Red Thread
"Play my words inside your mind. Use your eyes to read, imagine, transform, and make my characters alive."
Work of Art - Mystery/Thriller
Subgenre - Young Adult
May 18, 2020
June 4, 2020
(NOT A WHOLE DETECTIVE DRAMA)
***
STANFORD, malapit sa baybayin ng West Philippine Sea, mukhang normal sa paningin ng isang tao lamang. Dahil tila ito ay nahahati sa tatlong apat-na-palapag, malaki at maluwang na gusali - na nagbibigay ng mga puwang para sa iba't ibang mga pasilidad tulad ng Multi-purpose Hall, Cafeteria at Library. Ang kanilang mga diseniyo ng arkitektura ay ibinigyang inspirasyon mula sa panahon ng Medieval na may mga bintanang baso, tukod, matataas at patilos na bubong, sementadong salulo, tore at arkong paturo.
Ang tatlong pangunahing gusali, gayunpaman, ay mayroon ding tatlong magkakaibang mga layunin at nahahati sa dalawang bahay. Ang pinakang malayo ay may rebulto ng tigre, ito ay kumakatawan sa mga bihasang mag-aaral at ang layunin nito ay upang tipunin ang lahat ng mga mag-aaral na handa para sa agham pampulitika, computer science at mga propesyon na may kinalaman sa teknolohiya. Ang gitna ay may estatwa ng leon, ito ang gusali para sa lahat ng mga pasilidad sa paaralan. Ang pangatlo ay may rebulto ng lobo, kinakatawan nito ang mga intelihenteng mag-aaral. Katapat naman ng mga gusali ay bilog at malawak na obal na hugis-itlog na kung saan ay kinubkob ng mga puno ng Elm at Oak at nagbibigay ng natural na hangin.
Ito ay payapa. Madali ang buhay ng mga mag-aaral. Hindi hanggang sa sunod-sunod na pagkitil ng buhay mula sa mga pagpapakamatay, pagkalulong sa droga, at serial killings ay mapunta sa linya sa kanilang mga bakuran. Walang sino man ang nakakaalam kung sino o kung ano ang nasa likuran ng biglaang trahedyang mga kaganapan na ito, naisip ng lahat na ito ay isang masamang taon lang para sa Stanford. Maliban sa isang tao.
Si Logan, ang anak ng direktor ng Stanford at isang miyembro ng News and Report Club, na naaksidente sa nakaraang taon na naging dahilan upang magkaroon siya ng short-term memory. Sinusubukan na lutasin ang kaso dahil naniniwala siya na hindi lamang ito mga sadyang pagkakataon. Dahil ang isang tao ay nasa likod nito, naisip niya. At ang mga kasawiang nagaganap ay konektado sa aksidente na kaniyang nakatagpo.
Mayroong dalawang posibleng mga tao sa likod ng mga gawaing ito, naisip niya. Ang bagong nahalal na Punong Estudyante mula sa bahay ng tigre o isa sa kanyang malalapit na kaibigan. Alin man, alam niya na hindi ito magiging madali. At dahil doon, sinubukan niyang bumuo ng isang club mula sa mga mag-aaral na naging rebelde laban sa Stanford.
At sa paglapit nila sa katapusan ng mga kaso. Nalaman niyang isa lang ang nasa likod nito.