'Random Person POV'
"Tulong! Backup! Backup!" desperado ng sigaw ng tao sa radyo. "Dito sa front entrance! "May dalawang babae—"ang huli kong narinig bago naputol ang linya.
'We're fucked,' Naisip ko habang pinapanood kung anong nangyayari sa mga monitor.
Ito na nga ba ang sinasabi ko, 'don't poke the lion, pero hindi e, makulit si boss. Ngayon, wala na akong magagawa kundi panoorin nalang kung paano bumagsak ang organisasyon na napakatagal niyang binuo.
Tuloy tuloy pa rin ang kaguluhan sa labas, iba't ibang sigaw at tunog ng baril ang maririnig.
'Hay! Dapat talaga inagahan ko na ang uwi ngayong araw,'
Biglang bumukas ang pinto at may dalawang babaeng pumasok sa office ko. Yung isa, nasa mid-20s or early 30s, mahaba ang buhok at naka-office attire—itim na pencil skirt at itim na blazer. May hawak siyang dalawang maliit na handgun.
Yung isa naman, mukhang nasa mid-teens. Nakasuot siya ng pink na cardigan sa ibabaw ng school uniform niya. Kung 'di ako nagkakamali, 'yun ang uniform ng isang sikat na school dito sa lugar na 'to. Meron siyang dala-dalang kitchen knife.
Kung hindi ka ba naman minamalas, itong pa talagang dalawang 'to ang pumunta para manggulo.
"Are you the boss here?" tanong ng mas batang babae. Habang nakatutok ang kutsilyo sakin.
"Hindi, nagtatrabaho lang ako dito," sagot ko naman.
Ah, ganun ba? Asan ang boss mo?" tanong naman sa'kin ng mas nakatatandang babae.
"Tumakas na," Maikli kong sagot
Ngumiti siya sa'kin bago nagsalita. "Oh? Nasaan siya ngayon?" tanong sa'kin ng nakatatandang babae.
Binigay ko na lang sa kanya yung files kung nasaan ang mga hideout ng boss. Alam ko namang wala rin akong mapapala kung pagtatakpan ko pa siya. Binasa ng babae ang mga files na binigay ko, tapos ngumiti siya.
"Good boy," sabi niya sa'kin habang nakangiti. "Mukhang mas matalino ka compared sa mga tao sa labas," dagdag pa niya.
"Millie, tara na," sabi ng babae doon sa naka-uniform na babae.
"Eh? Hindi pa ako tapos dito," sagot niya habang tinuturo ang safe sa office.
"Tara na! Hindi natin 'yan kailangan," awat ng babae.
"Okay, fine," sagot ni Millie na may pagmamaktol sa boses.
Tumingin muna sa'kin ang batang babae bago niya ibinato sa direksyon ko ang kutsilyong hawak niya. Tumama ito sa likod ng upuan ko—mga 1cm lang siguro ang layo mula sa pisngi ko.
"Leader! Ngayon na ba natin huhuntingin 'yung boss nila?" masiglang tanong ni Millie sa mas matandang babae.
Napatigil saglit ang babae sa paglalakad bago siya sumagot. "Hindi na muna siguro. May pasok pa tayo bukas."