Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Halimaw Sa Ilalim ng Buwan

🇵🇭Jilled26
1
Completed
--
NOT RATINGS
11
Views
Synopsis
Sinasabi ng matatanda na may halimaw na namumuhay sa kailaliman ng kagubatan-isang mabangis na itim na lobo na hindi dapat lapitan. Ngunit ang hindi alam ng lahat... ang halimaw na ito ay isang isinumpang engkanto, nakakulong sa isang katawan na hindi kanya. Matagal na niyang tinalikuran ang pag-ibig. Walang babaeng lupa ang kailanman ay naglakas-loob na mahalin siya. Sa bawat pagtanggi at pagtataksil, lalong lumalim ang kanyang galit sa mga tao-hanggang sa dumating siya. Isang dalagitang nagbago ng lahat. Hindi lang katawan nito ang nais niyang angkinin, kundi pati puso't kaluluwa. Ngunit magiging sapat ba ang pag-ibig upang basagin ang sumpang bumalot sa kanya? O isa na namang trahedya ang magaganap sa pagsapit ng bilog na buwan? If you want to read something unedited and unfiltered, visit my website. http://jilled26.com

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Panimula

Malalim ang gabi...

Maliwanag ang buwan...

Maririnig ang ingay ng mga insekto sa bawat paligid ng kagubatan habang dumaraan ang malakas na simoy ng hangin sa malalaking puno, at sinasayaw ang mga sanga nito.

Isang itim na higanteng lobo ang lumabas sa makakapal na halaman. Mabangis na pangil at nagliliwanag na pulang mata sa gabi ang magpapagapang ng takot sa dibdib ng sinumang makakakita dito. Ito ang hari ng kagubatan na kinatatakutan ng iba pang mababangis na hayop. Maging ang mga magagaling na mangangaso at mga taong naliligaw sa madilim na parte ng gubat ay takot sa presensiya nito.

Kumakalat sa buong bayan ang balitang sinumang makakatagpo sa itim na lobo ay hindi na madadatnan pa ang susunod na umaga. Kaya naman maraming iniiwasan na maligaw sa madilim na parte ng gubat.

Ang hindi alam ng lahat, sa tuwing sasapit ang bilog na buwan, nagiging isang magandang lalaki ang itim na lobong ito. Isa siyang dating engkanto na nakulong sa sarili nitong itim na mahika. Bilang kaparusahan sa paggamit niya ng ipinagbabawal na kapangyarihan, siya ay isinumpa at ginawang isang mabangis na hayop—kabaligtaran ng kanyang nakakaakit na anyo.

Ang tanging lunas lamang para sa kanyang sumpa ay ang mahanap niya ang babaeng magmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang nakakatakot na anyo. Ngunit magpahanggang ngayon, wala pa rin siyang nakikitang binibini na tatanggap sa tunay niyang pagkatao. Ang lahat ay umiibig sa kanya sa una, ngunit lahat din sila ay tumatakbo palayo sa kanya tuwing pinapakita niya ang kanyang madilim na anyo, kaya sila'y namamatay sa kanyang kamay.

Habang tumatagal, lalong lumalalim ang kanyang pagkamuhi at hinanakit sa mga tao dahil sa kanyang nasaksihang kataksilan. Hindi sila marunong tumupad sa kanilang pangako. Hindi nila kayang magmahal ng buong puso nang walang panghuhusga. Hindi sila marunong tumanggap ng hindi kanais-nais na katangian sa taong sinasabi nilang mamahalin nila. Mas masahol pa sila sa tunay na hayop.

Matapos ang hindi na niya mabilang na pagkasawi sa pag-ibig, sumuko na siyang mahanap ang lunas sa kanyang sumpa.

Nawalan na siya ng pag-asang mahanap ang taong magmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang tunay na anyo... Simula noon, pinanindigan na niya ang pagiging isang mabangis na halimaw na kinatatakutan ng lahat. Sa tuwing may maliligaw sa kanyang teritoryo, tinitiyak niyang hindi na makakabalik ang mga ito nang buhay...