Chereads / the gate of the other world / Chapter 1 - madilim na gabi

the gate of the other world

DaoistBeKjSt
  • 7
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 61
    Views
Synopsis

Chapter 1 - madilim na gabi

Kapanganakan na ni Dayang sa kangyang unang anak, ngunit d madali sa mga oras na yon ang kanyang asawa ay may tungkulin na dapat gampanan sa kanilang baryo. Si Meldo ay isa pina ka magaling na manggagamot at manunugis sa baryo nila, at siya din ang inaasahan ng kinilang lugar laban sa mga gustong manggulo dito. "Meldo!!! Manganganak na ako!!! ""Hirap na daing ni Dayang....Narinig agad ni Meldo ang pag tawag ng kanyang asawa.. at dali dali hananda ang mga gamit para sa panganganak ng asawa. Bakas sa mukha ni Meldo ang pananabik,takot,awa, at saya para sa kanya asawang si Dayang.

" Dayang si aleng Gloria at si nanay Lita na muna ang bahala sayo""nag aalalang tugon ni Meldo sa kanyang asawa.."Meldo salamat at dumating ka kaagad"" mahinang daing ni Dayang" Meldo maaring sa labas ka muna nh kwarto mag hintay" wika kanyang inang si nanay Lita..."Opo nay alalang sagot ni Meldo....

Habang nasa sala ay dumating ang kapwa niyang kaibigang si Omeng humahangos sa pagtakbo""Meldo!!! Meldo!!!!!!!" Halos madapa na sa pag takbo si Omeng " Bakit anu ba't halos namumutla ka sa pag takbo?" Tanong ni Meldo." Si Demyo!! si Demyo!! nilusob nanaman ang lugar natin. Hingal na sumbong ni Omeng..

"At buhay pa pala ang mangkukulam na yan..."galit na wika ni Meldo. Kinuha ni Meldo ang kanyan mga kagamitan at pangontra kasama ng mga agimat."sege Omeng ako na bahala sa kanya"Gamit ang kanyang karunungan madali nya natagpuan si Demyo...

Sa ilalim madilim na gabi at tanging mga bituwin sa langit at mga sulo lamang ang ilaw nakita ni Meldo si Demyo na pinabagsak ang ibang manggagamot na sumubok sa kanyang kapang yarihang itim. Laking gulat ni meldo dahil sa kanyang nakita.. "huh?? Anung ginawa mo sa kanila halimaw ka?" Galit na tanong ni Meldo."wala ni isa sa kanila ang makatalo sa kapang yarihan ko hahahahah!!!!"pang hahamak na tawa ni Demyo.

Habang nasa kalagitnaan ng panganganak si Dayang, hirap itong mairaos ang kanyang panganganak sa panganay nila ni Meldo."ahhhh Meldo!!!" Hirap na daing ni Dayang." Isang erehh pa Dayang at nasa bungad na ang ulo..." Wika ni aling Gloria "uhhhhumppp....."" Pag pigil ng hininga at pwersa ni Dayang upang matagumpay mailabas ang sanggol galing sa kanyang sinapupunan."lalaki!! Lalaki!!! Dayang!! Lalaki ang anak mo.." tuwang tuwa sabi ni aling Gloria..."Nako napaka gwapo ng aking apo talagang may pinag manahan...." Masayang sambit ni Nanay Lita.. "Dayang heto ang anak mo tingnan mo at kargahin mo tugon ni aling Gloria sa noo'y hinang hina si Dayang ."Naku ang aking napaka gwapong anghel" .Masayang pag bati ni Dayang sa kanyang kasisilang na anak."Naldo.. yan ang pamgalan mo ha munti kong anghel hawig sa pangalan ng tatay mo" nakangiting tugun ni Dayang sa anak.

Habang nasa mainit na pag haharap sina Meldo at Demyo, nag papasiklaban sila ng kanilang mga ispiritwal na abilidad.Hinugot Meldo ang kang punyal na kargado ng dasal at orasyon, kapag ginagamit nya ito timtaglay nya ang pambihirang bilis.Naglunsad ng napaka bilis na atake si Meldo subalit mabilis lang itong naiwasan ni Demyo na animoy usok lang ang tinamaan "ayan lang ba ang kakayahan mo Meldo??panlalait na tanong ni Demyo.

"Malakas ang ataking yun hahaha. Ang Mabuti pa isuko mo na sakin ang kaluluwa ng dyablong may pitong sungay na nilagay n'yo kwintas ng asawa mong si Dayang."Wika ni Demyo." Hindi maari ang gusto mo, dahil marami ang mapapahamak dito baryo ng kugon!" Galit na wika ni meldo" Sege kukunin ko nalang sa kanya ng sapilitan hahahahah" banta ni Demyo habang nag anyo itong itim na usok patungo sa direksyon ng bahay nila Meldo....

Alam ni Meldo ang mangyayari kapagnapunta sa kamay ni Demyo ang kwintas na kasalukuyan suot ng kanyang asawa si Dayang. Maraming manggagamot at manunugis ang nag tulong tulong upang maikulong lamang ang kaluluwa ng demonyong may pitong sungay, kabilang doon ang angkan ni Dayang. Sila ay nag tulong tulong upang gamitan ng matatas na uri ng mga orasyon upang mapigilan ang noo'y napakasamang demonyong halimaw na may pitong sungay. Masyadong malakas ang demonyo kaya sa pamamagitan ng espiritwal na tali na tanging likas nankakayahan ng manunugis at mga orasyon ng mandirimang manggagamot natalo nila ang dyablo at ikinulong ang kaluluwa neto sa kwentas upang maging isang agimat..

Narating ni Demyo ang bahay nila Meldo, at doon kasalukuyang nag papahinga si Dayang na noo'y kakapanganak lang" Anong ginagawa modito?"tanong ni dayang",hinang hina ito at alam nyang wala syang kalaban laban"Ibigay mo sa akin ang kwintas" sambit ni Demyo habang siya ay papalapit kay Dayang."Lubayan mo ang mag ina.."dikta ni nanay Lita. Gamit ang kanyang mutya ng bulalakaw inipon nya ang enerhiya ng liwanag pinakawalan ito sa kinaroroonan ni Demyo."Ahhhggggrrrrrrrrr" .Nasaktan c Demyo sa pag atake iyon ni nanayLita.."Di ko inaasahang anjan ka pala Lita hahahah natataandaan mo pa ba ang ginawa ko sa asawa mong si Islaw hahaha ako ang tumapos sa kanya... Masyado kasi syang pabaya... Sayang at di man lang nya nakita lumakas ang kanyang estudyante hahahahha... Kahit natanggap ng matinding pinsala ay nagawa padin mag salita ni Demyo ng mga nakakaasar na mga kwento ng nakaraan."Minahal at pinahalagahan ka ni Islaw, pinagmamalaki ka nya dahil ikaw ay mahusay sa lahat ng kanyang tinuturuan pero nasilaw ka at pinili mo ang masamang kapang yarihan sayang ang iyong talento sa panggamot at panunugis ng masasamang elemento...". Lumuluhang sumbat ni nanay Lita sa dating estudyante ng kanyan asawa.

Isang mabilis na liwanag ang biglang tumama sa likod ni Demyo" ahhhhhhhgerrrrrrg biglang lumitaw sa harapan niya si Meldo. Gumamit ng itim na orasyon c Demyo at mabilis na sinugod pabalik si Meldo."" Heto ang sayo tanggapin mo to ahhhhhhkkrrrrrkkk" direktang tumama ang atake iyon katawan ni meldo, gamit ang kapang yarihan ng punyal mabilis na nag laho si meldo at lumitaw sa likura ni Demyo.." haaaaayaahhhhh" sigaw ni Meldo" kiiiiishinggggg" di nakatama ang punyal kay Demyo dahil nag anyong usok nanaman ito. Naglunsad ng isang malakas na sipa si Demyo" huuuuuwaaaahhhhh". Nasalag naman ng kaliwang kamay ni Meldo ang ataking iyon subalit napaatras sya at nakapag isip" matatamaan ko lamang sya sa tuwing di sya handa at kapag umaatake sya" bulong ni Meldo sa kanyang isipan. Mulang nag lunsad ng atake si Meldo...gamit ang mahika ng liwanag inipon nya sa kanyang punyal at sinugod ng direkta si Demyo. Gaya ng kanyang inaasahan nag anyong usok nanaman si demyo." Hahahaha hindi yan oobra sa akin....isusunod kita sa iyong ama...."

Sabay sugod ng ganti gamit ang kangyang itim na mahikang enerhiya patungo sa mukha ni Meldo. Bago pa lumapat ang atake kay Meldo nag laho ito at limtaw sa itaas hiniwa ni Meldo ang likod ni Demyo gamit ang nag liliwanag sa kapangyarihan na punyal..." Di naman na nakakapak taka mukang naturuan ka rin ng mabiti ng iyong ama hahahah" habang imiinda ito ng pinsala mula sa napaka talinong taktika ni Meldo..

Inilayo ni aling Gloria ang mag inang Dayang at Naldo" Naku po panginoon tulongan po ninyo na kami po ay makaligtas" Nanginginig na dasal ni aling Gloria. Naisipang itago ni Dayang ang kwintas sa lampin ng kanyang anak.Mabilis na napansin ni Demyo ang pagtakas nila Dayang at aling Gloria."Tatakasan mo ako?..hindi magiging madali yan....habang hirap na hirap sa natamong pinsala itinaas nya ang kanyang kanang kamay at nag usal ng isang orasyon lumabasa ang isang matulis na itim na sibat na nababalutan ng masamang enerhiya at binato sa direksyon nina Dayang. Hindi na magawang umiwas ni dayang kaya inuna nya ang kaligtasan ng kanyang anak. Alam ni Demyo na di papabayaan ni Meldo ang kanyang mag ina kaya sila ang kanyang pinuntirya. Mabilis namang ginamit ni Meldo ang kanyang kapang yarihan para pigilan ang sibat na nababalot ng masamang enerhiya ngunit masyado itong mabilis kaya sinalag ni Meldo kanyang katawan tumama mula sa likod tagos sa tiyan at umabot din sa katawan ni Dayang...na animoy natuhog ang mag asawa.... Matindi din ang naging pinsala kay Demyo kaya nag pasya syang tumakas muna at bumalik sa ibang pagkakataon, kaya sya ay nag anyong usok at tumakas....mn