TAONG 2010 sa probinsya.
"Anak, hinahanap ka ni Shane sa labas!"
Nagising ako sa pagtawag sa akin ni mama na kasalukuyang may ginagawa sa kusina.
Kinurot ko ang mga mata at nagpakawala ng hikab bago bumangon at dungawin mula sa bintana si Shane.
"Bes, laro tayo! Binuksan na ang park doon malapit sa subdivision!" nakangiting sigaw niya.
Namilog ang mga mata ko. "Totoo? Baka nagbibiro ka lang, bes ah."
"Totoo nga kasi tara na!"
"Sino ba'ng kasama natin?"
"Syempre 'yong pinsan mong si James."
"Hindi ba kasama ang maldita niyang kapatid?"
"Si Venus? Hindi ko alam. Si James lang ang nandun naghihintay sa'tin eh."
"Buti na lang!" at dali-dali akong nagligpit ng higaan.
"Oh ba't ang aga mong nagising ngayon, anak?" Kararating lang ni papa galing sa bakery.
Dumaluhong ako kay papa at yumakap sa kaniya, "Yey! Sa'kin to lahat, pa?" kuha ko sa nakasupot na tinapay.
"Pang almusal mo iyan, anak. Dapat ay may laman ang tiyan mo bago maglaro sa labas." ginulo ni papa ang buhok ko.
"Kaya wala sa bahay 'yang si Liandra dahil pinapayagan mong maglayas agad kahit maaga pa, eh." mahinahong reklamo ni mama.
"Hays hayaan mo na. Bata naman eh. Sige na, anak. Naghihintay na sa'yo si Shane sa labas."
At nagpaalam na akong umalis.
Sa pagmamadaling makalabas ay nagkapalit pa ang suot kong tsinelas.
Laking pagtataka ko nang makitang wala na sa labas si Shane. Iniwan talaga ko ng bruha.
Hindi ko na siya pinuntahan sa bahay nila at dumiretso ako doon sa lugar kung saan posible silang nagkita ni kuya James.
"hahahahah baligtad 'yong tsinelas!"
Sinamaan ko ng tingin ang mga kapitbahay na ka-idad ko dito.
"hahahahaha hindi marunong magsuot ng tsinelas hahahahaha!" ayaw pa rin nila tumigil.
"Hindi pala ako marunong magsuot ng tsinelas ah, eh marunong naman akong ihagis 'to sa inyo!" sigaw ko sabay tanggal ng tsinelas mula sa mga paa ko.
Nagsitakbuhan sila nang ihagis ko 'yong dalawang pares ng tsinelas ko.
"Ayan, mga bakla pala kayo, e!"
Tumama sa bubong iyong isa at nahulog naman sa kanal iyong isa. Tiningnan ko ang mga paa ko.
"Wala na tuloy akong tsinelas." nakapalumbaba kong sabi.
May biglang tumigil na bisikleta sa tapat ko.
"Are you lost?" tanong ng lalaki. Parang ka idad ko lang din.
Hindi ako sumagot. Nabubuw*sit parin kasi ako sa mga nambully sa akin kanina.
Bumaba sa kaniyang bisikleta ang lalaki at pinagmasdan ang mga paa ko.
"Bakit? I-bubully mo rin ba ako?" diretsahang tanong ko sa kaniya.
Umiling-iling siya.
Nagsimula akong maglakad. Nakasunod naman siyang hinahatak ang bisikleta niya.
"Would you mind me if i'll let you borrow my slippers?" pagtatanong niya.
"Ha? Slippers lang ang naiintindihan ko." tangi kong sagot.
"I mean, okay lang ba sa'yo na pahiramin kita ng slippers ko?"
Tinignan ko siya.
"Bakit mo naman ako pahihiramin? Kilala mo ba ako?"
Umiling-iling ulit siya.
Iba siya sa mga batang hamog dito sa lugar namin. May makinis na balat at maamong mukha.
Hinubad niya ang suot niyang tsinelas at siya mismo ang nagsuot nito sa mga paa ko. Sisipain ko sana pero kawawa naman. Mukha naman siyang mabait.
Nakapaa nalang siya ngayon.
"Hulaan ko, bago ka lang dito ano?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya na inaayos ang tsinelas sa mga paa ko.
Tumango siya. "We've been here since yesterday. Ikaw ba?"
"Ah, taga dito lang ako. Nandon bahay namin." turo ko doon sa bahay namin.
"I thought you're not a resident here."
Sumakit ang ulo ko. "Hindi ka ba marunong mag tagalog? English ka kasi ng english sumasakit ulo ko sa'yo."
Natawa siya. "A little bit." tumayo siya at nagpagpag ng kamay. "I'm still learning on it."
"Ewan ko sa'yo. Tsaka ba't ganito ang tsinelas mo? Parang buwaya."
"That's crocks. Nabili lang namin 'yan sa terminal dito. Tsaka huwag ka'ng mag alala, marami naman akong slippers sa bahay."
"Mayaman siguro ka'yo. Tsaka ang ganda ng bike mo ah." puri ko.
"You wanna try?" alok niya.
"Ay hindi na. Hindi naman ako marunong niyan. Pero si kuya James may bike. Malaki nga lang kaya hindi ako makahiram."
"Ang liit mo kasi." natatawang sabi niya.
"Eh, di kayo na matangkad!" pag irap ko.
Nakatingin siya sa akin.
"By the way i'm Kenneth."
"Ako naman si Liandra."
Sa haba ng pinag usapan namin ay pareho naming hindi namalayan ang takbo ng oras hanggang sa natagpuan namin ang isa't isa sa hindi pamilyar na lugar.
"Nasaan na ba tayo?" pagtatanong ni Kenneth.
"Hindi ko din alam." pinilit kong hindi matakot.
"Taga rito ako pero hindi ko alam ang lugar na 'to." dagdag ko.
"Saan ba tayo dumaan kanina?" tanong niya.
"Hindi ako sigurado pero wala naman tayong dinaanang masukal na daan eh. Bigla-bigla nalang tayong nakarating dito."
Bumalik kami sa dinaanan kanina pero habang tumatagal ay mas lalo pa kaming naliligaw.
Kinapa ni Kenneth ang bulsa niya, "I forgot to bring my phone." iritadong an'ya.
"Paano na 'to?" sa mga oras na ito ay makikita na sa mukha ko ang takot. "Hindi tayo makakaalis dito kasi walang sino ang may alam sa lugar na 'to. Walang makakahanap sa atin dito."
Nakatingin lang ako kay kenneth, nag-iisip siya ng paraan.
"Alam ko na, ako ang maghahanap ng tulong." hinawakan niya ang mga kamay ko, "You stay here. At kung may nahanap na akong tulong, babalikan kita. Basta you'll promise me to stay here. I will call for help."
"P-pero p-pano ka? W-wala kang nalalaman sa lugar dito. B-baka ikaw naman ang mawala!" hinawakan ko rin ang mga kamay niya.
"No, it won't happen. Alright? Promise ko sa'yo babalikan kita at pagbalik ko dito ay may tutulong na sa atin." at umalis siya dala ang bisikleta niya.
Dapat ko siyang pagkatiwalaan at dapat ay hindi ako mawalan ng tiwala sa sarili. Naniniwala ako, makakaalis kami sa lugar na 'to!
Nakaupo ako sa isang malaking ugat ng puno habang niyayakap ang sarili. Dumidilim na ngunit wala pa rin si Kenneth.
"Paano ba kasi kami napadpad sa kagubatan ito?" naiinis kong tanong.
Laking gulat ko nang marinig ang sigaw ng batang babae. Tumingkad agad ako at luminga-linga sa paligid kung saan maaaring nanggaling ang sigaw.
"Tulong! Tulong! Nandito ako sa ilalim!"
Umalis ako sa kinatatayuan ko at hinanap ang lugar kung saan naroon ang bata.
"Nasa ilalim ako ng lupa!" patuloy niyang sigaw.
Hindi nagtagal at nahanap ko ang isang hukay kung saan ay naroon nga ang bata. Nababalutan ng putik ang buong katawan niya at patuloy sa pagsisigaw at pag iyak.
"Tutulungan kitang makaalis diyan!" kumuha ako ng malaking sanga ng kahoy at ginawang pansungkit sa bata.
"Dahan-dahan lang, okay?"
At ligtas na nakaahon sa hukay ang bata.
Niyakap ako ng bata at niyakap ko rin siya. "Paano ka nahulog sa hukay na iyan?"
Wala akong narinig na sagot mula sa bata kundi ang tanging pag iyak niya lang.
Bumalik ako kasama ang bata sa pwesto ko kanina bago ako iwan ni Kenneth nagbabakasakaling nakabalik na siya doon at nakahanap na ng tulong. Ganon nalang ang panlulumo ko nang makarating doon dahil wala pa siya.
"Gabi na! Nasaan ka na ba, Kenneth?!" naiiyak kong sambit.
May kung anong sinabi sa akin ang bata. Tungkol sa maaari naming daanan palabas ng kagubatan. Nawala na sa isip kong hintayin si Kenneth dahil malalim na ang gabi at feeling ko ay hindi na talaga siya babalik dito para kunin ako.
Tanging liwanag ng buwan na lang ang nagsilbing ilaw namin sa daan.
"Wala na tayo sa kagubatan?" gulat ako sa napagtanto.
Ilang oras kaming naghanap ng daan palabas kanina at kahit may araw pa ay wala kaming mahanap.
Nakatingin ako sa bata at parang alam niya na ang buong lugar dito. Napansin ko ang malamig niyang kamay. Naisip ko'y baka giniginaw siya sa ilang araw at gabi doon sa hukay at isa pa ay umuulan nitong mga nakaraang araw.
Pumasok kami sa isang bahay na hindi ko alam kung may tao ba o wala. Ang importante sa akin ngayon ay madala sa ligtas na lugar ang bata. Sakto rin dahil bumuhos ang malakas na ulan kaya ay may masisilungan kami pansamantala.
May dalawang palapag ang bahay. Iniwan ko muna ang bata sa baba dahil baka ay may kwarto sa itaas na pwede kaming pumasok.
Pagkarating ko sa itaas ay may nakita akong switch ng ilaw at binuksan ko ito. Tumambad sa akin ang malaking kama, mga souvenirs na nakalatag sa mesa at sa dingding ay may nakapaskil na mga lumang artwork. May picture din ng mango plantation. Kahit sobra akong namangha sa paligid ay mas nakuha ang atensyon ko sa isang container na sa tingin ko ay may lamang pagkain.
Bumaba ako ng hagdan at kinuha ang bata. Mas mabuting dito kami sa ikalawang palapag kasi may ilaw at may higaan kaya ay makakapagpahinga kami ng maayos at higit sa lahat, may nahanap akong pagkain dito.
Nakatingin ako sa bata na pasimpleng nakaupo.
"Bakit hindi mo kinakain 'yan? Hindi mo ba gusto ang hotdog at ham?"
Umiling siya.
"Hindi ka gutom?"
Hindi siya sumagot.
"Hindi ka gutom sa itsura mong iyan?"
Kahit anong pilit ko ay ayaw niya talagang kainin ang pagkain.
"Sige ka ako talaga uubos ng food."
Wala talaga siyang imik.
"Masama ba pakiramdam mo?" dinampi ko ang palad sa noo at leeg niya. "Ang lamig mo."
Naghanap nalang ako ng pwedeng ibalot sa nilalamig niyang katawan. Nilinis ko rin ang katawan niya gamit ang towel na nahanap ko sa ilalim ng kama.
"Thank you po dahil tinulungan niyo po akong makalabas sa hukay." nakangiting pasasalamat ng bata. "Gustong-gusto ko na po kasi talagang makalabas don."
Ngumiti ako, "Walang anuman. Bakit ka ba kasi napunta don?"
Imbis na sagutin ang tanong ko ay humiga siya sa higaan nang nakatalikod sa akin.
Napabuntong-hininga nalang ako. "Sige. Sorry kung makulit si ate, magpahinga ka nalang diyan."
"Ano pala pangalan mo?" sinubukan kong magtanong ulit.
"Kristine po." sagot niya.
"Ah, ako naman si Liandra."
Pagkatapos kong kumain ay natulog na rin ako.
KINAUMAGAHAN hindi ko maramdaman ang bata sa tabi ko nang nagising ako.
"Kristine! Nasan ka?" bumangon ako at inunang hanapin ang bata.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko siyang nakadungaw sa bintana doon sa baba.
"Gusto mo na'ng umuwi?" tinanong ko siya.
Lumingon siya sa akin, "Goodmorning, ate Liandra!" nang nakangiti.
"Goodmorning din." bumaba ako.
Lumabas ako ng bahay at nasa may pinto lang ang bata na nakatayo. Ngayon ay nakikita ko na nang kabuuan ang lugar na ito, maging ang bahay.
"Del Taco Rest House?" basa ko sa karatolang nakasabit sa itaas ng pinto. "Rest house pala ang bahay na ito? Kung ganon ay may dumadayo sa lugar na ito."
Iginala ko sa kung saan-saan ang paningin. Sobrang lawak ng lawn na nakapalibot sa lupain. May fountain pa sa gitna ng lawn ngunit parang hindi na gumagana dahil inaalikabok at may lawa na. May children swing din sa unahan.
Nang umalis ako sa kinatatayuan kanina ay mas lalo kong nakita ang lawak ng lugar. Namangha ako nang makitang may mango plantation sa paanan ng lawn.
"Mukhang malayo ito sa subdivision malapit sa amin. Anong lugar kaya ito?" napatanong ako sa sarili.
Biglang tumunog ang gate hindi kalayuan sa rest house. Hindi ko agad nakita ang gate dahil natakpan ito ng fountain.
Nang tingnan ko ang gate ay iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki na parang businessman sa kaniyang suot kasama ang tatlo pang lalaki na parang body guards niya kung tingnan. Sa likuran nila ay nandon ang dalawang lalaki na sa tantsa ko ay ka idad ko lang.
Nilibot nila ang kabuuan ng lupain at parang may sinasabi sa dalawang batang lalaki ang matangkad na lalaki.
Kumunot ang noo ko at pinagsingkitan ng mata ang isa sa mga batang lalaki dahil parang pamilyar ang tingkad at awra niya.
Namataan kong papalapit sila sa direksyon ng rest house kaya ay tumakbo ako papasok sa loob at nagtago sa likod ng upuan.
Nasa loob ang matangkad na lalaki at dalawang bata.
"Starting tomorrow, I will renovate this rest house." matangkad na lalaki.
"I don't see this rest house needs renovation, dad." pamilyar na pamilyar sa akin ang boses ng batang lalaki.
Nanlisik ang mata ko nang malamang si Kenneth pala ang bata.
"Stop being ignorant, Ken! We're rich. This rest house doesn't worth expensive to renovate, marami tayong pera para isiping hindi kailangang i-renovate ang rest house." angil ng isa pang batang lalaking mas matangkad sa kaniya.
Kagat-kagat ko ang daliri habang nangangawit sa kinalalagyan ngayon. Maling hakbang ko lang ay siguradong makikita nila ako. At sa inaasahan ay nangyari nga, natabig ng paa ko ang isang upuan dahilan ng pagtunog nito.
"May tao ba diyan?" sambit ng matangkad na lalaki.
Nahahagip ng peripheral vision ko na may isa sa kanilang lumalapit sa pwesto ko ngayon.
Ramdam na ramdam ko na ang presensya ng taong nakatayo at nakatingin sa akin sa tapat ko.
"It's just a mouse, dad."
"Are you serious?" gulat na tanong ng kapatid ni Kenneth.
"How did that creature enter here?!" pagalit na boses ng matangkad na lalaki.
Nag kibit balikat lang si Kenneth.
Akmang lalapit sa amin ang dad nila pero napigilan naman niya ito.
"Nothing to worry, dad. Napaalis ko na."
Umakyat ng hagdan ang dad at kapatid niya.
Tinulungan niya akong makatayo, inalis ko agad ang kamay, "I'm glad you're safe. But how did you come here?"
"Hindi na tayo bati! Matapos mo akong iwan doon! Nangako ka sa'kin na babalikan mo ako pero hindi mo ginawa!" hindi napigilang mangilid ng mga luha ko.
Naaawa ang mukha niya habang nakatingin sa akin, "Wala akong nagawa. They forced me not to go there to help you, i'm really sorry."
Naputol ang pag uusap namin dahil sumigaw ang daddy niya, "May nakapasok dito!"
Hinawakan ni Kenneth ang kamay ko at hinatak palabas.
"You have to leave here!"
Dumaan kami sa may kusina at doon kami tumakbo sa kanilang mango plantation.
"They're following us!" sigaw niya habang kasama kong tumatakbo.
Nakasunod sa amin ang tatlong body guards ng dad niya.
Hindi kami tumigil sa pagtakbo hanggang sa narating namin ang gate palabas. Pumasok ulit siya sa loob at sinara ang gate.
"Sana mapatawad mo ako." Sabi niya bago tuluyang umalis.
Naglakad ako na blangko ang mukha. Pinagtitinginan na rin ako ng mga nadadaanan kong tao dahil sa itsura ko.
Hanggang sa may nakakita sa akin na kakilala nila mama at papa at tinulungan akong makauwi sa amin.
Ngayon lang pumasok sa isip ko, si Kristine! Naiwan ko siya sa rest house!
Gustuhin ko mang makabalik doon ay malabo na.
Hindi ko siya nakita nong bumalik ako sa loob para magtago. Baka ay nauna siyang tumakas sa akin.
Sumalubong sa pag uwi ko ang mga nag aalalang mukha ng magulang ko. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari pero hindi sila halos makapaniwala sa mga sinabi ko hanggang sa may nalaman akong isang bagay na hindi ko kayang paniwalaan na halos ikapanlumo ng katawan ko.
"May batang pinatay sa loob ng rest house na iyon, sampung taon na ang nakalipas." patuloy sa pagsasalita si mama.
"Hindi na napadiin ang imbestigasyon sa krimen na iyon dahil walang nakitang kahit anong ebidensya ang mga pulis. Pero may isang bagay ang hindi maipaliwanag ng mga nakatira malapit sa lugar na iyon."
"Ano 'yon, ma?"
"Sa likod ng bahay ay may masukal na kagubatan at doon nila naririnig ang pag iyak ng isang tao kapag sumasapit na ang gabi. Naniniwala ang iba na doon itinapon ang katawan ng biktima."
"S-sino po ang namatay na biktima?"
"Isang batang babae. Ang pangalan niya ay kristine."