Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Keito

Ang Kampilan na Humahati sa Hangin

Isang uri ng nobelang Bayaning-Mandirigma (War Hero), na ang mga pangunahing mga karakter ay marunong manlaban at nageensayo ng kanilang Sining Pandigma (Martial Arts). Sila ay mga Alagad ng Sining Pandigma (Martial Artists) na nagpapalakas ng kanilang Gahum (Spiritual Power) sa pamamaraan ng pagpatay ng ibang tao o hayop at pagkukuha ng kanilang Gahum o pagbibigay pugay o paghihingi ng kapangyarihan galing sa mga umalagad (ancestral spirits). Sa Kapuluang Baha-Bahagi, sa mundo ng Ikinatha, tinatahak ng dalawang dakilang magkakapatid ang buhay ng alipin. Si Mayumi at Bolan ay dalawang magkapatid na aliping horohan ni Datu Ranao. Mga dalaga't binata na, walumpung taon sila nagtataka kung sino ang kanilang mga magulang. Si Mayumi ay isang mabuting bata, umbo ni Bolan, mainitin ang ulo, at walang takot na sumusulong sa buhay. Lahat noon ay mababaliktad nang napaginipan niya ang puting buhok na diwata. Nanay niya ba ito? Buhay pa kaya siya? Si Bolan ay ang oyo ni Mayumi. Malumanay, matalino, pero marunong pumatay. Mahuhulog ang kaniyang damdamin para sa napakagandang Baylan sa kanilang lungsod... kaso lang, siya'y binayaan ng pagkikita sa mundong hindi makita. Maari siyang maging bayugin. Sundan ang dalawang magkapatid na ito at ang kanilang kaibigan na sila Urduya at Galura, sa pagngayaw kay Datu Keraya, ang Datung nagnakaw sa makabuluhang Kampilan ng Humahati sa Hangin. Kakayanin ba nila ang katotohanan? Gagampanan ba nila ang kanilang responsibilidad? Hanapin ang Kampilan ng Humahati sa Hangin. *** Kapag nagustuhan ninyo, mag-vote at comment! Talagang pinapahalagaan ko ang inyong mga feedback! *Ako gumawa ng cover, pero hindi ako ang may-ari ng imahe na ginamit. Credits sa owner.
oinonsana · 50.4K Views

IN JAILED FOR JUSTICE

Siya ay isang famous Prosecutor sa Korean Government mayroon siyang kakambal na nakulong ngunit isang araw nabalitaan nyang patay na ito tanging siya lamang ang kauna-unahang nakaalam dahil kaibigan nya ang pulis na nagdala dito sa Hospital. Sinabi nya dito na huwag nitong ipagsasabi kahit kanino man na patay na ito; nagbakasyon rin sya ng isang taon sa pagiging Prosecutor para matutukan ang pagiimbistiga sa pagkamatay ng kapatid. Tunghayan at subaybayan ang magaganap. Protagonist Lee Wang Yong (tunay na pangalan)/ Lee Wang Yang(kapatid na nakulong, magpapanggap si Lee Wang Yong na si Lee Wang Yang) 28 yrs old. Matalino, Cold but soft hearted, walang babaeng hindi mabibighani sa kanya ngunit nagsusuot lagi ito ng salamin at hindi man lang naglalagay ng m0ake-up, lip tint maging gell para maayos ang buhok. Hilig pa nitong magsuot ng plain white or black shirt, pantalon at rubber shoes noong kabataan at nagaaral pa siya. Pero ngayong hindi na lagi itong nakacontact lenses, nakaamerikana at nakakurbata maging black shoes pag magisa na sya ay mahilig itong magjacket at jogging pant ng ternuhan black or white tuwing umaga nagjojogging rin sya bago sya humarap sa court. [Lee Joon Gi] Lee Wang Yang Gwapo, kilalang lapitin ng chicks, myembro ng Bam Gang in other term Night Gang kinatatakutan sa kalsada. Kung anong ikinatalino ng kapatid sya naman nitong kabaligtaran. Laging nasasangkot sa gulo, ilang beses na ring nakulong dahil sa gulong kinasangkutan at mga riot. Ngunit ito ang pinakamatindi napatay nito ang kanyang coworker na kapwa guardia rin. Pero in reality...sya ang papatayin nito at ang ginawa lang nito ay self defense. Hanggang sa nakulong at misteryosong namatay at ayun ang iimbistigahan ni Wang Yong. [Sunoo- Enhypen] Kang Dalhae Tenant ng bahay na inuupahan ni Wang Yong. Kaso namatay nang maaga dahil sa trahedyang naganap sa Itaewon noong Halloween gayon din ang kapatid nitong si Chaeryung at Chaesang. [Moon Chae Won] Kang Chaeryung kapatid ni Dalhae at gf ni Wang Yang. Nagkakilala sila sa Lotte that time guardia doon ito di pa sya nakukulong that time. [Moon Ga-young] Isang araw nabalita na lamang na pinatay niya ang coworker niya that time si Wang Yong ay nasaPilipinas as a New Ambassador ng Korea sa Pilipinas ukol sa 5 koreanong nambibiktima ng kapwa koreano hinggil sa pyramid scam at prostitution na umakyat na ang kaalaman sa Korea at inatasan itong ibalik sa Korea ang mga naturang koreano para doon na ipakulong. Kaya huli na nang malaman nito at nakakulong na ito. Inapila niya na kung maaaring siya ang humawak sa kaso ng kanyang kapatid ngunit di sya pinayagan. Kang Hana- First love niya si Wang Yong kasi nung bata pa ito ito ang nagalaga dito nagtutor simula grade 4-7 natigil lang nang magaral si Wang Yong ng college at then di na sila nagkita. Anak ng mayari ng Latte Company [IU] Iba pang Taugan... Lee Sangwoo~Abugado ni Lee Wang Yang Lee Dowan~ama ni Wang Yong at Wang Yang Moon Chaegyong~ina nina Wang Yong at Wang Yang. Lee Wang Bi~kapatid na bunso nung dalawa babae sikat na vloger at influencer. Tunghayan natin kung anu-anong scheme ang matutunghayan ni Lee Wang Yong are you ready?!.
2YEOJA1BABAE2GIRL3 · 5.8K Views

Ang Liwanag ng Kadiliman: Isang Paglalakbay sa Pag-ibig at Katapangan

Synopsis: Sa isang malupit na gabi, sinapit ng malagim na pangyayari ang buhay ni Gabriel nang dukutin ng Aswang Queen ang kanyang mga magulang upang gawing alay sa impiyerno. Ang kanyang mundo ay biglang gumuho, at ang kanyang puso ay napuno ng galit at determinasyon na mabawi ang kanyang mga magulang mula sa kamay ng kasamaan. Sa kanyang paglalakbay tungo sa paghahanap ng katarungan, sumama si Gabriel kay Isabella, ang matapang na mamamahayag na may malasakit sa mga inosenteng biktima ng kadiliman. Kasama rin nila sina Mateo, isang siningero na may kakayahang makipag-ugnayan sa mga diwata at mitikong nilalang; Sofia, isang mandirigmang dalubhasa sa Filipino martial arts; at Rafael, isang dalubhasang siyentipiko na may malalim na kaalaman sa mga mitikong nilalang. Sa kanilang paglalakbay, sila ay tinulungan ng mga Diwata ng Kalikasan na maging gabay at proteksyon. Ang mga Diwata ay nagbigay ng liwanag at lakas sa grupo habang sila ay humaharap sa mga panganib at laban sa mga nilalang ng kadiliman. Kasama rin nila ang tikbalang na nagbigay ng lakas at kahusayan sa pakikipaglaban, ang kapre na nagbigay ng impormasyon at gabay sa mga kagubatan, at ang mga engkanto na nagdulot ng tulong at mahika sa mga pangangailangan ng grupo. Sa kanilang paglalakbay, sila ay dumaan sa mga matitinding pagsubok at pakikipaglaban. Sa bawat yugto, sila ay nakaranas ng kapangyarihan mula sa mga diyos at dyosa ng mitolohiya. Ang mga diyos at dyosa ay nagbigay ng mga espesyal na agimat at kapangyarihan kay Gabriel upang matulungan siya sa kanyang misyon na mabawi ang kanyang mga magulang. Ang mga kapangyarihang ito ay nagbigay sa kanya ng lakas, talino, at kahusayan na kailangan niya upang harapin ang Aswang Queen at ang kanyang mga kasamang masasamang nilalang. Sa huli, sa pamamagitan ng kanilang tibay ng loob, tapang, at pagkakaisa, nagawa ng grupo na labanan ang Aswang Queen at ang kanyang mga kasama. Sa isang matinding laban, nagtagumpay sila na mabawi ang mga magulang ni Gabriel mula sa kapangyarihan ng kadiliman. Ang kaligtasan at tagumpay na ito ay nagdulot ng liwanag at pag-asa sa mundo, at nagpatunay na ang kabutihan at katapangan ay laging mananaig sa harap ng kasamaan. Ang kuwentong ito ay isang paglalakbay ng pag-ibig, katapangan, at pagkakaisa. Ipinapakita nito ang mahalagang papel ng mga kaibigan, mga mitikong nilalang, at mga diyos at dyosa sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagtitiwala sa isa't isa, ang grupo ni Gabriel ay nagpatunay na ang pag-asa at tagumpay ay laging maaaring matamo sa kabila ng kadiliman.
DelfinDimlasa93 · 5.2K Views
Related Topics
More