Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Buto Bajang

THE DEVIL'S MOUNTAIN (Tagalog)

"There is something happening right now!, were not alone." Sambit ni Kennyth at lumabas na rin, sumunod naman si Ashlire. Nang nakalabas ang binata ay biglang napansin ni Azul ang kakaibang pagngisi ng binata at agad ring nawala, kaya napakunot ang noo nito sa pagtataka. Ngunit sumunod rin. Paglabas nila ay napansin ng dalawa ang biglang pagbunot ni Azul ng damo sa gilid, sunod-sunod nitong binunot ang mga damo hanggang sa wala nang damo sa gilid, at dun nila napansin ang parang isang buto, sinipa naman ito ni Azul papunta sa harapan ng dalawa, at tama nga, isa itong buto ng tao, Isang bungo!. "Wahhh!." Mahinang sigaw ni Ashlire sa gulat. "Bakit mo sinipa iyan papunta sa amin!!." Hindi makapaniwalang anas ni Ashlire. "Hindi lang basta nagpatayan ang mga tao rito! May massacre na nangyari noong araw ng pagsilang ng demonyo!." Malamig na anas ni Azul. Dahil roon ay biglang binunot naman ni Kennyth ang iilang baging sa gilid at nakita ang iilang buto na parang kamay. Kaya bigla nalamang nakaramdam ng panlalamig ang dalawa, ang ibig bang sabihin nito ay.... Pinapalibutan sila ngayun ng mga buto ng tao?. "We're doom!." Mahinang sambit ni Azul. "Az-----" Akmang magsasalita pa sana si Ashlire ng..... "Waaaahhhhhhhh!." Malakas na sigaw ng kung sino sa loob, kaya napalingon sila sa bahay at biglang naalala ang kaibigang naiwan sa loob, kaya nanlalaki ang kanilang mata sa gulat at mabilis na tumakbo papunta sa loob, nagkanda-dapa-dapa ang tatlo sa pagmamadaling makapasok, nang makapasok sila sa kwarto kong saan naiwan ang kaibigan ay napansin nila itong nasa kama... NAKAHIGA!. "W-warren! Bakit nandiyan ka!." Utal na tawag ni Ashlire sa kaibigang nakahiga sa kama. Nauna namang lumapit si Ashlire sa binata, nang makita nito ang ang binata ay biglang nangantog ang paa nito at napasalampak sa sahig sa gulat at takot. "W-w-warren." Nanlalaking mata nitong anas kabang napatulala sa gulat. Agad namang lumapit ang dalawa, nang makita ang mukha ng kaibigan ay napamaang ang dalawa sa nasaksihan, habang ang binata ay napamura sa pagkakagulat. Si Azul naman napaluhod sa pagkakagulat at takot. Dilat na dilat ang mga mata ng binata habang nakanganga ang bunganga, at nakahiga sa kama, habang ang kamay at paa maging ang leeg ay nababalotan ng maitim na likido. Nilapitan naman ni Kennyth ang Kaibigan at akmang ititikom ang bibig nito at isasara ang pagkakadilat ng mata ay pinigilan ito agad ni Azul, at umiling. "Don't!." Mariing anas ni Azul habang Unti-unti naring nagsituluan ang mga luha.
Blue_PenTulip · 6.9K Views

LUHA

"Alas tres ng madaling-araw pa nagsimula ang kaguluhan sa loob ng katamtamang laki ng bahay ng Family Hernaez. Hanggang sa magliwanag na ang kalangitan, hindi pa rin magka-mayaw ang mahigit sa dalawampung oku-pante na pawang may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. "Pero isang masayang kaguluhan iyon, may halong tawanan. "Paano'y iyon na ang pinakahihintay na araw ng buong pamilya at maraming kaibigan. Iyon ang mismong araw ng kasal ni Hanna. Ang kaisa-isang anak na babae ng mag-asawang Lando at Liza Hernaez.   "Humahangos si Aling Liza papalapit sa anak. "Nak ito'ng mga abay, iha. Kinakantiyawan ako na umiyak raw kasal mo," pagsusumbong nito. "Basta't maging natural na lang kayo, Mama at kayo rin mga amiga ko, payo ko sa mga ito. Kung walang naman  dahilan para umiyak, hindi n'yo kailangang magpatulo ng luha. Para maging very touching! Ang kasal namin ni David," "Nagtawanan na lang sila sa mga sinabi ko na pangiti na rin naman ako. Nag-umpisa na ang kasal namin ni David masayang-masaya ako dahil ang makakatuluyan ko'y ang lalaking mahal na mahal ko. Nakita ko ring masaya ang mga magulang ko sa pag-papakasal ko. Isabay pang botong-buto pa sila kay David, mabait guwapo at mayaman at na kay David na ang lahat ng katangian. Patungo na kami sa aming honeymoon at masaya kaming nag-haharutan ni David dito sa loob ng kotse niya. Hey! Ano ba David, mag-Drive ka nga muna wika ko rito. Pahalik lang ako Mahal ko, paglalambing niya sakin. Ang kulit mo talaga wika ko at tumawa lang ito sa akin. Lumapit ako dito at hinalikan ko ito pero nagulat kami nang masagi ng isang malaking truck ang kotseng sinasakyan namin ni David. Nakita ko itong pabulusok sa isang bangin, naramdaman kong niyakap ako ni David. ''Aaahhhhhh! Yun ang huling kong narinig bago ako mawalan nang malay.   ITO ang simula nang bangongut sa buhay naming  mag-asawang.        "Luha"
Sheriz · 5.8K Views
Related Topics
More