Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Urusai Na

Dumagat: Ang Tagapagmana ng Liwanag

Si Carlo de Luna ay isang 25 taong gulang na lalaking mestizong may dugong Kastila at Cebuano. Siya ay may taas na 5’5” na may matipuno ngunit karaniwang pangangatawan. Tinatawag siyang "Dumagat” dahil siya ay nagmula sa baybaying-dagat ng Zamboanga del Sur. Tuwid ang kanyang buhok, may suot na salamin sa mata na nagpapahiwatig ng kanyang henyo sa agham at matematika, subalit madalas niyang itinatago ang talino sa likod ng isang simpleng imahe—isang tipikal na gangster na nakasuot ng karaniwang damit at may sunglasses para hindi mahalata ang kanyang tunay na kakayahan bilang guro at tagapagtanggol ng bayan. Bilang isang overpowered na tao, si Carlo ay matapang, matalino, masayahin, at may matibay na political will. Mahilig siyang makipagkompetensiya, lalo na sa larangan ng agham at sining ng pakikipaglaban. Sa kabila ng kanyang lakas at talino, may malaking takot siya sa pagkawala ng mga mahal niya sa buhay at ng kanyang bayan—isang kahinaan na nagbibigay lalim sa kanyang pagkatao. Mahilig siyang magbasa, mag-imbento, magsanay sa agimat, at madalas siyang nagkakape at naninigarilyo bilang bahagi ng kanyang araw-araw na gawain. Si Carlo ay nagmula sa Zamboanga del Sur at dumayo sa Bukidnon upang tuparin ang kanyang misyon na lipulin ang mga aswang na sumisira sa katahimikan ng mga tribo. Bago pa man niya natuklasan ang kanyang tunay na kapalaran, ninanais niyang magkaroon ng isang normal na buhay bilang guro at lider ng Quantum Gang — isang samahan na lumalaban sa mga masasamang tao gamit ang pinaghalong makabago at makalumang teknolohiya. Ngunit nagbago ang lahat nang matuklasan niya ang kanyang pagka-Tagapagmana ng Liwanag, isang natatanging tagapagligtas na pinapangalagaan ng mga sinaunang diyos at espiritu. Bilang henyo sa matematika at agham, mahusay siyang lider ng Quantum Gang dahil sa kanyang kasanayan sa Khali at Aikido, at may kakayahan ding magturo ng edukasyon. Ang kanyang mga armas ay mga modernong pluma at papel na ginagamit sa pagsulat at pagbigkas ng mga Latin na orasyon na minana mula sa kanyang lolo na isang Kastilang dalubhasa sa sinaunang mahika. May dalang whip na gawa sa metal na tila pangil ng kidlat ng dragon, na mana naman niya sa kanyang lola na Cebuana. Bukod dito, nagdadala siya ng mga mutya ng hangin, tubig, apoy, at kalikasan, pati na rin mga makabagong gadgets tulad ng cellphone, tablet, at locator na tumutulong sa pagtunton ng mga kampon ng kadiliman. Isang mahiwagang clay pot din ang kanyang gamit sa pagluluto ng mga pildoras para pampalakas at pampagaling ng sugat. Walang kahinaan si Carlo sa tradisyunal na pakahulugan—isang tunay na overpowered na bida. Sa kanyang buhay, malapit siya sa kanyang mga magulang—si Pedro de Luna, isang disiplinadong mandirigma at eksperto sa Kali at Aikido; si Maria Dimapili, isang guro ng panitikan at tagapangalaga ng kultura; at sa kanilang mga ninuno—si Miguel de Luna, ang dalubhasa sa Latin na orasyon na nagsisilbing gabay, at si Clara Dimapili, ang makapangyarihang babaylan na tagapangalaga ng kidlat at kalikasan. Pinagpapalakas siya ng kanilang mga aral at espiritwal na legacy, na nakaugat sa mga diyos ng kidlat gaya ni Magwayen. Bilang asawa ng limang makapangyarihang babae mula sa limang elemental tribes ng Mindanao, pinangangalagaan ni Carlo ang balanse ng kalikasan at kapangyarihan. Kabilang dito si Dayang Laya Binhi, healer mula sa Nature Tribe na may kaalaman sa herbal medicine at bio-spiritual healing; si Alunsina Daligdig, mandirigma ng Fire Tribe na eksperto sa apoy at tribong pakikidigma; si Bulan Sadsad, tank ng Earth Tribe na bihasa sa mountain warfare; si Amihanan “Mia” Salakay, assassin ng Wind Tribe na eksperto sa stealth at aeromancy; at si Ligaya Panubig, marksman ng Water Tribe na may husay sa hydro-pressure ballistics. Pinangungunahan niya ang kanilang limang mentor na pinagsama-sama sa pangunguna ni Datu Kidlat-an, ang tagapamagitan ng mga tribo, upang labanan ang panganib mula kay Datu Silab–Itim, ang Punong Itim ng Kadiliman.
GurongDelfin · 2.4K Views

Mga Liham sa gitna ng Lavender

Taong 2025, sa isang lungsod sa Pilipinas, isang dalagang librarian at working student na si Zerene Villapaña, na may misteryosong amnesya, ay nahatak sa isang mapanganib na mundo ng teknolohiya matapos masangkot sa isang hacking incident sa library. Doon niya nakilala si Copper Cavallo, isang malamig ngunit matapang na CEO-engineer na may koneksyon sa kanyang nakaraan. Hindi nagtagal, nadiskubre ni Zerene na siya’y dating co-creator ng isang makapangyarihang AI system na tinawag na Project Root—isang teknolohiyang may kakayahang manipulahin ang damdamin at paniniwala ng sambayanan gamit ang datos. Dahil sa pagtatangkang ilantad ito noon, binura ang kanyang alaala at itinuring siyang patay. Habang unti-unting bumabalik ang kanyang alaala sa tulong ng mga pahiwatig, panaginip, at likas na abilidad, unti-unti ring lumalalim ang ugnayan nila ni Copper—mula sa tensyon, pagtutulungan, hanggang sa damdaming hindi na maitatanggi. Sa tulong ng grupong Freelinks, nakipaglaban sila sa dating organisasyong si Copper mismo’y naging bahagi noon: ang lihim at mapanganib na tech syndicate na CAM. Sa bawat misyon, pinagsama nila ang lakas ng damdamin at talino para kolektahin ang mga kopya ng Project Root at pigilan ang paggamit nito bilang armas ng gobyerno at militar. Nang mahuli si Zerene at tangkang muling burahin ang kanyang pagkatao, iniligtas siya ni Copper sa isang delikadong operasyon, isinugal ang lahat kahit ang sariling negosyo. Sa huling hakbang, inilantad nila ang Project Root sa buong mundo sa pamamagitan ng global livestream, habang ginamit ang satellite para i-broadcast ang ebidensya. Sa kabila ng isang trahedyang false-flag bombing na pinasimulan ng CAM, nagtagumpay ang grupo—bumagsak ang CAM, ngunit may mga natirang banta. Sa huli, si Copper ay namuno ng isang bagong tech ethics organization, habang si Zerene ay naging global AI ethics consultant. Muling nagtagpo ang kanilang mga puso—hindi na bilang mga taong may kasalanan o lihim, kundi bilang dalawa na muling piniling magmahal sa kabila ng lahat.
Sahmei · 2K Views
Related Topics
More