Crazy In Love With You [BOYXBOY]
Nandito ako ngayon sa restaurant kung saan kami magkikita ng napakagaling kong boyfriend. Tinawagan nya ako dahil may mahalaga raw kaming dapat pag-usapan, bigla akong kinutuban ng sabihin nya saakin habang kausap ko sya sa phone. Tumingin ako sa wristwatch ko at nang makita ko ang oras ay magse-seven na pala nang gabi. Tumingin ako sa labas upang hanapin ito at hindi naman ako nabigo dahil sakto ang kanyang dating nang patayo na ako kaya naman bumalik na lamang ako saaking inuupuan.
"You're one minute late" seryoso kong sabi sa kanya. Nagulat ako ng bigla itong ngumisi saaking sinabi.
"Diba 'li nang late, wag lang nauubusan ng oras sa taong mahalaga sa kanya" mala'pilosopong sagot nito saakin. Hayop 'to, kailan pa nya natutunan na sagutin ako ng ganyan.
"Well, ang galing muna ha? Akala ko ba may kailangan tayong pag-usapan? Kung saan saan mo nililigaw ang utak ko!" Inis kong sabi sa kanya.
"Maghintay ka!" Ganti nyang sagot saakin. "BREAK NA TAYO!!!" Halos mabingi ako ng magsalita sya. Punyetang lalaking 'to, impakto talaga. Hindi ako nabibingi dahil sa sinabi nyang magbreak na kami, nabingin ako dahil sa lakas ng punyeta nyang boses na itinapat nya sa mismong tenga ko. Napakagago lang diba?!
"Punyeta ka!!! HINDI AKO BINGI PARA SIGAWAN MO, AT LALONG WALA AKO SA BUNDOK O SA KABILANG RESTAURANT PARA ISIGAW MO SAAKIN NA MAGBREAK NA TAYO!!!!!" Halos lumabas na ang lahat ng ugat ko saaking leeg dahil sa labis na inis sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Wala akong pakialam kung mabingi ka or what! Wala naman ako sayo diba?! Wala ka ngang oras na maibigay saakin diba?! Kaya ayos lang yan sayo!" Impakto talaga, common sense dapat ang pinapagana hindi ang katangahan sa sarili.
"Para sabihin ko sayo, hindi hinihingi ang oras, nilalaan ito. At for your fucking information, matagal ko nang alam na niloloko mo lang ako" tumigil ako sandali para humugot ng isang dram na inis sa mga sandaling ito. "At alam ko rin na punyeta ka! Na may kasama kang iba apat na taon nang nakakalipas, ibig sabihin apat na taon muna kong niloloko nang dahil sa hindi kita mabigyan o mapaglaanan ng oras" mahaba kong lintanya sakanya.
Hayop sya, hindi dapat sya pinagaaksayahan ng oras. "Tsaka para saan pa't mageexert ako ng time para sa isang katulad mong manloloko. At kung makikipagbreak ka saakin. Well. It's my pleasure, mawawalan na rin ng asungot sa buhay ko" matapos kong sabihin ang napakahaba kong linya na binigay saakin ng impaktong author kung sino man sya ay hindi na ako nagtagal saaking kinauupuan, agad akong tumayo at lumabas na ng restaurant dahil nakukuha na nanamin ang atensyon ng lahat ng tao sa loob.