Mister, Don't Bite Me
"Dalian mo llide, pumasok ka sa loob ng kabinet, kahit anong mangyare huwag na huwag kang lalabas!" Tinulak ako ni mama papasok ng kabinet. Naguguluhan ako kung anong nangyayare. May mga lalakeng kanina pang katok ng katok sa labas ng bahay kaya parang takot na takot si mama. "mama ayoko madilim sa loob gusto ko sa tabi mo lang ako, ano po bang nangyayare?" tanong ko kay mama habang umiiyak, kita ko rin sa mga mata ni mama yung pagtulo ng luha niya pero mas nangingibabaw yung takot. "Sumunod ka na lang llide, basta't tatandaan mo palagi, kahit anong mangyare huwag na huwag kang lalabas naiintindihan mo ba" hinawakan ni mama ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo, "mahal na mahal kita anak, I'm sorry kung mas pinili kong lumayo tayo sa papa mo dahil ayokong maging katulad mo siya" humagulhol si mama sa pagiyak at niyakap ako ng mahigpit. Narinig namin ang pagbukas ng pinto kaya tinulak na niya ako sa loob ng kabinet. Tatlong lalakeng nakapula ang nasa loob ng bahay may hawak silang panaksak, pinaghahampas sila ni mama ngunit hindi na siya nakapag ng saksakin siya mula sa likod, naptakpi na lang ako sa king bibg dahil baka marinig nila ang patulpy tuloy kong pag iyak. "Nasaan ang anak mo!" rinig kong aogaw nung isang lalake na pinagsisipa si mama habang nasa sahig. "Hinding hindi niyo siya mahahanap, nasa malayong lugar siya kung saan tanging tao lamang ang mga nandoon" nanggiliit sa galit ang lalake kaya pinaikot niya ang ulo ni mama. lalo akong umiyak at napuno ng galit. "Supremo mukha ngang wala dito ang anak niya , mukhang natakasan tayo" rinig kong sabi ng kasama nilang lalake. Nakatingin si mama sa direksyon ko ng may luha ngunit nakangiti. "Hindi isang bata ang makakapagbagsak sakin, hanapin niyo ang batang yan at ibigay niyo sakin ang pugot niyang ulo" Lumabas na ng bahay ang tinatawag nilang supremo kaya sumunod na rin ang kanyang mga kasama. Dali dali akong lumabas ng kabinet at pinuntahan si mama. "M-mama tatawag ako ng doctor huwag kang p-pikit" humahagulhol ako sa iyak habang hawak hawak ko si mama, may pilit binubulong si mama kaya inilapit ko ang tenga ko para maring ang sasabihin niya "kahit anong mangyare huwag na huwag kang gaganti, hindi ka nila katulad, para sakin isang espesyal, mahal na mahal kita" hinawakan ni mama ang aking pisngi habang patulpy parin ako sa pag iyak. Bumagsak ang kamay ni mama sa sahig kaya nagulat ako "m-mama? mamaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" hindi hindi maari wala na wala na si mama.
Lumipas ang tatlong araw nilibing ko si mama sa likod ng bahay. Ayokong may ibang makaalam tungkol samin kaya mas mabuting dito ko na lang aiya nilibing. "Hahanapin ko ang supremo nila at ako mismo ang papatay sa kanya balang araw, ipaghihiganti ko ang pagkamatay mo mama" pinilit kong huwag ng umiyak dahil kailangan kong maging matapang para harapin ang supremo. Napatitig ako sa langit at napapikit.