PAG GISING SA NATUTULOG NA KATAUHAN
sa panulat ni : Euz Asian writer
⚠️PLAGIARISM IS A CRIME⚠️
DO NOT COPY OR NARRATE WITHOUT AUTHOR'S PERMISSION
DECLAIMER:
Ang kwentong ito ay hango lamang sa aking imahinasyon at hindi sa totoong buhay ang mga pangyayaring magaganap ay gawa-gawa lamang kung May makikita man kayong pamilyar ito ay aksidente lamang at hindi kinuha sa ibang imahinasyon.
..................................
Ang ating mundo ay maaari nating maitutulad sa isang na tanaman kung saan makikita mo ang napakaganda at nakakaakit nitong pigyura subalit sa likod nito ay ang di mo ma ipapaliwanag na kadiliman.
Sa isang mundo kung saan ang mga tao ay may kakayahang makipag-ugnayan sa Mga Encanto, espiritu ,lamang lupa at kalikasan. Isang dakilang babaylan at isang maharlikang nilalang na May lahing Phoenix at May dugong dragon na May mataas na antas sa kanilang lahi, Nang dahil sa pag ibig kinalimutan nila ang kanilang tungkulin bawat isa, at sila'y nagsama at nagkaroon ng isang anak na babae na siyang magiging dahilan ng pagkakaroon ng kapayapaan kasama ang kanyang dalawang kaibigan at ang diwata ng buwan na siyang gumagabay sa kanya mula pagkabata hanggang sa kanyang pagtanda saan man siya naroroon.