Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Dho Bato

MASKARA

Tik tak. Tik tak. Tanging tunog ng orasan ang nangingibabaw sa tahimik na bahay—isang tahimik na nakakabingi, na para bang bumabalot sa bawat sulok ng silid. Parang musika ito ng kawalan, ngunit imbes na paginhawahin, lalo lamang nitong pinapalakas ang kabog ng aking dibdib. Tik tak. Parang pinipiga ang aking puso, bawat segundo, bawat saglit, paulit-ulit, na tila pinapaalala ang bigat na matagal ko nang dinadala. Hindi ko na kayang pigilan pa. Kumawala na ang aking mga luha, kasabay ng hiningang tila mabigat na bato sa aking dibdib. Bumagsak ang mga patak na parang ulan sa pisngi kong hindi na sanay ngumiti. Minsan naiisip ko, paano nga ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Ang sakit—nakakapaso, nakakasakal—hindi ito basta lungkot lang, kundi isang matinding kalungkutan na nagpapahina sa aking mga tuhod. Araw-araw, pilit akong bumabangon, pilit tinatawid ang mga oras, pero habang ginagawa ko ito, lalong lumalalim ang sugat. Nasasaktan ako, hindi lamang dahil sa mga nangyari, kundi dahil sa awa ko sa aking sarili. Sino ba namang hindi maaawa kung araw-araw, pinipilit kong ngumiti kahit wala nang natitirang dahilan para sumaya? Ngunit kahit anong mangyari, kahit anong sakit ang idulot nito, isa lang ang sigurado ko: Ikaw at ikaw lamang ang aking mamahalin. Walang makakapalit sa'yo. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng mga gabing binubulabog ng tahimik na pag-iyak, ikaw pa rin ang laman ng puso kong durog na durog na. Hays… Nawa’y dumating ang araw na ang tik tak ng orasan ay maging musika ng pag-asa. Pero sa ngayon, ito muna ang aking mundo—isang tahimik na silid, isang pusong nagdurugo, at isang pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko kayang bitawan.
ariazmo · 999 Views

Adik Sa’yo

Napagkamalang adik at na-inlove sa isang adik! Ito ang dilemma ni Nadia. Dahil sa inggit at galit ng kanyang stepmother matapos ipamana sa kanya ang malaking inheritance ng daddy niya, na-frame up si Nadia at pinasok sa Love and Hope Rehabilitation Center. Adik daw siya at lulong sa bisyo, susmaryosep! Ni yosi nga never niyang nahithit, bato ni Darna pa kaya? No choice si Nadia kung hindi makisama sa mga adik at sumunod sa mga patakaran upang makaalis siya after six months. Pero paano magiging at peace ang pamamalagi niya sa loob ng center kung may isang Jace Devenecia ang gumugulo ng sistema niya? Dahil utang na loob naman, si Jace nang pinakagwapo at pinakaseksing adik sa balat ng lupa! Pakitaan ba naman siya ng nagtitigasang abs. Eh, talaga naman kahit sinung babae ang mahuhulog sa katawan nito. Lalo na at ubod nang sarap lang naman nitong humalik; malululong ka na, mapapaungol ka pa! Hay... paano na? Marupok is real! “Ano ba ang pinatira mo sa’kin at bakit baliw na baliw ako sa’yo?” “Huwag mo nga akong pagbintangan dahil matagal ng may tama ‘yang utak mo!” “Oo, adik talaga ako, adik na adik sa’yo at hinding hindi kita pakakawalan hangga’t hindi ka nagiging akin, dahil Nadia mas matindi ka pa sa kahit anung droga natikman ko at wala ng gamot dito.” Nalintikan na dahil sa kauna-unahang pagkakataon, totoong na-adik si Nadia… na-adik sa makapantindig-balahibong halik, nakakatirik-matang mga haplos at nakakabaliw na pag-ibig. Ito ay kwentong pang-adik… sa kilig! Adik ka ba? Genre: Contemporary Romance, Comedy, Drama TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, nudity, loss of a loved one, emotional abuse, self-harm, drug & alcohol use ”Anj Gee Novels” Grim Reapers Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Strawberry Bite- Completed Diary ng Birheng Maria- Completed ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites
AnjGee · 175.6K Views

EBB Series 1: One Night Pleasure

EUROPEAN BILLIONAIRE BACHELOR SERIES (BOOK I) Khyfer Casteliogne - the world's hottest billionaire bachelor architect and one of the (4) European youngest billionaire and who is being famous for winning numerous prestigious award in the field of Architecture which made him the greatest architect in this 21st century and hailed as the world renowned architect of all time. Sa pagtatag niya ng sariling kompanya at pagpapatunay na nalamanagan na niya ang kanyang tusong ama sa mundo ng negosyo, isang pangyayari naman ang babago sa kanyang buhay. For a one intimate and steamy pleasure over the Grand Hotel dela Minerve his darkest past will be shaken. Past that webbed a secrets that will surely make his life messed up and lost the only woman he loved for a long time. Mga nakaraan na konektado sa pagkakaibigan nila ng kapatid ng babaeng nakasiping niya ng gabing iyon sa grandyusong hotel sa Italya na siya rin palang kaisa-isang babaeng pinakamamahal niya noon pa man. Sekretong alam niyang guguho sa mundo ng babae at maging dahilan para tuluyan na siyang layuan at kamuhian nito. Susubukin ng isang hindi malilimutang gabing namagitan sa kanila ang mga damdaming matagal na sanang nakakubli sa likod ng kanilang mga pusong naging sing tigas ng bato dahil sa mga pangyayaring napagdaanan nila sa nakaraan. Their intimacy and love connection will be their strength to look back to their past then untangled the web of secrets and lies before facing the future with acceptance and peace. Will he take the risk? Will she take the lies?
Hellokeytti · 3.3K Views
Related Topics
More