Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Nyo Prussia

“McDo” A Bisexual Love Story (Complete Chapter)

!(First Best Bi Story na mababasa nyo)! Ang magpapatunay na Love Has No Gender, Kung tunay na mahal mo ang isang tao walang ano mang makakahadlang sayo para maipakita lng sa kanya ang iyong pangmamahal. Ito ang magpapatunay na kahit ilang beses man tayong nasaktan, kailangan padin natin buksan ang ating puso dahil may mga tao padin na handa tayong mahalin. At ito rin ang magpapatunay satin na kahit ilang beses na tayo lokohin o iwanan ng taong minahal natin ng lubosan kailangan padin nila ng pagkakataon para mapatunayan kung minahal nga talaga niya tayo o talagang mahal na mahal nga talaga nila tayo.. /-Ang Taong subrang hinahangaan mo at di mo akalaing magkakagusto sayo, ay makakasama mo na habang buhay, Dito mo matutunghayan na kahit ano man kahirap o kadaming pagsubok na dumating sa buhay mo, ano mang relasyon meron kayo di mo kailangan itago at ikahiya, basta para sa taong mahal mo gagawin mo lahat, maipaglaban mo lamang siya. Hali kayo at maging saksi sa kwento ng buhay ni Kenneth at Raymond. Handa ka na bang kiligin at umiyak?-/ Acknowledgement: This story is inspired by Popular Bisexual Love Story (McDo). Dahil sa Subrang napaganda ng Story nakapagdecide ako na dugtungan mula chapter 2 at gawing series hanggang Chapter 10. Chapter 2-10 is originally written by me, But the Chapter 1 I don't know who is the author! I want to give him a Credit but I don't know kung sino siya. Hello Author of Chapter 1 in case na mabasa mo to, pm me Fb:Chris Pasaporte Brinosa. You are the one who give me inspiration to extend your story and make it more meaningful.. ♥️ -Thank You-
Chrismat · 109.9K Views

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!
Chixemo · 1.4M Views
Related Topics
More