DALAWANG Libong taon na ang nakaraan nang ipanganak ang Demon God
Apat na tao na binasbasan ng mga Diyos at Diyosa ang nagtataglay ng kapangyarihan ang nagawang ikulong sya
At nanatili paring buhay ang mga mahilaw sa planeta, upang mabawasan ang mga halimaw
Ang apat na bayaning nagkulong sa Demon God ay nagtayo na tinatawag nilang GUILD kung kahit na sino ay pwedeng sumali
Bawat mission ay mayron halagang katumbas
Lumipas ang isang libong taon, ang mga kaapo apuhan ng mga bayani ay patuloy parin na tinataguyod ang gawain ng kanilang mga ninuno
At pinangangambahan na malapit ng masira ang kulungan ng Demon God
Upang makapaghanda sa nalalapit na pagkawasak muli ng planeta, nag atas ang mga GUILD Master ng bawat guild na nakatayo sa ibat ibang bahagi ng mundo
At dito nabuo ang mga makakalyansa at grupo
Sa silangang bahagi, matatagpuan ang bayan na tinatawag na Amasu
Isang Guild ang nakatayo dito kung saan ang mga miyembro ay may kakayahan na gumamit ng magic
Sa loob ng bulwagan dumating ang pinakasikat at pinakamalakas na grupo ang Grupong Stromgic
"Dumating na sila" Sabi ng isa sa miyembro ng guild na si Austin
Bumukas ang pinto at pumasok ang Stromgic, mahalumanay silang binati ngunit
"Grahhhhh!" At sinipa ang lamesa
Ang lalaking ito ay si Hides Mostar isang sword mage at mayron blessings na galing kay Goddess Hestelia
"Ganyan ba dapat ang ituring ninyo sa mga bayaning papatay sa Demon God?"
Ang babaeng ito ay si Verica Farena isang Mage na mayron din blessings galing kay Goddess Hestelia
"Ano ba kayo? Wag na kayong mag aksayang kausapin ang mga mahihinang pipidyuging na mga yan, Nandito tayo para kumuha ng mission" saway ng leader nila
Ang lalaking ito ay si Jed Euston ang leader ng Stromgic, sya ang binigyan ng maraming blessings ni Goddess Hestelia
"Hoy Shuo bilisan mo dyan" sigaw ni Hides
"Nandyan na" sagot ni Shou
Ang lalaking ito ay si Shuo Hinama, Wala syang taglay na magic, ngunit meron syang mga Magic Artifact na ginagamit, tagabitbit at alalay ng tatlong hero
Pumunta sila sa ikalawang palapag ng Guild kung saan mayron silid doon na para lamang sa mga S-Class
"Shuo masyado mo na kaming binibigyan ng problema" Sabi ni Jed ang leader ng grupo
"Pasensya na!" Sagot ni Shuo
"Dapat siguro palitan na natin sya wala syang silbi, oo effective nman yung mga magic artifact nya pag distract sa mga halimaw pero hindi sya marunong makipaglaban, kailangan pa natin syang tulungan nakakasagabal lang ano sa tingin mo Jed?" Tanong ni Verica isang mage
"Ano ba kayo, mayron namn syang silbi, taga bitbit ng mga gamit, taga pulot ng magic stone ayos lang yun, isa pa 1 percent lang nman ang pera na binibigyan natin sya kanya, sapat na yun para sa simpleng trabaho nya" sagot ni Jed
Nangidngid si Shuo simula ng sumali sya sa Stromgic ginawa lang syang katulong, Servant ng apat na tinuturing nyang kaibigan
"Ayoko na"
"Huh? Meron ka bang sinasabi?" Tanong ni Jed
"Aalis na ako"
"Edi umalis ka? Hindi ka kawalan" sagot ni Verica
"Ang kapal ng apog mo, Akala mo ba kalawan ka sa grupo? Isa ka lang pabigat, lumayas ka kung yan ang gusto mo" banat ni Hides
"Shuo" na mukha nman hindi sang ayos si Rita sa binabalak ni Shuo na pag alis sa grupo
Si Rita Orisa isa syang madre, ang kapangyarihan nya ay nanggaling sa Goddess na si Hestelia, sya ang taga gabay, nag aalaga sa hero na si Jed Euston, Verica Farena at Hides Mostar
"Shuo sigurado kaba sa desisyon mo?" Tanong ni Jed
"Oo, aalis na ako sa grupo" sagot ni Shuo
"Shou wag ka ng umalis" pagpipigil ni Rita
"Rita, Hindi na natin kailangan ang asong katulad nya, mamatay lang sya kapag sumama pa sya saatin masyadong malalakas na ang mga halimaw na nakakaharap natin, hindi sya kawalan" sagot ni Jed
"Pero Jed"
"Masaya ako na nakasama ko kayo sa loob ng dalawang taon, paalam!" sagot ni Shuo
Lumabas na sya ng silid at hindi na sya pinigilan ng Stromgic
"Natapos narin ang pagtitiis ko, hay sumama lang nman ako sa kanila para may trabaho ako, ayos ngayon magsisimula na muli ang simple kung buhay" sabi nya sa kanyang sarili
Si Shuo ay nanggaling sa ibang mundo, sa mundo na walang mahika, namatay sya dahil sa pagliligtas nya sa isang bata, nang mamatay sya pinanganak syang muli sa mundong ito, sa isang mag asawa sa isang maliit na bayan
Nang mag limang taong gulang sya, namatay ang mga magulang nya dahil sa pag atake ng mga halimaw sa kanilang bayan nasa bukid si Shou kaya nakaligtas sya
Sa bundok na sya nanirahan simula noon, ngunit makalipas ang sampung taon nagdedesisyon syang mag lakbay pumunta sya sa isang bayan
Sumali sya sa isang guild para kumita ng pera, gamit ang kanyang mga Magic Artifact kahit na wala syang taglay na magic sa kanyang katawan ay nagawa nyang maka survive
Kinuha sya nila Jed kaya napasama sya sa Stromgic
Pero hindi naging maganda ang trato sa kanya ginawa syang alalay, taga bitbit ng gamit at tuwing may mission sila kakarampot lang na barya ang binibigay sa kanya
At ngayon na nagdedesisyon na syang umalis makalipas ang dalawang taon si Shou ay nagdedesisyon na maglakbay nang mag isa
Sa isang makakahuyan ay tumigil si Shou kinuha nya ang magic bag nya
Ang bag nya ay isang magic bag na kung saan pwede kang maglagay ng kahit na anong gusto mong ilagay malaki man o maliit
"Ano kayang masarap lutuin ngayon?" Tanong nya sa kanyang sarili habang pinag iisipan kung ano ang lulutuin nya
At inilabas nya sa kanyang magic bag ang isang kalan, kaldero, kutsara, Plato, kutsilyo at iba pang gagamitin nya sa pagluto
Pagkatapos nilabas nya ang isang hita ng Karne
"Ayos, mabuti na lang mayron pa akong na stuck na karne dito"
Nang biglang mayron syang narinig na kaluskus sa isang bahagi ng damuhan kaya naging alerto agad sya, inilabas nya ang spada nya na galing sa magic bag
"Shou"
"Huh? Rita? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Shou na binaba agad ang spada nya
Nakinig si Shou sa mga sinabi sa kanya ni Rita
"Nanaginip ako kagabi, kinausap ako ni Goddess Hestelia, sinabi nya sakin ay tinaggal nya ang blessings na binigay nya kay Jed dahil masyado daw nagmataas si Jed, tinaggalan din nya ang blessings si Hides at Verica"
"Ahhh? Bakit? Sino na ang makakatalo sa Demon God?" Tanong ni Shou
"Sinabi nya sakin na kailangan kong sumama sayo, Ikaw Shou ang bagong napili nya"
"Anohhhhh"
"Te-tekah alam ba ito ni Jed?"
"Hindi nya alam, hayaan mong sya mismo ang makaalam ng pagkakamaling ginawa nya, Shou sorry kung hindi kita naipagtanggol noong mga panahon na inaapi ka nila, dahil tungkulin ko na gabayan sundin ang napiling bayani ni Goddess Hestelia, kagabi nagalit din sakin si Goddess muntik na rin nya akong tanggalan ng kapangyarihan biglang madre, ngunit binigyan nya parin ako ng pangalawang pagkakataon, Shou gusto ka ni Goddess Hestelia nagustuhan nya ang pagkatao mo" Sabi ni Rita
"Ako? Bakit ako? Wala akong magic alam mo yan Rita" sagot ni Shuo
"Kailangan natin pumunta ng kapilya, bibigyan ka nya ng blessings"
"May posibilidad ba na makausap ko sya?" Tanong ni Shou
"Hindi ko alam, Basta pumunta na lang tayo dun" sagot ni Rita
"Pero bago muna yan. Tulungan mo muna ako sa pagluluto hihi"
"Huh?"
Sa isang kapilya kung saan nakatayo ang labing dalawang rebulto ng mga Diyos
Lumuhod si Shou at Rita
"Sino sa kanila si Goddess Hestelia?" Tanong ni Shou
Hindi sumagod si Rita nanatili syang nakapikit nakita nyang nakaharap si Rita sa isang rebultong babae na mahaba ang buhok kaya humarap sya
Pagpikit nya ng mga mata bigla na lang nagliwanag ang rebulto at napunta ang kaluluwa ni Shou sa isang lugar na
"Ehhhhhhh Anong lugar to?"
Nakita nya ang labing isang Diyos
"Maligayang pagdating Shou"
"Huh? Ikaw ba si Goddess Hestelia?"
"Matagal kana namin hinihintay" sagot ni Goddess Hestelia
Lumapit si Shou sa kanila para magtanong para magkaroon ng mga sagot ang matagal na nyang katanungan
"Alam ko isa sa inyo ang nagdala sakin sa bagong mundo, gusto ko lang malaman bakit ako pinanganak ulit? Dahil na dito?" Tanong ni Shou
"Shou, Ako si Ashfold ang Diyos ng buhay at kamatayan, hindi ako ang nagdala sayo sa bagong mundo mo ngayon"
"Kung ganun sino?" Tanong ni Shou
"Ang Goddess Of Love na si Frayla"
"Ano? Goddess Of Love?"
"Ang Diyosa ng pag-ibig, si Frayla ay umibig sa isang mortal walang iba kundi ikaw Shouta Nakashima"
"Huh!?" Gulat na si Shou
Nagsalita ang isang pang God na si Slyclosis ang God of War
"Ang Kapatid kong si Frayla ay isang masayahing Dyosa na puno ng pagmamahal, lagi nyang pinapanood ang mga mortal araw araw pati narin sa mortal sa mundong pinag galingan mo, Nakita nya na naiiba ka sa lahat dahil likas kang mabait naging libangan nya ang panonood sayo, ngunit nang mamatay ka dahil sa pagliligtas mo sa isang bata, nadurog ang puso nya gumawa sya ng desisyon na pati sya ay ikakasira nya, binuhay ka nya ngunit ang kapalit mawawala sya ng kapangyarihan sa pagiging Dyosa at mabubuhay na isang mortal" sagot ng God Of War na si Sylclosis
"Kung ganun nasaan si Goddess Frayla?" Tanong ni Shou
"Nasa lupa sya, pero hindi namin alam kung nasaan sya"
"Papasalamatan ko sya kapag nagkita kami, isa pang tanong bakit ako pinili mo? Goddess Hestelia?"
"Gaya nga ng sinabi ni Frayla isa kang mabuting tao, at napanood din namin kung paano ka nagpapakumbaba sa mga una namin pinili, tinaggalan na namin sila ng kapangyarihan at ikaw Shou ang bagong pinili namin kasama ang tatlo pang makakatakpo mo balang araw"
"Tatlo? Mayron pa akong isang tanong, alam kong kayo ang mga Diyos, bakit hindi kayo bumaba at kayo mismo ang tumapos sa Demon God pati narin sa mga Demon?"
Nagsalita ang isang Dyosa, sya si Dyosa Syl
"Hindi kami pwedeng bumaba sa lupa, matagal kami sa pagiging Diyos at mawawala ang kapangyarihan namin magiging isa na lamang kaming ordinaryong tao kagaya nang nangyari sa Goddess Of Love na si Frayla" sagot ni Goddess Of Magic na si Syl
"Ngayon Shou naiintidihan mona kung bakit ikaw ang pinili namin, kaming labing isang mga Diyos binabasbasan ka namin at sana magkita kayo ni Frayla"
Bigla na lang nagliwanag ang paligid at nagising si Shou na nakaluhod parin sa mga rebulto
Matagal ang pag uusap nila ngunit parang segundo lang ang nangyari
"Tayo na" Sabi ni Shou
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Rita
"Hahanapin natin ang tatlong makakasama natin" sagot ni Shou
"Kung ganun"
"Tama ka, nakausap ko sila" sagot ni Shou
"Anohh sila? Ibig sabihin ang labing dalawang mga Diyos"
"Hindi yung labing isa, binasbasan nila ako, kailangan din natin hanapin si Frayla" sagot ni Shou
"Talagang pinagpala ka Shou, Teka sinong Frayla
"Tayo na" at naglakad na sila para simulan ang mission
"Sandali lang" na hinabol ni Rita