kahit papaano makatulong kay nanay Beth ngunit parang kulang pa iyon dito. Nag-iipon din ako para sa susunod na taon makapasok na ako sa kolehiyo. Gusto kong mag-aral at makatapos dahil si nanay Beth hindi na ako gustong pag-aralin. Kahit tambakan na ako ng maraming part time jobs, okay lang. Kakayanin ko huwag lang ang bagay na iyon. Isa pa rin naman akong babae na nangangarap makahanap ng lalakeng mala prince charming ang datingan ang nakalaan para sa'kin. Oo, sa edad kong bente anyos, naniniwala pa rin ako sa fairy tales at happily ever after. Ngunit nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Ilang kurap pa ang ginawa ko upang mag-adjust ang paningin ko. Nanlalabo iyon ngunit maya maya lamang luminaw rin iyon. Sa nanghihinang katawan pinilit kong bumangon at umupo ngunit mabilis ko rin itinakip ang kumot sa aking katawan dahil kakarampot na damit lamang ang suot ko, kung matatawag ba iyong damit. Napakanipis niyon at sobrang ikli. Mas nagimbal ang buong pagkatao ko ng higitin ko ang kumot ay isang hubad na lalakeng walang saplot na kahit ano sa katawan ang nakita kong nasa tabi ko at mahimbing na natutulog.
QueenJM22 · 8.7K Views

Dare To Love The Playboy

"ADIK KABA?" malakas na bulyaw ni Mandy sa lalaking half naked na nakatayo ngayon sa harapan niya. Nag pupunas ito ng katawan at halatang kakaligo lang nito. Hindi tuloy maiwasan ni Mandy na madistract sa katawan ng binata na naka bilad ngayon sa harapan niya. "Oo. Adik sayo!" Casual na tugon ni Adam  at may pilyong ngiti sa labi na tumingin sa kaniya. Imbis na kiligin siya sa banat nito ay mas lalo lamang siyang nainis. "Bakit mo sinabi na girlfriend mo ako? May sira ba 'yang ulo mo?" Inis na bulyaw niya at saka sinamaan ng tingin ang binata. Nginisihan lang naman siya ng huli at saka ito nag simulang humakbang papalapit sa kaniya. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan at mapahakbang paatras ng makitang papalapit na sa kinatatayoan niya ang binata. "A-anong g-ginagawa mo?" nauutal na tanong niya dito pero hindi ito sumagot at mas lalo pang lumapit sa kaniya. Napigil niya ang hininga niya ng hapitin ng binata ang bewang niya tsaka inilapit ang mukha nito sa kaniya. "I'm just bored baby, kaya ko sinabi na girlfriend kita. Hindi mo naman kailangan seryusohin 'yon e. Pero kung gusto mo, pwedi natin 'yong gawing official" Malokong saad ng binata. 'This guy is really a player. At gusto niya pa talaga akong isali sa mga collection niya! How dare him!' Untag ng isipan ni Mandy. "Alam mo ms.Nerd! Dapat masaya ka pa nga e. Dahil hindi lahat ng babae e nabibigyan ng chance para maging girlfriend ko at mailista sa playlist ko. Ladies are more than willing to die just to be at your position right now." Pag mamalaki ni Adam na ikinaismid ni Mandy. Kahit gusto niyang kumontra sa sinabi nito ay hindi niya nalang ginawa. Alam naman kasi niya na totoo ang mga sinabi ng binata. Adam King is the most popular heirs of King Empire. Isa din itong sikat na band vocalist at modelo din ito dahilan para lahat na ata ng babae sa mundo e handang gawin ang lahat mapansin lang ng binatang kaharap niya ngayon. Siya lang naman kasi ata ang nag iisang weirdo na hindi tinatablan ng karesma ng lalaking kaharap niya, at 'yon ang ipinagpapasalamat niya ng malaki. Dahil sa inis ay inapakan niya ang paa ni Adam dahilan para mapabitaw ang binata mula sa pag kakahawak sa bewang niya at napadaing sa sakit. Inayos niya ang salamin sa mga mata niya at saka buong tapang na tinignan ang binatang nakatingin din ngayon ng masama sa kaniya. "Alam mo mr.Popular. Huwag mo akong itulad sa mga tangang babae na nag papakabaliw sa'yo! For me, you are just nothing but a piece of shit. Isaksak mo 'yan sa kokote mong walang laman kundi puro kalandian!" Litanya niya dito. Kinunotan naman siya ng noo ng binata. "Really, huh? I doubt that ms.Nerd! Kayang kaya kitang painlabin in just a day!" Ngumisi ulit ang binata at saka binigyan siya ng nakakalokong tingin. "Remember this mr. Adam King. I-will-never-fall-for-a-playboy-like-you! Not even in your most wildest dream!" Tugon niya dito saka ito tinalikuran. 'Great. Now, I'm on that PLAYBOY'S PLAYLIST. This is hella crazy!
Bloodyselem · 10.6K Views

Marie Can't Stop Flirting With The Boys!!

[TAGLISH] [UPDATES: MON-WED-FRI] DISCLAIMER: K-12 was not yet implemented when this story was written. Marie is an ordinary 3rd year high student who's looking forward to her JS Prom next year. She's into designing, so she has decided to design her own gown for the prom. Five boys will change her outlook in life: the best friend, the class president, the delinquent, the musician, and the sports guy. Apart from her studies, friends, and family, how will she handle all these boy-related problems this school year? -- THE BEST FRIEND “Nasprain mo ba yang ankle mo?” Asher frowned at kinuha kaagad yung chips at cola sa akin tapos inassist ako papunta sa couch. Para naman sobrang nabalian ako ng paa nito ah. I pouted my lips as I sat down, “Di ko naman kelangan ng special treatment—“ “Special ka kaya sa akin,” he sat on my left at kinuha yung nasprain kong paa. THE CLASS PRESIDENT Rave raised his hand, “As the president of this class, I will vote Marie Marshall for the position.” I rolled my eyes at him. Ano na naman ba ‘to Rave? “Since you owe me something, maybe being the vice president would suffice,” he added. “I know you’re the president of the Arts Club but if you still need some help, I’m always here to guide you.” THE DELINQUENT Nathan placed his thumb on my lips and rubbed it. He cupped my chin and tilted my head to the side. “Nandito pa rin.” “Ang alin?” inalis ko yung kamay niya. “Yung mark na ginawa ko para sa iyo,” he looked me into my eye. “Ma...mark?” Yung hi..hickey ba yun na ginawa niya nung acquaintance party? “Oo,” he looked down to my lips, my neck, and my blouse. “Para malaman nung iba na may nag-mamay ari na sa iyo.” THE MUSICIAN “Sorry sa nangyari kanina kung bigla na lang kita hinila palabas,” Morgan released my hand. “Baka kasi pagkaguluhan tayo, mahirap na.” “Ah okay lang,” I answered. “Unless...gusto mong pagkaguluhan tayo at maging sikat ka na rin,” he was looking at me. Tumingin ako sa kanya, at parang nagtatanong ang mga mata ko kung bakit. “Syempre, may kasama akong babae. They’ll think we’re dating or...you’re my girlfriend.” THE SPORTS GUY I glared at Flynn, “Kung ayaw mo mag-aral sabihin mo kaagad para hindi nasasayang ang oras kong magturo sa katulad mong tamad.” “Tangina, harsh,” he chuckled and covered his mouth. “Ang ganda mo pag nagagalit ka, ate.” Medyo nag-blush ako dun. Maganda pag nagagalit? Weird. “Alam ko nang maganda ako dati pa.” He grinned widely, “Mas gumaganda ka pag nagagalit ka. Okay na?” -- [BOOK COVER: Credits to the owner of the photo. Edited using Canva] AUTHORS (radbffs/besties): iridescentdream (Amega Furoto) AinaWang (Caring for Mr. Mutant)
radbffs · 31.6K Views

My Billionaire Fiance

Kristy Aguilar POV: Mag isa lang akong naka upo dito sa bench inaantay yung best friend kong si Carla gusto ko kase magpasama sa kanya manood ng laro ni Scott. Si Scott yung lalaking gustong gusto ko since Elementary palang ako ngayon High School na kami pero gusto kopa din siya kung gusto pa nga din ba ang matatawag dito sa nararamdaman ko Wala naman kase akong pag asa doon kay Scott eh baka nga hindi niya ako kilala eh. Tinignan ko yung suot ko hyst malabo talaga na magustuhan at makilala ako ni Scott sa suot koba naman na ito malabong mapansin niya ako eh puro mga sexy na babae nakakasama niya eh ako naka suot lang lagi ng pants at loose shirt then rubber shoes samahan pa ng thick eye glasses ko with braces hyst malabo na talaga nasabi ko nalang sa isip ko at lumingon sa gilid ko Nagulat ako sa nakita ko si Scott naglalakad parang papunta siya sa pwesto ko hala anong gagawin ko nagpapanic na aniya ko sa sarili ko sabay tayo at takbo palabas ng gate bahala na tatawagan ko nalang si carla at dito ko nalang aantayin sa labas Ganito lagi ang nangyayari sa tuwing nakikita ko si Scott malapit saken napapatakbo ako paalis ewan koba kinakabahan kase talaga ako eh Bat kaya ako balak lapitan ni Scott tanong ko nalang sa sarili ko Pero teka bat naman ako lalapitan ni Scott eh hindi naman niya ako kilala baka may ibang lalapitan si Scott iniisip ko kung may iba pabang nakaupo sa bench maliban saken Ay oo tama baka yung babae sa kabilang bench na nakaupo malapit lang saken hyst anubayan kristy ang assuming mo nakakahiya  tapa tampal nalang ako sa noo ko sabay buntong hininga Hay naku matawagan na nga lang si Carla at baka andoon nayun  kinuha ko nalang yung cellphone ko sa bagpack ko at tinawagan si Carla at nang makauwi na kami hindi nalang muna ako manonood ng laro ni Scott ngayon lang naman ako hindi makakanood eh hyst ano ba naman kase yan self eh napabuntong hininga nalang ulit ako. Nang sagutin ni Carla ang tawag ko sabay den nito ang pagdating ng sundo ko "Carla asan kana? Andito ako sa labas ng gate dito nalang kita aantayin " " palabas na ako " sagot nito "sige andito naden si Manong Andoy dalian mo" sagot ko dito at pinutol na yung tawag madalas si Carla sumabay samin pag uwi malapit lang kase yung bahay nila samin dalawang kanto lang ang pagitan bago ang amin kaya sumasabay nalang siya.  Scott Corden POV: " bakit tumakbo yun anubayan sayang naman tong chocolate na dala ko" nasabi ko nalang sa sarili ko at bumuntong hininga habang nakatingin sa babaeng tumatakbo palabas ng gate .
Rayza_Vasquez · 2.9K Views
Related Topics
More