Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Jiban Tamang

Harana, Isaw, Tamang Tiyempo, At Ikaw (Filipino)

Kontento na sa buhay niya si Donna. Meron na siya ng lahat ng pwedeng hilingin ng isang babae. Hindi siya mayaman at sikat pero meron naman siyang masayang pamilya, supportive na mga kaibigan, stable na trabaho at higit sa lahat, love life. Sa katunayan, limang taon na sila ni Jestoni. Nagtatrabaho ang nobyo niya sa Amerika para sa pamilya nito at para raw sa future nila. Mahirap para kay Donna ang malayo rito pero dahil mahal niya si Jestoni at may tiwala siya rito, tiniis niya ang lahat. Pero basta na lang bumaliktad ang mundo niya nang malaman niya mula sa nanay nito na tinatapos na nila ang relasyon nila dahil nagpakasal na ito sa isang Amerikana para makakuha ng green card. Lahat ng pangarap niya para sa kanilang dalawa ay naglaho at ang mga sakripisyo niya ay nabale-wala. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng mundo. Para sandaling makalimot ay dinala siya ng mga pinsan niya sa isang bar upang panoorin ang paboritong banda ng mga ito—ang papasikat pa lamang na Tough Love. Doon ay nakilala niya ang gitarista na gwapo sana pero snob na si Bob Earvin Montelibano. Ang akala ni Donna ay makakalimot nga siya kahit pansamantala lang pero mukhang pinagkakaisahan yata siya ng tadhana. Nang gabi ring iyon, isang lalaking kapangalan ng ex niya ang nag-propose ng kasal sa nobya nito. Sila dapat iyon kung hindi lang siya nito ipinagpalit sa American dream nito! Nilayasan niya ang mga pinsan sa bar at sa hindi inaasahan ay sinundan siya ni Bob Earvin at sinigurong walang mangyayaring masama sa mga tao sa paligid niya—este sa kanya pala. Doon nagsimula ang friendship nila. And then Bob Earvin asked her out. Hindi iyon inaasahan ni Donna. Pumayag siyang makipag-date dito sa susunod na magkita sila. Pero may iba nang plano si Donna. Nang magkita sila ulit, dalawang taon na ang nakalipas at naghilom na ang sugatan niyang puso. Pumunta uli siya sa bar kung saan nagpe-perform ang Tough Love at hindi hamak na mas sikat na ang mga ito ngayon. Ang akala niya ay nakalimutan na siya ni Bob Earvin. Pero nagulat siya nang basta na lang siya nitong halikan. Para raw iyon sa pang-iindyan niya rito dalawang taon na ang nakararaan.
slightstories · 36.6K Views

Notorious Mafia Boss Ex-Wife (SEQUEL)

"Are you really sure about your decision?" Mahinhin na sabi ni Kreiah sa asawa na prenteng nakaupo sa sofa. Kita rin niya sa may table ang isang envelope na kinalalagyan ng divorce paper na gustong papirmahin ng asawa niya. "I am sure. Don't ask me about anything. I am tired. I am already tired on loving you," Walang emosyon na sagot naman nito sa kaniya. Nilabas pa nito ang dokumento at pinakita sa kaniya, pati ang ballpen ay nilapag na rin sa direksyon ng lamesa. "Kaya sign it and we're done." Dagdag pa nito sa sinambit. Napatango na lang si Kreiah sa sinambit nito. Ngunit kalaunan din ay ngumiti siya sa asawa na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha. Lumapit siya sa may lamesa na katabi ng lalaki. Hinawakan ang dokumento at hindi na nag-atubili pang basahin ito. Tamang nakikiramdam lang ang asawa niya sa pagpirma niya ng mga dokumento. Nang matapos na ay tuluyang lumabas ang ngiti sa labi ng lalaki. Pumalakpak pa ito sa galak at tumayo sa pagkakaupo sa sofa. "Well I need to go. Wala na rin naman akong gagawin dito. May sasabihin ka pa ba?" "I want to say be happy and I'll support you no matter what happen. It's not the end, so I'll never bit a goodbye. Just keep safe." Her soft smile still didn't fade away while looking to her husband. "Alright. Goodbye Ex-Wife." Kumaway pa ito sa direksyon niya at kinuha na ang envelope na nakatago ang pinirmahan niyang dokumento. Ngumiti lang siya at kumaway din sa harapan nito. "Take care Ex-Husband." Sagot din niya sa sinabi nito bago unti-unting nawala ang bulto ng katawan ng asawa niya, na ngayon ay isa na lang niyang dating asawa. She's no longer the wife of a notorious mafia boss, but she will remain as his ex-wife who will support him at all cost.
KYMEWRIGHTS · 44.3K Views

March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story)

Synopsis/Introduction: Paano kung isang araw, paggising mo, wala na ang taong pinakamamamahal mo? Oo, alam ko. Masakit, at mas gugustuhin mo pang mawala nalang din kaysa mabuhay nang hindi siya kasama. Pero, paano kung mayroong paraan? Paano kung may paraan para baguhin ang nakatadhana? Handa ka bang harapin at isugal ang buhay mo para sa buhay ng taong pinakamamahal mo? Ito ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin na nakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay — si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala nang ibang ninais si Jin kundi ang makabalik sa oras at panahon upang mailigtas niya si Chris mula sa hindi nito inaasahang pagkasawi. Gamit ang isang time machine, isang proyekto ng company na siyang pinagtatrabahuhan ni Jin, naniniwala siya na sa wakas, may sagot na sa kanyang mission na mailigtas si Chris sa pangalawang pagkakataon. 6 years ang itinagal bago natapos ang time machine. Tumanda na rin ang itsura ni Jin. Ngayon, 27 years old na siya. Sa araw na ito, naka-set na ang lahat at handa na siyang bumalik muli sa March 21, 2021 upang iligtas si Chris, at makabalik sa kasalukuyang buhay niya kapiling ang buhay na Chris. Nagsimula na ang pagpapaandar sa time machine. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon, nabago ang pagkakaset ng oras nito. Imbis na mapunta si Jin sa tamang panahon at oras, ay napunta siya sa maling timeline. Dinala siya ng kanyang time machine sa March 21, 2020, isang taon bago nangyari ang insidente. Dahil maling oras ang kanyang napuntahan, nais niyang i-set ulit ang time machine sa March 21, 2021, ngunit may isang malaking problema at ito ang hindi napaghandaan ni Jin. Hindi siya makakaalis dahil wala pa ang time machine sa panahon na ito. Ang buong akala ni Jin ay kasama niya ang time machine kahit saan mang oras niya nais pumunta. Makakaalis lamang siya sa oras na mabuo muli ang time machine. Napagpasyahan niya na lamang na manatili at maghintay, hanggang sa dumating ang oras na kanyang ikinatatakot. Naisip niya, dahil mas matanda na siya kay Chris sa mga panahong ito, hindi siya pwedeng makilala nito o ng kahit sino pa man. Kung magkataon, may malaking epekto ito sa kasalukuyan. Maaari ring may mangyaring hindi maganda sa kanya, at tuluyan na siyang hindi na makabalik sa tunay niyang oras. At dahil mananatili siya sa taong 2020, hindi maiiwasang magtagpo silang dalawa ng batang Jin sa taong 2020. Aaminin niya sa batang Jin na siya ito mula sa hinaharap upang tulungan siya, ngunit hindi niya rin maaaring sabihin ang lahat ng mangyayari upang protektahan ang kanyang sarili. Magpapanggap silang dalawa bilang magkapatid, at magtatago siya bilang si Jon, ang nakatatandang kapatid ng batang Jin. Sa isang taon na kanyang ilalagi, marami siyang bagay na matutuklasan sa pagkamatay ni Chris na hindi niya inaasahan.
Gonz0 · 113K Views

Revenge of the Murderer

Title: Revenge of the Murderer Synopsis: Lahat tayo ay mapaghiganti, di na yan nawawala sa ating mga tao, pero paano mo maipaghihiganti ang mahal mo sa buhay kung isa ka lamang pangkaraniwang tao, hindi marangya ang iyong buhay, walang kilalang mga abogado, Siya si Jazz Andrei Reyes, isa siyang lalaking nawalan ng mga magulang, sa murang edad ay nawalan na siya ng mga magulang, dahil pinatay ito ng isang serial killer, di niya alam kung sino ang taong killer na ito, meron lang siyang palatandaan kung paano niya ito mahahanap yun ay ang may tattoo sa kaliwang braso yung killer na pumatay sa mga magulang niya, ang tattoo na ito ay isang kutsilyo na may nakatusok na puso,.. Paano kung ang isang inosenteng bata ay maging isang mamamatay tao na rin inshort maging isang MURDERER pag magkaroon siya ng tamang pag iisip dahil sa ginawa sa kanyang mga magulang,... Paano kung ang isang Jazz Andrei ay maging isang sikat na Murderer sa henerasyon niya, ito ba ang tanging solusyon para makamit niya ang hustisya ng kanyang mga magulang ang maging isang mamamatay tao siya, Pero maliit talaga ang mundo, paano kung yung taong gusto mong patayin ay magiging kasangga mo, Siya naman si Sabrina Marie Del Pilar siya ay isang mahiyain na babae, walang kaibigan, inshort isa siyang loner na babae, pero hindi siya binubully ng mga taong nakapaligid sa kanya, Ano kaya ang sekreto ni Sabrina bakit natatakot ang mga taong saktan siya, wala naman siyang kapangyarihan, di naman siya isang maligno, at wala sa itsura ni sabrina ang katakutan ng mga tao, kasi meron siyang angelic face, sobrang napakabait niya at napakamahinhin, Paano kung magkatagpo ang landas nila Jazz Andrie at Sabrina Marie at paano kung malaman nila kung ano ang ugnayan nila sa isa't isa... Paairalin ba nila ang kanilang mga galit sa isa't isa o mas paiiralin nila ang kanilang mga nararamdaman para sa isa't isa.. Hindi lahat ng pag ibig ay may happy ending, ganun din ba ang mangyayari kina Jazz at Sabrina, magkakaroon ba sila ng happy ending o tragic ending... ....... By:natsugryder..
Kevin_Alaon_Dy_77 · 165.6K Views

The Badass Twins

This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. ©Copyright 2021 by Anndyscot09 All rights reserved, including the right to reproduce this book or portions thereof in any form whatsoever. ©Copyright 2021 by Anndyscot09 ~~~~~~~~~ "Witch, you're condominium building is on fire." Sabay na wika ng kambal. "Oh my god! Nasusunog ang condominium natin!" Tili ni Dana. Napatigil sa paglalaro ng basketball ang mga lalaki at nanlalaki ang mga mata nila sa gulat habang nakatingin sa buong building na tinutupok na ng apoy. Few hours later... "Kasalanan talaga yun ni Dana eh... Kung hindi lang siya tanga tanga na iniwan ang oven na nakabukas edi sana hindi nilamon ng apoy ang tinutuluyan niyo." Saad ni Godee. Ang panganay sa Twins. Nakangisi pa siya halatang masaya pa siya sa nangyareng sunog kanina. "Paano na yan wala na kayong matutuluyan at nasunog pa sa empyernong apoy ang mga gamit niyo? I'm sure, sa lansangan na kayo maninirahan. Hahahahahaha! Grabe ang saya non tang-*na!" Ani ni Heaven. Siya ang pangalawa sa kambal at bunso sa magkakapatid. Kung ang twin niya ay medyo matino tino pa ibahin natin siya dahil siya na yata ang pinaglihi sa demonyo sa sobrang pasaway niya at mahilig pang magmura. Well, pareho sila ni Godee na hindi yata nawawalan ng mga bad words sa katawan. "Twins, tumigil na kayong dalawa. Kita nyong nagluluksa sila." Saway sa kanila ni Blade. Ang kuya nila at leader sa grupong ACES. Matik na huminto sa kakatawa ang Twins. Sumusunod kasi sila sa utos ng kuya nila 'minsan' nga lang. Hindi nakaligtas sa paningin nila ang pagtaray sa kanila ni Dana. "Dukutin namin yang mata mo eh! Pataray taray ka pa jan ah!" Sigaw ni Heaven kay Dana. Naglabas pa si Godee ng pocket knife. Kaya halos mawalan ng ulirat si Dana ng lumapit sa kanya si Godee at itinutok nito ang pocket knife sa mata niya. Isang pulgada na lang ang pagitan ng patalim sa kaliwang mata niya nang nagsalita si Blade. "Godee! Itigil mo yan." "Ituloy mo ate para mawalan na ng mata yang si Dana tang-*na yan eh!" "Heaven! Isa ka rin. Tumigil na nga kayong dalawa. Wala namang ginagawang masama sa inyo si Dana." "Psh! Tinarayan niya kami." "Hindi totoo yon, Blade. Wag kang maniwala sa kanya. She's lying---" "Punyeta! Gusto mong ituloy ko toh sa mata mo huh?!" Sigaw ni Godee kay Dana kaya napahinto ito sa pagsasalita. "Tara na twin. Hayaan mo na ang Dana na yan at ng mamatay hahahaha!" "Sayang hindi siya nasunog, noh?" Saad ni Godee ng makalapit siya sa kambal. "Kaya nga eh. Siguro sa tamang panahon masusunog din siya sa empyerno." Nagtawanan sila ulit at akmang aalis na sila ng nagsalita ang kuya nila na talagang ikina-init ng dugo nila! "Let's go guys, Doon na kayo tumira sa mansion namin." Say what?!!!
Anndyscot09 · 88.5K Views
Related Topics
More