Chereads / Love , Agatha / Chapter 2 - Love Agatha: I

Chapter 2 - Love Agatha: I

"Do you have any idea what is life and death class Mmmm? Miss Agatha?"

"Life and Death? Ahhmmm! Siguro po yung life is yung pinaka importante at pinaka magandang bagay na ipinahiram sa atin. Kasi kung hindi tayo buhay hindi natin mararanasang maging masaya, malungkot, matakot, masaktan, tumanda, at kung ano pang pwede nating maramdaman at maranasan habang buhay pa tayo. Also, it's the thing na kukunin sayo kahit ayaw mo pang ibalik."

'hmmmm good! and how about death Miss Agatha?"

"mmmm yun naman po siguro yung ending nang buhay natin, kung baga sa isang story, diba ang isang story may start and ending? Sa buhay naman ng tao death will be the ending."

"good answer, thank you Miss Agatha!"

Nag discuss lang si Miss nang lesson at talagang nakatuon ang buong atensyon ko sa kanya.

Di naman ako lagging interesado sa lesson nyang philosophy pero ngayon ay nasa wisyo ako para making.

"Death is sometimes a traitor. Akala mo okay ka lang, akala mo masaya ka lang, Pero bigla ka nalang gugulatin nyan. Hindi naman sa tinatakot ko kayo class, pero madalas naman ganun diba?. Ang best example dito is an accident. You cant predict the accident that will happen."

Traitor? Oo. Nakakagulat nga, diko inaasahan.

"So class don't waste your life for nothing. Do something to make yourself happy hangga't hindi pa dumadating yung ending."

Riiiiinnngggggggg~~

"I think that's end our class, you may go!"

Matopos lumabas ang teacher ay dali dali nading nag labasan ang mga studyante maliban sakin at sa bestfriend kong si JC.

Hindi kasi naming ugaling makipag sabayan sa mga nag uunahang estudyante dahil siguradong pag titripan na naman kami. Kami lang naman kasi ang lagging target ng mga bully dito sa school mapa kaklase man namin o ibang year level pa.

Di ko alam kung anong meron samin at kami lagi ang napag titripan nilang bulihin. Mag mula nang pumasok ako dito si JC lang ang tanging nakasundo ko. Bakla man sya, sa kanya ko naman nakita ang totoong kaibigan. Kaya kahit sya lang ang meron ako non ayos lang sa akin.

4th year high school na kami kaya kahit papano nasasanay nadin kami sa kanila kaya madalas ay hindi nalang namin pinapansin. Kusa din naman silang humihinto kapag nag sawa na.

Mga isip bata tsk..

Buti nalang nabawasan ang nambubully samin dahil nagkaroon ako nang tagapag-ligtas

Oo tama kayo nang iniisip. May boyfriend ako. Yiieeeee!

Hindi naman sa pag mamalaki pero may boyfriend akong sikat dito sa school. Di man ako sigurado kung seryoso sya sakin wala narin akong pakielam. Basta alam kong boyfriend ko sya masaya na ako.

Manhid? Tanga? Siguro nga!

Wala na sakin yon. Minsan kasi kailangan nating mag pakatanga kung dun lang din naman tayo sasaya!. Kaya di na ako nag aksaya pa nang panahon. Mas gusto ko nang mag pakasaya ngayon kesa pag sisihan ko yon pag dating nang panahon. Mas gugustuhin ko nang gawing yung mga bagay na makakapag pasaya sakin ngayon, wala naman nang mawawala sakin eh.

"Tara na JC baka nag hihintay na sakin ni Ivan sa baba"

"Feel na feel mo talaga pagiging girlfriend ni Ivan eh no?"

"Sino ba naman kasing hindi? Tara na kasi baka nag hihintay na yun eh"

"Hayyy nako. Sinasabi ko na sayo ah! Baka ikaw lang ang masaktan sa kagaganyan mo! Gora na nga"

Bigla namang nawala ang ngiti ko dahil sa sinabing yon ni JC. Tulad ko hindi naman bingi at bulag si JC para hindi nya makita kung anong meron samin ni Ivan. Sino nga naman ba kasing maniniwala na ang pinaka sikat na lalaki sa school ay boyfriend ng isang loser na katulad ko? Wala diba?

Pero kahit ilang beses pa akong sabihan nang bestfriend ko pilit ko padin sinasabi sa kanya na wala akong pakialam kahit masaktan ako basta masaya ako

Hayaan ko muna sumaya yung sarili ko. Hayaan ko muna maramdaman kung pano maging masaya kahit saglit lang.

Sabay kaming lumabas ni JC nang room pero agad kaming na pababa ng tingin nang pag dating namin sa may hagdan ay may mga nakatambay na students na madalas mambully samin.

Sila yung grupo ng mga babaeng wala lang talagang magawa kundi ipagmalaki ang muka nila na pinuno lang naman nila ng make up.

"oh! Here comes the bitch"

"My God assuming no girls?"

"So true. Alam mo I heard na hindi naman daw talaga seryoso si Ivan dyan eh. Dare lang daw ata yun kaya nya pinatulan yang babae nayan"

"talaga? Nakuu sana nga! Masyadong assuming eh. Eeeewwwww!"

"hahahahahaha yeah right"

Nag-tuloy tuloy nalang kami sa pag baba ni JC pero diko inaasahan ang biglang pag hila sa braso ko

"Just so you know hindi ka magugustuhan ni Ivan. As in Never"

"T..tama na A..Aira. May g...gawin pa k...kasi kami"

"Pwedw ba tumahimik ka dyan, baklang to hhmmpp"

"Ano ba? lika na JC"

Agad kong hinila na si JC nung inambaan sya ni Aira ng sampal. Diko alam kung saan ako kumuha nang lakas ng loob na lumaban na sa kanila pero diko na napigilan

Ilang taon nadin kaming nag papa api sa kanila. Baka naman pwedeng labanan ko na. Maramdaman ko man lang na kaya kong ipag tanggol ang sarili ko kahit papano.

"Bitch"

Dinig kong bulong pa nila pero hindi na namin pinansin at naglakad na papunta sa mga bench kung saan kami madalas mag kita ni Ivan pag pauwi na kami.

Pero hindi pa man kami nakakalapit sa bench nakita ko na agad syang masayang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nya habang naka akbay ang kanyang braso kay Liel.

Si Liel ang campus Crush. Minsan na ding nabalitaan na nanligaw sa kanya si Ivan pero binasted nya. Matapos lang ang ilang lingo ako naman ang niligawan nya.

Marami ang nag taka lalo naman ang nainggit. Pero dahil nga sa ginawang panliligaw sakin ni Ivan ay nabawasan ang mga nambubully sakin physically. Ngayon ay puro parinig nalang ang nagagawa nila sa akin.

Dahil sobrang gusto ko din naman sya ay diko na pinatagal ang panliligaw nya. Isang lingo lang ata ay sinagot ko na sya. Sa ngayon ay malapit na kaming mag isang buwan.

"Lalapit ka pa din ba? Mukang masaya naman na sya! Di ka naman siguro bulag diba?"

"Ganyan lang talaga sya JC. Tara na"

"Hindi na mauna na ako marami pa tayong assignments eh"

"Ikaw bahala. Ingat"

"Sige"

Pag alis ni Jc muli akong humarap kala Ivan saka nag lakad papalapit sa kanila. Agad naman akong Nakita ni Kurt na sagad kung mang asar.

Apat silang mag babarkada. Si Ivan na pinaka sikat sa kanila dahil hindi lang sya gwapo kundi soooooobbbbrrraaaaannnggg gwapo. Sa lahat nang gwapong lalaki dito sa school ay sya lang ang nagustuhan ko. Hindi lang dahil sa gwapo sya dahil nakita ko din kung gaano sya kabait. Sa dami nang mga estudyante sa school sya lang kaisa isang tao na nagawa akong tulungan. Si kurt na gwapo din naman pero sobra kung mang asar. Minsan nadin nya akong nabully nung 1st year palang ako. Dun ko nga unang nakilala si Ivan dahil minsang pinag bawalan nya si Kurt na bullyhin ako. Si Drake na may pagka neardy pero gwapo din naman. At ang last ay si Aaron na parang walang pakialam sa mundo. Gwapo din sya pero sya ang pinaka tahimik sa kanilang apat.

"Oh andito na pala ang babe mo Ivan. HAHAHAHAHAHAHAH"

Natigil sa pag tawa sila Ivan at Liel bago lumingon sakin at inalis ang pagkaka akbay nya kay Liel. Tumayo sya at hinila ako papalapit sa kanya.

Nagulat ako kasi hindi naman nya madalas gawin sa akin yon.

"Hi babe"

"Ahmm.. Hi b..babe"

Hindi parin ako sanay na tawagin syang babe lalo na sa harap ng mga kaibigan nya.

"Hatid na kita?"

"Hindi na mukang nag kakatuwaan pa kayo eh"

"Kanina ka pa hinihintay nyan eh.. pag bigyan mona!"

Singit ni Kurt na nakangisi pa kaya iba ang dating saakin nang sinabi nya. Pero hindi ko na pinansin dahil madalas naman talaga nya akong biruin.

"Let's go?"

"S..sige"

Hinawakan nya ang kamay ko at saka nag paalam sa mga kaibigan nya.

Isa isa ko silang tinignan si Kurt at Liel hindi mawala ang ngisi. SI Drake ay parang naaawa ang tingin sa akin habang si Aaron naman ay hindi nakatingin sa amin.

"Aalis muna ako dre. Sandali lang to. Tawagan nyo nalang ako kung saan tayo mamaya."

"Galingan mo dre, HAHAHAHAHAHAHAH"

Pahabol pa ni Kurt bago kami tuluyan umalis

Tuluyan ding nangunot ang noo ko dahil sa huling sinabi na yon ni Kurt.

Galingan? Saan?

"Let's go"

Nakangiting yaya sakin ni Ivan kaya hindi kona pinansin kung anong sinabi ni Kurt kanina.

Sumakay na kami sa kotse nya. Malapit lang din naman ang apartment ko kaya di nag tagal ay narating din namin agad.

"Thanks" pag papasalamt ko sa kanya bago bumaba ng kotse nya.

Pero pag baba ko ay nagulat ako dahil bumababa din sya.

"pwede ba akong pumasok?"

"Ha?"

"kung pwede ba akong pumasok?"

Di ako agad naka sagot. Ngayon nya lang din naman hiniling na pumasok sa apartment ko. Sa ilang lingong pag hatid nya sakin ay ngayon nya lang ginustong pumasok.

Pero bakit?

Kinakabahan ako kung ano man ang nasa isip ko. Pero sa tingin ko naman ay hindi gagawin sakin ni Ivan yon. Mabait si Ivan kaya inalis ko sa isip ko kung ano man ang kutob ko.

"Ano? Pwede ba?"

"S....sige. Tara"

Habang sinususi ko ang pinto ay hindi mawala sa akin ang kabahan. Kitang kita ko kung paanong manginig ang mga kamay ko.

Nakahinga ako nang maluwag nung maramdaman kong bukas na ang pinto.

Pag bukas na pag bukas ko palang ng pinto ay hinila nya na agada ko papasok. Sinarado nya ang pinto at sinandal ako dito.

"I....Ivan b....bakit?"

Pero hindi nya ako sinagot kinuha nya lang ang bag na nakasakbit sa balikat ko at hinagis sa sahig. Nakatitig sya saakin kaya hindi ko maiwasang titigan din sya sa mata. Pumintig ang puso ko nung may nakita akong awa sa mata nya pero agad ding nawala.

Tiningnan ko ang bag kong nasa sahig at di paman ako humaharap sa kanya ay naramdaman ko na ang labi nya sa labi ko.

Napapikit ako nang mahigpit nung naramdaman ko ang sakit sa paraan nang pag halik nya sakin.

Mahigpit din ang pagkakayakap nya sa akin at nasasaktan na talaga ako sa paraan nang pag halik na ginagawa nya kaya naman nag pumilit ako itulak sya.

Ilang beses kong sinubakan na itulak sya pero masyadong mahigpit ang pag kakahawak nya sakin. Hawak nya ang buong mukha ko habang nakasandal ako sa may pinto at nararamdaman ko na ding nang hihina ang katawan ko.

Sinubukan ko ulit na itulak sya ngunit kahit anong lakas nang pag tulak ang gawin ko ay hindi sya natitinag. Bumaba pa ang kamay at labi nya hanggang sa makarating sya sa may leeg ko na para bang sinasakal ako pero hindi gano kahigpit ang pag kakawahak nya.

"I....Ivan ano.. ba!"

Inipon ko ang buong lakas ko saka ko sya tinapakan sa paa bago ko sya itinulak. Hinihingal akong tumingin sa kanya pero agad akong nanlumo nang makita ko ang glit sa mukha nya.

"Ayaw mo? Pasalamat ka nga at pinatulan kita eh., Aarte ka pa?"

"Kasi Ivan na...nabigla ako"

"Tsk. Bahala ka wag kana lalapit sa akin ah.. ayaw na kitang makita"

Agad na tumulo ang kanina pang na mumuong luha sa mga mata ko. Eto na ba?

Eto na ba yung katapusan ng panandaliang saya na naramdaman ko.

"Ivan?"

Padabog syang lumabas ng apartment ko pero sinundan ko sya. Papasok na sana sya ng kotse nya nung humarang ako.

"Ivan sandali, wag mo naman akog iwan. Sorry nabigla lang talaga ako."

"Tama na Agatha. Ayoko na. nagsasawa na ako. Naboboring! Yon pa nga lang ginagawa ko nag iiiyak kana, tama na pwede ba?. Ginawa ko lang naman to para sagutin ako ni Liel."

"Alam ko! Pero kaya kong mag bulag bulagan at mag bingi bingihan para lang wag mokong iwan"

"Bitiwan mona ako Agatha baka masaktan pa kita"

"K....kung gusto mo i....ituloy mona yung gusto mo k...kanina. Hindi n akita pipigilan. K...kahit a..anong gusto mo ga....gawin ko. Mahal na mahal kita Ivan"

Mahal na mahal kita kahit na alam kong walang pag asang mahalin modin ako basta mahal na mahal kita

"I don't love you.. at hindi mang yayari yon.. bitiwan mo ako"

Napatitig ako sa kanya dahil sa deretsyang pag kakasabi nya nang linyang yon.

Ang sakit!!

Alam ko naman eh masakit lang kasi sa kanya mismo ng galing!

Inalis na nya ang kamay kong mahigpit na naka kapit sa braso nya bago sya ulit nag salita.

"Sa totoo lang Agatha nagiguilty na ako sa mga ginagawa ko sayo. Gusto ko ng tigilan sa simula pa lang dahil naaawa na ako sayo. Pero dahil mahal ko si Liel sinunod ko sya. Tama na Agatha. Wag mo na pahirapan ang sarili mo. Kung ayaw mong mas masaktan lumayo ka nalang! Please?"

"Wa...wala naman a...akong pakialam ka...kahit masaktan ako. Yu...yung maka sa....sama lang kita a...araw araw ayos na sa akin"

Sunod sunod ang pag tulo ng luha ko dahil sa ang sakit sakit sa dibdib ng kung ano man ang nararamdamn ko. Parang unti unting pinipiga ang puso ko habang sinasabi nya ang mga bagay na yon. Hindi pa ako handang mawala sya sakin.

Nakita ko kung paanong nag salubong ang kilay nya matapos ko sabihin yon ng halos mahilam na sa mga luha ko. Nakikita kong naaawa na talaga sya sa kalagayan ko. Kitang kita kong sa mga mata nya ang guilt na sinasabi nya. At naramdaman kong kahit konti ay bibigyan nya parin ako nang chance na makasama sya.

Pero hindi pala.

"Ano bang sinasabi mo Agatha? Can't you understand? Ayoko na! wag mo nang ipilit ang sarili mo! Hindi ako ganun kasamang tao para patuloy ka pang saktan. Kinakain na akong nang konsensya ko dahil sa sobrang guilt! So please? Tama na! Im sorry Agatha I really am!"

Sumakay na sya sa kotse nya matapos sabin yon. Sinundan ko lang nang tingin ang kotseng pag mamay ari ng lalaking kahit sa panaginip ay hindi ko inaasahang magiging akin kahit saglit lang.

'Salamat Ivan. Salamat kasi kahit papano na experience ko na makasama ka. Salamat kasi pinag bigyan mo ako at pinatunayan mo sa akin na tama ang pag kaka kilala ko sayo. Tama ako. Mabait ka talaga. Hindi ako nag kamali nung ikaw ang gustuhin ko. Kahit hindi mo ako minahal, yung nalaman kong concern ka din sa feelings ko masaya na ako. Yung nalaman kong may guilt ka ding nararamdaman dahil sa mga pinag gagagawa nyo sakin, masaya na ako. Kaya Salamat. Pero sana pinag bigyan mo pa ako kasi konting panahon nalang naman ang hihilingin ko sayo.'

Naiwan na naman akong mag isa. Napaupo nalang ako sa may kalsada dahil pakiramdam ko ay mag isa na namn talaga ako.

Ang tanga mo naman kasi Agatha. Akala ko ba gagawin mo ang lahat para maging masaya ka. Bakit ikaw mismo ang sumira sa pangako mo sa sarili mo?

Kala ko ba titiisin mo ang sakit basta masaya ka?

Sya na nga lang ang natitirang dahilan ko para maging masaya bakit ba hinayaan ko pang mawala?

Hindi pa pwedeng kahit konting oras pa?

Malapit naman na eh

yaaayyy!!! Hope you liked the Chapter I, wait for the next update!!!!!

see ya!!!!