Kelvin
I was in grade 2 when I knew Kelvin, he was my cousin's ex crush for 1 month. Well madami namang naging crush ang pinsan ko at isa nga si Kelvin don. Knew lang kasi nga alam ko lang na sya si Kelvin, tho hindi ko sya personally kilala.
We formally met in 6th grade. Nagreshuffle ng mga student at napunta kami pareho sa section Venus, considered section 2.
"Good morning class I am your English and MAPEH teacher, Daylin Ocampo" pagpapakilala ni maam Daylin. Kilala ko na sya kasi naging teacher sya ng 3 ko na ate.
"I want you guys to introduce yourself. Sige start natin sa'yo" dagdag pa nya at itinuro ang lalake sa harapan
Natatawang tumayo ang lalake. "Hello guys! ako nga pala si Axel Solis" pagpapakilala Axel
"Next" sabi ni maam
tumayo naman ang lalake na maputi. "ako si John Adams Santos"
"ako si Claubiene Taruc" pagpapakilala naman ng isang lalaki na may kulay pa ang buhok. Mukha syang american, may lahi kaya sya? Pero mukhang mayabang! Judgemental? yun ang feeling ko eh
"ako si Kelvin Salas" walang emosyon na sabi ni Kelvin. Ah so cold guy pala sya? Bukod sa payat na matangkad wala na akong masasabi pa tungkol sakanya
napatingin ako sa katabi ko nang masiko nya ako. "ay sorry" sabi nya at yumuko pa. Babae sya, maitim pero maganda! black beauty ba.
"okay lang" sabi ko
"anong pangalan mo?" tanong ko sakanya. mukha syang mahiyain
"Jennalyn Galang" sagot nya sakin. Inilahad ko ang kaliwang kamay ko sakanya
"ako nga pala si Marinella Tan" pagpapakilala ko. Inabot nya ang kamay ko at ngumiti sya.
"ayan mas maganda ka pag nakangiti" sabi ko at kinindatan pa sya.
"salamat maganda ka din" sagot naman nya
"ako nga pala si Joseph Perez, call me kuya Joe okay lang matanda naman ako sainyo ng ilang taon" tumingin ako sa lalakeng nagsasalita. Kuya Joe
"tanong lang, bakit ngayon ka palang grade 6?" tanong ni yung may kulay ang buhok. ahhh Clauby?
"ah, oo kasi nagstop ako" sagot naman ni kuya Joe. Napatango na lang si Clauby, yun lang naman talaga ang sagot. Nag stop sya, common sense! haha
"next na" sabi ni maam Daylin na ngayon ay kumakain na pala ng manga
nagpakilala na yung mga sumunod hanggang sa makarating na sa pwesto namin. tumayo ako at nagsalita na "my name is Marinella Tan" sabi ko.
"kaano ano mo sina Carly, Feliz at Fem?" ayun na nga! nagtanong na si maam
"kapatid po" sagot ko. napangiti si maam Daylin
"ah kaya pala kahawig mo si Feliz, sige hija next" sabi ni maam
"Jennalyn Galang po" pagpapakilala ni Jennalyn. Natapos na yung sa side namin at nagsettle na din kami lahat.
Mula nung araw na yun ay madalas na kaming nagkasama ni Jennalyn, naging matalik na magkaibigan at doon ko na rin mas nakilala pa si Kelvin.
28 lang kami kaya naman bawat kilos din ng isa't isa ay alam namin.
Nakaclose ko si Axel, si kuya Joe at si Adams. si Clauby? I mean Claubiene pala hahaha. Never in my life! Mapang-asar sya. Mahilig manlait, at mayabang. Ayoko sa mga taong ganun.
Tahimik pala si Kelvin. Pero matalino din! Sina Claubiene lang ang kasa kasama nya pati yung dalawang lalake pa sa ibang section. Kapag ngumingiti sya ewan bakit nagwagwapuhan ako sakanya. Parang magic na nagwapuhan na lang ako bigla sakanya. Gentleman din dahil minsan kapag may group activities kami at kung makateam ko sya ay hindi nya hinahayaan na maleft behind ang isa man saamin, tho tahimik sya pero hanggat kaya nya kakausapin ka nya.
Ayoko sya maging close. Ayoko na din na makilala pa sya. Siguro hindi ko sya bet maging kaibigan, ewan ko ba!
Isang araw nung nasa HKS kami na subject ay wala kaming ginagawa. Nakatambay kami dun sa pinaka garden ni sir Anton. Kasama ko sila kuya Joe, Jennalyn at Adams at Axel. Ewan at kung bakit bigla na lang akong napagtripan ni Claubiene
"Ella, crush mo si Kelvin noh?" tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa sinabi nya.
"ano?"
"kanina mo pa sya tinitignan tignan e. hoy di ka nyan magugustuhan kasi gusto nya si Ronalyn kilala mo yon? yung sa section 1 sa grade 5 ganda kaya nun!" sabi ni Claubiene. Hindi ako nakaimik. Ewan ayoko syang sagutin, isa pa parang naoffend ako sa sinabi nya.
"Maganda din naman si Ella" sabi ni kuya Joe
"kaya nga, kapang asar mo Claubiene" sabi naman ni Axel.
Inirapan ko si Claubiene. Nag iba ang ekspresyon ng mukha nya. Yung mukhang nakokonsensya
"Par, tara na" sabi ni Kelvin. Nilingon naman sya ni Claubiene at umalis na sya sa harap namin sa wakas!
gusto nya si Ronalyn
gusto nya si Ronalyn
Ewan pero nagpapaulit ulit yan sa isip ko. Kilala ko si Ronalyn, sino namang hindi e lahat yata ng contest sa school sinalihan nun. Oo maganda nga sya, alam ko naman yun. saka dapat lang na yun magustuhan ni Kelvin alangan namang ako diba?
Yung grade 6 life namin ay mabilis lang naman natapos. Asaran ni kuya Joe, Axel at Adams. Pagbili namin lagi ng okoy ni Jennalyn. Pang aasar ni Claubiene kahit na hindi naman namin sya kaibigan, at syempre yung mga pagngiti ngiti ni Kelvin sa gilid. Ewan pero hanggang matapos ang school year ay naggwapuhan ako sakanya, pero confirm! gusto nga nya si Ronalyn kasi one time bago ang graduation
"Ronalyn! pinabibigay ni Kelvin" sabi ni Claubiene at inabot ang isang box ng chocolate kay Ronalyn. Dumaan sya sa MAPEH garden kung saan kami nakatambay
Sigawan mga kaklasi naming lalaki at halata naman na kinikilig si Ronalyn. Tinignan ko si Kelvin, napailing na lang sya at tumingin sa malayo. Grabe! dapat sya ang nagbigay. Ano yon chalalay nya si Claubiene? haha
Sa tingin ko kinikilig din sya, namula kasi ang buong mukha ni Kelvin.
"Salamat Kelvs!" sabi ni Ronalyn at ngumiti pa ng pagkatamis tamis. Maganda sya, pero feeling ko may something sakanya.
Sorry naaaa oo grade 6 pa lang ako pero judgemental na ako.
LUMIPAS ang ilang taon. After graduation ng grade 6 ay nagkahiwa hiwalay na kami halos. 2nd year naging kaklase ko si Jennalyn ulit kaya natuloy ulit friendship namin. Sina Adams Axel at kuya Joe ay hindi ko na naging kaklase, sana nga ay kahit sa 4th year manlang
Si Kelvin nakikita ko pa din pero sa ibang section sya. Hindi na sya payat. Nagkalaman na sya infairness. naging gwapo pa sya lalo at yung ngiti nya? mas tumamis pa.
Si Claubiene naman ay kaklasi pa din ni Kelvin, siguro sabay sila kung mag enroll. Napaka swerte naman kasi nila at magkaklasi pa din sila
Enrollment na ng 4th year at pinapanalangin ko na sana ay maging kaklase ko si Jennalyn or kahit pinsan ko na lang na si April. Oops di ko pa sya naipapakilala sainyo
Sya yung tinutukoy ko na nagkacrush kay Kelvin nung grade 2 kami. Hahahha
"Cous! alam mo ba" masaya si April pagpasok nya ng kwarto ko