Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Sas Assualt

L'empereur Immortel entame sa 1000ème Vie: Poursuivie par Cinq Épouses

Durant des millénaires, il régna au sommet du monde. L’Empereur Immortel, un nom murmuré avec respect autant qu’effroi. Il avait franchi les neuf cieux, défié les lois de la nature et accédé au plus haut royaume de cultivation céleste. Aucun démon, aucun dieu, aucun être n’osait lever les yeux vers lui. Il était l’équilibre et la menace de ce monde. Mais même une existence éternelle peut être ébranlée par un simple accident du destin. Dans les profondeurs d’une grotte oubliée des Dieux, il découvrit une relique ancienne, au cœur noirci par le temps. Une tablette sacrée, que même les anciens immortels avaient scellée dans l’oubli. Attiré par sa puissance silencieuse, il enfreignit l’interdit. Ce geste mit le monde à feu et à sang. Les génies célestes, les sectes démoniaques, les taoïstes errants et les empereurs spirituels s’unirent dans un seul but : l’anéantir. Une guerre cataclysmique éclata. Le ciel fut déchiré, les rivières inversèrent leur cours, les dimensions s’effondrèrent. Mais dans son dernier souffle, l’Empereur Immortel touche la relique de sang — activant un pouvoir inconnu. Ce ne fut pas la fin. Ce fut le début d’une malédiction. Mille réincarnations. Mille vies brisées. Mille tentatives d’éveil, toutes échouées. Chaque fois qu’il approchait de son ancienne force, une main invisible le détruisait. Mais cette fois… quelque chose change. --- Dans un paisible village du royaume de Dongyuan, Yi Haoyu, un adolescent de quatorze ans issu d’une famille modeste, s’éveille en sursaut. Il est le fils d’un forgeron, le petit frère d’une sœur protectrice et chaleureuse. Sa vie semblait normale… jusqu’au moment où d’anciennes mémoires, floues et brisées, se réveillent en lui. Des visions de batailles célestes. Des souvenirs d’amours oubliés. Des fragments d’un pouvoir immense, encore endormi en lui. Il est l’Empereur Immortel. Et il vient d’entamer sa 1000ème et dernière réincarnation. Cette fois, il décide de recommencer à zéro — non pas en conquérant les cieux, mais en créant une secte de ses propres mains, un sanctuaire de sagesse et de puissance. Il veut comprendre les erreurs du passé, briser le cycle, retrouver son essence... et surtout, découvrir pourquoi la relique a lié son âme au destin du monde. Mais il ignore une vérité cruciale. Dans cette vie, cinq femmes sont liées à lui par le destin. Elles ne savent rien de lui. Elles ne l’ont jamais aimé. Elles n’ont aucun souvenir de ses anciennes vies. Mais le fil du destin les guide. Une sabreuse solitaire au cœur glacé. Une stratège impériale à l’intelligence redoutable. Une alchimiste aux poisons inégalés. Une prêtresse céleste, guidée par des voix divines. Et une assassine silencieuse, obsédée par un rêve récurrent. Elles n’éprouvent aucun attachement. Aucune affection. Mais tôt ou tard, leurs chemins croiseront celui de Yi Haoyu. Et à mesure que le pouvoir ancien scellé en lui se réveille, les vérités enfouies du monde, les origines de la relique, et l’identité véritable des cinq femmes viendront tout bouleverser. Cette fois, l’Empereur Immortel ne pourra fuir. Ni son passé. Ni ses erreurs. Ni les cinq destins qui convergent vers lui.
Illieaster · 4.7K Views

KASARINLAN

TITLE : " KASARINLAN - SIKALON ARC  GENRE : Action , Superpower, History , Drama ,Romance , Fantasy  Artist : Alab ng Apoy  Type : Manga And Novel  Webkom link : https://webkomph.com/series/kasarinlan-saga-of-pinoy-superheroes/ . Take note : Isa itong fantasy na may halong history ng pilipinas , Alternate world  . . " Kalayaan, Pagkakaisa,Kapayapaan, Ang Tatlong Sagisag na kailangan ng Bansa laban sa mga pang aabuso ng mga dayuhan, Pero paano kung ang mga Sumisimbolo at Naghahatid ng bawat katangian ng mga ito ay Magkakasalungat ng Paraan at Paniniwala sa Paano tutulungan ang bansang kanilang dapat pangalagaan ? " . . PLOT -  Sa higit na 500 years na pananakop ng Makapangyarihan bansa ng espanya sa pilipinas at ituring itong isa sa mga kolonyal nito , Dahil sa napakarami Pagkabigo at pagkatalo ng mga bayani at mga rebolusyunaryong pilipino ay unti unting nawalan ng matatapang na taong may paninindigan na bawiin ang lupang sinilangan sa kamay ng mananakop , Dahil sa kawalan ng liwanag ng pag asa ay tuluyang sumuko ang mga pilipino at tinangap na lamang ang pamumuno ng mga kastila sa kanilang bayan,  Sa Lumipas na ilang daang taon ay naging malupit ang pamumuno ng mga kastila sa mga mamamayan ng bansa , nahati sa dalawa ang estado ng buhay ng mga pilipino sa pilipinas , Isa na rito ay ang mga Honorary Spaniard o " Hilaw " sa Katawagan ng mga Kastila , Sila ang mga taong tinalikuran ang pagiging pilipino upang maging Adopted Child of Spain upang makuha ang ilang prebilehiyo sa bansa .  At ang mga Low Class Citizen o " Indyo " Sa katawagan ng mga Kastila , sila ang mga pilipinong nagmula sa mahihirap na pamilya na tinangalan ng napakaraming pribelehiyo at karapatan sa sariling bansa , Dahil sa mababang estado ng buhay. 
Alabngapoy · 904 Views

Dumagat: Ang Tagapagmana ng Liwanag

Si Carlo de Luna ay isang 25 taong gulang na lalaking mestizong may dugong Kastila at Cebuano. Siya ay may taas na 5’5” na may matipuno ngunit karaniwang pangangatawan. Tinatawag siyang "Dumagat” dahil siya ay nagmula sa baybaying-dagat ng Zamboanga del Sur. Tuwid ang kanyang buhok, may suot na salamin sa mata na nagpapahiwatig ng kanyang henyo sa agham at matematika, subalit madalas niyang itinatago ang talino sa likod ng isang simpleng imahe—isang tipikal na gangster na nakasuot ng karaniwang damit at may sunglasses para hindi mahalata ang kanyang tunay na kakayahan bilang guro at tagapagtanggol ng bayan. Bilang isang overpowered na tao, si Carlo ay matapang, matalino, masayahin, at may matibay na political will. Mahilig siyang makipagkompetensiya, lalo na sa larangan ng agham at sining ng pakikipaglaban. Sa kabila ng kanyang lakas at talino, may malaking takot siya sa pagkawala ng mga mahal niya sa buhay at ng kanyang bayan—isang kahinaan na nagbibigay lalim sa kanyang pagkatao. Mahilig siyang magbasa, mag-imbento, magsanay sa agimat, at madalas siyang nagkakape at naninigarilyo bilang bahagi ng kanyang araw-araw na gawain. Si Carlo ay nagmula sa Zamboanga del Sur at dumayo sa Bukidnon upang tuparin ang kanyang misyon na lipulin ang mga aswang na sumisira sa katahimikan ng mga tribo. Bago pa man niya natuklasan ang kanyang tunay na kapalaran, ninanais niyang magkaroon ng isang normal na buhay bilang guro at lider ng Quantum Gang — isang samahan na lumalaban sa mga masasamang tao gamit ang pinaghalong makabago at makalumang teknolohiya. Ngunit nagbago ang lahat nang matuklasan niya ang kanyang pagka-Tagapagmana ng Liwanag, isang natatanging tagapagligtas na pinapangalagaan ng mga sinaunang diyos at espiritu. Bilang henyo sa matematika at agham, mahusay siyang lider ng Quantum Gang dahil sa kanyang kasanayan sa Khali at Aikido, at may kakayahan ding magturo ng edukasyon. Ang kanyang mga armas ay mga modernong pluma at papel na ginagamit sa pagsulat at pagbigkas ng mga Latin na orasyon na minana mula sa kanyang lolo na isang Kastilang dalubhasa sa sinaunang mahika. May dalang whip na gawa sa metal na tila pangil ng kidlat ng dragon, na mana naman niya sa kanyang lola na Cebuana. Bukod dito, nagdadala siya ng mga mutya ng hangin, tubig, apoy, at kalikasan, pati na rin mga makabagong gadgets tulad ng cellphone, tablet, at locator na tumutulong sa pagtunton ng mga kampon ng kadiliman. Isang mahiwagang clay pot din ang kanyang gamit sa pagluluto ng mga pildoras para pampalakas at pampagaling ng sugat. Walang kahinaan si Carlo sa tradisyunal na pakahulugan—isang tunay na overpowered na bida. Sa kanyang buhay, malapit siya sa kanyang mga magulang—si Pedro de Luna, isang disiplinadong mandirigma at eksperto sa Kali at Aikido; si Maria Dimapili, isang guro ng panitikan at tagapangalaga ng kultura; at sa kanilang mga ninuno—si Miguel de Luna, ang dalubhasa sa Latin na orasyon na nagsisilbing gabay, at si Clara Dimapili, ang makapangyarihang babaylan na tagapangalaga ng kidlat at kalikasan. Pinagpapalakas siya ng kanilang mga aral at espiritwal na legacy, na nakaugat sa mga diyos ng kidlat gaya ni Magwayen. Bilang asawa ng limang makapangyarihang babae mula sa limang elemental tribes ng Mindanao, pinangangalagaan ni Carlo ang balanse ng kalikasan at kapangyarihan. Kabilang dito si Dayang Laya Binhi, healer mula sa Nature Tribe na may kaalaman sa herbal medicine at bio-spiritual healing; si Alunsina Daligdig, mandirigma ng Fire Tribe na eksperto sa apoy at tribong pakikidigma; si Bulan Sadsad, tank ng Earth Tribe na bihasa sa mountain warfare; si Amihanan “Mia” Salakay, assassin ng Wind Tribe na eksperto sa stealth at aeromancy; at si Ligaya Panubig, marksman ng Water Tribe na may husay sa hydro-pressure ballistics. Pinangungunahan niya ang kanilang limang mentor na pinagsama-sama sa pangunguna ni Datu Kidlat-an, ang tagapamagitan ng mga tribo, upang labanan ang panganib mula kay Datu Silab–Itim, ang Punong Itim ng Kadiliman.
GurongDelfin · 2.5K Views

Mga Liham sa gitna ng Lavender

Taong 2025, sa isang lungsod sa Pilipinas, isang dalagang librarian at working student na si Zerene Villapaña, na may misteryosong amnesya, ay nahatak sa isang mapanganib na mundo ng teknolohiya matapos masangkot sa isang hacking incident sa library. Doon niya nakilala si Copper Cavallo, isang malamig ngunit matapang na CEO-engineer na may koneksyon sa kanyang nakaraan. Hindi nagtagal, nadiskubre ni Zerene na siya’y dating co-creator ng isang makapangyarihang AI system na tinawag na Project Root—isang teknolohiyang may kakayahang manipulahin ang damdamin at paniniwala ng sambayanan gamit ang datos. Dahil sa pagtatangkang ilantad ito noon, binura ang kanyang alaala at itinuring siyang patay. Habang unti-unting bumabalik ang kanyang alaala sa tulong ng mga pahiwatig, panaginip, at likas na abilidad, unti-unti ring lumalalim ang ugnayan nila ni Copper—mula sa tensyon, pagtutulungan, hanggang sa damdaming hindi na maitatanggi. Sa tulong ng grupong Freelinks, nakipaglaban sila sa dating organisasyong si Copper mismo’y naging bahagi noon: ang lihim at mapanganib na tech syndicate na CAM. Sa bawat misyon, pinagsama nila ang lakas ng damdamin at talino para kolektahin ang mga kopya ng Project Root at pigilan ang paggamit nito bilang armas ng gobyerno at militar. Nang mahuli si Zerene at tangkang muling burahin ang kanyang pagkatao, iniligtas siya ni Copper sa isang delikadong operasyon, isinugal ang lahat kahit ang sariling negosyo. Sa huling hakbang, inilantad nila ang Project Root sa buong mundo sa pamamagitan ng global livestream, habang ginamit ang satellite para i-broadcast ang ebidensya. Sa kabila ng isang trahedyang false-flag bombing na pinasimulan ng CAM, nagtagumpay ang grupo—bumagsak ang CAM, ngunit may mga natirang banta. Sa huli, si Copper ay namuno ng isang bagong tech ethics organization, habang si Zerene ay naging global AI ethics consultant. Muling nagtagpo ang kanilang mga puso—hindi na bilang mga taong may kasalanan o lihim, kundi bilang dalawa na muling piniling magmahal sa kabila ng lahat.
Sahmei · 2.1K Views

All Or Nothing

May isang babae na pangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo para matulungan pa ang kanyang kapatid. Siya si Mirabella Trinidad at isang Business Economics student. Matalino at masipag na babae si Mirabella kaya marami rin siyang manliligaw mula noong high school hanggang sa magkolehiyo subalit wala man lang siya natipuhan sa mga ito at prayoridad niya muna ang kanyang pag-aaral. Nagbago lamang ang lahat simula nang nagkakilala at naging kaibigan ang kanyang Math professor na si Jaxton Villareal. Ang binata mismo ang nagpakita ng interes sa kanya hanggang sa unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Mirabella rito. Ayaw ng dalaga na magkaroon ng isyu, masira ang kanyang reputasyon at mawala sa kanya ang scholarships kaya't napagdesisyon niyang lumayo at umiwas na sa binata ng walang paalam. Lumipat ng panibagong eskwelehan si Mirabella at dito naman niya nakilala ang masungit na volleyball player na si Gian Rivera ng nasabing unibersidad. Paglipas ng mga buwan, nagkita muli sina Mirabella at Jaxton na hindi nila inaasahan. Dito mas naging masugid sa panliligaw ang binata sa kanyang dating estudyante at sa huli sinagot siya nito. Ngunit, hindi nagtagal ang kanilang relasyon nang kumalat ang isyu tungkol sa kanilang dalawa. Masakit man para kay Mirabella, nakipaghiwalay pa rin siya kay Jaxton alang-alang sa kanyang reputasyon at scholarships. Hindi sumuko sa kanya ang binata at patuloy pa rin ito na umasa subalit tumigil si Jaxton nang sabihin ni Mirabella na sa tuwing nakikita niya ito, naalala ng dalaga ang mga hindi nangyari sa kanya noon. Tumigil ang mundo ni Jaxton na dahilan para umalis siya sa kanyang propesyon at lisanin ang lugar na kasabay ng pagsimula niya ng panibagong buhay.
_roseandtulips31_ · 4K Views
Related Topics
More