Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Mahirap

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?
a_FICTION_ate · 1M Views

Harana, Isaw, Tamang Tiyempo, At Ikaw (Filipino)

Kontento na sa buhay niya si Donna. Meron na siya ng lahat ng pwedeng hilingin ng isang babae. Hindi siya mayaman at sikat pero meron naman siyang masayang pamilya, supportive na mga kaibigan, stable na trabaho at higit sa lahat, love life. Sa katunayan, limang taon na sila ni Jestoni. Nagtatrabaho ang nobyo niya sa Amerika para sa pamilya nito at para raw sa future nila. Mahirap para kay Donna ang malayo rito pero dahil mahal niya si Jestoni at may tiwala siya rito, tiniis niya ang lahat. Pero basta na lang bumaliktad ang mundo niya nang malaman niya mula sa nanay nito na tinatapos na nila ang relasyon nila dahil nagpakasal na ito sa isang Amerikana para makakuha ng green card. Lahat ng pangarap niya para sa kanilang dalawa ay naglaho at ang mga sakripisyo niya ay nabale-wala. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng mundo. Para sandaling makalimot ay dinala siya ng mga pinsan niya sa isang bar upang panoorin ang paboritong banda ng mga ito—ang papasikat pa lamang na Tough Love. Doon ay nakilala niya ang gitarista na gwapo sana pero snob na si Bob Earvin Montelibano. Ang akala ni Donna ay makakalimot nga siya kahit pansamantala lang pero mukhang pinagkakaisahan yata siya ng tadhana. Nang gabi ring iyon, isang lalaking kapangalan ng ex niya ang nag-propose ng kasal sa nobya nito. Sila dapat iyon kung hindi lang siya nito ipinagpalit sa American dream nito! Nilayasan niya ang mga pinsan sa bar at sa hindi inaasahan ay sinundan siya ni Bob Earvin at sinigurong walang mangyayaring masama sa mga tao sa paligid niya—este sa kanya pala. Doon nagsimula ang friendship nila. And then Bob Earvin asked her out. Hindi iyon inaasahan ni Donna. Pumayag siyang makipag-date dito sa susunod na magkita sila. Pero may iba nang plano si Donna. Nang magkita sila ulit, dalawang taon na ang nakalipas at naghilom na ang sugatan niyang puso. Pumunta uli siya sa bar kung saan nagpe-perform ang Tough Love at hindi hamak na mas sikat na ang mga ito ngayon. Ang akala niya ay nakalimutan na siya ni Bob Earvin. Pero nagulat siya nang basta na lang siya nitong halikan. Para raw iyon sa pang-iindyan niya rito dalawang taon na ang nakararaan.
slightstories · 36.6K Views

The UNKNOWN Father Of My Angel

After the biggest war between the two biggest rival Family had been fired up ay bigla nalang naglaho ang dalawang taong sadyang lagi nalang pinaglalayo ng tadhana. Ang isa ay piniling lumayo, tumahimik at magbagong buhay kasama ang isang milagrong hindi nya ine-expect na darating sa kanyang buhay. Kung baga parang isa itomg malaking bagay na di rin naglaon ay naging malaking parte narin ng kanyang buhay na hindi na matatapatan pa ng kahit na ano pang kayamanan sa buhay... Habang ang isa naman ay naging porsigido sa pagpapanatili ng dinastiya ng kanilang pamilya sa mga larangan ng Business at mundo ng mga Mafia. Hindi na inisip pang magkaroon man lang ng matatamis na sandali sa isang tao habang sya'y nabubuhay. In short 'Boring' ang kanyang buhay, wala syang magagawa kaylangan nyang gawin ang nararapat dahil sya lamang ang inaasahan ng kanyang iniidulong ama na hindi pa pala nya lubos na kilala sa ibang bagay... Till one day their path had crossed its same way again at di maipagkakaila na tila ba'y ang isa ay hindi na maalala pa ang isa dahil sa isang bagay. Habang ang isa naman ay malinaw parin sa alaalang ang taong ito ay minsan ng ginawang tanga ang isang tulad nya ngunit di maitatangging handa syang isakripisyo ang lahat makuha lang sya bandang huli... Ngunit tiyak na magiging mahirap iyon dahil matalik na magkaaway ang kanilang pamilya... So how will it go now? How would he or she able to fight those boundaries which really has the intention to stop them from doing so? Are they still capable of believing that they may deserved what they want and what they need? Will they say also at the end that "Taking all the burden was taking also the will of God?"
lostlaura · 11K Views

DIABOLICAL QUEEN

Ang mundo ay napupuno ng makakasalanang hindi alam ang tama at mali. Ito'y puno ng mga nilalang ng iba't iba ang mga iniisip at ninanais. Paano kung ang ating mundo ay umikot lamang sa dalawang kagustuhan? Ang mabuhay at ang mamuno...alin dito ang mas nanaisin mong abutin? Maaari bang dalawa ang iyong piliiin? Isang araw ang payapang kadiliman ay nasira ng mga hiyawang humihingi ng saklolo. Saklolo ng mga taong makasalanan, makasalanang nais marinig ng mga taong minamaliit nila't inaalipusta. Ang mga inalipustang dinadama ang mga hiyawan na sakanila'y lumalabas. Ang apoy ay kanilang kinakain, ang mga makasalnan ay kanilang pinapatay. Ngunit ano nga ba ang pagigign makasalanan? Ano ba ang nagawa ng mga makakasalanan? Bago natin isipin ang mga iyan ay ipapaliwanag ko muna ang kasalukuyang nangyayari sa kwento. Sa kanilang mundo ay may dalawang katungkulan, kung mayaman ka'y nasa taas ka at kung mahirap ka'y nasa baba ka. Ano nga ba ang pantayan sa pagiging mayaman at mahirap? Pera? Bahay? Kagamitan? o Pamilya? Pag mamahal? Iba-iba ang ating paniniwala ngunit ang mundong ito ay pera ang pantayan. Kung mahirap ka'y alila't mamaltratuhin ka, at kung mayaman ka'y magagawa mo ang lahat ng nanaisin mo sa buhay mo. Ngunit isang araw isang bahay ang tinupok ng apoy at ang apoy na iyon ay kumalat sa lahat ng bahay. Matapos mapatay ang apoy ay nag labasan ang mga nilalang na nag aapoy at nag simula nang patayin ang mga taong makasalanan sa mga mata nila. Ang kanilang napapatay ay kanilang nagiging alagad. Sila ay hindi kumakain ng tao dahil ang apoy ang kanilang kinakain, kain nga ba iyong kung tatawagin? Ilang araw ang nag daan kumalat na ang mga nag aapoy na nilalang na iyon ngunit sa araw na din na iyon isang supling ang biniyayaan ng kakayahang hindi pantao. Si Acardianne Luis.
Marsh_Mallows12 · 8.4K Views

ANG MUNDO MO AY ANG MUNDO KO

dalawampong taon na ang nakalipas mula sa pagkasunog ng isa sa mga hospital ng del valle sa yumin kung saan may isinilang na dalawang sanggol sa araw na iyun.At dahil dun ay nagkapalitnng sanggol ang dalawang magkaibang mundi na mag dulot ng malaking problema sa dalawang pamilya.Lumaki sa magkaibang mundo at magkaibang personalidad bagkusnay parehong matalino at napakagandang dalaga.Si Sierra ay matapang na haharapin ang pagsubok sa buhay isang mahirap ngunit may angking kakahayan at talino na nagbibigay ng magandang imahe sa kanilang unibersidad subalit mababa parin ang tingin sa kanyanng lahat dahil hindi sa ganda at abilidad masusukat ang pagiging dyosa kundi pera at kapangyarihan kya hindu nakapagtataka na lagi syang minamaliit at binabasura ng kapwanng magaaral.Lumaki sa isang mahirap na pamilya at naninirahan bilang isang simpleng tao na may busilak na puso at angking kagandahan na mala dyosa.Si wendy del valle ay isang top student sa unibersidad ngunit hindi nakakalamang kay Sierra kaya labis nalamang nya itung kinasusuklaman syanay isang maganda ngunit sakim at maitim ang kanyang buthi hindi nababagay sa angkin nyang ganda.Hanggang sa magkakilalang muli ang dalawang minsan ng nagtagpo at pinagbuklod ay muling pagtatagpuin ng tadhana na magdudulot ng malaking problema sa kanilamg buhay.Gagawin lahat ng sakim na babae upang masira ang babaeng tunay na minahal wawasakin ang kinabukasan pero hindi papatinag at lalaban para sa kanilang pagmamahalan.Pero darating ang panahon na mabubunyag ang katotohan ng kataohan na syang magbabago ng kapalaran ng dalawang magkaibang mundo.Abangan!
Hhyeon01 · 5.1K Views

Marie Can't Stop Flirting With The Boys!!

[TAGLISH] [UPDATES: MON-WED-FRI] DISCLAIMER: K-12 was not yet implemented when this story was written. Marie is an ordinary 3rd year high student who's looking forward to her JS Prom next year. She's into designing, so she has decided to design her own gown for the prom. Five boys will change her outlook in life: the best friend, the class president, the delinquent, the musician, and the sports guy. Apart from her studies, friends, and family, how will she handle all these boy-related problems this school year? -- THE BEST FRIEND “Nasprain mo ba yang ankle mo?” Asher frowned at kinuha kaagad yung chips at cola sa akin tapos inassist ako papunta sa couch. Para naman sobrang nabalian ako ng paa nito ah. I pouted my lips as I sat down, “Di ko naman kelangan ng special treatment—“ “Special ka kaya sa akin,” he sat on my left at kinuha yung nasprain kong paa. THE CLASS PRESIDENT Rave raised his hand, “As the president of this class, I will vote Marie Marshall for the position.” I rolled my eyes at him. Ano na naman ba ‘to Rave? “Since you owe me something, maybe being the vice president would suffice,” he added. “I know you’re the president of the Arts Club but if you still need some help, I’m always here to guide you.” THE DELINQUENT Nathan placed his thumb on my lips and rubbed it. He cupped my chin and tilted my head to the side. “Nandito pa rin.” “Ang alin?” inalis ko yung kamay niya. “Yung mark na ginawa ko para sa iyo,” he looked me into my eye. “Ma...mark?” Yung hi..hickey ba yun na ginawa niya nung acquaintance party? “Oo,” he looked down to my lips, my neck, and my blouse. “Para malaman nung iba na may nag-mamay ari na sa iyo.” THE MUSICIAN “Sorry sa nangyari kanina kung bigla na lang kita hinila palabas,” Morgan released my hand. “Baka kasi pagkaguluhan tayo, mahirap na.” “Ah okay lang,” I answered. “Unless...gusto mong pagkaguluhan tayo at maging sikat ka na rin,” he was looking at me. Tumingin ako sa kanya, at parang nagtatanong ang mga mata ko kung bakit. “Syempre, may kasama akong babae. They’ll think we’re dating or...you’re my girlfriend.” THE SPORTS GUY I glared at Flynn, “Kung ayaw mo mag-aral sabihin mo kaagad para hindi nasasayang ang oras kong magturo sa katulad mong tamad.” “Tangina, harsh,” he chuckled and covered his mouth. “Ang ganda mo pag nagagalit ka, ate.” Medyo nag-blush ako dun. Maganda pag nagagalit? Weird. “Alam ko nang maganda ako dati pa.” He grinned widely, “Mas gumaganda ka pag nagagalit ka. Okay na?” -- [BOOK COVER: Credits to the owner of the photo. Edited using Canva] AUTHORS (radbffs/besties): iridescentdream (Amega Furoto) AinaWang (Caring for Mr. Mutant)
radbffs · 33.6K Views

My Unexpected Mr. RIGHT (TAGALOG)

"Good morning my Princess...!" nang-aasar na bati ni Jace sa kanya. "I am not your Princess! And alam mong hindi good ang araw ko tuwing andito ka. So pwede ba, stop pretending as if we are friends!" Mataray na sagot niya rito habang nagmamadali sa paliligpit ng mga niya. "Hindi ka na naman siguro pinansin ng crush mong si frog prince ano, kaya ang sungit-sungit mo na naman ngayon?" Anito sa kanya. "FYI! Hindi ko crush yun okay? Siya yung may crush sa akin. And will you stop calling him frog prince!" Aniya kay Jace at inis bumalik ulit sa pagliligpit. "Oyy... ipinagtatangol niya si frog prince." Patuloy na pang-aasar nito sa kanya. "Kung hindi mo type si frog prince, baka naman ako talaga ang type mo." Anito na mas lumawak pa ang pagkakangiti. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito, ramdam rin niya ang pamumula ng pisngi niya. "Excuse me!" Aniya rito at hinarap ulit ito. "Kahit kailan ay hinding-hindi ako magkaka crush sa matanda, mayabang at bastos na katulad mo! Isaksak mo yan sa utak mo!" Pero lahat ng sinabi niyang iyon ay bigla na lang naglaho ng magtapat si Jace sa kanya. Kahit walang kasiguraduhan ang damdamin nito para sa kanya ay sumugal pa rin siya. Para lang iwan siya nito kinabukasan. Pagkalipas ng sampung taon, ay bumalik ulit si Jace sa buhay niya. Mahirap nga sigurong kalaban ang tadhana. Dahil kahit anong iwas niya sa binata ay nakahanap pa rin ang tadhana ng paraa upang magising siya sa isang higaan katabi si Jace. Habang pareho silang walang mga damit. Susugal ba siya ulit sa kasal na inaalok nito? O bibigyan niya ng first chance ang step brother nitong si Dylan. Sino nga ba ang dapat niyang piliin? Ang lalaking wala ng ibang ginawa kundi ang pasayahin at mahalin siya? O ang lalaking minsan na siyang sinaktan pero mahal pa rin niya?
KCEE33 · 52.4K Views
Related Topics
More