Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Yugto

Ang Liwanag ng Kadiliman: Isang Paglalakbay sa Pag-ibig at Katapangan

Synopsis: Sa isang malupit na gabi, sinapit ng malagim na pangyayari ang buhay ni Gabriel nang dukutin ng Aswang Queen ang kanyang mga magulang upang gawing alay sa impiyerno. Ang kanyang mundo ay biglang gumuho, at ang kanyang puso ay napuno ng galit at determinasyon na mabawi ang kanyang mga magulang mula sa kamay ng kasamaan. Sa kanyang paglalakbay tungo sa paghahanap ng katarungan, sumama si Gabriel kay Isabella, ang matapang na mamamahayag na may malasakit sa mga inosenteng biktima ng kadiliman. Kasama rin nila sina Mateo, isang siningero na may kakayahang makipag-ugnayan sa mga diwata at mitikong nilalang; Sofia, isang mandirigmang dalubhasa sa Filipino martial arts; at Rafael, isang dalubhasang siyentipiko na may malalim na kaalaman sa mga mitikong nilalang. Sa kanilang paglalakbay, sila ay tinulungan ng mga Diwata ng Kalikasan na maging gabay at proteksyon. Ang mga Diwata ay nagbigay ng liwanag at lakas sa grupo habang sila ay humaharap sa mga panganib at laban sa mga nilalang ng kadiliman. Kasama rin nila ang tikbalang na nagbigay ng lakas at kahusayan sa pakikipaglaban, ang kapre na nagbigay ng impormasyon at gabay sa mga kagubatan, at ang mga engkanto na nagdulot ng tulong at mahika sa mga pangangailangan ng grupo. Sa kanilang paglalakbay, sila ay dumaan sa mga matitinding pagsubok at pakikipaglaban. Sa bawat yugto, sila ay nakaranas ng kapangyarihan mula sa mga diyos at dyosa ng mitolohiya. Ang mga diyos at dyosa ay nagbigay ng mga espesyal na agimat at kapangyarihan kay Gabriel upang matulungan siya sa kanyang misyon na mabawi ang kanyang mga magulang. Ang mga kapangyarihang ito ay nagbigay sa kanya ng lakas, talino, at kahusayan na kailangan niya upang harapin ang Aswang Queen at ang kanyang mga kasamang masasamang nilalang. Sa huli, sa pamamagitan ng kanilang tibay ng loob, tapang, at pagkakaisa, nagawa ng grupo na labanan ang Aswang Queen at ang kanyang mga kasama. Sa isang matinding laban, nagtagumpay sila na mabawi ang mga magulang ni Gabriel mula sa kapangyarihan ng kadiliman. Ang kaligtasan at tagumpay na ito ay nagdulot ng liwanag at pag-asa sa mundo, at nagpatunay na ang kabutihan at katapangan ay laging mananaig sa harap ng kasamaan. Ang kuwentong ito ay isang paglalakbay ng pag-ibig, katapangan, at pagkakaisa. Ipinapakita nito ang mahalagang papel ng mga kaibigan, mga mitikong nilalang, at mga diyos at dyosa sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagtitiwala sa isa't isa, ang grupo ni Gabriel ay nagpatunay na ang pag-asa at tagumpay ay laging maaaring matamo sa kabila ng kadiliman.
DelfinDimlasa93 · 5.3K Views

Godly Gene: Another World

Si Harrie Hernandez ay isang binata na bigla na lamang napadpad ang sarili niya sa kakaibang mundo matapos ang isang hindi inaasahang aksidente na siyang nagdulot sa kaniya upang maglakbay ang consciousness niya sa isang pambihirang mundo. Hindi niya aakalaing ang isang dakilang mambabasa na katulad niya sa paborito niyang piksyun ay totoo palang nag-eexist at nararanasan niya ngayon. Mahilig pa naman siyang tumuklas ng mga kakaibang bagay at pinapangarap niya na maglakbay sa hinaharap. Paano nalang kung ang mga bagay-bagay na malalaman niya ay higit na mas nakakamangha pero nakakapangilabot din at the same time. He is only a 16 years old yet he died in a stupid way. Nadismaya siya noong nalaman niyang ang binabasa niyang paboritong mga libro ay nag-end up badly lalo na kung hindi namatay ang mga bida ng mga magagandang librong nababasa niya ay puro miserableng mga katapusan ang nababasa niya. Kaya nga nang mapadpad siya sa mundong ng Cultivation at nabigyan ng panibagong buhay upang maglakbay, sumuong sa labanan at tumuklas ng mga pambihirang mga bagay-bagay ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na bibigyan niya ng halaga ang kaniyang sarili maging ang natutunan niyang mga bagay noon sa mga binabasa niya ay babaguhin niya. Magiging bida ba siya ng pangalawang buhay niya sa mundo ng Cultivation o magiging talunan siya kagaya ng paboritong librong nababasa niya noon? Halina't tunghayan natin ang panibagong Yugto ng buhay ng binatang si Harrie Hernandez bilang ang bagong nagmamay-ari ng katawan at katauhan ni "Sylvan Darvell", isang 18-years old na binata sa pambihirang paglalakbay na ito. Makakaya niya kayang makipagsabayan sa iba't-ibang uri ng mga kapwa niya martial art cultivators na makakasalamuha niya along with his journey, to change his fate, to be the strongest and not be a total loser in this vast world of Cultivation.
jilib480 · 119.2K Views

WILD WAR: The Battles in Chromoa (Tagalog)

WILD WAR STORY : Series #1 "The Road To Entertainment" PAUNAWA : Ang "THE BATTLES IN CHROMOA" ay ang Una sa Limang Bahagi ng kabuuang Kwento. Naglalaman ng Limang Yugto ang kada Bahagi, kung saan ang bawat Yugto ay binubuo naman ng tig-Tatlong Serye. ____________________ "Walang hindi mapagsasama bilang iisa, ang kaharian na lumalaban ng sama-sama..." Mga kataga ng unang emperador dalawandaang taon na ang nakararaan, layuning nagtagumpay at naitala sa kasaysayan, isang imperyo na naging sagisag ng pagkakaisa sa ilalim ng kalangitan, isang alamat na nakapagbuklod sa lahat ng mga tao, lipi, bayan, kaharian, at siyang nakapagpahinto sa mga digmaan... Lumipas ang mahabang panahon, ang imperyo na noon ay matiwasay, maayos at mayabong ay biglang nagwakas at tuluyang nawasak, nahati sa anim na kaharian, bunga ng pagnanais ng kapangyarihan, nasasakupan, karangalan, paghihigante at karangyaan... Karanasan ang siyang bumubuhat sa atin upang magtagumpay sa bawat landas na ating pinapangarap na marating, layunin ang magpapatibay sa isip at puso na nagbibigay alab upang malampasan ang mga hirap na kahaharapin, mga bagay na magdadala sa atin mula sa nakaraan patungo sa bukas na magbibigay daan sa mas makabuluhang tagpo at yugto ng buhay na sa kasaysayan ay bubuklatin at magbibigay inspirasyon sa mga susunod na henerasyon na darating... Ganito ang armas na ating gagamitin, upang mapaglabanan at mapagtagumpayan ang lahat ng hamon at hirap na magpapabagsak sa atin, ito ang natatangi at maaari nating mapanghawakan upang wakasan ang halos walang katapusan na sa buhay ay tinaguriang MABANGIS NA DIGMAAN (WILD WAR)!
Jefferson_Naga · 12.4K Views
Related Topics
More