Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Itto Kaso

Hara is Alive

Ang buhay ay parang apoy. Kapag maliit, madaling patayin. Kapag malaki, mahirap patayin. Pero hindi gan’on ang tunay na buhay—dahil kahit maliit ka man o malaki, madali ka pa ring patayin. Hindi natin pagmamay-ari ang buhay na meron tayo ngayon pero sadyang may mga taong handang wakasan ang kanilang buhay para sa inaasam-asam na kapayapaan sa sakit na nararamdaman. Meron namang binawian ng buhay na hindi naman nila ginusto, lalo’t na ang pagkitil ng isang buhay na hindi mo naman pagmamay-ari. May mga taong gusto mabuhay, pero hindi nabigyan ng pag-asang mabuhay. Alam nating lahat na ikaw at ako ay magkaiba. Dahil tayo ay ginawa ayon sa gusto ng Diyos, ngunit tatanggapin mo ba ang buhay na hindi naman dapat sa ‘yo? O pababayaan mo na lang dahil hindi mo ito gusto at pagmamay-ari? O gagamitin mo ito para sa iyong paghihiganti? Isang araw na akong walang tulog dahil sa mga pangungutya ng mga kaklase, guro, at mga tinuring kong totoong kaibigan. Hindi ko na alam kung paano ko kakayanin pa. Yesterday, my friends told me to do the dare. Sabi nila, katuwaan lang. I don’t know kung bakit ko ginawa ang katangahang bagay na ‘yon. “Hara, you must do the dare. I promise, he truly likes you.” Nahihiya akong gawin ang dare kasi malalaman nila na meron pala akong tinatagong nararamdaman sa isa sa mga gwapong, magaling, at babaerong sikat na MVP Basketball player sa Cor Jesu College. Sino naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang katulad niya na, everytime mo sya na makikita ay ngumingiti siya ‘tapos dagdag mo pa ‘yong mapupula niyang labi at ‘yong thick eyebrows niya. “Okay, I’ll do the dare, but make sure na hindi ‘to malalaman ng iba.” Sila ‘yong mga babaeng grupo sa school namin na nagkaisa para takutin ang mga babae at bakla sa school namin na ‘wag lalapitan o kausapin ang kanilang prinsipe raw. Nakita ko si JM sa labas ng room namin kung saan siya lang mag-isang nakaupo sa isang white plastic chair habang hawak-hawak niya ang kaniyang cellphone. Nasa harap ko na siya pero ang mga kamay, paa, at katawan ko ay parang ayaw nang humakbang papalapit sa kaniya pati na ‘yong anino ko gusto nang umurong. “Sige na, Hara!” boses ni Christian sa likod ko na nagtatago sa may pintuan ng room namin. Lumingon ako at sininyahasan ko na gagawin ko na ang dare nila. “JM, ahm… ano k-kasi,” nauutal ako. Hind ko na tuloy alam kung ano ang sasabihin sa kaniya. Ang mga bibig koy tila parang may nakadikit na glue na parang ayaw na nitong bumuka. Subalit, nilakasan ko ang aking loob upang matapos na ito. “Bakit, Hara?” tanong ni JM, kita sa mukha niya ang pagkalito sa kilos ko. “Dare lang ‘to, huh. Sana ‘wag mong masamain. Can I kiss you?” Hindi ko namalayan—ang pinkish, smooth, at nakakaakit na labi ni JM ay nakadampi na pala sa inosente kong labi. Saglit akong natigilan. His lips... were on mine. Para akong kidlat na tinamaan sa kalmadong gabi—walang babala, walang panahon para umiwas. Ang patak ng ulan ay tila pluma ng tadhana, dahan-dahang sumusulat ng eksenang hindi ko kailanman inasahan. Sa bawat segundo, parang umiikot ang mundo nang mas mabilis—para akong nasa Ferris wheel na nawalan ng kontrol, lumulutang sa pagitan ng takot at pagkamangha. Ang lamig ng paligid ay unti-unting natunaw sa init na hindi ko maipaliwanag, parang apoy na biglang sumiklab sa gitna ng bagyo. I was barely clothed—what I had on was torn to shreds. That’s the only way I could describe myself when they found my body behind the abandoned school comfort room. Makalipas ang ilang taon, tuluyan nang naglaho ang usapan tungkol sa pagkamatay ko. Wala nang balita, wala nang tanong. Siguro’y pinasara na ang kaso dahil wala silang ebidensiyang nakuha, at wala ring makapagsabi kung sino ang pumatay sa akin. Ang lumabas na lang sa balita: suicide. Dahil daw nalulong ako sa droga. Dahil daw sa stress—sa school, sa bahay. But now I’m back… And they’ll pay… For treating me like some toy—something to break, to use, to discard when they were done.
GenZRizal · 156K Views

Ignoring The Fathers Of My Kids (Filipino Version)

"What's the use of all of this if you're going to cheat with me?" Malakas na sigaw ko sa asawa ko. "Because I'm already tired! I can't deal with this anymore! You can't give me a child. I wanted to have a family!" Sumbat din niya sa akin kaya nanggagalaiti ang mga kamay ko. "Pinagsasabi mo? Nanagako ka sa akin na ayos na tayong dalawa sa huli, hindi ba? Hindi ba? Ano ngayon?" "Iba na noon at iba na rin ngayon. Lahat ng bagay nagbabago. Pati desisyon ng tao. I'm sorry, Rich. But i can't be with you anymore. I love her, I love Tyla. She can give me a child, unlike you!" "So gan'on? Eh di sana hindi mo na lang ako pinakasalan! Sana hindi ka na lang nangako!" "I'm sorry, Rich. But let's get divorce." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, tumalikod na siya nang hindi man lang ako binibigyan ng kahit isang sulyap man lang. "R...Red... Do-don't... Don't leave me, Red! Please don't leave me!" Mabilis kong habol sa kaniya. Hinawakan ko pa ang laylayan ng kaniyang damit para pigilan lang siya na makaalis sa bahay. "Ano ba, Rich? Hindi na kita mahal, hindi na ikaw ang nasa puso ko. Kaya tumigil ka na. Huwag mo ng saktan ang bawat isa sa atin." Naiinis na singhal niya. Pilit niya rin akong itinatakwil sa kaniya. Kaso patuloy kong hinihigpitan ang pagkakahawak sa laylayan ng damit niya habang ang aking mga luha ay patuloy na nagsisibagsakan. "Please, Red. Don't leave me. I can't. Ikaw lang ang nag-iisa sa buhay ko. Ayaw kong iwan mo ako. Please, Red. Don't..." "I said stop this nonsense, Rich. Let's divorce and love yourself. Huwag mo na akong hintayin. Huwag mo na akong pigilan dahil pagod na ako, Rich. Gusto kong magkapamilya!" Galit na sigaw niya hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagtulak niya sa akin nang malakas palayo kaya napatumba ako sa sahig. Napatama pa ang aking siko sa lamesa pero wala man lang sa kaniya. Nagdiretso siya na umalis, walang baling-baling sa likuran. Nang makaalis na siya, lahat ng emosyon ko ay inilabas ko. Buong gabi akong umiiyak. Sinisisi ang sarili na lalaki ako. Hanggang sa magdesisyon ako na wakasan ang buhay ko. "No one ever loves me. How can I love myself?" Mahinang tanong ko sa aking sarili at blangkong nakatingin sa ibaba ng palapag ng building. "It's now over, if I k-lled myself." Matapos kong sabihin iyon, wala rin akong pagdadalawang-isip na tumalon sa mataas na building na ito. Pumikit at dinadamdam ang hangin na humahampas sa aking buong katawan habang patuloy ang pagbagsak sa ibaba. Ngumiti ako nang mapait sabay labas na naman ng luha sa aking mga mata. 'I'm sorry.' *** [Notice! Character Alrich Zane Falco has been awakened. The True Beauty has been produced. The Plot's Processing ... The Plot Completed] [Character Alrich Zane Falco's Mission: Giving Birth With The Protagonists Children] [Character Alrich Zane Falco's Mission: Taking Care Of The Protagonists Children] [System: Character Alrich Zane Falco has been isolated] [Notice! Wait for 6 years until the storyline ended] [Character Alrich Zane Falco's Mission: Giving The Children To Their Fathers After Their 5th Birthday] [Alert! Alert! The Storyline has been ruined]
BaiRan · 6.6K Views

Ang Kampilan na Humahati sa Hangin

Isang uri ng nobelang Bayaning-Mandirigma (War Hero), na ang mga pangunahing mga karakter ay marunong manlaban at nageensayo ng kanilang Sining Pandigma (Martial Arts). Sila ay mga Alagad ng Sining Pandigma (Martial Artists) na nagpapalakas ng kanilang Gahum (Spiritual Power) sa pamamaraan ng pagpatay ng ibang tao o hayop at pagkukuha ng kanilang Gahum o pagbibigay pugay o paghihingi ng kapangyarihan galing sa mga umalagad (ancestral spirits). Sa Kapuluang Baha-Bahagi, sa mundo ng Ikinatha, tinatahak ng dalawang dakilang magkakapatid ang buhay ng alipin. Si Mayumi at Bolan ay dalawang magkapatid na aliping horohan ni Datu Ranao. Mga dalaga't binata na, walumpung taon sila nagtataka kung sino ang kanilang mga magulang. Si Mayumi ay isang mabuting bata, umbo ni Bolan, mainitin ang ulo, at walang takot na sumusulong sa buhay. Lahat noon ay mababaliktad nang napaginipan niya ang puting buhok na diwata. Nanay niya ba ito? Buhay pa kaya siya? Si Bolan ay ang oyo ni Mayumi. Malumanay, matalino, pero marunong pumatay. Mahuhulog ang kaniyang damdamin para sa napakagandang Baylan sa kanilang lungsod... kaso lang, siya'y binayaan ng pagkikita sa mundong hindi makita. Maari siyang maging bayugin. Sundan ang dalawang magkapatid na ito at ang kanilang kaibigan na sila Urduya at Galura, sa pagngayaw kay Datu Keraya, ang Datung nagnakaw sa makabuluhang Kampilan ng Humahati sa Hangin. Kakayanin ba nila ang katotohanan? Gagampanan ba nila ang kanilang responsibilidad? Hanapin ang Kampilan ng Humahati sa Hangin. *** Kapag nagustuhan ninyo, mag-vote at comment! Talagang pinapahalagaan ko ang inyong mga feedback! *Ako gumawa ng cover, pero hindi ako ang may-ari ng imahe na ginamit. Credits sa owner.
oinonsana · 55.1K Views

IN JAILED FOR JUSTICE

Siya ay isang famous Prosecutor sa Korean Government mayroon siyang kakambal na nakulong ngunit isang araw nabalitaan nyang patay na ito tanging siya lamang ang kauna-unahang nakaalam dahil kaibigan nya ang pulis na nagdala dito sa Hospital. Sinabi nya dito na huwag nitong ipagsasabi kahit kanino man na patay na ito; nagbakasyon rin sya ng isang taon sa pagiging Prosecutor para matutukan ang pagiimbistiga sa pagkamatay ng kapatid. Tunghayan at subaybayan ang magaganap. Protagonist Lee Wang Yong (tunay na pangalan)/ Lee Wang Yang(kapatid na nakulong, magpapanggap si Lee Wang Yong na si Lee Wang Yang) 28 yrs old. Matalino, Cold but soft hearted, walang babaeng hindi mabibighani sa kanya ngunit nagsusuot lagi ito ng salamin at hindi man lang naglalagay ng m0ake-up, lip tint maging gell para maayos ang buhok. Hilig pa nitong magsuot ng plain white or black shirt, pantalon at rubber shoes noong kabataan at nagaaral pa siya. Pero ngayong hindi na lagi itong nakacontact lenses, nakaamerikana at nakakurbata maging black shoes pag magisa na sya ay mahilig itong magjacket at jogging pant ng ternuhan black or white tuwing umaga nagjojogging rin sya bago sya humarap sa court. [Lee Joon Gi] Lee Wang Yang Gwapo, kilalang lapitin ng chicks, myembro ng Bam Gang in other term Night Gang kinatatakutan sa kalsada. Kung anong ikinatalino ng kapatid sya naman nitong kabaligtaran. Laging nasasangkot sa gulo, ilang beses na ring nakulong dahil sa gulong kinasangkutan at mga riot. Ngunit ito ang pinakamatindi napatay nito ang kanyang coworker na kapwa guardia rin. Pero in reality...sya ang papatayin nito at ang ginawa lang nito ay self defense. Hanggang sa nakulong at misteryosong namatay at ayun ang iimbistigahan ni Wang Yong. [Sunoo- Enhypen] Kang Dalhae Tenant ng bahay na inuupahan ni Wang Yong. Kaso namatay nang maaga dahil sa trahedyang naganap sa Itaewon noong Halloween gayon din ang kapatid nitong si Chaeryung at Chaesang. [Moon Chae Won] Kang Chaeryung kapatid ni Dalhae at gf ni Wang Yang. Nagkakilala sila sa Lotte that time guardia doon ito di pa sya nakukulong that time. [Moon Ga-young] Isang araw nabalita na lamang na pinatay niya ang coworker niya that time si Wang Yong ay nasaPilipinas as a New Ambassador ng Korea sa Pilipinas ukol sa 5 koreanong nambibiktima ng kapwa koreano hinggil sa pyramid scam at prostitution na umakyat na ang kaalaman sa Korea at inatasan itong ibalik sa Korea ang mga naturang koreano para doon na ipakulong. Kaya huli na nang malaman nito at nakakulong na ito. Inapila niya na kung maaaring siya ang humawak sa kaso ng kanyang kapatid ngunit di sya pinayagan. Kang Hana- First love niya si Wang Yong kasi nung bata pa ito ito ang nagalaga dito nagtutor simula grade 4-7 natigil lang nang magaral si Wang Yong ng college at then di na sila nagkita. Anak ng mayari ng Latte Company [IU] Iba pang Taugan... Lee Sangwoo~Abugado ni Lee Wang Yang Lee Dowan~ama ni Wang Yong at Wang Yang Moon Chaegyong~ina nina Wang Yong at Wang Yang. Lee Wang Bi~kapatid na bunso nung dalawa babae sikat na vloger at influencer. Tunghayan natin kung anu-anong scheme ang matutunghayan ni Lee Wang Yong are you ready?!.
2YEOJA1BABAE2GIRL3 · 7.1K Views

Escape From Reality (Tagalog)

May kanya-kanyang paraan ang bawat tao upang takasan ang mapait na reyalidad ng mundo, may nanunuod ng K-Drama, nagbabasa, natutulog, nagpipinta, naglalaro ng mobile or computer games at iba pang maraming bagay upang maging abala lamang ang isip at makalimot tayo pansamantala sa sakit na ibinabato sa atin ng mundo. Sa kaso ni Caia Ortaleza, pagsusulat ang kanyang naging takbuhan sa mga panahong siya'y lugmok at luhaan, binibigyan siya nito ng panandaliang comfort at kapayapaan. Umani ng mga papuri at pagmamahal ang bawat kuwentong kanyang natatapos mula sa kanyang mga masugid na mambabasa. Ngunit sa kabi-kabilang isipin, problema sa pamilya at sa kanyang nobyo ay mahihirapan na ang dalaga na tapusin ang dalawang kuwentong kasalukuyan niyang isinusulat. Sa kanyang muling pagbaling sa pagsusulat, sa halip na comfort ay frustration na ang kanyang nadarama sa tuwing sinusubukan niyang simulan muling bumuo ng mga salita, hanggang sa nawalan na siya ng pag-asa at ganang ituloy ang kuwento, napagdesisyunan niyang itigil na ang kanyang nasimulan, pati na ang kanyang pangarap. Pero mukhang hindi gano'n kadaling iwanan ang pagsusulat. Dahil misteryosong mailalahad at magpapatuloy ang kuwento ng isa sa mga karakter niya na simula pa lang ng istorya ang mayroon at kanyang naisulat. Ang karakter na pinakapaborito niya sa lahat ng kanyang nilikha... si Rashiel Azul Allegre. Ang nakakaloka pa ay kasabay ng pag-usad ng kuwento ay mapupunta mismo ang dalaga sa loob ng istorya kung nasaan ang binata, doon ay makakaharap at makakasama niya hindi lang si Azul kundi pati na ang iba pang mga karakter na likha gamit lamang ang makulay niyang imahinasyon. Surprisingly, sa pananatili niya roon ay nakakalimot siya sa lungkot at alalahanin patungkol sa totoong mundo. Sumasaya na hindi niya napapansin. Nalilibang ang isipan na hindi namamalayan. Nakahanap ng kaaway, kakampi, kaibigan, pamilya, kapanatagan pati na ang hindi inaasahang pag-usbong at paglago ng kanyang damdamin. But, reality is way too cruel... because, every story has to reach its own end. Dahil sa nagulo ang kanyang naisip na orihinal na plot ng istorya ay hindi na alam ng dalaga kung saan ba tutungo ang kuwento, kahit na siya pa ang nagmamay-ari nito pati na ng mga karakter na nakapaloob dito, maging siya ay walang magawa kahit na anong pilit pa ang gawin niyang kontrolin ang mga bagay at pangyayari. Patuloy sa pag-usad ang istorya, ngunit walang may alam kung lungkot o saya ang dulong nakalaan sa kuwentong kanyang napasukan.
Meowpyyyyy · 15K Views
Related Topics
More