Antimano (Filipino/Tagalog)
Hindi ba't nakakabilib kung paanong ang nakaraan na dating kasalukuyan ay ngayon ay isang alaala na lamang? Lahat ng araw, gabi na naranasan ay mawawala na lang at nag-iiwan na lang ng mga alaala?
Ang mga alaala ay kung ano ang natitira sa nakaraan, ngunit kung ang nakaraan ay hindi na maala-ala, ano pa ang natitira para sa nangyari sa nakaraan?
Karamihan sa mga tao ay may posibilidad na makaramdam ng pagsisisi sa kanilang mga nagawa, nais nilang baguhin ang kanilang mga pagkakamali at gumawa ng isang mas mahusay na desisyon kaysa sa ginawa nila dati. Siyempre, nakalulungkot man; hindi na natin pwedeng balikan pa ang nakaraan.
Pero paano kung. Basta, just what if.
Paano kung mabigyan tayo ng once in a life time chance na bumalik sa nakaraan at isa ka sa napili, tatanggapin mo ba ito?
Ang sagot ay medyo halata.
"Eh, kung ako n'yan, hindi ako payag lola." Sabi ni Aventter.
I guess di lahat, hah?