Uncontrolled
Si Fara ang gusto ni Ken—at walang kahit sino o anuman ang makakapigil sa kanya. Hindi niya matanggap ang mga dahilan ni Fara, hindi niya matanggap na itutulak siya nito palayo gamit ang pagiging pamilya bilang hadlang upang mapasakanya ito. Para kay Ken, walang halaga ang mga pamantayan ng mundo. Ang mahalaga sa kanya ay tanggapin ni Fara ang nararamdaman niya.
Pero para kay Fara, hindi ganoon kasimple ang lahat. Pamangkin niya si Ken, kahit pa hindi sila tunay na magkadugo. Alam niyang mali, alam niyang hindi dapat, pero paano niya itatakwil ang isang taong handang gawin ang lahat para ipaglaban siya?
Sa pagitan ng tama at mali, mas matimbang ang pag-aari. At para kay Ken, si Fara ay kanya—at hinding-hindi niya hahayaang mawala ito sa kanya.