Chereads / Love You, Later... / Chapter 2 - The Dawn

Chapter 2 - The Dawn

The Dawn

* * * š–¦¹ * * *

"Naku, dalian mo, hija! Late na late ka na!" alalang wika ng school guard habang ini-scan ko ang aking I.D.

Pinasalamatan ko pa ito bago tuluyang kumaripas papasok. Mahigpit ang kapit ko sa aking shoulder bag at halos matapilok sa pagmamadali.

I took a glance at my wristwatch and only regretted it. Ten minutes late already and not even near our classroom yet!

Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga sa kabila ng paghangos. Ni hindi ko tiyak kung paano iyon gawin nang tama dahil naiisip ko lamang ang aakyatin.

Sa fifth floor pa ang room namin at ano'ng oras na! Wala pa namang katapusan ang pila sa elevator at siksikan pa!

Kinagat ko ang ibabang labi bago ipunin ang lahat ng natitirang lakas upang umakyat ng hagdan. Kulang na lang yata at humagulgol ako dahil sa pressure. Hindi pa nakatulong ang ibang estudyanteng nakaharang sa daanan o nagbabagal sa paglalakad.

Sunod sunod akong napamura sa isipan nang naramdaman ang pagbigay ng sariling mga tuhod. Muli ko ring tinapunan ng tingin ang oras at lalo lamang nanlumo.

Fifteen minutes late na at nasa third floor pa lang ako!

Sa punto namang paakyat na ako sa huling hagdan ay hinarang ako ng isang janitor. "Hindi po muna ito puwedeng gamitin, miss," ani nito.

Of course! Sa lahat ng pagkakataon ay ngayon pa talaga!

Matapos magpasalamat ay napalinga linga ako dahil kailangang umikot na naman muli ako para sa kabilang hagdan.

Damn it! Damn it! Damn it!

Nang sa wakas ay nakarating ay natigil ako sa tapat ng room. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga binti na alam kong hindi lamang dahil sa pagmamadaling umakyat... In my head, I was already predicting the looks I'd get.

Disappointment? Disgust? Hate?

As if on cue, my hand trembled as I tried to reach for the door's handle. Agad kong nahakot ang atensyon ng klase sa aking pagpasok. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan nang manuot ang mga tingin ng kaklase sa akin. Tulad ng inaasahan ko ay natanaw ko ang inis at dismaya sa kanilang mga mata. Tila ba ay nagpipigil na lamang silang kaladkarin ako muli palabas... like I was some uninvited guest.

Well, what did I even expect? To see them smile at me? I literally just ruined their trust by simply being this late on Exam day. Paniguradong lalong bumaba ang tingin nila sa akin. For a moment, I hated that it mattered to me. Darating pala ang araw na pahahalagahan ko ang tingin nila sa akin? O dahil lang ba ito sa... kaniya?

Bahagya akong napayuko at doon lamang napansin ang pagpatak ng mga butil ng pawis ko sa sahig. Tagaktak na pala ito sa buo kong katawan. Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa naramdamang panliliit sa sarili. Ni hindi ko rin naayos ang gulo gulo kong buhok.

What a mess...

"Really, Ms. Gomez? Twenty minutes?" Halata ang irita ng aking guro.

Hindi ko nga sigurado kung saan ko pa nakuha ang lakas ng loob upang ibuka ang aking bibig gayong tila nanuyo na ang aking lalamunan.

Lumunok ako at sinubukan ang lahat ng makakaya upang humingi ng paumanhin. Our adviser then impatiently told me to go to my proper seat.

Exam day so obviously... alphabetical.

Kaunti na lamang at nararamdaman ko na ang pagunaw ng mundo ko nang maupo sa bakanteng upuan. Sa tabi ng isang pamilyar na pigura...

I felt the familiar pair of eyes turn to me... and it was as if it took my whole lifeline for me to stop myself... because I knew meeting the look in his eyes would be my last straw.

Napapikit ako. Ni hindi ko na matukoy kung saan pinaka-kumakabog ang dibdib ko... sa lamig ba ng buong silid o sa malamig niyang tingin na sapat na upang manginig ang buo kong katawan.

I tried to get my pen... but the trembling of my hands didn't let me. I panicked as it dropped. Sinubukan ko pa ang lahat ng makakaya upang saluhin ito... yet it was futile. The sound of my sudden move echoed across the room instead... gaining the attention of everyone again.

I gasped when I accidentally met his eyes as I picked up the pen. Tila ba bumagal ang takbo ng lahat habang nakatitig kami sa isa't isa. Ramdam ko na lamang ang pagpanting ng matinis na kalantsing sa aking tainga.

I felt my heart drop at the indifference lurking in his eyes. He even looked away first as if what he did was such a waste of time.

Tila ba sa isang kurap ay lumipas ang mga oras. Ni wala akong ma-proseso kung hindi ang sakit na nanunuot sa aking sistema. Hindi na rin inalala kung nasagutan man lang ba nang maayos ang pagsusulit.

Saglit lamang akong bumalik sa diwa nang umalingawngaw ang tunog ng bell.

Humugot ako ng isang malalim na hininga upang maihanda ang sarili. I slightly glanced at his direction and saw his friends inviting him out to eat. Tumatanggi pa siya ngunit wala ring nagawa.

Hinintay ko muna silang makaalis bago tuluyang kumilos. I sneakily got a small paper bag from my own bag. The brownies that I baked for him were inside it with a note. Maaga akong nagising para roon. Ilang beses ko pang inulit dahil hindi ko makuha ang tamang timpla dahilan upang kapusin ako ng oras upang maasikaso ang sarili.

Sa kabila ng pag-aalangan ay mahigpit kong hinawakan ang paper bag na para bang mabibigyan ako nito ng sapat na lakas ng loob. It felt nostalgic somehow.

Maingat ko iyong inilagay sa kaniyang desk. Luminga linga pa ako upang masiguradong walang nakakita ng paglagay ko roon.

Ilang sandali rin akong nanatili bago tuluyang lumabas din ng room. Agad akong sinalubong ng marahang pag-ihip ng hangin at binalot din ng samyo nito ang aking sistema. Kaunti akong napakalma noon.

Sa gitna naman ng paglalakad ay bahagya akong napatigil sa narinig na usapan at tilian ng iilang estudyante.

"Oo, pinopormahan talaga niya 'yon! Binigyan pa raw ng regalo noong nakaraan!"

"Kakilig naman! Bagay na bagay pa naman sila ni Ryven!"

Agad na kumabog ang aking dibdib nang marinig ko ang kaniyang pangalan. It used to sound so close to my heart as if my own... yet for a second it sounded so distant when they uttered it.

Usap usapan nang may iba siyang nililigawan. I just couldn't bring myself to believe. Ngunit sa totoo lamang ay alam ko rin namang hindi ko pa rin iyon paniniwalaan kahit kinumpirma niya pa. Kung totoo man... ayaw kong tanggapin.

Aren't I just selfish? Ngayon pa talaga ako magmamatigas? Ngayon ko pa talaga pipiliin ang sarili kong kagustuhan? At ano na naman ang kapalit? Ang kaligayahan niya?

The thought of him with somebody else pained me like crazy. I bitterly smiled at myself. Talaga bang matatanggap ko iyon?

Minutes passed again and I was just bombarded with thoughts of him.

Nakita niya na kaya 'yong paper bag? Did he read the note too?

I tightly closed my eyes as I remembered the smile that I once brought on his lips. Nagbanta ang mga luha kaya naman mabilis ko na lamang sinipat ang sarili. Kalaunan ay naisipan kong bumalik sa room kahit pa dinadalaw na naman ng takot.

"Sana naman at natikman niya ang brownies. No, scratch that... Kahit hindi niya na iyon matikman basta ba't malaman man lang sana niyang sinseryo ako," bulong ko sa sarili.

Ngunit nang dumating ako sa room at nakitang pinagpapasa-pasahan ng kaniyang mga kaibigan ang paper bag ay nalunok ko rin agad ang mga sinabi.

"Pweh! Ba't lasang sunog? May lason ba 'to?"

"Patikim nga!"

"Sige, sa'yo na! May galit ata ang nagbigay nito kay Ry e. These are awful!"

I blinked and blinked as I sat on my own seat. I even tried my best to ignore it but when I heard what he said...

"Just throw it out then," malamig niyang sambit.

Just throw it out then?

Nagtawanan pa ang kaniyang mga kaibigan nang hablutin niya ito at lumabas ng room. Siya na mismo ang nagtapon noon.

I bit my lower lip as my eyes watered. It was as if I'd died from hurt each time his voice echoed in my head. Tinapon niya na lamang iyon nang ganon ganon?

Pagbalik niya'y sinalubong agad siya ng kaibigan. "Whoa, tinapon talaga?"

"It was gross and pathetic anyway. Much like the one who gave it, huh?" He replied that completely shattered me into pieces.

Nang marinig iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili't napatayo. Ikinuyom ko ang mga kamao at nilisan ang silid kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa aking mga mata.

I hurried to the restroom. Pinagtinginan pa ako ng mga naroon. I immediately entered a cubicle and burst into tears. I couldn't even properly breathe. I could only sob as I wiped away my own tears with my trembling fingers.

It took minutes yet I barely calmed myself down. Inayos ko ang sarili sa harap ng salamin at nabigla nang mapansin ang repleksyon ng nag-iisang pigura sa aking likuran.

Nagmadali ako at binalak na lampasan na lamang ito ngunit naramdaman ko ang mahigpit nitong hawak sa aking palapulsuhan.

I tried to resist but he was quick to corner me. He intertwined our fingers as his other hand caught my chin. I cursed myself for trembling at the warmth of his touch.

"Look at me," he said, firmly.

Nang marinig ang iyon ay lalo ko lamang iniwas ang mga mata sa kaniya.

"Come on, Zianna. Let me see you cry for me," his voice persisted in my ears as he led my sight to him.

Galit ko siyang binalingan kahit pa nanghihina at 'di na makapag-isip nang matino dahil sa pagtawag niya sa aking pangalan.

"B-Bitawan mo ako!" I resisted again.

He smirked. "Not now that I made you cry though."

"Damn you!"

"Oh, long been damned, baby."

Galit ko lalo siyang tiningnan. "Ayaw ko sa'yo! Bitiwan mo 'ko!"

"Why give me those awful brownies then?" aniya at marahang napatawa.

Awful.

I mean, I knew it didn't taste great but I tried, alright!Ā Lintik!

"It was out of hate!" I stormed out, mad at his words.

"Was it really out of hate... or something else, hmm? Who knows, maybe you want me back now?"

"I don't care, Ryven! Let me gā€”"

"Sure," aniya at tinanggal ang hawak sa aking kamay. Nanatili naman ang kaniyang isang kamay sa aking baba.

He smirked as I tried to wipe my new tears from falling. "Didn't know you could be prettier when crying because of me, huh."

Damn you, jerk!

Umamba na muli ako paalis nang muli niyang hilahin. "Who says we're done here? Come here..."

He held my hand again and intertwined our fingers as his other hand left my chin. He got something out of his pocket.

Napalunok ako nang mapagtantong iyon ang sticky note na inilagay ko sa paper bag.

"I'm sorrā€”" hindi na niya naituloy ang pagbasa nito dahil mabilis ko siyang naitulak.

I sobbed as my sight of him blurred. "D-Don't worry.Ā I won't do it again. Now, let go. I'm leaving."

Agad niya akong binalingan. I almost flinched at the depths of anger lurking in his eyes. "Well, what's new?"

I blinked as my own guilt engulfed me. Nanuyo ang lalamunan ko.

"You're too late now anyway..." aniya at tuluyan akong iniwang mag-isa.

* * * š–¦¹ * * *