Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Magkapatid

Ang Kampilan na Humahati sa Hangin

Isang uri ng nobelang Bayaning-Mandirigma (War Hero), na ang mga pangunahing mga karakter ay marunong manlaban at nageensayo ng kanilang Sining Pandigma (Martial Arts). Sila ay mga Alagad ng Sining Pandigma (Martial Artists) na nagpapalakas ng kanilang Gahum (Spiritual Power) sa pamamaraan ng pagpatay ng ibang tao o hayop at pagkukuha ng kanilang Gahum o pagbibigay pugay o paghihingi ng kapangyarihan galing sa mga umalagad (ancestral spirits). Sa Kapuluang Baha-Bahagi, sa mundo ng Ikinatha, tinatahak ng dalawang dakilang magkakapatid ang buhay ng alipin. Si Mayumi at Bolan ay dalawang magkapatid na aliping horohan ni Datu Ranao. Mga dalaga't binata na, walumpung taon sila nagtataka kung sino ang kanilang mga magulang. Si Mayumi ay isang mabuting bata, umbo ni Bolan, mainitin ang ulo, at walang takot na sumusulong sa buhay. Lahat noon ay mababaliktad nang napaginipan niya ang puting buhok na diwata. Nanay niya ba ito? Buhay pa kaya siya? Si Bolan ay ang oyo ni Mayumi. Malumanay, matalino, pero marunong pumatay. Mahuhulog ang kaniyang damdamin para sa napakagandang Baylan sa kanilang lungsod... kaso lang, siya'y binayaan ng pagkikita sa mundong hindi makita. Maari siyang maging bayugin. Sundan ang dalawang magkapatid na ito at ang kanilang kaibigan na sila Urduya at Galura, sa pagngayaw kay Datu Keraya, ang Datung nagnakaw sa makabuluhang Kampilan ng Humahati sa Hangin. Kakayanin ba nila ang katotohanan? Gagampanan ba nila ang kanilang responsibilidad? Hanapin ang Kampilan ng Humahati sa Hangin. *** Kapag nagustuhan ninyo, mag-vote at comment! Talagang pinapahalagaan ko ang inyong mga feedback! *Ako gumawa ng cover, pero hindi ako ang may-ari ng imahe na ginamit. Credits sa owner.
oinonsana · 51.9K Views

March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story)

Synopsis/Introduction: Paano kung isang araw, paggising mo, wala na ang taong pinakamamamahal mo? Oo, alam ko. Masakit, at mas gugustuhin mo pang mawala nalang din kaysa mabuhay nang hindi siya kasama. Pero, paano kung mayroong paraan? Paano kung may paraan para baguhin ang nakatadhana? Handa ka bang harapin at isugal ang buhay mo para sa buhay ng taong pinakamamahal mo? Ito ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin na nakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay — si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala nang ibang ninais si Jin kundi ang makabalik sa oras at panahon upang mailigtas niya si Chris mula sa hindi nito inaasahang pagkasawi. Gamit ang isang time machine, isang proyekto ng company na siyang pinagtatrabahuhan ni Jin, naniniwala siya na sa wakas, may sagot na sa kanyang mission na mailigtas si Chris sa pangalawang pagkakataon. 6 years ang itinagal bago natapos ang time machine. Tumanda na rin ang itsura ni Jin. Ngayon, 27 years old na siya. Sa araw na ito, naka-set na ang lahat at handa na siyang bumalik muli sa March 21, 2021 upang iligtas si Chris, at makabalik sa kasalukuyang buhay niya kapiling ang buhay na Chris. Nagsimula na ang pagpapaandar sa time machine. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon, nabago ang pagkakaset ng oras nito. Imbis na mapunta si Jin sa tamang panahon at oras, ay napunta siya sa maling timeline. Dinala siya ng kanyang time machine sa March 21, 2020, isang taon bago nangyari ang insidente. Dahil maling oras ang kanyang napuntahan, nais niyang i-set ulit ang time machine sa March 21, 2021, ngunit may isang malaking problema at ito ang hindi napaghandaan ni Jin. Hindi siya makakaalis dahil wala pa ang time machine sa panahon na ito. Ang buong akala ni Jin ay kasama niya ang time machine kahit saan mang oras niya nais pumunta. Makakaalis lamang siya sa oras na mabuo muli ang time machine. Napagpasyahan niya na lamang na manatili at maghintay, hanggang sa dumating ang oras na kanyang ikinatatakot. Naisip niya, dahil mas matanda na siya kay Chris sa mga panahong ito, hindi siya pwedeng makilala nito o ng kahit sino pa man. Kung magkataon, may malaking epekto ito sa kasalukuyan. Maaari ring may mangyaring hindi maganda sa kanya, at tuluyan na siyang hindi na makabalik sa tunay niyang oras. At dahil mananatili siya sa taong 2020, hindi maiiwasang magtagpo silang dalawa ng batang Jin sa taong 2020. Aaminin niya sa batang Jin na siya ito mula sa hinaharap upang tulungan siya, ngunit hindi niya rin maaaring sabihin ang lahat ng mangyayari upang protektahan ang kanyang sarili. Magpapanggap silang dalawa bilang magkapatid, at magtatago siya bilang si Jon, ang nakatatandang kapatid ng batang Jin. Sa isang taon na kanyang ilalagi, marami siyang bagay na matutuklasan sa pagkamatay ni Chris na hindi niya inaasahan.
Gonz0 · 114.8K Views

Behind the scene of 1940's (Filipino/Tagalog)

Hong Kong 1940 December Sa kalagitnaan ng tumitinding pangalawang digmaang pandaig ay wala paring tigil ang paroon at parito ng mga tao. Tulad na lamang ng magkapatid na sina Celio at Celia na kasalukuyang sakay ng naglalayag na pampasahirong barko mula Japan patungong Hong Kong. Maraming sakay ang barko na karamihan ay mga sino (Chinese), may mangilan-ngilang kanluranin din. Malaki ang kainan sa loob ng barko na halos puno na rin sa tanghaling iyon. Sa isang sulok na mesa ay makikita doon na nakapalibot ang limang ginoo na pangkanluranin ang kasootan. Dalawa sa mga ginoong iyon may mala mais na buhok, mapuputing balat at namamaga pa ang pisngi dahil sa lamig ng panahon kagaya ng isa pa na ang ipinagkaiba lang ay ang itim na buhok. Ang dalawang pang ginoo naman ay parihong may itim at kulot na buhok, maputi din ang mga ito marahil ay dahil sa matagal na pamamalagi sa kanlurang lupain, hindi nga lang tulad sa tatlo kanina na halata ang lahing kastila at amerikano. Masaya silang kumakain na animoy walang kagulohang nagaganap. May kung anu-anong pinag-uusapan na minsan ay nagkakatawanan pa. Marahil ay nakasanayan na lamang nila ang putukan, bumbahan at iyakan dahil sila ang mga sanggol na isinilang sa magulong panahon. At ngayon sa panahon ng kanilang tagsibol ay papaano nila gagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? "Nakakahiya mang aminin ngunit sasabihin ko parin." Wika ng isa na may mala mais na buhok na nagngangalang Alfredo Diaz. "Sa iyong kaanyuan ngayon ay mukhang higit ka pa yatang mas magandang lalake kaysa sa amin ginoong Celia." Sumang-ayon naman ang tatlo habang patuloy ang masayang kaninan. "Ang pangit kasi, mas pagkakamalan pa akong babae kaysa sa kanya eh." Pagbibiro naman ng kapatid ni Celia na si Celio at napahalakhak ang mga kasama nilang mukhang mga kanluranin ngunit sa pilipinas isinilang at may lahing malaya. "Nagsalita ang sampid." Banat naman ni Celia na kasalukuyang nakaayos ng panglalake dahil napagkatuwaan lamang nito. "Ako sampid? Kala pala ang gwapo ko." Sinabayan pa iyon ni Celio ng malakas na tawa pati narin ng mga kasama nila kaya naman ay nagtinginan sa kanila ang iba pang naroon na kumakain din. Nagkasabay naman na siminyas ng katahimikan sina Manuel Revera na may mala mais ding buhok at Robert Taylor na siyang nag-iisa sa kanilang may lahing kano. "Bukas ng umaga ay dadaong na ang barkong ito sa hongkong, may pupuntahan pa kaming tatlo kaya baka hindi na kami makasabay sa inyong magkapatid pauwi." Seryosong pahayag ni Robert. Natigilan naman si Celia dahil ibig sabihin niyan ay hindi na niya makikita ang matagal na niyang hinahangaan (daw) na walang iba kundi ang makisig na si Robert. Ano bang pwedi niyang gawin? Nais niya pang makasama ito ng matagal. At hindi niya pa nakukuha ang kailangan niya dito. "Nako tamang-tama lamang iyon dahil nais din namin ng kapatid ko na mamasyal muna sa hongkong." Pagdadahilan ni Celia na sasalungatin sana ng nakababatang kapatid na nasa tabi niya, mabuti na lamang at tumingin muna ito sa kanya, at sa tinginan ng magkapatid ay nagkaintindihan sila. "Wala kaming kakilala dito sa Hong Kong, baka pweding sumama narin kami sa inyo?" Nagkatingin ang tatlo, halata sa mga mukha ng mga ito ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Celia. "Ah kasi..." Hindi naman alam ni Alfredo kung ano ang dapat sabihin. "Kung hahayaan mong sumali si Celio sa amin ay pwedi namin kayong isama." Si Robert ang nagsalita. "We're not going there just for fun." "I can't let him join that secret org of you people." Pagtanggi naman ni Celia. "Bakit hindi nalang kaya ako ang pasalihin niyo?" Natawa ang mga ginoo sa winikang iyon ni Celia. "Ayaw mong pasalihin si Celio pero gusto mong isali ang iyong sarili?" Pagpapalinaw ni Manuel kay Celia.
Sept_28 · 34.8K Views

Ms.Sungit Madita meets Mr.Joker Handsome Book1

Mahirap maging isang babae lalo na't papaano kung mayroon kang pagtingin sa isang taong naging kaklase mo at higit pa dun dahil magkaibigan nga kayo pero.... paano kung mayroon ka palang pagtingin sa kanya!?.. kung ang lalaki torpe?! paano naman ang babae?? torete... When Miss Sungit ~Slash~ Maldita meets Mister Joker ~Slash~ Handsome, what would be happen? A girl with a rugged attitude and A boy with a foolish behavior and meet with a two girls Squad at there University Campus. Ang Amazona at Casanova mag kasundo kaya, baka mayroon pang mas higit na ugnayan ng dalawang Grupo dumagdag pa ang magkabilang away rambulan ng dalawang Squad. Mas lalala pa kaya ang hindi matapos tapos na tarayan at Malditahan o may mamamagitan sa likod ng asaran Highschool Series Elementary Schoolmates si Grasia at Zhian ganun din sina Sophie at Dhainnel, more on that mortal enemy ang dalawa si Zhian ay barkada nila Lawrence,Kendarra,Denise,Kenji,David at Ayumi si Ayumi naman ang same friend ni Grasia na ang turing nila sa isat isa ay tunay na magkapatid. Nagkaroin ng Deep (mutual understanding) sa pagitan ni grasia at zhian hanggang sa tumuntong na sila ng Highschool life. saka naman nila nameet si sophie,dhainnel,aubrey,lian khen,anna,aira at nathalie and her squad jamaica,kylie,and lyka na magkakaroon ng hindi maayos na pagkakaunawaan at siya ng magiging dahilan ng kanilang pagbabangayan. Sa likod ng masungit at maldita na attitude ni grasia mayroon palang nakatago sa kanyang nakaraan na konektado sa kanyang kasalukuyan niyang buhay at kung ano iyon ay siyang matutuklasan sa mga susunod na kabanata. Accepting your Past cant down your pride if you do it without Regrets its mean you can handle your Present with the whole Confidence,then Face your future without Fear.
GraceBE_Zamie · 6.4K Views