Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Mga Komiks

Ang Kampilan na Humahati sa Hangin

Isang uri ng nobelang Bayaning-Mandirigma (War Hero), na ang mga pangunahing mga karakter ay marunong manlaban at nageensayo ng kanilang Sining Pandigma (Martial Arts). Sila ay mga Alagad ng Sining Pandigma (Martial Artists) na nagpapalakas ng kanilang Gahum (Spiritual Power) sa pamamaraan ng pagpatay ng ibang tao o hayop at pagkukuha ng kanilang Gahum o pagbibigay pugay o paghihingi ng kapangyarihan galing sa mga umalagad (ancestral spirits). Sa Kapuluang Baha-Bahagi, sa mundo ng Ikinatha, tinatahak ng dalawang dakilang magkakapatid ang buhay ng alipin. Si Mayumi at Bolan ay dalawang magkapatid na aliping horohan ni Datu Ranao. Mga dalaga't binata na, walumpung taon sila nagtataka kung sino ang kanilang mga magulang. Si Mayumi ay isang mabuting bata, umbo ni Bolan, mainitin ang ulo, at walang takot na sumusulong sa buhay. Lahat noon ay mababaliktad nang napaginipan niya ang puting buhok na diwata. Nanay niya ba ito? Buhay pa kaya siya? Si Bolan ay ang oyo ni Mayumi. Malumanay, matalino, pero marunong pumatay. Mahuhulog ang kaniyang damdamin para sa napakagandang Baylan sa kanilang lungsod... kaso lang, siya'y binayaan ng pagkikita sa mundong hindi makita. Maari siyang maging bayugin. Sundan ang dalawang magkapatid na ito at ang kanilang kaibigan na sila Urduya at Galura, sa pagngayaw kay Datu Keraya, ang Datung nagnakaw sa makabuluhang Kampilan ng Humahati sa Hangin. Kakayanin ba nila ang katotohanan? Gagampanan ba nila ang kanilang responsibilidad? Hanapin ang Kampilan ng Humahati sa Hangin. *** Kapag nagustuhan ninyo, mag-vote at comment! Talagang pinapahalagaan ko ang inyong mga feedback! *Ako gumawa ng cover, pero hindi ako ang may-ari ng imahe na ginamit. Credits sa owner.
oinonsana · 50.1K Views

Ang Liwanag ng Kadiliman: Isang Paglalakbay sa Pag-ibig at Katapangan

Synopsis: Sa isang malupit na gabi, sinapit ng malagim na pangyayari ang buhay ni Gabriel nang dukutin ng Aswang Queen ang kanyang mga magulang upang gawing alay sa impiyerno. Ang kanyang mundo ay biglang gumuho, at ang kanyang puso ay napuno ng galit at determinasyon na mabawi ang kanyang mga magulang mula sa kamay ng kasamaan. Sa kanyang paglalakbay tungo sa paghahanap ng katarungan, sumama si Gabriel kay Isabella, ang matapang na mamamahayag na may malasakit sa mga inosenteng biktima ng kadiliman. Kasama rin nila sina Mateo, isang siningero na may kakayahang makipag-ugnayan sa mga diwata at mitikong nilalang; Sofia, isang mandirigmang dalubhasa sa Filipino martial arts; at Rafael, isang dalubhasang siyentipiko na may malalim na kaalaman sa mga mitikong nilalang. Sa kanilang paglalakbay, sila ay tinulungan ng mga Diwata ng Kalikasan na maging gabay at proteksyon. Ang mga Diwata ay nagbigay ng liwanag at lakas sa grupo habang sila ay humaharap sa mga panganib at laban sa mga nilalang ng kadiliman. Kasama rin nila ang tikbalang na nagbigay ng lakas at kahusayan sa pakikipaglaban, ang kapre na nagbigay ng impormasyon at gabay sa mga kagubatan, at ang mga engkanto na nagdulot ng tulong at mahika sa mga pangangailangan ng grupo. Sa kanilang paglalakbay, sila ay dumaan sa mga matitinding pagsubok at pakikipaglaban. Sa bawat yugto, sila ay nakaranas ng kapangyarihan mula sa mga diyos at dyosa ng mitolohiya. Ang mga diyos at dyosa ay nagbigay ng mga espesyal na agimat at kapangyarihan kay Gabriel upang matulungan siya sa kanyang misyon na mabawi ang kanyang mga magulang. Ang mga kapangyarihang ito ay nagbigay sa kanya ng lakas, talino, at kahusayan na kailangan niya upang harapin ang Aswang Queen at ang kanyang mga kasamang masasamang nilalang. Sa huli, sa pamamagitan ng kanilang tibay ng loob, tapang, at pagkakaisa, nagawa ng grupo na labanan ang Aswang Queen at ang kanyang mga kasama. Sa isang matinding laban, nagtagumpay sila na mabawi ang mga magulang ni Gabriel mula sa kapangyarihan ng kadiliman. Ang kaligtasan at tagumpay na ito ay nagdulot ng liwanag at pag-asa sa mundo, at nagpatunay na ang kabutihan at katapangan ay laging mananaig sa harap ng kasamaan. Ang kuwentong ito ay isang paglalakbay ng pag-ibig, katapangan, at pagkakaisa. Ipinapakita nito ang mahalagang papel ng mga kaibigan, mga mitikong nilalang, at mga diyos at dyosa sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagtitiwala sa isa't isa, ang grupo ni Gabriel ay nagpatunay na ang pag-asa at tagumpay ay laging maaaring matamo sa kabila ng kadiliman.
DelfinDimlasa93 · 5.2K Views

Harana, Isaw, Tamang Tiyempo, At Ikaw (Filipino)

Kontento na sa buhay niya si Donna. Meron na siya ng lahat ng pwedeng hilingin ng isang babae. Hindi siya mayaman at sikat pero meron naman siyang masayang pamilya, supportive na mga kaibigan, stable na trabaho at higit sa lahat, love life. Sa katunayan, limang taon na sila ni Jestoni. Nagtatrabaho ang nobyo niya sa Amerika para sa pamilya nito at para raw sa future nila. Mahirap para kay Donna ang malayo rito pero dahil mahal niya si Jestoni at may tiwala siya rito, tiniis niya ang lahat. Pero basta na lang bumaliktad ang mundo niya nang malaman niya mula sa nanay nito na tinatapos na nila ang relasyon nila dahil nagpakasal na ito sa isang Amerikana para makakuha ng green card. Lahat ng pangarap niya para sa kanilang dalawa ay naglaho at ang mga sakripisyo niya ay nabale-wala. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng mundo. Para sandaling makalimot ay dinala siya ng mga pinsan niya sa isang bar upang panoorin ang paboritong banda ng mga ito—ang papasikat pa lamang na Tough Love. Doon ay nakilala niya ang gitarista na gwapo sana pero snob na si Bob Earvin Montelibano. Ang akala ni Donna ay makakalimot nga siya kahit pansamantala lang pero mukhang pinagkakaisahan yata siya ng tadhana. Nang gabi ring iyon, isang lalaking kapangalan ng ex niya ang nag-propose ng kasal sa nobya nito. Sila dapat iyon kung hindi lang siya nito ipinagpalit sa American dream nito! Nilayasan niya ang mga pinsan sa bar at sa hindi inaasahan ay sinundan siya ni Bob Earvin at sinigurong walang mangyayaring masama sa mga tao sa paligid niya—este sa kanya pala. Doon nagsimula ang friendship nila. And then Bob Earvin asked her out. Hindi iyon inaasahan ni Donna. Pumayag siyang makipag-date dito sa susunod na magkita sila. Pero may iba nang plano si Donna. Nang magkita sila ulit, dalawang taon na ang nakalipas at naghilom na ang sugatan niyang puso. Pumunta uli siya sa bar kung saan nagpe-perform ang Tough Love at hindi hamak na mas sikat na ang mga ito ngayon. Ang akala niya ay nakalimutan na siya ni Bob Earvin. Pero nagulat siya nang basta na lang siya nitong halikan. Para raw iyon sa pang-iindyan niya rito dalawang taon na ang nakararaan.
slightstories · 36.6K Views
Related Topics
More