Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Otso Otso

HFH Series: Alexander Kier Vincent Rios - The General's Son

Namamayagpag si 1st Lt. Remie Alexis Aritana sa career niya bilang isang Philippine Air Force Pilot sa edad na bente-otso. Naalarma siya nang marinig niya sa ama at sa isang Heneral na si Lucio Mondejar ang masinsinang usapan nito sa opisina tungkol sa arrange marriage sa anak nitong si Capt. Louis Mondejar. Hindi siya makakapayag na pati ang personal niyang buhay ay pakikialaman pa ng diktador na ama kahit sabihin pa na involve rito ang karangalan at kapangyarihan ng kanilang pamilya. Kaya kinuha niya ang serbisyo ng RnJ Dating Services.  Isang kompanyang magbibigay solusyon sa problema niya upang pansamantalang mag-hire ng asawa na ihaharap sa ama kahit limasin niya ang pera niya. At nakilala niya ang binatang si Kervin Fereira. Isang angkas rider na ipinadala ng ahensiya. Inaakala niya noong una ay pipitsugin lamang ang ipapadala ngunit napamaang siya nang magkita sila sa isang restaurant. Isang purong may lahing Amerikano. Matikas ang tindig ng binata, may matangos na ilong, matangkad at higit sa lahat ang magaganda nitong kulay asul na mga mata. Nagkasundo naman agad sila kahit alam niyang hindi madali ang pinasok niyang sitwasyon. Galit na galit naman ang ama ni Alexis pero nagawa itong mapaamo ng binata pati na rin siya. Pero paano kung gulo pala ang dala ni Kervin sa buhay niya at may iba itong pakay sa pakikipaglapit sa ama niya? Paano niya rin isasalba ang pusong unti-unting nahuhulog na para sa binata?
Magzz23 · 11.7K Views

HFH Series: Zion Gabriel Lewis - The heartless Intruder

Bruskong kumilos at rebeldeng anak si Roselyn Karla Salcido Lloren. Nang magkaipon ng sapat na halaga, nag-migrate siya sa Amerika at doon nanirahan. Sa edad na bente-otso ay naging matagumpay siya sa kaniyang business career bilang top distributor ng isang leading brand na relo roon. Nalaman niya mula sa kakambal na kapatid na si Rosario na balak ng mga magulang nilang ipakasal siya sa anak ng isang Business Tycoon sa China na nagmamay-ari ng mga malalaking Shipping Company tulad ng negosyo ng mga magulang niya. Nais ng bawat pamilya nilang mag-merge ang kanilang business at kontrolin ang kalakaran sa transportasyong pandagat. Agad na tinutulan ito ng dalaga at sinabi niya sa huling pakikipag-usap sa mga magulang na nag-asawa na siya. Nagbanta ang ama niyang sisirain ang negosyong naipundar niya oras na hindi siya sumunod sa mga ito at hindi kikilalaning anak. Hanggang sa napilitan nga siyang umuwi ngunit hindi niya ipinaalam sa mga ito. Gumawa siya ng hakbang at nakipagtulungan sa mga kaibigang may alam sa isang lihim na kalakaran. Ang RnJ Dating Services. Wala siyang pakialam kung maubos man ang salapi niya basta makuhang muling ang kalayaang minsan na niyang ipinaglaban. And she meet Denver Villaver. Isang guwapo at hot na grab driver na napili niya at ipinadala ng kompanya. Idagdag pa ang nangingibabaw nitong ibang lahi na may kulay abo at nangungusap na mga mata. Halos atakehin sa puso ang kaniyang ama nang maipakilala na niya si Denver sa mga ito. Kahit ang ina niya ay hindi makapaniwalang totoo nga ang sinasabi niyang nag-asawa na siya sa Amerika. Kalaunan, unti-unti rin naging maayos ang relasyon niya sa pamilya sa tulong ng binata. Paano kung malugmok sa isang matinding problema ang kaniyang pamilya nang dahil sa binata?
Magzz23 · 10.1K Views

Wild Page "I'm Willing To Keep You Forever

Ochran Winter as Wild Page, At the age of Twenty Nine, He become a famous filipino writer. Ochran works alone of his new book novel. Sa toong buhay, Ang Manunulat ay kilala bilang masungit, mapanakit, at walang utang na loob sa pamilya. Kalaunan napagtanto ng binata na habang tumatanda, nagiging malungkot at misirable ang buhay niya. Kailangan ni Ochran itago ang totoong pangalan upang sa ganoon maiwasan ang isang issue na binato sa kanya ng mga tao. Nagpalipat-lipat ng tirahan si Ochran upang itago ang tunay na pagkatao. Zavaan Megallen, isang single mom na sobrang ganda. Sa edad na bente otso, Marami na itong koleksyon na libro. Mahilig magbasa ng ibat' ibang kwento ang babae kasama ang 2 years old na anak nito. Naulila sa asawa si Zaavan matapos itong takasan ang isang resposibilidad bilang ama sa batang dinadala. Tumayong ama sa kanyang anak si Zaavan sa loob ng dalawang taon at pitong buwan. Nagtrabaho si Zaavan bilang katulong sa bahay ng matandang amo upang sa ganoon mabuhay niya ang batang anak nito. Hindi naging madali ang buhay ni Zaavan, Hanggang sa dumating ang araw na makilala niya si Wild Page bilang isang simple, gwapo, matalino, mabait, masipag, at tapat. Ang babae ay naging malapit sa buhay ni Ochran Winter pero kailangan niya paring mag-ingat sa kanyang kilos at sinasabi. Paano kung isang araw maramdaman ulit ni Zaavan ang tunay na pagmamahal sa lalaking nagustohan. Ano ang kahinatnan kung malaman ng dilag na ang lalaking inibig ay isa palang sikat na manunulat. Magbago kaya ang tingin ni Zaavan kay Wild Page? Kung si Ochran Winter at Wild Page ay iisa nararapat bang ingatan siya?
MetallicaE · 101 Views