Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Lalo Salamanca

MASKARA

Tik tak. Tik tak. Tanging tunog ng orasan ang nangingibabaw sa tahimik na bahay—isang tahimik na nakakabingi, na para bang bumabalot sa bawat sulok ng silid. Parang musika ito ng kawalan, ngunit imbes na paginhawahin, lalo lamang nitong pinapalakas ang kabog ng aking dibdib. Tik tak. Parang pinipiga ang aking puso, bawat segundo, bawat saglit, paulit-ulit, na tila pinapaalala ang bigat na matagal ko nang dinadala. Hindi ko na kayang pigilan pa. Kumawala na ang aking mga luha, kasabay ng hiningang tila mabigat na bato sa aking dibdib. Bumagsak ang mga patak na parang ulan sa pisngi kong hindi na sanay ngumiti. Minsan naiisip ko, paano nga ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Ang sakit—nakakapaso, nakakasakal—hindi ito basta lungkot lang, kundi isang matinding kalungkutan na nagpapahina sa aking mga tuhod. Araw-araw, pilit akong bumabangon, pilit tinatawid ang mga oras, pero habang ginagawa ko ito, lalong lumalalim ang sugat. Nasasaktan ako, hindi lamang dahil sa mga nangyari, kundi dahil sa awa ko sa aking sarili. Sino ba namang hindi maaawa kung araw-araw, pinipilit kong ngumiti kahit wala nang natitirang dahilan para sumaya? Ngunit kahit anong mangyari, kahit anong sakit ang idulot nito, isa lang ang sigurado ko: Ikaw at ikaw lamang ang aking mamahalin. Walang makakapalit sa'yo. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng mga gabing binubulabog ng tahimik na pag-iyak, ikaw pa rin ang laman ng puso kong durog na durog na. Hays… Nawa’y dumating ang araw na ang tik tak ng orasan ay maging musika ng pag-asa. Pero sa ngayon, ito muna ang aking mundo—isang tahimik na silid, isang pusong nagdurugo, at isang pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko kayang bitawan.
ariazmo · 2.1K Views

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?
a_FICTION_ate · 1M Views

UNO (Tagalog)

Seryoso ang mukha ng lahat habang nasa conference room lalo na ng bigyan bawat isa ng folder na naglalaman ng panibagong assignment. Huminga muna ang lalakeng nasa harap na bahagyang may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Nakasuot ito na itim na vest na nakapatong sa suot nitong putting amerikana. Ganoon din ang suot ng iba pang nasa loob ng silid. “Your folder contains the information we’ve got about Agent One who disappeared for almost ten years. That person has no identity and left no traces at all. We thought he’s dead but a source confirmed he’s still alive and still working on something. That’s why we have to know what happened to him and his reasons for not reporting in this office for those years we thought he’s dead.” Pagpapaliwanag ng lalake kasabay ang mga bulung-bulungan. Maya-maya’y nagtaas ng kamay ang isa sa mga nakaupo na nakikinig. “Yes, Agent 15?” Tawag ng lalakeng nakatayo sa nagtaas ang kamay. “Why do you need us all in this case, Michael?” Tanong nito na hindi na nag-abala pang tumayo. “Good question. The Greater Heights needs all of its agents in this case. Why? Dahil hawak ni Agent One ang data na naglalaman ng mahahalagang impormasyon patungkol sa ating lahat. Nung aktibo pa siya sa organisasyon, siya ay isa sa may access sa ating system. Nang mawala siya at ideklarang patay, hindi na binago ang ating system. Ngunit ngayong may impormasyong buhay siya, huli na para mabago pa ang lahat. Kaya kailangang maibalik siya at tinayaking walang nag-leak sa mga hawak niya. Dahil kapag nagkataon, mamimilgro hindi lamang ang mga buhay nating lahat kundi lahat ng mga taong malalapit sa ating buhay.” Pagpapaliwanag ng lalake. Kita ang pagkabalisa ng lahat. “Finding a missing person is the easiest thing a single agent can do, Michael.” Wika naman ng isang pang agent na nakaupo na sinang-ayunan naman ng marami. “Yes….unless wala na ang lahat ng source maging ang lahat ng may koneskyon kay Agent One.” Sagot ng lalake na ikinatahimik ng lahat. *********************************************** Basahin ang makabagong istorya na puno ng aksyon, misteryo, at pag-big. "UNO" sa panulat ni B.M. Cervantes Copyright by B.M. Cervantes All Rights Reserved 2020
Blessedy_Official1 · 234.7K Views

Beg for a chance (Tagalog)

She loss her father when she was eight kaya napilitang mangibang bansa ang kaniyang Ina para mabigyan siya ng magandang kinabukasan. Lumaki siya sa pangangalaga ng kaniyang Lolo at Lola. Isang huwarang anak at larawan ng responsableng kabataan si Arianne. Pangarap niyang maging isang pilot kaya nag-aral siya ng kursong BS Aeronautics sa Maynila. Nakapag-asawang muli ang kaniyang Ina at tumira na ito sa UAE kasama ang bago nitong pamilya. Inalok siya ng kaniyang step father na sumama at doon na lamang ipagpatuloy ang pag-aaral pero tumanggi siya. Pinili niyang huwag malayo sa kaniyang Lolo at Lola. Nang nasa ikatlong taon sa kolehiyo ay nakilala niya si Justin, isang mayaman at guwapong binata. Niligawan siya nito at tinanggap naman niya. Minahal niya ng history si Justin to the point na isuko ang sarili sa binata. Si Karina naman ang babaeng gagawin ang lahat mapasakaniya lamang ang lalaking minamahal, nag-aaral din sa paaralang pinapasukan ni Arianne. Siya ang pinili ng Ina ni Justin para sa anak ngunit taliwas ito sa damdamin ng binata. Si Karina na matagal nang nagmamahal kay Justin ngunit kaibigan at nakababatang kapatid lamang ang tingin sa kaniya nito. Hinadlangan niya ang pagmamahalan ni Justin at Arianne sa tulong ng Ina ni Justin. Ipinahiya at tinapakan ang pagkatao ni Arianne sa harap mismo ng kanilang eskwelahan. Kasabay ng puwersahang pagpapadala kay Justin sa Amerika nang hindi man lamang nakakausap si Arianne. Hindi alam ni Arianne na buntis siya nang mga panahong iyon, na-depress siya at naapektuhan rin ang kaniyang pag-aaral kaya pansamantalang tumigil siya. Kinuha siya ng kaniyang Ina sa UAE at doon ipinanganak ang kaniyang sanggol. Doon muling ipinagpatuloy ni Arianne ang kaniyang mga pangarap. Naging ganap na piloto si Arianne sa tulong na rin ng kaniyang Ina at asawa nito. Nagtatrabaho si Arianne sa isang sikat na Airline nang hindi sinasadyang maging pasahero sa kaniyang flight ang dating nobyo na si Justin kasama ang babaeng buntis. Muli ay gustong bumalik ni Justin sa buhay ni Arianne dahil nalaman nitong single at malaya pa ang dalaga. Galit at pagkamuhi na lamang ang nararamdaman ni Arianne kay Justin lalo na at kitang kita ng dalawa niyang mata ang pagiging sweet nito sa babaeng kasama pero may gana pa itong humingi ng isa pang pagkakataon para sa kanila. Muli siyang niligawan at sinuyo ni Justin lalo na nang malamang siya ang ama ng anak ni Arianne. Hindi siya tumigil kahit na nagbanta ang kaniyang mga magulang na aalisan siya ng mana kapag pinili niya si Arianne over Karina. Naging bingo si Justin sa dikta ng magulang. Ipinaglaban niya si Arianne. Muli namang nasagi at nagising ni Justin ang natutulog lamang na damdamin ni Arianne para sa kaniya nang malaman nitong mas pinili siya ni Justin kaysa sa ano mang mamanahin nito mula sa mga magulang. Binigyan niya ito ng isa pang pagkakataon. Hindi naglaon ay nagpakasal sila. Natunaw naman ang mala-batong puso ng mga magulang ni Justin lalo na ang kaniyang Ina nang makilala nito ang sariling Apo mula kay Arianne. Napagtanto nito na hindi matatawaran ng ano mang halaga ang kaligayahan ng anak na si Justin. Natutunan din niyang tanggapin at ipagmalaki ang manugang na si Arianne sa bandang huli.
88JoyCee · 9.6K Views

Summer Boys Series 1: Painted Love (Filipino)

Matangkad, guwapo, charming, palangiti, mabait at mabuting tao, that's Philip Kiel Velasco. Kilala siya bilang isang sikat na guitarista sa kanilang banda. Isa rin siyang engineering student sa isang kilalang unibersidad kagaya ng mga tropa niya, maraming talent at halos perpekto sa mata ng mga tao. Maraming kababaihan ang nahuhumaling at nagkakandarapa sa kaniya pero wala sa isip niya na palitan ang childhood crush niya, ang kaisa-isang babae na gusto niyang bigyan ng kaniyang apilyedo at ang pinangakoan niya. Jessa Laureen Santiago, a beauty and brains. Mayroong mapagmahal na ina at ama, isang architecture student, consistent dean's lister at number one fan ng isang sikat na banda na kung tawagin ay PHICCS-XL band. Fan na siya nito at ang bias niya ay si Kiel. Halos lahat ng concert ay naka-attend na siya sa mga ito at maging ang playlist niya ay halos puro kanta nila. She was a huge simp for them and she won't deny that. Dumating iyong summer at napag-pasyahan ni Jella na bisitahin iyong Lola Victorina niya and destiny just played them, hindi sinasadyang nagkatabi sila sa bus. Cliche it may sound but yeah, destiny really exist. Jella was very happy, ikaw ba naman makatabi iyong idol mo. She was smiling the whole ride but when they already reach their destination, reality hits her. Natapos na iyong panandaliang kasiyahan niya nang kay bilis. She feel sad but happy because atleast, she already finally got a chance to be with him even in a short span of time. But, mas lalo na lang siyang nalula at hindi makapaniwala nang dumating na siya sa La Trinidad. She saw him again and she didn't expect that her idol crush is her childhood enemy. What will happen to them? A love will bloom or magiging giyera part two? *** No part of this novel shall be reproduce or used in any manner without proper permission to the writer who owns the sole copyright. Summer Boys Series 1: Photograph Copyright by Ochratoxinmind (2022)
Leziel_Canonigo · 15.4K Views

The Bride Series 1: Beautiful Corruption

Si Serene Sarmiento ay ang prodigal daughter ng kanyang pamilya. Kilala siya bilang Black Flower dahil sa pagiging party girl nito. People see her as the tainted one. She is the rebel woman who ran away from her family. Dahil sa pabor na hiningi ng kanyang kakambal, mapipilitan siyang bumalik sa tinakbuhan niyang pamilya, but the twist in it is that --- no one knew but her sister that she's back. How? Simple, she had to be her twin sister. The perfect and innocent daughter. Si Karlos Rafael Dawson ay isa sa pinaka matagumpay na binata sa larangan ng industriya ng negosyo. Kilala hindi lamang ang kanyang pangalan kundi pati na rin ang angkin nitong kagwapuhan at kakisigan lalo na sa mga kababaihan. He is the bachelor playboy. Untamable. Cold hearted player.He vowed to himself that he will never give his heart again to any woman. But when he meets the perfect daughter of his parent's good friend, he didn't expect that she'll rattle his world and turned it upside down. Now, the woman that is known to be innocent and perfect is not the kind of woman people really think she is. And he, himself, experienced it. When attraction collides, is it possible that the two broken people can mend their broken heart? Secrets to be keep. Passion to relieved And a Love to give. Hanggang kailan ang itatagal ni Serene sa kanyang pagpapanggap? Hanggang saan ang kakayanin ni Karlos Rafael sa pagpipigil ng kanyang nararamdaman sa babaeng gumulo nang tahimik at maayos niyang buhay?
MissAddie · 43.7K Views

Daver Mclarenz ( Billionaire Series #1 )

"Ang daming lalake d'yan girl. Kung imumulat mo lang yang mga mata mo mas maraming nararapat sa'yo hindi ang tulad lamang ng Gerald na 'yun na kulang sa aruga. Tara sama ka sa'kin, may ipapakilala ako sa'yo." "Sabi ko tulungan mo ako, at hindi ibugaw sa ibang lalake. Kaloka ka." "Alam mo, hindi kasi niya natikman man lang ang kabibe mo girl, kaya iniwan ka niya. Ikaw naman kasi pihikan ka. Pero mabuti na rin 'yun hindi mo ibinigay ang talaba mo." anito habang pinanlalakihan ng mata ang kabibe ko at patawa tawang kumagat muli sa burger nito. Nakakahiya talaga ang bibig ng babae na 'to. Inikutan ko na lamang siya ng mga mata saka kinagatan rin ang burger na hawak ko kanina pa na medyo lumamig na. Gerald Ruchard ang ex ko. Isang itong pure pinoy ngunit nakapangasawa ng kano ang nanay nito kaya pinalitan ang apelyido. Hindi siya gwapo tulad na rin ng sinabi ni Cherry. Hindi siya 'yung tipo na lilingunin mo kapag nakasalubong mo sa daan, sakto lang. Hindi rin naman siya panget, pero okay lang dahil mabait naman siya, sweet at maalaga.....noon. Noong nanliligaw pa lamang siya sa'kin at nitong mga unang buwan namin together. Sinagot ko siya dahil matagal na rin siyang nanliligaw sa'kin almost 2 years din. Nagkakilala kami sa isa sa mga part time jobs ko. Naging kapalagayan ko siya ng loob dahil maboka ito. Magaling magpatawa at madaldal, hindi ka maboboring. Ngunit nito lang nag-iiba na ang ihip ng hangin. Madalas na kaming mag-away. Isa rin sa dahilan ayokong pumayag na may mangyare sa'min kahit matagal na nito iyong ini-uungot sa akin, hindi pa kasi ako handa para ibigay ang talaba ko, ika nga ni Cherry. Tapos lahat ng gagawin namin at mga pupuntahan pinag-aawayan pa namin, hindi kami magkasundo. Ultimo simpleng bagay pinupuna nito na nauuwi pa rin sa away. "Musta pala kayo ni ate Beth? Inaaway ka pa rin?" tanong nito makalipas ang ilang minuto. Hindi lingid sa kaalaman ni Cherry ang pagtatalo at hindi namin pagkakasundo ni nanay Beth. Hindi ko ito tunay na magulang. Ito na ang nakagisnan ko noong ako'y bata pa lamang. Isa itong GRO sa isang club sa subic na mismong pinapasukan din ni Cherry slash Maria Concepcion at gusto nitong doon rin ako magtrabaho. Ngunit tumanggi ako. Doon na nagsimula ang palagi naming pag-aaway ni nanay Beth sa araw araw. I mean pang-aaway sa'kin ni nanay Beth. Ni minsan hindi ko ito sinagot dahil nirerespeto ko ito, humindi lang ko dahil hindi ko talaga kayang magtrabaho sa club. Hindi ko kayang halos hubad na ang katawan ko sa harap ng mga tao lalo na ng mga kalalakihan. Gusto rin kasi akong i-recruit ng baklang may-ari ng club na pinagtatrabahuhan ni nanay Beth at Cherry. Hindi man mala-bundok ang dibdib ko tulad ng kay Cherry may umbok naman iyon at may kurba rin naman ang katawan ko. Maraming part time jobs ang pinapasukan ko para kahit papaano makatulong kay nanay Beth ngunit parang kulang pa iyon dito. Nag-iipon din ako para sa susunod na taon makapasok na ako sa kolehiyo. Gusto kong mag-aral at makatapos dahil si nanay Beth hindi na ako gustong pag-aralin. Kahit tambakan na ako ng maraming part time jobs, okay lang. Kakayanin ko huwag lang ang bagay na iyon. Isa pa rin naman akong babae na nangangarap makahanap ng lalakeng mala prince charming ang datingan ang nakalaan para sa'kin. Oo, sa edad kong bente anyos, naniniwala pa rin ako sa fairy tales at happily ever after. Ngunit nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Ilang kurap pa ang ginawa ko upang mag-adjust ang paningin ko. Nanlalabo iyon ngunit maya maya lamang luminaw rin iyon. Sa nanghihinang katawan pinilit kong bumangon at umupo ngunit mabilis ko rin itinakip ang kumot sa aking katawan dahil kakarampot na damit lamang ang suot ko, kung matatawag ba iyong damit. Napakanipis niyon at sobrang ikli. Mas nagimbal ang buong pagkatao ko ng higitin ko ang kumot ay isang hubad na lalakeng walang saplot na kahit ano sa katawan ang nakita kong nasa tabi ko at mahimbing na natutulog.
QueenJM22 · 9.2K Views

Kiss of Death and Shadows

(Formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper") "A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness." Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants. Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala. Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na't hindi lang buhay niya ang nasa panganib-dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin. GENRE: Romance, Urban Fantasy, Paranormal, Suspense *** GRIM REAPER CHRONICLES *** Book 1: Kiss of Death and Shadows (Ch.1-119) Book 2: Touch of Wrath and Blood (Ch.120-235) Book 3: Embrace of Night and Fury (Ch.236-339) TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r*pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites
AnjGee · 2.2M Views
Related Topics
More