Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Boboiboy Balak

My Billionaire Fiance

Kristy Aguilar POV: Mag isa lang akong naka upo dito sa bench inaantay yung best friend kong si Carla gusto ko kase magpasama sa kanya manood ng laro ni Scott. Si Scott yung lalaking gustong gusto ko since Elementary palang ako ngayon High School na kami pero gusto kopa din siya kung gusto pa nga din ba ang matatawag dito sa nararamdaman ko Wala naman kase akong pag asa doon kay Scott eh baka nga hindi niya ako kilala eh. Tinignan ko yung suot ko hyst malabo talaga na magustuhan at makilala ako ni Scott sa suot koba naman na ito malabong mapansin niya ako eh puro mga sexy na babae nakakasama niya eh ako naka suot lang lagi ng pants at loose shirt then rubber shoes samahan pa ng thick eye glasses ko with braces hyst malabo na talaga nasabi ko nalang sa isip ko at lumingon sa gilid ko Nagulat ako sa nakita ko si Scott naglalakad parang papunta siya sa pwesto ko hala anong gagawin ko nagpapanic na aniya ko sa sarili ko sabay tayo at takbo palabas ng gate bahala na tatawagan ko nalang si carla at dito ko nalang aantayin sa labas Ganito lagi ang nangyayari sa tuwing nakikita ko si Scott malapit saken napapatakbo ako paalis ewan koba kinakabahan kase talaga ako eh Bat kaya ako balak lapitan ni Scott tanong ko nalang sa sarili ko Pero teka bat naman ako lalapitan ni Scott eh hindi naman niya ako kilala baka may ibang lalapitan si Scott iniisip ko kung may iba pabang nakaupo sa bench maliban saken Ay oo tama baka yung babae sa kabilang bench na nakaupo malapit lang saken hyst anubayan kristy ang assuming mo nakakahiya  tapa tampal nalang ako sa noo ko sabay buntong hininga Hay naku matawagan na nga lang si Carla at baka andoon nayun  kinuha ko nalang yung cellphone ko sa bagpack ko at tinawagan si Carla at nang makauwi na kami hindi nalang muna ako manonood ng laro ni Scott ngayon lang naman ako hindi makakanood eh hyst ano ba naman kase yan self eh napabuntong hininga nalang ulit ako. Nang sagutin ni Carla ang tawag ko sabay den nito ang pagdating ng sundo ko "Carla asan kana? Andito ako sa labas ng gate dito nalang kita aantayin " " palabas na ako " sagot nito "sige andito naden si Manong Andoy dalian mo" sagot ko dito at pinutol na yung tawag madalas si Carla sumabay samin pag uwi malapit lang kase yung bahay nila samin dalawang kanto lang ang pagitan bago ang amin kaya sumasabay nalang siya.  Scott Corden POV: " bakit tumakbo yun anubayan sayang naman tong chocolate na dala ko" nasabi ko nalang sa sarili ko at bumuntong hininga habang nakatingin sa babaeng tumatakbo palabas ng gate .
Rayza_Vasquez · 3K Views

Accidentally, Met You

Matipuno,goodlooking at simpatiko. Iyan ang katangiang taglay ni Josh Lopez,nag-iisang tagapagmana ng JL furniture. Tinagurian din siyang heartbreaker dahil sa mga babaeng napaiyak niya. Hindi naman siya playboy,ngunit bawat babaeng makarelasyon niya ay nagiging possessive. Kaya naman hinihiwalayan niya ang mga ito. Ngunit paano kung isang ang isang katulad niya ay magpanggap na isang beki  para lang takasan ang isang panggyayaring ni sa panaginip ay hindi niya gugustuhin? Balak siyang ipakasal ng kaniyang Ama sa kababata niyang si Laura. Nangako kasi ang pamilya nito na tutulungan silang maisalba ang nalugi nilang negosyo. Mariin niya itong tinutulan dahil wala siyang pagmamahal para sa kababata, dahil sa masama nitong pag-uugali. Nagpasya siyang lumayo para takasan ang problemang kinakaharap niya,ngunit alam niyang hindi siya titigilan ng babae. Maimpluwensiya kasi ang pamilya  ng dalaga.  At doon nga nagkrus ang landas nila ni Azumi,ang babaeng nakabundol sa kaniya. Nag-alok naman agad ng tulong ang dalaga at nakiusap na huwag na siyang idemanda pa ng lalaki. Ginamit niya ang pagkakataong iyon para samantalahin ang ito. Nagdemand siya na doon na muna siya makituloy sa dalaga dahil kailangan niya ng matutuluyan para makapagtago sa kababata. Kaya naman isang desperadong desisyon ang kailangan niyang gawin para mapapayag ito. Ang magpanggap na isang beki!  Kayanin niya kaya ang ganoong uri ng pagpapanggap?  Hanggang kailan  niya kaya kayang  panindigan ang pagiging beki gayong sa pagsasama nila ay unti-unti namang nahulog ang loob niya para sa dalaga?
Samleigh_G · 10.2K Views

Teach Me How to Die

Ano ang gagawin mo kung isang gabi matagpuan mo na lang ang sarili mo na na-stranded sa paaralang pinapasukan dahil sa masungit na panahon kasama ang dalawang guro na gustong pumatay sa iyo? Makalabas ka pa kaya nang buhay? ************ Nang pahiyain ni Miya Antipasado ang dragon nilang Math teacher sa harap ng klase, ang buong akala niya ay tuluyan nang matatapos ang maliligayang araw nito. Nagkamali siya. Nang ipatawag si Miya sa Principal's Office, natuklasan niyang mas kinampihan pa ng kanilang prinsipal na si Mrs. Villarica si Ms. Velasco. Pinal na napagdesisyunan nito na tuluyan nang patalsikin si Miya sa Purvil High sa paniniwalang isa siyang masamang impluwensya sa mga estudyante na hindi dapat pamarisan. Pero agad na tumaas ang tensyon sa loob ng opisina nang traydurin si Miya ng kanyang matalik na kaibigan at ibunyag sa mga ito na palihim na kinuhanan ni Miya ng video ang ginawang pamamahiya kay Ms. Velasco, at patuloy pa rin niyang kinukuhanan ng video ang pag-uusap nila ngayon. Nalaman din ng mga ito na balak i-post ni Miya sa social media ang mga video para ipahiya sila at mapatalsik sa Purvil High. Kasunod ng pagdating ng malakas na bagyo, dumanak ang dugo sa loob ng Principal's Office, at sa nagdidilim na diwa ni Miya napagtanto niya na handang pumatay sina Mrs. Villarica at Ms. Velasco mapagtakpan lang ang pinakatatagong sikreto ng mga ito. Makalabas pa kaya nang buhay si Miya sa paaralang pinalalakad ng mga taong may maiitim na puso at naglalagablab na galit?
Titanic_King · 10.9K Views

HFH Series: Zion Gabriel Lewis - The heartless Intruder

Bruskong kumilos at rebeldeng anak si Roselyn Karla Salcido Lloren. Nang magkaipon ng sapat na halaga, nag-migrate siya sa Amerika at doon nanirahan. Sa edad na bente-otso ay naging matagumpay siya sa kaniyang business career bilang top distributor ng isang leading brand na relo roon. Nalaman niya mula sa kakambal na kapatid na si Rosario na balak ng mga magulang nilang ipakasal siya sa anak ng isang Business Tycoon sa China na nagmamay-ari ng mga malalaking Shipping Company tulad ng negosyo ng mga magulang niya. Nais ng bawat pamilya nilang mag-merge ang kanilang business at kontrolin ang kalakaran sa transportasyong pandagat. Agad na tinutulan ito ng dalaga at sinabi niya sa huling pakikipag-usap sa mga magulang na nag-asawa na siya. Nagbanta ang ama niyang sisirain ang negosyong naipundar niya oras na hindi siya sumunod sa mga ito at hindi kikilalaning anak. Hanggang sa napilitan nga siyang umuwi ngunit hindi niya ipinaalam sa mga ito. Gumawa siya ng hakbang at nakipagtulungan sa mga kaibigang may alam sa isang lihim na kalakaran. Ang RnJ Dating Services. Wala siyang pakialam kung maubos man ang salapi niya basta makuhang muling ang kalayaang minsan na niyang ipinaglaban. And she meet Denver Villaver. Isang guwapo at hot na grab driver na napili niya at ipinadala ng kompanya. Idagdag pa ang nangingibabaw nitong ibang lahi na may kulay abo at nangungusap na mga mata. Halos atakehin sa puso ang kaniyang ama nang maipakilala na niya si Denver sa mga ito. Kahit ang ina niya ay hindi makapaniwalang totoo nga ang sinasabi niyang nag-asawa na siya sa Amerika. Kalaunan, unti-unti rin naging maayos ang relasyon niya sa pamilya sa tulong ng binata. Paano kung malugmok sa isang matinding problema ang kaniyang pamilya nang dahil sa binata?
Magzz23 · 9.8K Views

First love at that age

Excerpt: Kagagaling lang niya sa kaniyang maliit na groserya. Nadatnan niyang nakayakap sa sariling tuhod si Rebecca. Napahugot na lang siya ng hininga, nakikita na niya kung bakit narito ito at ganoon ang itsura. Nag-angat ito ng tingin Marahil ay naramdaman nito ang presensya niya. Namumula ang mata nito. "What happen?" tanong niya. "Pasensya ka na Liberty. Ginamit ko ang duplicate key ng bahay mo. Its just that.... W-Wala akong mapuntahang i-iba.." Napahagulhol na ito. Umupo siya sa sofang katabi nito at tinapik ang balikat. "Its okay.. Anong nangyari?.." Malumanay na tanong niya. Muli na naman itong napahagulhol. "M-Maliit lang na p-problema pero..pero naging dahilan ng away namin at marahil nasaktan ko ang damdamin ni Jose kaya hindi na umuwi ng dalawang araw. Kanina nang bisitahin ko sa opisina ay sinabing hindi ito pumasok ng tatlong araw... Maaaring magkasama sila ng babaeng iyon!" Tumalim ang mata nito sa huling turan.. Nalilitong nakatingin siya sa kaibigan. Sa totoo lang hindi maintindihan ang paliwanag nito bagkus na magtanong muli ay nanahimik na lang siya. Makalipas ang ilang sandali ay nagsalita siya. "Ano ng balak mo ngayon?" "Maaari ba akong dumito ng ilang araw?" Nananantyang tanong nito. Kumunot naman ang noo niya. "Oo naman. Pero baka kapag umuwi na ang mister mo at hindi ka maabutan ay siguradong mag-aalala 'yon..." Hindi ito sumagot. Napasandal na lang siya sa upuan. Limang buwan lang na kasal ang kaibigan niya at heto hindi iilang beses na tumatakbo ang kaibigan sa bahay niya at doon umiiyak.. Makaraan lang ng isang araw o dalawa ay sinusundo na ng asawa at magkakabati agad. Pagkatapos ang saya-saya na naman ng kaibigan. Makaraan na naman ng mga araw ay umiiyak na naman itong uuwi sa bahay niya at mauulit na naman ang pangyayari.. Napabuntong hininga na lang siya. Sigurado naman siyang mahal ni Rebecca ang asawa at ganun din naman si Jose rito pero hindi niya maintindihan ang mga ito kung bakit palaging away-bati. Kung siya lang ang magmahal ay ayaw niya ng away nais niyang perpekto ang kanilang samahan sa asawa kung mayroon man ganoon, hindi na siya aasa na may lalaking hindi aawayin ang babae. "Matutulog na ako.." Paalam ni Rebecca. Tumango na lamang siya. Ang kanyang apartment ay may dalawa lang silid at may iisang banyong napapagitnaan niyon at may maliit na kusina sa kaliwang bahagi ng bahay kung saan katabi lang ng kwartong inuukopa ngayon ni Rebecca at ang maliit na sala ay katabi naman sa kanya. Mula sa kanyang silid ay may pintuan ang banyo ganoon rin sa kabila kaya kung maligo siya ay ila-lock ang pintuan mula sa kabila kahit noon wala nang tumatao roon. Dati ay bahay nila iyong dalawa. Hati sila ng bayad ng mabili iyon. Pero ng mag-asawa si Rebecca mahigit limang buwan na ay ibinenta na sa kanya ang share sa bahay na iyon. Makaraan ng dalawang araw ay naroon na si Jose at sinusundo ang asawa. Sa una ay galit si Rebecca pero 'di kalaunan pagkatapos magpaliwag ng asawa ay nagkabati na sila. Umuwi daw ang asawa sa bahay ng mga magulang dahil sa hindi pagtitiwala ni Rebecca dito, nagselos lang daw ito sa wala kahit naman walang nakitang babae ang asawa. "Eh bakit tatlong araw kang hindi pumasok?!" Naghihimutok pa rin na usal ni Rebecca. "Kasi naman ang unang araw ng absence ko sa opisina ay naghanda ako ng surprise sayo pero hindi mo na nakita dahil sa nangyari. Monthly celebration dapat natin noong isang araw-" Hindi pa man tapos sa pagsasalita ang asawa ay tumalon na ito at niyakap ng mahigpit ni Rebecca.. Napailing na lang siya sa nasaksihan niya parang ganoon rin lang noong nakaraang nag-away ang mga ito. Ang kaibahan lang ay sa loob ng bahay nangyari ng huli hindi tulad ngayon na sa labas at kasalukuyan niyang isinasara ang bahay niya. Papasok pa siya sa bangko. Isa siyang public accountant.
LikeNobody · 11K Views
Related Topics
More