DAMN that fucking driver! Kung hindi lang naging garapal sa pagmamaneho ang driver na iyon ay baka buhay pa hanggang ngayon ang mga magulang ni Heather.
Makita niya lang talaga ang driver na iyon ay hindi siya magdadawang-isip na patayin ito. Mayaman ang nakabangga sa mga magulang niya kaya mabilis na na-cover up ang nangyari. Hanggang ngayon hindi niya pa rin lubos maisip kung sino ang babaeng namatay dahil sa hit-and-run accident. Ang babaeng iyon ang inanunsyo sa publiko na iyon ang driver ng kotseng nakabangga sa kaniyang mga magulang habang nakasakay ng motorsiklo. Nando'n siya no'ng time na iyon para salubungin ang mga magulang niya kaya kitang-kita ng dalawa niyang mga mata na bumaba pa ng kotse ang driver na lalaki at nang makita siya ay bigla itong sumakay muli sa kotse saka pinatakbo ang kostse at iniwan ang nakahadusay na sugatang mga magulang niya. Nagulat na lamang siya nang biglang binalita sa publiko na namatay ang driver na nagmamaneho ng kotse.
Ngayon ay nakikipagdebate siya kay Shawn dahil sa biglaang desisyon niya.
"Heather, you don't have to sacrifice yourself for the sake of that fucking money! I'm still here, kaya nga tinutulungan kita, hindi ba?" wika ni Shawn sa dalaga habang magkasalubong ang mga kilay nito. Kailangan niyang pigilan ito sa plano nito.
Shawn Garcia is a hot guy na naging kaibigan ni Heather ten years ago. Kulang na lang ay gawing asawa nito ang dalaga dahil sa dami nang naitulong nito rito at sa kapatid nitong si Bryce.
"Shawn, hindi lang basta pera ang kailangan ko, kung hindi milyon, malaking datong para sa utang ng yumao kong mga magulang. Hirap na hirap na ako, gusto ko rin maranasan ang karangyaan at magpahinga," emosyonal na bulalas niya.
Napapikit siya't napabuntong-hininga. Labag man sa loob niya ang naging desisyon niya pero kailangan niyang gawin iyon para sa kapatid niya.
Marahang hinawakan ng binata ang kanang kamay niya. "I know, Heather, alam kong hirap na hirap ka na pero hindi tama ang desisyon mong 'ya—"
"Buo na ang desisyon ko, Shawn. Ngayong gabi ay magiging isang ganap na milyonarya na ako," pakli niya saka ngumiti siya ng nakakaloko.
She loves money. Dahil salapi lang ang tanging pinoproblema niya simula ng mamatay ang mga magulang niya.
Nagulat siya nang biglang hinawakan ni Shawn ang magkabilang braso niya, mahigpit ang pagkakahawak nito. Nakikita niya sa mga mata nitong gusto nitong pigilan siya sa pinaplano niya.
"Hindi ka aalis, Heather! Hindi ka aalis ngayong gabi!" bulalas nito.
"Are you insane, Shawn? Hindi mo ako puwedeng pigilan sa gusto kong mangyari. My life, my rule! Who the hell are you para pigilan ako sa mga desisyon ko?" Bigla niya itong itinulak palayo sa kaniya pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya.
"I'll give you everything, Heather. Basta, huwag mo lang ituloy ang pinaplano mo, please..." pakiusap nito sa kaniya.
"Everything? Nasaan iyon? Bakit? Ano ang mayro'n ka, Shawn? May pera ka ba? Kaya mo bang bayaran ang milyon-milyong utang ng mga magulang ko? Ah, oo, alam ko na kung ano ang mayro'n ka, pagmamahal! Oo, pagmamahal ang kaya mong ibigay sa 'kin. Pero nakakain ba 'yon? Kaya bang buhayin kami ng kapatid ko ng pagmamahal mong 'yan? Pera ang kailangan ko, Shawn! Pera!" Nabitawan ng binata ang dalawang braso niya at hindi na ito nakapagsalita pa.
Damn her words! Masiyadong masakit ang mga salitang binitawan niya sa binata. Oo, hindi mayaman si Shawn pero simula nang makilala niya ang binata ay ito na ang naging sandigan niya. He's really a boyfriend material. Hell no. He's a husband material. Kaso sorry na lang sa kaniya dahil pera ang kailangan niya. A big sum of money! Hindi pagmamahal.
"Ayokong tumira rito. Simula ngayon, ayoko nang tumanggap ng mga tulong mula sa iyo."
She has no fucking conscience! Ang kapal ng mukha niyang sabihin ang lahat ng iyon sa binata pero iyon lang ang tanging paraan para hindi nito pakialaman pa ang buhay niya.
Tinalikuran niya ang binata at iniwang mag-isa sa bahay na inaalok nitong tirhan nila ni Bryce. Nabanggit kasi niya rito na nahihiya na siyang makitira sa childhood best friend niyang si Serenity Castro.
Biglang tumulo ang luha niya habang naglalakad patungo sa Midcity Nightclub na kung saan niya makikita mamayang gabi ang isang billionaire na pagbebentahan niya ng kaniyang virginity.
Wala pa siyang kain mula kagabi kaya nang madaanan niya ang Mad Meat Pub ay tumungo muna siya rito. Kailangan niya ng energy para mamayang gabi. Madalas siyang kumain dito dahil bukod sa mura ang mga pagkain ay masasarap din.
Napadako ang tingin niya sa may-ari na nasa labas ng pub. Mukhang may kaaway ito kaya nilapitan niya ito. Nakasuot ng mask ang lalaki.
May nakakahawa ba siyang sakit? Aniya sa kaniyang isip.
"Huwag mo nga akong hawakan! Umalis ka na!" sigaw ni Aling Ezpe, ang may-ari ng pub.
Ngunit mapilit ang lalaki at pinupuwersa pa nitong hawakan si Aling Ezpe.
Nagdadalawang-isip siyang makialam pero hindi niya mapigilan ang sarili kaya nilapitan niya ang lalaki saka hinawakan ang damit nito sa likod at hinila niya palayo rito.
"Hoy, ano bang ginagawa mo? Bakit mo sinasaktan si Aling Ezpe?" bulalas niya at sinipa niya ito sa lower legs.
"Aray! Who the hell are you to kick me like that?" asik nito.
"Heather Martinez! Bakit mo sinasaktan si Aling Ezpe? May pa-mask ka pang nalalaman, may nakakahawa ka bang sakit? Or baka pangit ka? Tanggalin mo nga 'yan!" utos niya rito.
Ngumisi muna ito bago magsalita. "For your information, Miss, baka maglaway ka kapag nakita mo ang mukha ko? Wala rin akong sakit at higit sa lahat, hindi ko sinasaktan itong matandang pangit na i—"
Biglang nagsalubong ang kilay ni Aling Ezpe saka hinampas ng sandok na hawak nito ang lalaki. "Walang hiya ka talaga! Umalis ka na nga!"
"O, kita mo na. Saka kitang-kita nang dalawang mga mata ko na pinupuwersa mo siyang hawakan kanina sa kaniyang braso," pakli niya saka itinirik niya ang kaniyang mga mata saka dumako ang tingin niya kaya Aling Ezpe. "Hindi po ba?"
"Ah-eh, oo nga. Kaya ikaw, lumayas ka nga sa harapan namin!" wika nito saka dinuro ng sandok ang lalaki.
"Hindi naman kita sinaktan, e. Nami-miss lang kasi kita nang sob—"
"Nami-miss?" aniya saka napalunok siya. "K-kasintahan mo po ba siya, Ali—"
"Hindi! Hindi niya ako kasintahan dahil anak niya ako!" pasigaw na sagot nito.
Napaawang siya dahil sa narinig niya at nakaramdam ng hiya. "A-anak ninyo po?" Binaling niya ang tingin niya kay Aling Ezpe. Tumango naman ito sa kaniya bilang tugon.
"P-pasensiya na po, hindi ko kasi alam. S-sige, p-pasok na ako sa loob," utal na wika niya rito.
Hindi man lang pumasok sa isip niya na anak ito ng may-ari ng pub gayong nakuwento naman na sa kaniya ng crew na si Sandee.
Oh, God. That was damnably awkward! Bakit ba kasi nakialam pa siya?