Guns & Notebook
Simple lang naman ang gusto ni Vivian sa buhay-pamunuan ang organisasyong itinayo ng tatay niya. Pero isang araw, biglang nagbago ang lahat. Ikaw ba naman utusan ng gangster mong ama na bumalik sa eskwela!
Ngayon, sa edad na 30, kailangan niyang mag-enroll ulit bilang senior high school student para daw ma-experience ang youth and romance bago niya tuluyang mamana ang leadership ng grupo nila.
Pero paano nga ba siya makikihalo sa mundo ng mga mas bata sa kanya? Sanay siya sa negosasyon, barilan, at pagtakas sa mga kalaban-hindi sa group projects, prom, at school festivals. Para sa kanya, ito na yata ang pinaka-challenging na mission sa buong buhay niya.
At habang pilit niyang nag-a-adjust, may isa pang problema-ang kanyang mga kaklase. Yung iba, parang may tinatagong lihim, habang yung iba naman, mas mukhang delikado pa kaysa sa mga kriminal na nakalaban niya noon.
Samahan si Vivian sa kanyang kakaibang adventure bilang isang SHS student, gang leader, at kaibigan.
Upload day is Saturday - 7pm