Mga Liham sa gitna ng Lavender
Taong 2025, sa isang lungsod sa Pilipinas, isang dalagang librarian at working student na si Zerene Villapaña, na may misteryosong amnesya, ay nahatak sa isang mapanganib na mundo ng teknolohiya matapos masangkot sa isang hacking incident sa library. Doon niya nakilala si Copper Cavallo, isang malamig ngunit matapang na CEO-engineer na may koneksyon sa kanyang nakaraan. Hindi nagtagal, nadiskubre ni Zerene na siya’y dating co-creator ng isang makapangyarihang AI system na tinawag na Project Root—isang teknolohiyang may kakayahang manipulahin ang damdamin at paniniwala ng sambayanan gamit ang datos. Dahil sa pagtatangkang ilantad ito noon, binura ang kanyang alaala at itinuring siyang patay.
Habang unti-unting bumabalik ang kanyang alaala sa tulong ng mga pahiwatig, panaginip, at likas na abilidad, unti-unti ring lumalalim ang ugnayan nila ni Copper—mula sa tensyon, pagtutulungan, hanggang sa damdaming hindi na maitatanggi. Sa tulong ng grupong Freelinks, nakipaglaban sila sa dating organisasyong si Copper mismo’y naging bahagi noon: ang lihim at mapanganib na tech syndicate na CAM. Sa bawat misyon, pinagsama nila ang lakas ng damdamin at talino para kolektahin ang mga kopya ng Project Root at pigilan ang paggamit nito bilang armas ng gobyerno at militar.
Nang mahuli si Zerene at tangkang muling burahin ang kanyang pagkatao, iniligtas siya ni Copper sa isang delikadong operasyon, isinugal ang lahat kahit ang sariling negosyo. Sa huling hakbang, inilantad nila ang Project Root sa buong mundo sa pamamagitan ng global livestream, habang ginamit ang satellite para i-broadcast ang ebidensya. Sa kabila ng isang trahedyang false-flag bombing na pinasimulan ng CAM, nagtagumpay ang grupo—bumagsak ang CAM, ngunit may mga natirang banta.
Sa huli, si Copper ay namuno ng isang bagong tech ethics organization, habang si Zerene ay naging global AI ethics consultant. Muling nagtagpo ang kanilang mga puso—hindi na bilang mga taong may kasalanan o lihim, kundi bilang dalawa na muling piniling magmahal sa kabila ng lahat.