Another day, another rejection.
Nakatitig lang ako sa screen ng aking laptop habang may bago na namang lumitaw na email notification. Hindi ko na kailangan buksan dahil alam na alam ko na kung ano ang nakasulat.
We regret to inform you...
"Licensed Professional Teacher," bulong ko sa sarili at hinaplos ang mukha gamit ang mga palad. "More like... Licensed Professional Tambay."
Tumayo ako at nag-inat. Sa totoo lang, habang tumatagal, hindi na sya masakit. Halos hindi ko na mabilang ang nakuha kong rejection sa taong ito. Dahil dun, parang naging manhid na lang ako. Wala rin naman magbabago kung iiyak ko lang nang iiyak. 'Buti sana kung magiging pera ang luha, baka sinagad ko na.
As expected, my day was wasted again.
Ilang beses na ba akong sumubok? Nagbakasakali? Nagpadala ng daan-daang resume, ilang interview ang naranasan, at pati ang pag-aapply sa mga trabahong hindi naman pasok sa aking field hindi ko pa rin pinalagpas.
But still, iisa lang ang naging resulta ng lahat. FAILED. REJECTED. NOT QUALIFIED.
Licensed teacher nga, wala rin naman silbi. P-in-rint lang ata 'yun sa papel pampahaba lang ng pangalan ko, e. Pinaghirapan ko pa naman 'yun bago makuha. Tapos ang ending, wala rin pala ako napala.
Gusto kong mag-marathon sa Netflix kaso kahit ata pang-facebook e hindi ko kaya ngayon. Failed na nga sa job applications, failed pa sa buhay.
Naglakad ako papunta sa may counter. The sound of my stomach growling pulled me from my thoughts. Kahit gaano pa ka-problema ang tao ay hindi dapat malipasan ng gutom.
Kaso kung isang piraso lang din ng instant noodle ang makikita mo sa kusina ay mawawalan ka talaga ng gana kumain.
The rest of the kitchen was as empty as my bank account. Bills piled up on the table, and my landlord's not-so-friendly warning about overdue rent echoed in my head.
"Perfect," I sighed, filling my instant noodle with boiling water. "Dream life unlocked. Broke, jobless, and single. Triple threat."
Nakaupo lang ako habang titig na titig sa aking marangyang hapunan. Dahil sa kawalan ko ng gana ay hindi ko na tuloy maiwasan isipin ang naging buhay ko noong college.
Those late nights studying, the countless lesson plans, the dreams I'd once had of shaping young minds.
It all felt so far away now, pero nandito pa rin ako... walang trabaho at income.
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. Nang tingnan ko ang message ay tuluyan na talaga akong nawalan ng gana kumain. Another bill reminder.
Ang sarap talaga mabuhay.
Tumayo na lang ako at iniwan ang kawawang noodle. Uuwi na lang ako sa amin. Doon, baka matulungan ko pa si Mama sa kanyang sari-sari store.
Pumasok ako sa kwarto at kinuha na ang towel. Nang mapadaan ako sa kusina ay bahagya akong natigil nang makita ko ang aking cellphone na umilaw, hudyat na may pumasok na mensahe.
I glanced at the screen, half-expecting another bill reminder. Good thing, it wasn't.
Celine: "Girl, punta ka sa party mamaya. As in bigatin yung mga guests. Baka andun na yung future mo. Hehe!"
I frowned, rereading the message. A party? Niloloko ba ako ng babaetang 'to?
Ni wala nga akong pera pangbili ng matinong groceries, damit pa kaya para sa party na 'yan na alam kong puro mayayaman at sosyal ang invited.
To Celine: Send money muna.
May gana pa akong mag-joke sa status ko ngayon, ha. Partida, tinawanan ko pa ito.
Celine: Punta ka na. Madaming boylet doon na sumobra sa yaman. Baka nandoon ang magiging future mo.
Napaisip ako sa kanyang reply. Alam kong biro nya lang 'yun pero what if nga pumunta ako doon tapos may mabangga akong poging mayaman na CEO ng isang malaking kompanya tapos sya pala ang mag-aahon sa akin sa putik.
Syempre, walang gano'n, Alina!
To Celine: Wala akong maisuot, gaga!
Celine: Kahit ganda lang ambag mo, ayos na 'yun.
I couldn't help but rolled my eyes. Totoo naman kasing maganda ako. Ang dami ko rin kayang binasted na manliligaw noong college ako. Puro rich kid pa at may sariling mga kotse.
Kung alam ko lang talaga na ganito magiging buhay ko after college, eh 'di sana sinagot ko na 'yung anak nung Mayor. Kaka-study first ko noon, ito ako ngayon. Wala na ngang pera't trabaho, mamamatay pa ata akong single.
To Celine: Fine! Let's go meet my future husband, or at least eat free food.
Huling biro ko sa reply bago nagdesisyong tumuloy na sa banyo.
——————
The dress I chose was simple. A black, knee-length number na nabili ko pang naka-sale noong dalawang taon na ang nakalipas. Nasuot ko na 'to noong kasal ng aking pinsan. Outfit repeater ang gaga. I paired it with heels that pinched my toes and a clutch bag I hadn't used since graduation.
Ilang beses kong sinabi sa sarili na mukha akong matino sa aking suot habang walang sawa kong pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Totoo nga'ng kahit pa gaano ka-cheap ang isang damit, kung marunong ka naman magdala ay magmumukha kang expensive tingnan.
At ako ang patunay ng kasabihang iyon.
"Just act confident," I whispered to my reflection. "You're not here to impress anyone. Just grab some hors d'oeuvres and go."
Pagdating ko sa party ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Bukod sa nag-tricycle na nga papunta dito, e, mukhang namali pa ako ng napuntahan. Pero pag-check ko sa binigay ni Celine na location ay mukhang tama naman ako ng napuntahan.
Hindi lang talaga ako makapaniwala na may nag-eexist pa palang ganito sa tunay na buhay.
The mansion was enormous, with sprawling gardens and a driveway lined with luxury cars. Everything about it screamed wealth and power na parang nakailang sampal sa akin ng katotohanang hindi ako nababagay dito kaya ano'ng ginagawa ng isang 'poorita' dito?
Tinext ko ng paulit-ulit si Celine pero hindi sya nagre-reply. Ang ending, pumasok na lang ako sa loob. Mabuti na lang talaga at hindi ako pinagkamalang naligaw na mamaw nung guard.
Pagkapasok ko pa lang sa loob ay para na akong nabangga ng malaking truck dahil sa yaman na bumungad sa akin. Ang mga kristal na chandelier ay kumikislap sa itaas, ang sahig na nasobrahan ata sa kinang na halatang hindi pa nadadapuan ng katiting na dumi. Mga guest na akala mo ay katatapos lang rumampa sa isang fashion magazine.
Napatingin ako sa aking suot at lihim na napamura sa katangahan. Ano'ng kagagahan ba ang pumasok sa utak ko para pumunta pa rito?
Yung mga babae dito, naka-designer gowns habang may champagne na hawak. Ang mga lalaki naman ay naka-tailored suit, halatang lahat ay hindi mapapa-saakin. They were probably discussing about stocks and mergers.
Habang ako, heto at kunukwestyon ang sarili kung bakit sa dami ng lalaking nandito na mayayaman ay wala man lang napunta sa akin? Kahit ka-talking stage man lang.
Pero syempre, biro lang iyon. Pumunta lang naman ako dito para makikain kaso mukhang wrong move pa ata. Nagmukha lang akong basura sa tabi.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ng mahigpit ang aking purse.
"Kaya ko 'to. Naging best actress ka nung may role play kayo sa college kaya kayang-kaya mo makibagay sa kanila. Huwag mo lang talaga ipahalata na may trenta pesos ka na lang sa'yong wallet."
With that, I moved through the crowd, plastering on a polite smile. Every so often, I'd grab a canapé from a passing waiter, pretending I wasn't impressed by how fancy everything was. Kahit ang totoo niyan ay halos matae na ako sa pagpapanggap na ito.
Pangiti-ngiti, tango doon at dito. Halos mapunit na nga ang aking bibig kaka-stretch para ngumiti sa nadadaanang bisita. May pakaway-kaway pa ako sa mga kilalang tao sa industriya na akala mo talaga e minsan ko ng nakasama sa pagpapalawak ng malaking business.
Medyo kinakaya ko pa noong una, pero nang tumagal na ay nangalay na ako. Nilibot ko ang aking paningin at naupo sa bakanteng mamahaling upuan. Ingat na ingat pa ako sa pag-upo rito kasi pakiramdam ko ay may gold na nakabaon sa upuan na ito.
Matamis kong nginitian ang isang waiter na umabot sa akin ng champagne. Tumingin pa ako sa paligid bago ito simsimin. Minsanan lang 'to sa buhay ko kaya sagarin na.
Nang maubos ko ito ay muli na naman ako inabutan ng isa pang waiter. In all fairness, ha. Kahit ang mga waiter ay masasabi kong pogi.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsimsim ng panibago kong champagne nang may maramdaman akong nakatingin sa akin. Binalewala ko na lang iyon at nagpatuloy sa ginagawa.
Pagkatapos kong magsawa ay nag-text ulit ako kay Celine. Tinanong kung nasaan na sya. Nang ibabalik ko na sa aking purse ang cellphone ay muli ko na naman naramdaman ang kanina ko pa binabalewala.
Dahan-dahan kong nilibot ang paningin sa paligid hanggang sa matigil ito sa kanya.
He was standing near the bar, holding a glass of whiskey, his sharp features illuminated by the warm light. His suit was impeccably tailored, his dark hair perfectly styled.
Everything about him screamed power, wealth, and control. Same with those other men here, halatang hindi rin mapapasaakin.
Riel Alcantara. Billionaire. CEO. And possibly the most intimidating man I'd ever laid eyes on.
Nagtama ang mga mata namin, and for a moment, ang ingay sa paligid ay parang naglaho. Huminto ang aking paghinga, hindi dahil sa na-attract ako, kun'di dahil sa paraan ng pagtitig nya sa akin.
It wasn't curiosity or interest. It was the kind of look that made you question your very existence. Like he was trying to figure out why I was even there.
I froze, unsure of what to do. Smile? Nod? Eh, kung magkunware na lang kaya ako na hindi sya napansin? Effective kaya? Kasi naman!
Tatayo na sana ako para lumipat sa mas malayong upuan nang bigla na lang sya nag-iwas ng tingin, then turned away as if dismissing me entirely.
The encounter left me flustered. Feeling ko nahalata nya ako. Hindi ko alam, pero may awra talaga sya kanina na nagsasabing sobrang halata ako sa pagiging outsider ko dito. At hindi ko rin alam kung bakit natataranta ako ngayon dito sa sulok.
Nakailang mura pa ako sa sarili dahil ayaw ko pa rin kumalma kahit nakailang subok na ako. Come on, Alina. It was just one interaction, akala mo naman nilamon ka na talaga ng buo.
Muli kong tiningnan ang kanyang kinaroroonan kanina pero wala na sya doon.
"Breathe, Alina," I muttered under my breath. "It wasn't like you stole something from him. Focus on the free food."
That was just Riel Alcantara. Bukod sa pagiging ubod nito ng yaman, e, hindi ka naman kilala. Again, that was just one interaction...
One interaction, only...
Or so I thought.
Little did I know, that one yet brief interaction would set the wheels in motion for something I couldn't have predicted, even in my wildest dreams.
Tila kay bilis ng mga naging pangyayari at halos hindi na ako makasunod. Ang alam ko lang ay nasa sitwasyon na ako kung saan hanggang ngayon ay mahirap ko pa rin maintindihan. Basta, pag-gising ko na lang isang araw ay nasa harapan na ako ng isang Riel Alcantara, nakaupo sa kanyang marmol na conference table.
"Marriage," he said simply, his voice cold and matter-of-fact.
Napakurap-kurap ako. "Excuse me?"
"You'll play the role of my wife," he said, his gaze steady and unyielding. "It's a business arrangement, nothing more."
And just like that, my life turned upside down.
From being just Alina Reyes, 24 years old. Licensed Professional Teacher, and a girl who was once jobless, now somehow married to a billionaire CEO, Riel Alcantara.
And the craziest part? This was just the beginning.