Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Mga Novelmao

LANTIS (COMPLETE)

It all started with a dog named Fujiku, a dirty grave and one broken glass jar. Dahil sa mga iyon ay nagkaroon ng bagong housemate si Ember-si Lantis Arcanghel. He was hot, he was beautiful, he was a little persistent and above all, he was dead, Ito ang may ari ng puntod katabi ng puntod ng parents niya. Oh yes! Multo ang bagong housemate ni Ember ngunit ayaw nitong magpatawag na "multo". Phantom daw ito. At may kailangan sa kaniya ang panty-este phantom. Gusto na nitong tumawid sa linyang naghihiwalay sa mundo ng mga buhay at yumao na at si Ember ang masuwerteng nilalang na napili ni Lantis na tutulong dito. "P-Paano kung...kung ayoko?" tanong ni Ember sa mumu. Inilagay ni Lantis ang kamay sa isang tabi ng ulo niya, pagkatapos ay ang kabila na naman. Na-trap siya sa mga braso nito, na-sandwich sa pagitan ng bookshelf at katawan-este kaluluwa nito. "Then I guess you have to get used to my presence," sabi nito sa boses na hindi niya mawari kung nag-uutos, nanunudyo o nananakot. "Titira ako sa bahay mo. I'll watch you sleep, watch you bathe. I'll watch you dress and undress...I'll talk to you when you're in public places, I'll shout in your ears, I'll follow you anywhere you go...I'll embrace you, I'll sleep beside you...in short, I'll haunt you. Hindi. Kita. Patatahimikin." Anak ng tipaklong! Ito na nga ang may kailangan, ito pa ang may ganang pagbantaan siya! Walang choice si Ember kundi tulungan si Lantis. Magtagumpay kaya siya? O forever nang mananatili ang guwapong multo sa tabi niya?
Cress_Martinez · 84.6K Views

MASKARA

Tik tak. Tik tak. Tanging tunog ng orasan ang nangingibabaw sa tahimik na bahay—isang tahimik na nakakabingi, na para bang bumabalot sa bawat sulok ng silid. Parang musika ito ng kawalan, ngunit imbes na paginhawahin, lalo lamang nitong pinapalakas ang kabog ng aking dibdib. Tik tak. Parang pinipiga ang aking puso, bawat segundo, bawat saglit, paulit-ulit, na tila pinapaalala ang bigat na matagal ko nang dinadala. Hindi ko na kayang pigilan pa. Kumawala na ang aking mga luha, kasabay ng hiningang tila mabigat na bato sa aking dibdib. Bumagsak ang mga patak na parang ulan sa pisngi kong hindi na sanay ngumiti. Minsan naiisip ko, paano nga ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Ang sakit—nakakapaso, nakakasakal—hindi ito basta lungkot lang, kundi isang matinding kalungkutan na nagpapahina sa aking mga tuhod. Araw-araw, pilit akong bumabangon, pilit tinatawid ang mga oras, pero habang ginagawa ko ito, lalong lumalalim ang sugat. Nasasaktan ako, hindi lamang dahil sa mga nangyari, kundi dahil sa awa ko sa aking sarili. Sino ba namang hindi maaawa kung araw-araw, pinipilit kong ngumiti kahit wala nang natitirang dahilan para sumaya? Ngunit kahit anong mangyari, kahit anong sakit ang idulot nito, isa lang ang sigurado ko: Ikaw at ikaw lamang ang aking mamahalin. Walang makakapalit sa'yo. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng mga gabing binubulabog ng tahimik na pag-iyak, ikaw pa rin ang laman ng puso kong durog na durog na. Hays… Nawa’y dumating ang araw na ang tik tak ng orasan ay maging musika ng pag-asa. Pero sa ngayon, ito muna ang aking mundo—isang tahimik na silid, isang pusong nagdurugo, at isang pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko kayang bitawan.
ariazmo · 1.9K Views
Related Topics
More