Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Sayaw Para Sa'yo (TGLG)

🇵🇭Bii_Jeyne
7
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 7 chs / week.
--
NOT RATINGS
40
Views
Synopsis
Sayaw para sa'yo, Tungo para sa'yo.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapt 1

Napatingin ako sa malaking bahay na nasa harapan ko. Sobrang laki nito na pwede ng tawaging mansyon. Hindi gaanong mapapansin ang kalumaan ng malaking bahay na nasa harapan ko ngunit sapat lamang itong maisip ng mga taong nakakakita rito na isa na itong abandonadong bahay.

" Grabe, ang laki!"

Sabi ng babaeng nasa gilid ko. Nakanganga pa ito, na mababakas sa mukha niya ang pagkamangha habang nakatingin sa malaking bahay na nasa harapan namin. Lumingon siya sa'kin.

" Ito ba talaga ang bahay nina Lola Miranda at Lolo Jose, Ate Mau?"

Habang di pa rin mawawala ang pagkamangha rito.

" Hindi yata, Mae. Baka nagkakamali lang si Mama ng pagkakasabi sa'tin na 'Ito ang bahay ng Lola Miranda at Lolo Jose niyo.' "

Pamimilosopo kong sabi sa kaniya na kaagad napalitan ng pagkabusangot ang kaninang namamangha niyang mukha.

" Sasagutin mo lang naman ako ng oo o hindi, ang dami mo ng sinabi."

Inis niyang sabi sa'kin na ikinatawa ko.

Inis na naman siya.

" Alam mo, Mae---"

" Hindi ko pa alam, Ate Mau."

Grabe, bumabawi. Yun nga lang, yung sa gawain nito lagi na hindi ako pinapatapos magsalita. Na~~~ paka-bastos~

" Sige, sasabihin ko sa'yo. Kanina ko pa kasi naririnig 'yang ganiyang tanong mo. Paulit-ulit ka---"

" E sa hindi ako makapaniwalang bahay ito nina Lola Miranda at Lolo Jose. "

Habang bakas sa mukha nito ang inis.

" E ikaw? Hindi ka rin naman makapaniwala na bahay ito nina Lola Miranda at Lolo Jose."

" Pero, hindi naman ako tanong ng ta---"

" E sa hindi nga ako makapaniwala---"

" Oo na, Oo na. Hindi ka na makapaniwala. Tama na. Suko na ako."

Walang kabuhay-buhay kong sabi sa kaniya.

Langya, susuko na ko. Ilang beses niya ng pinuputol ang sasabihin ko. Tutal ako naman ang Ate, pagpapa-sensyahin ko nalang.

Tumawa siya't tumingin ulit sa bahay na nasa harapan namin. Tumingin din ako rito.

Si Lola Miranda at Lolo Jose ay Mama at Papa ni Mama, na 1 year ago ng nangibang langit. Nung nangibang langit kasi si Lolo Jose, pagkaraan ng 3 months sumunod naman si Lola Miranda.

Pinagmasdan ko ang malaking bahay na nasa harapan ko.

Sabi ni Mama, 18 years na itong nakatayo. Na sa 18 years na itong nakatayo, hindi ko 'man lang maalala na sinabi niya 'to sa'min ni Mae o pumunta na kami rito. Pero, sabi ni Mama sa'kin. Nakapunta na raw kami rito kaso bata pa kami no'n. 2 years old si Mae habang ako naman daw ay 4 years old. Kaya hindi na raw namin ata maalala.

" Ma, Ito ba talaga ang bahay nina Lola Miranda at Lolo Jose? Hindi kasi ako makapaniwala."

- Mae na ikinatingin ko sa kaniya.

Paulit-ulit talaga to. Sinabi na nga ni Mama'ng 'Ito ang bahay ng Lola Miranda at Lolo Jose niyo.'. Tanong pa rin ng tanong. Mukha bang nagsisinungaling si Mama kung ito na nasa harapan na ang ebindensya?

Tumingin ako kay Mama na nakita kong tinutulungan niya ang driver ng taxi'ng sinakyan namin papunta rito, sa paglabas ng mga dalahin namin.

Sabi ni Mama, rito raw muna kami pansamantalang titira hangga't hindi pa kami nakakahanap ng taong bibili nito. Balak ni Mama'ng ibenta itong bahay dahil sabi niya, may sarili na raw kaming bahay na ipinundar ni Papa.

Bumuntong hininga ako't lumapit kay Mama para tulungan siya sa pagbuhat. Naramdaman kong sumunod sa'kin si Mae.

" Oo, Mae. 'Yan talaga ang bahay ng Lola Miranda at Lolo Jose mo."

" Hindi nga, ma. Totoo talaga?"

- Mae.

" 'Lam mo, Mae. Magtatanong ka kay Mama tapos kapag sinagot ka niya, hindi ka maniniwala. Nagtanong ka pa no? Sana hindi ka na lang nagtanong, kung 'di ka rin lang naman maniniwala."

Tumingin siya sa'kin ng masama, na ikinatawa ko.

Kaya lagi ko itong inaasar, naiinis agad. Parang kala mo laging may dalaw, kahit di pa siya dinadalaw.

Binigyan ko kaagad siya ng peace sign ng mapansin kong magsasalita na siya, na ikinatingin niya sa'kin lalo ng masama.

Kung nakakamatay lang ang masamang tingin, kanina pa'ko pinaglalamayan.

" Hmn!"

At umirap na ikinatawa ko. Binuhat niya ang bag na nasa harapan niya.

" Inaasar mo na naman 'yang kapatid mo, Mau. 'Lam mo namang pikunin 'yan. "

- Mama na ikinatingin ko sa kaniya. Natawa muli ako. Binuhat ko ang dalawang bag na buhat- buhat niya at inakbayan niya ako.

NAPAAWANG ang bibig ko ng makapasok kami sa gate. Hindi ko inaasahang mas malaki pa pala ito sa inaakala ko at kahit na may kalumaan na ito'y mapapansin pa rin ang ganda nito. Napakalawak ng bakuran ngunit nakaramdam agad ako ng lungkot.

Malawak nga ang bakuran ngunit kapag tiningnan mo'y nakakaramdam ka kaagad ng lungkot.

Wala akong nakitang mga halaman at bulaklak, para bang mga natuyo na ito at tuluyan ng namatay. May nasilayan akong malaking swimming pool ngunit alam kong wala itong tubig.

Sabi sa'min ni Mama, 18 years na itong nakatayo at 13 years ago naman nina Lola Miranda at Lolo Jose ito iniwan dahil sa bahay na namin sila tumira. Naalala ko pa nga nung unang araw na roon na sila titira. Pinasalubungan nila ako ng dalawang teddy bear, kulay red at blue. Buti pa 'yon naalala ko, pero 'yong unang araw na pumunta kami rito, hindi ko maalala.

Naunang pumasok si Mama sa malaking bahay habang kami ni Mae ay nasa likuran niya. Nakita ko kaagad kung gaano ito kalawak at kalaki. Para bang nakapasok ako sa mga malalaking bahay na napapanuod ko sa t.v.

Di ko inaasahang mayaman pala si Lola at Lolo.

Sa gitna nito'y may naghahabaang sofa, na may mahabang table sa pagitan nito. Sa dalawang gilid nito'y may hagdan na papunta lamang sa iisang direksyon, ang second floor nito. Napahinto ako sa paglalakad nang makita kong sa magkabilang gilid ng papuntang second floor, may apat na naglalakihang picture. Apat na picture ng di gaanong may katandaang babae, lalaki, at dalawang dalaga. Hindi ko na gaanong makita ang mukha nila dahil sa alikabok na naririto. Napansin ko ang mga gamit dito, tulad nalang ng vase na nasa tabi ko. Para bang mga antik ito ngunit marami ng alikabok ang nakabalot dito.

" Grabe ang laki. "

- Mae na ikinatingin ko sa kaniya. Nakita kong nakanganga siya.

Kapag talaga ito namamangha sa nakikita niya, paniguradong nganga-nga talaga ito.

Lumapit ako sa kaniya at sinirado ko ang bibig niya.

" Baka pasukan ng langaw, Mae. Mahirap na, baka malunok mo pa."

Hinampas niya ang kamay ko at tumingin na naman sa'kin ng masama na ikinatawa ko ngunit kaagad siyang tumawa ng nakakaloko. 'Yon bang tumawa lang para asarin ako.

" Buti nalang sinirado mo kaagad, Ate Mau. Mahirap na, baka matulad ako sa'yong muntikan ng malunok ang langaw na pumasok sa bibig mo, kahapon."

Palambing na sabi niya sa'kin na ikinatigil ko sa pag-tawa.

" Salamat. "

At tumawa ulit ng nakakaloko. Lumapit siya kay Mama.

Naku naman. Nakalimutan kong nangyari pala 'yon sa'kin. Grabe kasing langaw na 'yon. Mamamasyal na nga lang, sa bibig ko pa.

Napahigpit ang kapit ko sa mga bitbit ko.

Pinaalala niya pa sa'kin. 'Yan tuloy naalala ko na naman yung lasa no'n.

" Mau, anak. Ilapag mo muna rito 'yang dala mo."

- Mama at bago umupo sa mahabang sofa, pinagpagan niya muna ito gamit ang towel na hawak niya. Tumabi si Mae sa kaniya. Lumapit ako sa kanila, inilapag ang mga dala ko't umupo ako sa tabi ni Mae.

" Ilang years niyo na itong iniwan, Ma. Hindi 'man lang ba sumagi sa isip niyo nila Lola Miranda at Lolo Jose na pumunta rito? At isa pa, bakit nung nakaraang araw mo lang ito nasabi sa'min, Ma?"

- Mae na ikinatingin ko kay Mama.

Tama nga naman siya. Bakit kaya ni minsan hindi sila pumunta rito at isa pa, bakit nung nakaraang araw niya lang ito sinabi sa'min ni Mae?. Kahit na sinabi niya sa'min ang tungkol dito, parang may kulang pa rin. 'Yun bang hindi pa rin sapat, 'yong mga sinabi at ikinuwento niya sa'min tungkol sa bahay na'to.

Ginala ko ang tingin ko sa paligid.

2 days ago niya lang sinabi ang tungkol dito. Sabi niya lang sa'min, may bahay sina Lola Miranda at Lolo Jose na ibebenta niya at...

Huminto ang tingin ko sa hagdan na papuntang second floor.

Ito 'yon.

Nagkaroon ng pansamantalang katahimikan.

" May kakambal ako..."

Panimula niya na ikinatingin ko sa kaniya.

" Na namatay, 13 years ago."

Napanganga ako.

Seryoso?. Di nga?.

" Siya ang dahilan kaya nagdesisyon si Papa na iwan ang bahay na'to..."

- Mama at ginala niya ang tingin sa paligid.

"Si Marinela ang dahilan."

At napabuntong hininga siya.

" Mahal na mahal ni Mama si Marinela... mas mahal pa ni Mama ang kakambal ko kaysa sa'kin. Kung papapiliin nga si Mama noon, kung sino ang gusto niyang makasama sa'ming dalawa, ang pipiliin niya ay si Marinela."

" Pero, bakit ma?"

- Mae.

" Ang ibig kong sabihin..."

" Dahil sabihin nalang nating... lahat ng gusto ni Mama para kay Marinela ay sinusunod ni Marinela. Kaya mas gusto ni Mama si Marinela kaysa sa'kin."

Sagot ni Mama rito.

" Hindi ako sumusunod kay Mama, Lalo na nung gusto niyang maging madre ako, na hindi ko siya sinunod dahil ang gusto ko ay maging guro."

Ginala niya ang tingin sa paligid.

Hindi ko inaasahang ganun pala ang ugali ni Lola. Ang kinalakihan ko kasing ugali niya ay mabait.

" Kaya no'ng namatay si Marinela, talagang nalungkot no'n si Mama. Pero, mas lalo siyang nalungkot nung mabasa niya ang huling sulat ni Marinela sa kaniya..."

Pagpapatuloy niyang sambit. Tumayo siya at marahang naglakad. Sinundan ko siya ng tingin.

" Nabasa niya sa sulat na dahil sa kaniya... kaya nag-nagpakamatay si Marinela."

Nagulat ako.

" Da- dahil... sa kaniya...?"

Mahinang sambit ko pero hindi ito naging hadlang para hindi niya 'to marinig. Tumingin siya sakin.

" Dahil sa... hindi niya na makayanan ang mga kagustuhan ni Mama para sa kaniya."

Hindi ko inaasahang may ganito palang pangyayari sa pamilya namin. Nagpakamatay ang kakambal ni Mama na si Marinela dahil kay Lola?.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Nakakagulat naman.

" Labis nalungkot no'n si Mama at nagsisi. Pero, huli na... wala na si Marinela. Ilang buwan nang namatay si Marinela at ilang buwan na rin siyang nagdurusa. Sabi niya, hangga't nakikita niya pa ang bahay na'to, hangga't nakikita niya pa ang larawan ni Marinela at hangga't naririnig niya pa ang pangalan ni Marinela. Hinding-hindi siya matatahimik... hinding-hindi niya papakawalan ang sarili niya sa kadena ng pag-sisisi."

At umupo muli siya.

" Kaya nagdesisyon si Papa na umalis sa bahay na'to, na hangga't maaari huwag na kaming pupunta rito at nagdesisyon din si Papa na huwag na muling babanggitin ang pangalan ng kakambal ko."

At tumingin saming dalawa. Kita kong malamlam ang mga tingin njto samin.

" 'Yan ang dahilan, Mae. Mau. Yan ang pangyayaring hindi niyo maalala."

Nakatingin lang ako sa kaniya. Tingin na hindi makapaniwala.

" Hindi niyo maalala ang lahat. Kaya, Hindi ko na itatanong sa inyo kung naaalala niyo pa ba si Tita Marinela niyo."

At ngumiti. Ngiti na may bahid pa rin ng lungkot.

" Mau, Mae---"

" Ma, totoo 'yan?"

Napatingin ako sa kaniya--- si Mae. Nakatingin ito kay Mama.

" Baka... hindi ata, Mae."

Napatingin sakin si Mae at agad sumama ang tingin.

" Ikaw ang tinatanong ko Ate Mau?"

Natawa ako. Yun bang nawala agad ang pagka-gulat ko sa mga narinig ko kay Mama.

" Sagot ng sagot, 'di naman siya ang tinatanong. Saka ka na sumagot kung ikaw na ang tinatanong."

- Mae at inirapan ako. Tumawa si mama.

" Oo, Mae. Totoo lahat ang mga sinabi ko."

At tumayo.

" Nakalimutan ko lang ito at naaalala kama-kailan lang. Kaya no'ng nakaraan ko lang sinabi sa inyo."

----------------------------