Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Arawi Keiichi

Ang Kahanga-hangang Tunay na Tagapagmana ng Batang Ginoo Fu

Si Shi Jin ay isang desperadong babae at isa lamang magandang mukha sa kanyang nakaraang buhay. Siya ay napalitan noong kapanganakan at pinalaki sa isang mayamang pamilya, ngunit sa huli ay namatay ng kaawa-awang kamatayan. Pagkatapos na si Shi Jin ay muling isinilang, siya ay naging matalino, nakahanap ng maraming malakas na tagasuporta, umunlad nang malaki sa kanyang karera, at iniwan ang mga namumuhi sa kanya sa pagkagulat. Lahat ng mata ay nakatuon sa panonood sa kanya na mapahiya. Ang tunay na anak ng mayamang pamilya ay naniniwala na kung si Shi Jin ay mananatili, maaari siyang gamitin bilang isang karagdagang katulong. Ang kanyang dating kasintahan ay nagpipilit na sumunod sa mga kasunduan ng kasal na pinagkasunduan ng kanilang mga magulang at pakasalan ang mayamang babae. Lahat ng tao sa pamilyang Shi ay naniniwala na tapos na siya sa industriya ng entertainment sa sandaling umalis siya sa pamilya. Ang kanyang mga anti-fans ay nakadarama na ang tanging paraan para siya ay makasulong ay ang matulog sa kanyang daan pataas! Si Shi Jin ay nakatanggap ng maraming masamang balita online matapos na mahuli na kumakain kasama ang pinakamayamang tao sa mundo. Lahat ay nangungutya sa kanya dahil sa paggamit ng kanyang katawan upang umunlad sa negosyo ng entertainment. Ang pinakamayamang tao sa mundo ay nalilito, "Ano ang mali sa pagkain kasama ang aking biological na nakababatang kapatid?" Hinabol ng mga paparazzi si Shi Jin ng tatlong araw at gabi nang mag-check in siya sa isang hotel kasama ang isang internasyonal na sikat. Ang internasyonal na sikat ay nagkomento, "May problema ba sa pagtalakay ng script kasama ang aking biological na anak?" Isang magandang araw, si Shi Jin ay napipigilan sa pader ng isang misteryosong global na kingpin at hinalikan hanggang sa mamula ang kanyang mga pisngi. Agad na itinago ng mga paparazzi ang kanilang mga camera at nagtanong, "Kamag-anak? Hindi ba kayo sumobra sa ensayo?" Ang misteryosong kingpin: "May problema ba kayo sa paghalik ko sa aking asawa?"
Sweet Sago · 6.9K Views

Dumagat: Ang Tagapagmana ng Liwanag

Si Carlo de Luna ay isang 25 taong gulang na lalaking mestizong may dugong Kastila at Cebuano. Siya ay may taas na 5’5” na may matipuno ngunit karaniwang pangangatawan. Tinatawag siyang "Dumagat” dahil siya ay nagmula sa baybaying-dagat ng Zamboanga del Sur. Tuwid ang kanyang buhok, may suot na salamin sa mata na nagpapahiwatig ng kanyang henyo sa agham at matematika, subalit madalas niyang itinatago ang talino sa likod ng isang simpleng imahe—isang tipikal na gangster na nakasuot ng karaniwang damit at may sunglasses para hindi mahalata ang kanyang tunay na kakayahan bilang guro at tagapagtanggol ng bayan. Bilang isang overpowered na tao, si Carlo ay matapang, matalino, masayahin, at may matibay na political will. Mahilig siyang makipagkompetensiya, lalo na sa larangan ng agham at sining ng pakikipaglaban. Sa kabila ng kanyang lakas at talino, may malaking takot siya sa pagkawala ng mga mahal niya sa buhay at ng kanyang bayan—isang kahinaan na nagbibigay lalim sa kanyang pagkatao. Mahilig siyang magbasa, mag-imbento, magsanay sa agimat, at madalas siyang nagkakape at naninigarilyo bilang bahagi ng kanyang araw-araw na gawain. Si Carlo ay nagmula sa Zamboanga del Sur at dumayo sa Bukidnon upang tuparin ang kanyang misyon na lipulin ang mga aswang na sumisira sa katahimikan ng mga tribo. Bago pa man niya natuklasan ang kanyang tunay na kapalaran, ninanais niyang magkaroon ng isang normal na buhay bilang guro at lider ng Quantum Gang — isang samahan na lumalaban sa mga masasamang tao gamit ang pinaghalong makabago at makalumang teknolohiya. Ngunit nagbago ang lahat nang matuklasan niya ang kanyang pagka-Tagapagmana ng Liwanag, isang natatanging tagapagligtas na pinapangalagaan ng mga sinaunang diyos at espiritu. Bilang henyo sa matematika at agham, mahusay siyang lider ng Quantum Gang dahil sa kanyang kasanayan sa Khali at Aikido, at may kakayahan ding magturo ng edukasyon. Ang kanyang mga armas ay mga modernong pluma at papel na ginagamit sa pagsulat at pagbigkas ng mga Latin na orasyon na minana mula sa kanyang lolo na isang Kastilang dalubhasa sa sinaunang mahika. May dalang whip na gawa sa metal na tila pangil ng kidlat ng dragon, na mana naman niya sa kanyang lola na Cebuana. Bukod dito, nagdadala siya ng mga mutya ng hangin, tubig, apoy, at kalikasan, pati na rin mga makabagong gadgets tulad ng cellphone, tablet, at locator na tumutulong sa pagtunton ng mga kampon ng kadiliman. Isang mahiwagang clay pot din ang kanyang gamit sa pagluluto ng mga pildoras para pampalakas at pampagaling ng sugat. Walang kahinaan si Carlo sa tradisyunal na pakahulugan—isang tunay na overpowered na bida. Sa kanyang buhay, malapit siya sa kanyang mga magulang—si Pedro de Luna, isang disiplinadong mandirigma at eksperto sa Kali at Aikido; si Maria Dimapili, isang guro ng panitikan at tagapangalaga ng kultura; at sa kanilang mga ninuno—si Miguel de Luna, ang dalubhasa sa Latin na orasyon na nagsisilbing gabay, at si Clara Dimapili, ang makapangyarihang babaylan na tagapangalaga ng kidlat at kalikasan. Pinagpapalakas siya ng kanilang mga aral at espiritwal na legacy, na nakaugat sa mga diyos ng kidlat gaya ni Magwayen. Bilang asawa ng limang makapangyarihang babae mula sa limang elemental tribes ng Mindanao, pinangangalagaan ni Carlo ang balanse ng kalikasan at kapangyarihan. Kabilang dito si Dayang Laya Binhi, healer mula sa Nature Tribe na may kaalaman sa herbal medicine at bio-spiritual healing; si Alunsina Daligdig, mandirigma ng Fire Tribe na eksperto sa apoy at tribong pakikidigma; si Bulan Sadsad, tank ng Earth Tribe na bihasa sa mountain warfare; si Amihanan “Mia” Salakay, assassin ng Wind Tribe na eksperto sa stealth at aeromancy; at si Ligaya Panubig, marksman ng Water Tribe na may husay sa hydro-pressure ballistics. Pinangungunahan niya ang kanilang limang mentor na pinagsama-sama sa pangunguna ni Datu Kidlat-an, ang tagapamagitan ng mga tribo, upang labanan ang panganib mula kay Datu Silab–Itim, ang Punong Itim ng Kadiliman.
GurongDelfin · 2.6K Views

Hara is Alive

Ang buhay ay parang apoy. Kapag maliit, madaling patayin. Kapag malaki, mahirap patayin. Pero hindi gan’on ang tunay na buhay—dahil kahit maliit ka man o malaki, madali ka pa ring patayin. Hindi natin pagmamay-ari ang buhay na meron tayo ngayon pero sadyang may mga taong handang wakasan ang kanilang buhay para sa inaasam-asam na kapayapaan sa sakit na nararamdaman. Meron namang binawian ng buhay na hindi naman nila ginusto, lalo’t na ang pagkitil ng isang buhay na hindi mo naman pagmamay-ari. May mga taong gusto mabuhay, pero hindi nabigyan ng pag-asang mabuhay. Alam nating lahat na ikaw at ako ay magkaiba. Dahil tayo ay ginawa ayon sa gusto ng Diyos, ngunit tatanggapin mo ba ang buhay na hindi naman dapat sa ‘yo? O pababayaan mo na lang dahil hindi mo ito gusto at pagmamay-ari? O gagamitin mo ito para sa iyong paghihiganti? Isang araw na akong walang tulog dahil sa mga pangungutya ng mga kaklase, guro, at mga tinuring kong totoong kaibigan. Hindi ko na alam kung paano ko kakayanin pa. Yesterday, my friends told me to do the dare. Sabi nila, katuwaan lang. I don’t know kung bakit ko ginawa ang katangahang bagay na ‘yon. “Hara, you must do the dare. I promise, he truly likes you.” Nahihiya akong gawin ang dare kasi malalaman nila na meron pala akong tinatagong nararamdaman sa isa sa mga gwapong, magaling, at babaerong sikat na MVP Basketball player sa Cor Jesu College. Sino naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang katulad niya na, everytime mo sya na makikita ay ngumingiti siya ‘tapos dagdag mo pa ‘yong mapupula niyang labi at ‘yong thick eyebrows niya. “Okay, I’ll do the dare, but make sure na hindi ‘to malalaman ng iba.” Sila ‘yong mga babaeng grupo sa school namin na nagkaisa para takutin ang mga babae at bakla sa school namin na ‘wag lalapitan o kausapin ang kanilang prinsipe raw. Nakita ko si JM sa labas ng room namin kung saan siya lang mag-isang nakaupo sa isang white plastic chair habang hawak-hawak niya ang kaniyang cellphone. Nasa harap ko na siya pero ang mga kamay, paa, at katawan ko ay parang ayaw nang humakbang papalapit sa kaniya pati na ‘yong anino ko gusto nang umurong. “Sige na, Hara!” boses ni Christian sa likod ko na nagtatago sa may pintuan ng room namin. Lumingon ako at sininyahasan ko na gagawin ko na ang dare nila. “JM, ahm… ano k-kasi,” nauutal ako. Hind ko na tuloy alam kung ano ang sasabihin sa kaniya. Ang mga bibig koy tila parang may nakadikit na glue na parang ayaw na nitong bumuka. Subalit, nilakasan ko ang aking loob upang matapos na ito. “Bakit, Hara?” tanong ni JM, kita sa mukha niya ang pagkalito sa kilos ko. “Dare lang ‘to, huh. Sana ‘wag mong masamain. Can I kiss you?” Hindi ko namalayan—ang pinkish, smooth, at nakakaakit na labi ni JM ay nakadampi na pala sa inosente kong labi. Saglit akong natigilan. His lips... were on mine. Para akong kidlat na tinamaan sa kalmadong gabi—walang babala, walang panahon para umiwas. Ang patak ng ulan ay tila pluma ng tadhana, dahan-dahang sumusulat ng eksenang hindi ko kailanman inasahan. Sa bawat segundo, parang umiikot ang mundo nang mas mabilis—para akong nasa Ferris wheel na nawalan ng kontrol, lumulutang sa pagitan ng takot at pagkamangha. Ang lamig ng paligid ay unti-unting natunaw sa init na hindi ko maipaliwanag, parang apoy na biglang sumiklab sa gitna ng bagyo. I was barely clothed—what I had on was torn to shreds. That’s the only way I could describe myself when they found my body behind the abandoned school comfort room. Makalipas ang ilang taon, tuluyan nang naglaho ang usapan tungkol sa pagkamatay ko. Wala nang balita, wala nang tanong. Siguro’y pinasara na ang kaso dahil wala silang ebidensiyang nakuha, at wala ring makapagsabi kung sino ang pumatay sa akin. Ang lumabas na lang sa balita: suicide. Dahil daw nalulong ako sa droga. Dahil daw sa stress—sa school, sa bahay. But now I’m back… And they’ll pay… For treating me like some toy—something to break, to use, to discard when they were done.
GenZRizal · 156K Views

MASKARA

Tik tak. Tik tak. Tanging tunog ng orasan ang nangingibabaw sa tahimik na bahay—isang tahimik na nakakabingi, na para bang bumabalot sa bawat sulok ng silid. Parang musika ito ng kawalan, ngunit imbes na paginhawahin, lalo lamang nitong pinapalakas ang kabog ng aking dibdib. Tik tak. Parang pinipiga ang aking puso, bawat segundo, bawat saglit, paulit-ulit, na tila pinapaalala ang bigat na matagal ko nang dinadala. Hindi ko na kayang pigilan pa. Kumawala na ang aking mga luha, kasabay ng hiningang tila mabigat na bato sa aking dibdib. Bumagsak ang mga patak na parang ulan sa pisngi kong hindi na sanay ngumiti. Minsan naiisip ko, paano nga ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Ang sakit—nakakapaso, nakakasakal—hindi ito basta lungkot lang, kundi isang matinding kalungkutan na nagpapahina sa aking mga tuhod. Araw-araw, pilit akong bumabangon, pilit tinatawid ang mga oras, pero habang ginagawa ko ito, lalong lumalalim ang sugat. Nasasaktan ako, hindi lamang dahil sa mga nangyari, kundi dahil sa awa ko sa aking sarili. Sino ba namang hindi maaawa kung araw-araw, pinipilit kong ngumiti kahit wala nang natitirang dahilan para sumaya? Ngunit kahit anong mangyari, kahit anong sakit ang idulot nito, isa lang ang sigurado ko: Ikaw at ikaw lamang ang aking mamahalin. Walang makakapalit sa'yo. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng mga gabing binubulabog ng tahimik na pag-iyak, ikaw pa rin ang laman ng puso kong durog na durog na. Hays… Nawa’y dumating ang araw na ang tik tak ng orasan ay maging musika ng pag-asa. Pero sa ngayon, ito muna ang aking mundo—isang tahimik na silid, isang pusong nagdurugo, at isang pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko kayang bitawan.
ariazmo · 6K Views

Falling Inlove With You

Naulilang lubos ang magkakapatid dahil sa pagkamatay ng ina at matagal ng wala ang kanilang ama, ngunit ng dahil sa sa Boss nitong walang patatawag na pamilya mga kamag anak o asawa at anak ay Nagkaroon ulit sila ng isang matatawag na magulang isang Ama na handa silang Kupkupin na magkakapatid, magkaroon ng Tahanan na mauuwian at pinag-aral. Si Ashier ang nagsisilbing tagapagmana ng Montiverde Company, A workaholic person to the point na hindi na niya na papansin ang pagkakaroon ng kasintahan pero magbabago ang lahat ng dahil sa pag-alis niya sa bansa. A Business Trip will lead her to someone that unexpected to meet, Isa ito sa kila lang Business Man sa bansa. That destined soon to be a business partner, Sa mga araw na lumipas na magkasama dahil sa bagong Project ng kani-kani lang mga companya ay parang may project din na ng yayari sa kanyang sarili na hindi niya maintindihan mga bagong pakiramdam na bago lang sa kanya na kailangan niya ng kasagotan, kasagotan na matagal na niyang nararamdaman sa tuwing nanjan lang malapit sa kanay ang na turingang Business Man ng Bansa the Lucky Person in his heart "Kean Sylvester Imperial" Serious person sa lagi ninyong pagsasama ay hindi mo pa nakikitaan ngumiti. It's their a chance na magkaroon man sila ng serious talk about their self not just about business, it's their have the same feeling or its just a one sided. "Ashier Kell Flores Montiverde" Falling In Love With You in and unexpected way.
PhoenixFlame · 4.7K Views
Related Topics
More