Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Semar Mbangun Kayangan

MASKARA

Tik tak. Tik tak. Tanging tunog ng orasan ang nangingibabaw sa tahimik na bahay—isang tahimik na nakakabingi, na para bang bumabalot sa bawat sulok ng silid. Parang musika ito ng kawalan, ngunit imbes na paginhawahin, lalo lamang nitong pinapalakas ang kabog ng aking dibdib. Tik tak. Parang pinipiga ang aking puso, bawat segundo, bawat saglit, paulit-ulit, na tila pinapaalala ang bigat na matagal ko nang dinadala. Hindi ko na kayang pigilan pa. Kumawala na ang aking mga luha, kasabay ng hiningang tila mabigat na bato sa aking dibdib. Bumagsak ang mga patak na parang ulan sa pisngi kong hindi na sanay ngumiti. Minsan naiisip ko, paano nga ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Ang sakit—nakakapaso, nakakasakal—hindi ito basta lungkot lang, kundi isang matinding kalungkutan na nagpapahina sa aking mga tuhod. Araw-araw, pilit akong bumabangon, pilit tinatawid ang mga oras, pero habang ginagawa ko ito, lalong lumalalim ang sugat. Nasasaktan ako, hindi lamang dahil sa mga nangyari, kundi dahil sa awa ko sa aking sarili. Sino ba namang hindi maaawa kung araw-araw, pinipilit kong ngumiti kahit wala nang natitirang dahilan para sumaya? Ngunit kahit anong mangyari, kahit anong sakit ang idulot nito, isa lang ang sigurado ko: Ikaw at ikaw lamang ang aking mamahalin. Walang makakapalit sa'yo. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng mga gabing binubulabog ng tahimik na pag-iyak, ikaw pa rin ang laman ng puso kong durog na durog na. Hays… Nawa’y dumating ang araw na ang tik tak ng orasan ay maging musika ng pag-asa. Pero sa ngayon, ito muna ang aking mundo—isang tahimik na silid, isang pusong nagdurugo, at isang pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko kayang bitawan.
ariazmo · 1.4K Views

Daver Mclarenz ( Billionaire Series #1 )

"Ang daming lalake d'yan girl. Kung imumulat mo lang yang mga mata mo mas maraming nararapat sa'yo hindi ang tulad lamang ng Gerald na 'yun na kulang sa aruga. Tara sama ka sa'kin, may ipapakilala ako sa'yo." "Sabi ko tulungan mo ako, at hindi ibugaw sa ibang lalake. Kaloka ka." "Alam mo, hindi kasi niya natikman man lang ang kabibe mo girl, kaya iniwan ka niya. Ikaw naman kasi pihikan ka. Pero mabuti na rin 'yun hindi mo ibinigay ang talaba mo." anito habang pinanlalakihan ng mata ang kabibe ko at patawa tawang kumagat muli sa burger nito. Nakakahiya talaga ang bibig ng babae na 'to. Inikutan ko na lamang siya ng mga mata saka kinagatan rin ang burger na hawak ko kanina pa na medyo lumamig na. Gerald Ruchard ang ex ko. Isang itong pure pinoy ngunit nakapangasawa ng kano ang nanay nito kaya pinalitan ang apelyido. Hindi siya gwapo tulad na rin ng sinabi ni Cherry. Hindi siya 'yung tipo na lilingunin mo kapag nakasalubong mo sa daan, sakto lang. Hindi rin naman siya panget, pero okay lang dahil mabait naman siya, sweet at maalaga.....noon. Noong nanliligaw pa lamang siya sa'kin at nitong mga unang buwan namin together. Sinagot ko siya dahil matagal na rin siyang nanliligaw sa'kin almost 2 years din. Nagkakilala kami sa isa sa mga part time jobs ko. Naging kapalagayan ko siya ng loob dahil maboka ito. Magaling magpatawa at madaldal, hindi ka maboboring. Ngunit nito lang nag-iiba na ang ihip ng hangin. Madalas na kaming mag-away. Isa rin sa dahilan ayokong pumayag na may mangyare sa'min kahit matagal na nito iyong ini-uungot sa akin, hindi pa kasi ako handa para ibigay ang talaba ko, ika nga ni Cherry. Tapos lahat ng gagawin namin at mga pupuntahan pinag-aawayan pa namin, hindi kami magkasundo. Ultimo simpleng bagay pinupuna nito na nauuwi pa rin sa away. "Musta pala kayo ni ate Beth? Inaaway ka pa rin?" tanong nito makalipas ang ilang minuto. Hindi lingid sa kaalaman ni Cherry ang pagtatalo at hindi namin pagkakasundo ni nanay Beth. Hindi ko ito tunay na magulang. Ito na ang nakagisnan ko noong ako'y bata pa lamang. Isa itong GRO sa isang club sa subic na mismong pinapasukan din ni Cherry slash Maria Concepcion at gusto nitong doon rin ako magtrabaho. Ngunit tumanggi ako. Doon na nagsimula ang palagi naming pag-aaway ni nanay Beth sa araw araw. I mean pang-aaway sa'kin ni nanay Beth. Ni minsan hindi ko ito sinagot dahil nirerespeto ko ito, humindi lang ko dahil hindi ko talaga kayang magtrabaho sa club. Hindi ko kayang halos hubad na ang katawan ko sa harap ng mga tao lalo na ng mga kalalakihan. Gusto rin kasi akong i-recruit ng baklang may-ari ng club na pinagtatrabahuhan ni nanay Beth at Cherry. Hindi man mala-bundok ang dibdib ko tulad ng kay Cherry may umbok naman iyon at may kurba rin naman ang katawan ko. Maraming part time jobs ang pinapasukan ko para kahit papaano makatulong kay nanay Beth ngunit parang kulang pa iyon dito. Nag-iipon din ako para sa susunod na taon makapasok na ako sa kolehiyo. Gusto kong mag-aral at makatapos dahil si nanay Beth hindi na ako gustong pag-aralin. Kahit tambakan na ako ng maraming part time jobs, okay lang. Kakayanin ko huwag lang ang bagay na iyon. Isa pa rin naman akong babae na nangangarap makahanap ng lalakeng mala prince charming ang datingan ang nakalaan para sa'kin. Oo, sa edad kong bente anyos, naniniwala pa rin ako sa fairy tales at happily ever after. Ngunit nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Ilang kurap pa ang ginawa ko upang mag-adjust ang paningin ko. Nanlalabo iyon ngunit maya maya lamang luminaw rin iyon. Sa nanghihinang katawan pinilit kong bumangon at umupo ngunit mabilis ko rin itinakip ang kumot sa aking katawan dahil kakarampot na damit lamang ang suot ko, kung matatawag ba iyong damit. Napakanipis niyon at sobrang ikli. Mas nagimbal ang buong pagkatao ko ng higitin ko ang kumot ay isang hubad na lalakeng walang saplot na kahit ano sa katawan ang nakita kong nasa tabi ko at mahimbing na natutulog.
QueenJM22 · 9K Views

delete(2)

快速地 (Tagalog) Ito ay isang kwento ng kabataan na nagngangalang Wang Feng, siya ay namatay dahil sa isang pandemya at muling nabuhay bilang isang Tao sa ibang Mundo. Wang Feng "Ako ay muling nagkatawang-tao bilang isang mahina na Mortal sa mapayapa at kalmadong kagubatan na ito" Akala niya mahina siya bilang isang Mortal sa mundo ng Cultivation. Akala niya normal na tao lang siya. Maramu siyang inanaakala na patungkol sa kaniya, pero mali. Sinabi niya na siya ay muling nabuhay sa isang mapayapa at kalmado na kagubatan? God! Ang kagubatang ito ay ang tinatawag na starlight Forest, ang lugar na ito ay isang bangungot sa mga Tao. Sinabi niyang mahina siya? Kung gayon, sino ang magsasabi na siya ay malakas? Kung sasabihin mong ikaw ay pangalawa, walang aangkin ng pang-una. Sinabi mo bang mortal ka? Kung gano, ang mga Fairy at Cultivator ay isang pantasya lamang! Wala talaga siyang alam sa sarili niya. Nag-ampon siya ng isang alagang hayop, ang alagang hayop ay isang tigre na may angking lakas na kayang maging hari ng mga Beast, ngunit ng tumira kasama niya, ito ay naging Supreme Beast, pero umaastang normal na Pusa. Nakakpatay si Feng ng Supreme Beings nang hindi nalalaman ito. Nakilala niya ang isang Fairy at itinuring ito bilang isang Mortal. Nagmamay-ari siya ng maraming mga instrumento sa Musika na sapat upang masira ang mundo. Nagmamay-ari siya ng maraming bagay na sapat upang maitugma ang halaga ng buong mundo, o higit pa. Nagmamay-ari siya ng maraming kayamanan na hindi maiisip ng sinuman, ngunit para sa kaniya ang lahat ng ito ay isang tambak na basura lamang. Palagi siyang gumagawa ng isang bagay na karaniwan ngunit hindi niya alam ay malaki ang epekto sa mundo. Siya ay Katas-taasan! Siya si Feng. Si Wang Feng, ang isang tao na nagreklamo sa Diyos at naging pinakamalakas sa ibang mundo. Tandaan mula sa May-akda: Ang kwentong ito ay hindi R-18. (English) This is a story of a young man named Wang Feng, he died of a pandemic and was resurrected as a Person in another World. Wang Feng "I am reincarnated as a weak Mortal in this peaceful and calm forest" He thought he was weak as a Mortal in the world of Cultivation. He thought he was just a normal person. He thought a lot about him, but he was wrong. He said he was resurrected in a peaceful and calm forest? God! This forest is the so-called starlight Forest, this place is a nightmare to the People. He said he was weak? If so, who will say he is strong? If you say you are second, no one claims first. Did you say you are mortal? If so, Fairy and Cultivators are just a fantasy! He really didn't know anything about himself. He adopted a pet, the pet was a tiger with the ability to be king of the Beast, but when he lived with him, it became the Supreme Beast, but it behaved like a normal Cat. Feng kills Supreme Beings without knowing it. He met a Fairy and treated it as a Mortal. He owns so many Musical instruments that are enough to break the world. He owns many things that are enough to match the value of the whole world or more. He possessed many treasures that no one else could think of, but for him, it was all just a pile of rubbish. He always does something ordinary but he does not know it has a big impact on the world. He is Supreme! He is Feng. Wang Feng, a man who complained to God and became the strongest in the other world. Note from the Author: This story is not R-18.
Innocent_Author · 21.5K Views
Related Topics
More