Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Sugat Kabanhawan

MASKARA

Tik tak. Tik tak. Tanging tunog ng orasan ang nangingibabaw sa tahimik na bahay—isang tahimik na nakakabingi, na para bang bumabalot sa bawat sulok ng silid. Parang musika ito ng kawalan, ngunit imbes na paginhawahin, lalo lamang nitong pinapalakas ang kabog ng aking dibdib. Tik tak. Parang pinipiga ang aking puso, bawat segundo, bawat saglit, paulit-ulit, na tila pinapaalala ang bigat na matagal ko nang dinadala. Hindi ko na kayang pigilan pa. Kumawala na ang aking mga luha, kasabay ng hiningang tila mabigat na bato sa aking dibdib. Bumagsak ang mga patak na parang ulan sa pisngi kong hindi na sanay ngumiti. Minsan naiisip ko, paano nga ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Ang sakit—nakakapaso, nakakasakal—hindi ito basta lungkot lang, kundi isang matinding kalungkutan na nagpapahina sa aking mga tuhod. Araw-araw, pilit akong bumabangon, pilit tinatawid ang mga oras, pero habang ginagawa ko ito, lalong lumalalim ang sugat. Nasasaktan ako, hindi lamang dahil sa mga nangyari, kundi dahil sa awa ko sa aking sarili. Sino ba namang hindi maaawa kung araw-araw, pinipilit kong ngumiti kahit wala nang natitirang dahilan para sumaya? Ngunit kahit anong mangyari, kahit anong sakit ang idulot nito, isa lang ang sigurado ko: Ikaw at ikaw lamang ang aking mamahalin. Walang makakapalit sa'yo. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng mga gabing binubulabog ng tahimik na pag-iyak, ikaw pa rin ang laman ng puso kong durog na durog na. Hays… Nawa’y dumating ang araw na ang tik tak ng orasan ay maging musika ng pag-asa. Pero sa ngayon, ito muna ang aking mundo—isang tahimik na silid, isang pusong nagdurugo, at isang pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko kayang bitawan.
ariazmo · 2.1K Views

테라 먹튀검증 테라 평생주소 (썬뱃.com 코드 9999)

썬뱃 - 안전한 배팅사이트의 차원을 넘어선 선택 주소 : 썬뱃.com 코드 : 9999 배팅사이트를 선택할 때 가장 중요한 요소는 안전성입니다. 그리고 썬뱃은 안전을 넘어서 최고의 선택지입니다. 우리는 엄격한 보안 시스템과 라이센스를 통해 사용자들에게 안전한 배팅 경험을 제공하고 있습니다. 또한 국내 최대 토토 커뮤니티인 슈어맨과 예치금을 포함한 보증관계에 있습니다. 썬뱃은 유일한 국내외 해외배팅이 가능한 업체로, 해외 AIP를 통해 국내 최고배당을 선사합니다. 이를 통해 우리는 고객들에게 최상의 신뢰성을 보장하며, 국내외에서 다양한 배팅 옵션을 즐길 수 있게 합니다. 우리의 게임과 스포츠 베팅 옵션은 다양성을 자랑합니다. 크로스 배팅도 가능하며, 정식카지노와 다양한 미니게임을 통해 흥미로운 시간을 보낼 수 있습니다. 고객들의 입출금을 우리는 신속하게 처리합니다. 입출금 지연 시 보상제도를 운영하여 사용자들의 불편을 최소화하고, 빠른 입출금 서비스를 통해 편안한 배팅 환경을 제공합니다. 사용자들의 리뷰에서는 우리의 뛰어난 한도와 빠른 환전 서비스에 대한 만족이 높게 평가됩니다. 또한, 해외식 배팅 옵션을 통해 게임 중에도 배팅을 즐길 수 있어 흥미로운 경험을 선사합니다. 썬뱃은 올킬/한폴낙 이벤트등 다양한 10여가지 이상의 이벤트로 사용자들에게 더 많은 혜택을 제공합니다. 우리의 고객센터는 항상 빠르고 친절한 응답을 통해 사용자들의 요구에 신속히 대응합니다. 더 많은 정보와 접속을 원하신다면, 한글 도메인인 썬뱃.com 코드 9999를 참고해주세요. 안전한 배팅사이트의 차원을 넘어선 썬뱃과 함께 하세요!
Sugat_Penaves · 179 Views

Harana, Isaw, Tamang Tiyempo, At Ikaw (Filipino)

Kontento na sa buhay niya si Donna. Meron na siya ng lahat ng pwedeng hilingin ng isang babae. Hindi siya mayaman at sikat pero meron naman siyang masayang pamilya, supportive na mga kaibigan, stable na trabaho at higit sa lahat, love life. Sa katunayan, limang taon na sila ni Jestoni. Nagtatrabaho ang nobyo niya sa Amerika para sa pamilya nito at para raw sa future nila. Mahirap para kay Donna ang malayo rito pero dahil mahal niya si Jestoni at may tiwala siya rito, tiniis niya ang lahat. Pero basta na lang bumaliktad ang mundo niya nang malaman niya mula sa nanay nito na tinatapos na nila ang relasyon nila dahil nagpakasal na ito sa isang Amerikana para makakuha ng green card. Lahat ng pangarap niya para sa kanilang dalawa ay naglaho at ang mga sakripisyo niya ay nabale-wala. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng mundo. Para sandaling makalimot ay dinala siya ng mga pinsan niya sa isang bar upang panoorin ang paboritong banda ng mga ito—ang papasikat pa lamang na Tough Love. Doon ay nakilala niya ang gitarista na gwapo sana pero snob na si Bob Earvin Montelibano. Ang akala ni Donna ay makakalimot nga siya kahit pansamantala lang pero mukhang pinagkakaisahan yata siya ng tadhana. Nang gabi ring iyon, isang lalaking kapangalan ng ex niya ang nag-propose ng kasal sa nobya nito. Sila dapat iyon kung hindi lang siya nito ipinagpalit sa American dream nito! Nilayasan niya ang mga pinsan sa bar at sa hindi inaasahan ay sinundan siya ni Bob Earvin at sinigurong walang mangyayaring masama sa mga tao sa paligid niya—este sa kanya pala. Doon nagsimula ang friendship nila. And then Bob Earvin asked her out. Hindi iyon inaasahan ni Donna. Pumayag siyang makipag-date dito sa susunod na magkita sila. Pero may iba nang plano si Donna. Nang magkita sila ulit, dalawang taon na ang nakalipas at naghilom na ang sugatan niyang puso. Pumunta uli siya sa bar kung saan nagpe-perform ang Tough Love at hindi hamak na mas sikat na ang mga ito ngayon. Ang akala niya ay nakalimutan na siya ni Bob Earvin. Pero nagulat siya nang basta na lang siya nitong halikan. Para raw iyon sa pang-iindyan niya rito dalawang taon na ang nakararaan.
slightstories · 36.6K Views

Until the Day Comes

Wag kang magmahal kung hindi pa handa ang puso mong wasak Wag mo akong paikutin sa matatamis mong paglalambing sa tuwing hinahanap mo ang dating init ng taong iniwan ka’t winasak. Hindi ako isang mighty bond na kaya kang buoin at mas lalo nang hindi ako band-aid para takpan ang sugat na iniwan ng nakaraan. Wag mo akong paasahin sa balang-araw na baka ako ang piliin. Wag mong ibato sakin ang masasakit mong salita na dapat ay sakanya, siyang sinaktan ka’t iniwang wasak at lumuluha. Kahit anong gawin ko, hindi kita kayang buoin kasi hindi ako diyos at hindi ako ikaw. Bago mo ko muling lapitan, Tumingin ka sa salamin at tanungin ang sarili “Handa na ba ko muling magmahal?” Handa ka na bang sumabak muli. Ayusin ang sarili’t pahilumin ang mga sugat at wag iasa na sa muling pag mahal Makakalimutan ang nakalipas at mapupunan ang butas na hinahanap ng puso. Wag kang magmahal kung alam mong wasak na wasak kapa Magmahal ka kapag handa kana Kapag buo kana Kasi kahit anong pag pilit mo Kahit anong pagtangka mo Puso mo ang kalaban Puso mo ang nahihirapan Kaya habang hindi pa huli ang lahat, Wag mo akong mahalin kung ang puso mo Wasak pa rin sa bakas ng kahapon. —- Si Darren ay anak ng isang mayaman na businessman sa Pilipinas. Alam ng lahat kung paano niya ginawa ang lahat makuha lamang ang titolong ipinangako sakanya ng kanyang ama at matapos ng ilang taong pag sasakripisyo at pag pupursige ay nakamit na niya ang kanyang pangarap. Ang maging CEO nang kanilang kompanya at ang maging handa para sa pag buo ng sarili niyang pamilya kasama ang kanyang apat na taong kasintahan na si Jana. Si Jana, isang business marketing specialist na nakilala ni Darren during college at simula noon ay naging mabuti na ang kanilang pagsasama. Para sakanya, as long as masaya ang pamilya niya at ang kanyang nobyo, wala na siyang mahihiling pa. Ngunit sa kalagitnaan ng lahat, makikilala niya ang isa mga taong magiging kakumpetensiya niya sa lahat ng bagay. Si Allyza, ex-girlfriend ni Darren. Umalis sila ng pamilya niya sa Pilipinas nung high school pa lamang sila at hindi niya sinabi kay Darren ang dahilan ng biglaan nilang pag migrate sa US. After ng ilang taon muli siyang babalik ng Pilipinas. ———————————————————————- This is not your ordinary cliche love story. Things are about to get messy and tragic. People will get hurt and some will definitely lose somebody. Thank you again and God Bless you all
IamCess · 56.1K Views

Chasing The Sun And The Moon

Lunar Rian, isang babaeng inosente at walang muwang sa mundo. Ngunit nang kumidlat ang totoong buhay ay namulat siya, namulat siya na iba ang mundo sa inaakala niya. Hindi niya napag-handaan ang hamon ng buhay kaya natangay ito sa malalim at madilim na parte ng karagatan. Wala siyang maaninag na ilaw, wala siyang mahawakan na kamay.  Nalunod siya nang nalunod sa ilalim ng dagat. Walang nakakaalam sa dilim at madugo niyang buhay. Ang batang umiiyak lang ang sugat niya noon, ay siya na mismo ang sumusugat ng kamay niya ngayon. Pilit niyang hinahabul ang buwan dahil ito nalang ang ilaw niya sa madilim niyang mundo. Solar Thompson, isang masayahin at makulit na bata. Wala siyang kamalay-malay sa magudong mundo sa labas ng tarangkahan ng bahay nila, dahil ginawa lahat ng Ina niya ang lahat para hindi niya masilayan ang totoong kulay ng mundo. Ngunit nang mamatay ang Ina niya sa maagang edad ni Sol ay walang naka-pigil sa bata na makita ang totoong kulay ng buhay. Nasilayan ni Sol ang mga bagay na hindi niya dapat napapansin dahil murang edad niya. Ngayon na malaki na siya ay tumatak na sa isipan niya kung ano talaga ang buhay. Ang batang malayang tumatawa noon ay nakakulong na sa mga mata ng tao ngayon. Sinusubukan niyang habulin ang araw dahil ito nalang ang nakikita niyang totoong liwanag. Dalawang kabataan na pinag-tagpo ng pagkakataon. Isinulat ang kwento nila para mabuo ang hindi inaasahang pag-ibig. Ngunit hindi mawari kung sa tuwa o sa luha matatapos ang lahat. Chasing The Sun And The Moon (Loveless Generation Series #1)
blueshfl · 6.8K Views

THE RUN AWAY WIFE

Hindi madaling mabuhay kung ang pakiramdam mo ay nag-iisa ka na lang... Dahil nawala na ang lahat sa'yo at walang naiwan. Kun'di mga sugat sa iyong puso... Ngunit ito rin ang naging dahilan para maging matatag ka at matapang. Upang hindi ka na nila muli pang masaktan. =GIVENEA ALCANTARA= ______ Bakit kahit may kasama ka ang pakiramdam mo nag-iisa ka pa rin? At kahit anong gawin mo hindi ka niya magawang pansinin. Pakiramdam mo palagi ka na lang namamalimos ng kanyang pagmamahal. Dalawang bagay lang naman ang gusto mo ang makasama siya at mahalin niya. Dahil doon ka lang magiging masaya. =DANIEL KEIFFER SOLMERAZ= Si Givenea Alcantara isang simpleng babae na sa kabila ng lahat. Naging matatag at matapang.. Handang gawin ang lahat para sa iisang hangarin. Si Daniel Keiffer Solmeraz: Gwapo, matalino, mayaman at tagapagmana. Handang gawin ang lahat para sa kanyang minamahal. Pero paano kaya sila pagtatagpuin ng tadhana? Kung magkaiba ang kanilang ginagalawan at lagi nang may hadlang at dahilan... Ngunit paano ba nila hahamakin ang lahat para sa pag-ibig na sapat na walang pinipiling pagkakataon o maging ng panahon... * * * A/N: ANO MANG PARTE SA ISTORYANG ITO ANG MAY PAGKAKAWIG SA IBA GAYA NG PANGALAN, KARAKTER, LUGAR, SALITA, MAN O PANGYAYARI AY HINDI PO SADYA. ANG LAHAT NG NILALAMAN NG ISTORYANG ITO AY BUNGA LAMANG NG IMAGINASYON NG MAY AKDA. HINDI RIN PO ITO MAAARING KOPYAHIN O GAYAHIN NG SINO MAN... MARAMING SALAMAT PO!? BY: MG GEMINI 05-14-2020 @LadyGem25
LadyGem25 · 92.8K Views

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?
diena · 21.7K Views

Roommate Romance (Boys' Love)

BLURB: "Sometimes, two people fall apart to realize how much they need to fall back together." Richie "Chie" Enrile is contented with the life he has. Despite of his sexuality, he still found true friends who fully accepts him; and a boyfriend who sincerely loves him. Wala na siyang mahihiling pa. Isa na lang ang kailangan niyang gawin para masabing tuluyan na siyang maging masaya: ang makapagtapos ng pag-aaral. But when his boyfriend broke up with him, tila gumuho ang kanyang mundo. Umalis siya sa part-time job na pinagtatrabahuhan niya, nawala ang kanyang focus sa pag-aaral, at tinulak niya palayo ang kanyang mga kaibigan. His life became mess, so he is. Naisip niya na wala nang saysay ang kanyang buhay. Pero nang maubos ang lahat ng savings niya at bigla siyang paalisin sa apartment na kanyang tinutuluyan, doon niya na-realize na hindi niya dapat sinisira ang kanyang buhay dahil lang sa isang lalaki. That's the time he decided to be happy and contented again. He then decided to fix his life. At nang mag-offer ang kanyang kaibigan na pansamantalang titirahan niya habang wala pa siyang nahahanap na trabaho, hindi na siya nag-dalawang-isip pa na tanggapin ito. Ngunit sa pagtira niya roon, lingid sa kanyang kaalaman na 'yon na pala ang simula ng talaga namang pagbabago ng kanyang buhay. Lalo na't magiging roommate niya ang lalaking matagal-tagal niya na ring pinapatay sa kanyang isipan. Ano nga ba ang magiging ganap ng lalaking 'yon sa buhay ni Chie? Siya na kaya ang makatulong sa tuluyang paghilom ng sugatan nitong puso? O baka isa na naman pala itong panibagong sugat na naghihintay lamang sa kanya?
loveisnotrude · 15.9K Views

I Live My Life For You (Tagalog/Filipino) Manila International Book Fair 2019 Entry

Nang makaligtas sa paglubog ng bangkang sinasakyan sa Guimaras, nagdesisyon si Ratchelle na umuwi sa Isla La Carmella. Aayusin niya ang relasyon sa mga magulang at pakakasalan ang unang lalaking minahal niya—si Vic-vic. Pero sa gabing nakatakda na niyang sabihin kay Vic-vic ang pagmamahal para dito, inanunsiyo naman nito ang pagpapakasal sa kontrabida niyang pinsan na si Joanne Jean. Wasak na wasak ang mundo ni Ratchelle nang gabing iyon. At paggising kinabukasan, katabi na niya si Orion—ang mortal niyang kaaway. Gusgusin ito at mukhang hindi naliligong artist na sikat na sikat sa buong La Carmella. Underwear lang ang suot niya at hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanila. Kunwari ay patay-malisya na lang siya at tinakasan si Orion para iwasan ang komprontasyon. Pero hindi niya ito magawang takasan nang kumalat sa buong La Carmella ang tungkol sa isang gabing “pagkalimot” nila. Kailangang ibangon ni Orion ang puri niya kung ayaw niyang masira ang reputasyon sa mga magulang. Pero hindi lang puri ni Ratchelle ang plano nitong ibangon. Plano rin ni Orion na paghilumin ang sugat sa puso niya. Lalabanan ba ni Ratchelle ang nararamdaman o bibigay na lang? *** The printed book is only P135. Raffle and freebies await those who will attend and get this book the September 15, 1PM book signing at Precious Pages Booth 5, 6, 7 and 8, 1st Floor, SMX Mall of Asia. PM My Precious Treasures on Facebook to those who want to order online.
Sofia_PHR · 32.9K Views

The Affectionate Revenge Book 1

Synopsis: "Kahit mahirap, kahit masakit na gagawin ko pa rin iyon. I am stronger than anyone. Kakayanin ko ito kahit pa kapalit nito'y aking buhay." Humihikbing sambit ng dalaga sa sarili habang sinasabayan ng walang ampat niyang mga luha. Bakas sa boses nito ang sakit, hirap, kalungkutan, kabiguan, at kawalan ng pag-asa. Simula no'ng namatay ang pamilya ng dalaga, sunod-sunod naman na pagsubok ang dumating pa sa buhay ni Blaine Ashley Cerulean Jefferson o mas kilala bilang Ashley. Palagi niyang tinatanong sa sarili. Bakit ang malas-malas ko? Ano ba ang nagawa kong mali kung bakit pinaparusahan ako ng ganito kahirap? Sa dinami-rami ng tao sa mundo bakit kailangan ko pa maranasan ang mga pagsubok na ito? Bakit ako pa, hindi pa ba sapat ang pagkawala ng daddy at mommy ko na kung saan muntikan na akong mabaliw ng dahil lamang sa pangungulila? Walang oras na hindi siya nasasabik sa pagmamahal ng magulang niya. All she wanted to do is mamatay na lang ng sagano'n makasama niya ang dalawang taong pinaka mahalaga at pinaka mamahal niya. Tutal ulila na siya, ano pa nga ba ang silbi ng buhay niya kung mag-isa na lang siya? Talaga bang nag-iisa na lang siya? Walang karamay, walang kaagapay sa oras ng problema? Paano na lang kung may magbalik? Tatanggapin niya kaya ito o ibabasura na lamang? Limang taon na ang nakalipas matapos danasin ni Ashley ang sobrang hirap na pagbusok na dumating sa buhay niya. Isang pangyayaring hinding-hindi niya malilimutan kahit magpagulong-gulong pa siya. She can't change the fact na patay na ang magulang niya. Patay man sila sa paningin niya pero nananatili pa rin ito sa alaala niya ang masasayang araw na magkasama-sama pa sila. Ngayon ulila na siya sa magulang, gusto niyang magsimula ulit hanggang sa unti-unting maghilom ang sugat sa puso niya. Gusto niyang subukan na mag-move ng sagano'n hindi na siya mapako sa nakaraan. Ngunit hindi siya pinagbiyan ng pagkakataon bagkus ay mas lalo pang nagulo ang buhay niya ng dahil kay James Henry Enderson. Ang pamilya nito ang mortal nilang kaaway/kakompetensya pagdating sa negosyo pero itong si James ay hindi niya kayang kalabanin si Ashley sapagka't may pagtingin siya sa dalaga na nauwi sa kidnapan at sa madugong kaganapan. Buong akala ni Ashley hanggang dyan na lang ang problema o pagsubok niya, ngunit nagkakamali siya. There's more. Isang taong nag-ngangalang Hendrix Martin Marathon o mas kilala bilang Drix na siyang susunod na magmamay-ari sa Drixart Marathon University na kung saan doon ang una nilang pagkikita ni Ashley. Dadating sa buhay ni Ashley si Drix para mahalin, pasayahin, at alagaaan siya. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, ang taong makikilala niya pala ay ang taong siya mismo ang magpapahirap sa kanya. Dumating ang punto na hindi niya inaasahan na mangyayari. Buong akala niya isa lamang masamang panaginip ang lahat, pero hindi pala. Nagising siya sa katotohanan when she felt the extremely anguish and misery that can make her life miserable like a living hell. Isang bangungot ng pangyayari na patuloy siyang kinakain ng konsensya. Inosente man siya para sa kanya pero sa mata ni Hendrix martin Marathon hindi. She tried to elucidate about what happened to Jessica Grey Mendeyz how many times but its nonsensical. Sarado na ang puso't isipan ni Drix para sa paliwanag ni Ashley. Ang gusto na mangyari ng binata ay ang mapagbayaran nito ang nagawang kasalanan ni Ashley. Hindi niya kayang pumatay ng tao para lang maipaghigante ang kasintahan niyang si Jessica Grey Mendeyz. Kahit mahirap para kay Drix na gawin kay Ashley ang balak niyang paghihigante sa dalaga, taas noo niya pa rin itong ginawa. Isang pagpapahirap kay Ashley na hindi niya naman deserve. Datapwa't ang pagpapahirap na iyon ang siyang dahilan kung bakit natutung magmahal at magpatawad si Drix. Sa maling panahon o oras man sila pinagtagpo, pero doon naman magsisimula ang lahat kung bakit nabuo ang love. "Maituturing bang pang-ibig ang pagpapahirap?"
DARKINJEST · 4.3K Views