Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Baon

My Possessive Uncle is My Stalker (R-18)

Synopsis: Hindi ko alam na darating isang araw ang malaking kaguluhan sa pamilya namin. My parents' company declared bankruptcy. Mahirap pa kami sa daga at baon pa kami sa utang. At para mabayaran ito, kailangan naming ibenta lahat ng ari-arian na naipundar ng aking mga magulang. Subalit kulang pa ito, halos one-fourth pa lang ang nababayaran sa utang. Thirty-million iyon at halos mabaliw na ang mga magulang ko kung saan hahanap ng magpakukunan ng pera. Lahat ng kamag-anak namin ay nautangan na nila kaya hindi alam ng mga magulang ko kung paano pa kami makakabayad. Until my father's cousin arrived at our house. Nag-o-offer siya ng tulong na pautangin ang mga magulang ko. Pero may kapalit, mananatili ako sa bahay niya para pagsilbihan ko siya. At first, ayaw pumayag ng mga parents ko dahil prinsesa kung ituring nila ako. Ngunit ako ang nagkusa na tanggapin ang offer. Hindi ko matitiis ang mga magulang ko na makitang nahihirapan kaya pikit-matang pumayag ako. Hindi naman mahirap ang mga pinapagawa ni Uncle Stan sa akin. In fact wala naman akong masyadong ginagawa sa mansion niya. He allow me to continue my study at the school pero maraming bawal, bawal umuwi ng late at higit sa lahat bawal makipag-boyfriend. Pero dumating ang araw na na-in love ako, sinuway ko si Uncle Stan. Pero hindi ko alam na alam niya ang bawat galaw ko. He is my secret stalker. Galit na galit siya when he found out na may boyfriend ako. Pinarusahan niya ako, kinuha niya sa akin ang pinakaiingatan ko. Ito ang simula ng kalbaryo ko dahil naging mahigpit siya sa akin. Bawat galaw ko nakabantay siya, hindi ko na nga alam kung paano kikilos dahil masyado siyang possessive, kung ituring niya ako ay pagmamay-ari niya ako. Gusto ko ng makawala sa kanya dahil nasasakal na ako. Hindi ko na rin gusto ang mga nararamdaman ko dahil nahuhumaling na ako sa mga pinapadama niya sa akin.
Chrissrey22 · 13.1K Views

The Truth beneath The Lies (True Colors Series 1)

Si Snowleigh ay isang College student. Isang maganda, matalino, maintindihing kaibigan at isang mapagmahal na kapatid. Hindi niya gusto ang mga masasamang gawain, hangga't maaari ay umiiwas siya sa gulo. Isa siyang babae na mataas ang pangarap sa buhay. Sa kagustuhan niyang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang nag iisang kapatid ay gagawin niya ang lahat. Kagaya ng kaniyang Ate ay namana niya ang pagiging matulungin sa iba. Marami siyang nakuha sa kaniyang Ate na pag uugali maliban sa isang bagay... Paano haharapin ni Snow ang maduming palad na humahawak sa kaniya ng hindi niya namamalayan? Paano niya kakayanin lahat ng malalaman niya sa kaniyang pinakamamahal? "Gusto mong malaman kung gaano kita kamahal? Eto, ipaparamdam ko saiyo." Usal ni Snow sabay baon ng kutsilyo. Pinanood niya itong ngumiti kahit nasasaktan dahil sa pagbaon niya ng matalas na kusilyo. Walang paglagyan ang sakit na nararamdaman ni Snow... "G-ganiyan nga..." Usal ng kausap niya habang nakahiga na ito sa sahig. Wari'y hinihintay nalang na malagutan siya ng hininga. "Mahal na mahal kita, Snow..." huling usal nito bago binawian ng buhay. Paano kung sa huli ay malalaman mo ang buong katotohanan na hindi mo alam noong una? Paano nalang kung kulang pa pala ang iyong alam noong una, paano mo pa mababawi ang buhay na iyong winakasan? "Tutuparin ko lahat ng pangarap natin. Tutuparin ko lahat ng mga pangako ko saiyo... kahit kumitil pa ako ng ilang buhay." Saad ni Snow. Hanggang saan niya kakayanin? At hanggang siya hahabulin ng kaniyang konsensya at hanggang saan siya dadalhin ng sinasabi niyang pagmamahal?
winceanxx · 11.5K Views