Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Putukan

The Contracted Madame Shin

Namanya adalah Ni Luh Putu Amelia yang terlahir dari keluarga miskin perpaduan dari Bali dan Jawa. Ketika Bapaknya meninggal dunia, Amelia dan ibunya diusir dari rumah tanpa uang sepeserpun. Amelia berjuang mengais rejeki daengan bekerja sebagai pembantu rumah tangga dari seorang tamu dari Korea akibat bantuan dari teman Bapaknya. Tetapi hal tersebut hanya cukup untuk membayar uang kost dan makan mereka berdua sehari-hari. Ibu Amelia yang mempunyai lemah jantung tidak dapat bekerja keras dan hal tersebut yang menjadi alasan keluarga bapakku. Karena ibunyatidak mampu menghasilkan uang. Hingga sahabat karib Amelia memberikan iklan di telepon genggamnya. ‘DICARI ASSISTEN PRIBADI UNTUK PENGUSAHA DARI NEGARA KOREA SYARAT: WANITA UMUR 18 – 24 TAHUN. SEHAT JASMANI DAN TIDAK MEMPUNYAI GANGGUAN JIWA. MAMPU BEKERJA KERAS DAN BISA BERKOMUNIKASI DENGAN BAHASA INGRIS. HARUS BERSEDIA UNTUK TINGGAL DI DALAM RUMAH MAJIKAN. KEUNTUNGAN: GAJI POKOK + BONUS + UANG MAKAN + UANG PULSA + BPJSTKI’ Shin Woo Yeo atau lebih dikenal dengan William Shin adalah pengusaha kaya raya dari korea. William lebih suka tinggal di Bali dan mengendalikan bisnisnya dari Indonesia dikarenakan tuntutan dari keluarganya untuk terus bisa menghasilkan penerus sedangkan dia masih berusaha melupakan kekasih hatinya yang meninggal dunia di seoul. Kali ini keluarganya tidak main-main dan ingin menjodohkannya dengan gadis pilihan orang tuanya kecuali Will bisa menemukan istri terlebih dahulu. Tetapi asistennya salah memasang iklan untuknya dan mengirimkannya ke bagian personalia tanpa mendapatkan persetujuan dari Will. Akankah Will bisa mendapatkan kebebasannya dengan mencari istri palsu sehingga terlepas dari perjodohan orang tuanya? Akankah pekerjaan sebagai personal assistant bagi Amelia bisa menjadi resolusi tahun barunya dan memberikan kehidupan yang lebih layak untuk ibunya? Apakah Will bisa melupakan memori kecelakaan yang membunuh tunangannya? Dan menemukan kebahagiaannya Kembali di Tahun Baru? Ikuti kisah cinta Amelia dan William Shin yang bermula dari kesalah pahaman.
Poetri_cantique · 220.5K Views

The Gangsters are Secret Agents?! || Tagalog (On-Going)

"King!" sigaw ko matapos niyang iharang ang kanyang sarili sa balang tatama dapat sa akin, agad ko siyang hinila at nagtago kami sa likod ng kotse. "King! Wag kang pipikit okay?! Stay with me please!" pagmamakaawa ko sa kanya, apat na bala ang naputok sa kaniya, dalawa sa braso at dalawa sa magkabilaang hita. Sa hitsura niya ngayon ay hindi ko alam kung aabot pa siya. Hinubad ko ang longsleeve kong damit at agad hinati sa apat, ayos lang na wala akong pang-itaas, naka sports bra naman kasi ako, mas mahalaga ang buhay ni Dwayne kaysa sa damit ko. Matapos kong mahati ang tela ay agad ko itong itinali ng mahigpit sa kanyang braso at hita na natamaan ng bala. Kinuha ko muli ang baril ko at nagsimulang barilin ang ba pang kalaban. Agad kong pinindot ang earpiece ko pagkatapos. "Are you guys okay?" pangangamusta ko sa mga kaibigan ko. "Agent Dawn! Anong nangyari? I saw that you were about to get shot! Hindi agad kita nabalaan dahil maraming nagsulputan sa likod ko!" hinihingal na pahayag ni Romina. "It's okay Agent Reese, I'm fine, but King is here and was shot four times, he risked his life for me" sabi ko rito, narinig ko naman ang pagsinghap mga kaibigan ko. Pati sila ay hindi makapaniwala na nandito ang gang ni Dwayne, hindi na sila nakasagot pa dahil alam kong abala sila sa pakikipaglaban. "Agent Trevor, Agent Trevor are you there?" tanong ko sa earpiece ko na nakakonekta sa buong Agents na kasama ko. "Yes, Agent Dawn I'm here" sagot nito. "I need reinforcements right now here at the basement! Send it ASAP! I need a group to cover me and a medical!" sigaw ko rito, dahil baka hindi niya ako marinig dahil sa putukan ng baril. "Copy Agent Dawn" Mga ilang minuto ang lumipas ay dumating na rin ang pinapadala ko, agad ko namang sinenyasan ang isa sa mga medical team na pumunta sa kinaroroonan ko. Nakita naman nila kami at agad na pinuntahan. "King, stay with me okay? Please stay with me, anjan na ang medical team, maaalis na rin ang bala jan sa katawan mo okay?" pagkausap ko dito habang tinatapik-tapik upang hindi siya tuluyang makatulog. "Uno" pagtawag pansin nito sa akin, tiningnan ko namang siya ng nagtatanong, hindi ko namalayan na nag-uunahan na ang mga luha ko sa paglabas. This is not me, I never cried. "Always remember that I love you okay? No matter what" sabi nito kaya agad naman akong tumango ng paulit-ulit. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang lakas niya ng bigla niyang hinila ang batok ko at mapusok na hinalikan, I responded with his kisses, after all hindi ko alam kung makikita ko pa ang taong pinakamamahal ko. Naputol ang aming ginagawa ng dumating na ang medical team sa kinaroroonan namin at binuhat na si Dwayne papunta sa van kung saan siya gagamutin. Now, it's my time to collect some debts. Agad kong pinalitan ang magazine ng baril ko na paubos na at humarap sa mga kalaban They will pay for what they did to you Dwayne, ipaghihiganti kita.
softiecloudsie · 5.1K Views

Behind the scene of 1940's (Filipino/Tagalog)

Hong Kong 1940 December Sa kalagitnaan ng tumitinding pangalawang digmaang pandaig ay wala paring tigil ang paroon at parito ng mga tao. Tulad na lamang ng magkapatid na sina Celio at Celia na kasalukuyang sakay ng naglalayag na pampasahirong barko mula Japan patungong Hong Kong. Maraming sakay ang barko na karamihan ay mga sino (Chinese), may mangilan-ngilang kanluranin din. Malaki ang kainan sa loob ng barko na halos puno na rin sa tanghaling iyon. Sa isang sulok na mesa ay makikita doon na nakapalibot ang limang ginoo na pangkanluranin ang kasootan. Dalawa sa mga ginoong iyon may mala mais na buhok, mapuputing balat at namamaga pa ang pisngi dahil sa lamig ng panahon kagaya ng isa pa na ang ipinagkaiba lang ay ang itim na buhok. Ang dalawang pang ginoo naman ay parihong may itim at kulot na buhok, maputi din ang mga ito marahil ay dahil sa matagal na pamamalagi sa kanlurang lupain, hindi nga lang tulad sa tatlo kanina na halata ang lahing kastila at amerikano. Masaya silang kumakain na animoy walang kagulohang nagaganap. May kung anu-anong pinag-uusapan na minsan ay nagkakatawanan pa. Marahil ay nakasanayan na lamang nila ang putukan, bumbahan at iyakan dahil sila ang mga sanggol na isinilang sa magulong panahon. At ngayon sa panahon ng kanilang tagsibol ay papaano nila gagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? "Nakakahiya mang aminin ngunit sasabihin ko parin." Wika ng isa na may mala mais na buhok na nagngangalang Alfredo Diaz. "Sa iyong kaanyuan ngayon ay mukhang higit ka pa yatang mas magandang lalake kaysa sa amin ginoong Celia." Sumang-ayon naman ang tatlo habang patuloy ang masayang kaninan. "Ang pangit kasi, mas pagkakamalan pa akong babae kaysa sa kanya eh." Pagbibiro naman ng kapatid ni Celia na si Celio at napahalakhak ang mga kasama nilang mukhang mga kanluranin ngunit sa pilipinas isinilang at may lahing malaya. "Nagsalita ang sampid." Banat naman ni Celia na kasalukuyang nakaayos ng panglalake dahil napagkatuwaan lamang nito. "Ako sampid? Kala pala ang gwapo ko." Sinabayan pa iyon ni Celio ng malakas na tawa pati narin ng mga kasama nila kaya naman ay nagtinginan sa kanila ang iba pang naroon na kumakain din. Nagkasabay naman na siminyas ng katahimikan sina Manuel Revera na may mala mais ding buhok at Robert Taylor na siyang nag-iisa sa kanilang may lahing kano. "Bukas ng umaga ay dadaong na ang barkong ito sa hongkong, may pupuntahan pa kaming tatlo kaya baka hindi na kami makasabay sa inyong magkapatid pauwi." Seryosong pahayag ni Robert. Natigilan naman si Celia dahil ibig sabihin niyan ay hindi na niya makikita ang matagal na niyang hinahangaan (daw) na walang iba kundi ang makisig na si Robert. Ano bang pwedi niyang gawin? Nais niya pang makasama ito ng matagal. At hindi niya pa nakukuha ang kailangan niya dito. "Nako tamang-tama lamang iyon dahil nais din namin ng kapatid ko na mamasyal muna sa hongkong." Pagdadahilan ni Celia na sasalungatin sana ng nakababatang kapatid na nasa tabi niya, mabuti na lamang at tumingin muna ito sa kanya, at sa tinginan ng magkapatid ay nagkaintindihan sila. "Wala kaming kakilala dito sa Hong Kong, baka pweding sumama narin kami sa inyo?" Nagkatingin ang tatlo, halata sa mga mukha ng mga ito ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Celia. "Ah kasi..." Hindi naman alam ni Alfredo kung ano ang dapat sabihin. "Kung hahayaan mong sumali si Celio sa amin ay pwedi namin kayong isama." Si Robert ang nagsalita. "We're not going there just for fun." "I can't let him join that secret org of you people." Pagtanggi naman ni Celia. "Bakit hindi nalang kaya ako ang pasalihin niyo?" Natawa ang mga ginoo sa winikang iyon ni Celia. "Ayaw mong pasalihin si Celio pero gusto mong isali ang iyong sarili?" Pagpapalinaw ni Manuel kay Celia.
Sept_28 · 34.9K Views