❇The Cardcaptor Princess❇
Chapter-02✴(Princess Claudielle👑..bilang Chloe ann sa mundo ng mga tao👧)
📝Ms.N✔
----------------
She's POV👩
Nakasakay kami ngayun sa taxi ng Asawa kung si Nicolas..Kasama ang isang taong gulang kung anak....kakagaling lang kasi namin sa hospital...(hinika na namn kasi sya kanina kaya sinugod namin sya sa hospital)..habang nasa byahe ay bigla nalang napahinto ang taxi...dito sa kagubatan....
"My problema po ba?" -tanong ni nicolas sa driver..
"iwan ko sir..Basta bigla nalang huminto yung sasakyan." -sagot ng driver...
"bababa nalang po muna ako" -dagdag pa ng driver at bumaba na....at pumunta na sa unahan ng taxi at binuksan na nya..(titignan nya siguro kung my sira o wala)
"Bababa muna ako ma.. tutulungan ko lang yung driver" -sabi ng asawa ko..
"Cge Pa" -sabi ko..kaya bumaba na sya at lumapit na sa driver...habang nandun sa unahan ang asawa ko at yung driver..bigla nalang akong nakakita ng biglang pagliwanag dun sa kagubatan...(ano kaya yun?)
"Pa...Hali ka muna dito" -tawag ko sa asawa ko...kaya agad na syang lumapit sakin...
"Bakit ma?" -tanong nya...
"bantayan mo muna yung anak natin..iihi lang ako saglit" -sabi ko...
"pero ang dilim na dito baka mapano ka pa" -nag-aalalang saad nya...
"Kaya ko na yung sarili ko pa...Kaya bantayan mo muna si Zoey..saglit lang naman ako" -sabi ko..kaya wala na syang magawa kundi ang pumasok dito sa taxi..at kinuha na sakin yung anak namin..
"Mag-ingat ka sa mga ina-apakan mo ma hah" -habilin nya..tumango nalamang ako at bumaba na..pagkababa ko ay agad na akong pumunta dun sa nakita kung liwanag....mga ilang saglit pa ay..nakarating na ako sa sa biglang lumiwanag..at nakita kung nanggagaling ito sa malaking puno...kaya napanganga nalamang ako...
"Ang ganda" -manghang-mangha kung saad..habang nakatingin sa malaking puno..Ilang saglit pa ay biglang nawala ang liwanag..at nakita ko ang isang batang babaeng nakahiga sa tabi ng malaking puno...maganda sya..Maputi..Brown yung mga buhok...At nakasuot ng dress na parang pang-princessa...kaya nong makita ko yun ay dali-dali akong tumakbo pabalik sa taxi....
"Ma anong nangyari sayo?..bakit mukang nakakita ka ng multo" -nicolas..
"Pa..sumama ka sakin bilis" -tarantang saad ko sa kanya..
"Pero pano tong anak natin?..alangan namang iwan natin sya" -sabi nya...kaya dali-dali akong lumapit sa driver..
"Pwedi nyo po bang bantayan yung anak ko..paki-usap" -sabi ko sa driver..
"Cge po ma'am" -sagot nya at agad na syang lumapit kay nicolas...at binuhat yung yung anak ko...
"Wag nyo po syang iwan hah" -habilin ko sa driver at agad ng hinila si nicolas papunta dun sa nakita ko...mga ilang saglit pa ay nakarating na kami dun..
"Pa...Tignan mo my bata" -sabi ko sa kanya at tinuro yung batang babaeng nakahiga sa malaking puno...
"Jusmeyo..Sino naman ang nang-iwan ng bata dito sa gubat..Ang dilim dito..wala ba silang awa sa bata" -taranta ng asawa ko at agad ng lumapit sa batang babae...
"Dalhin natin sya sa bahay Pa" -sabi ko..tumango naman sya at binuhat na yung bata..at bumalik agad na kaming bumalik sa taxi...
"Sino po yan..ma'am..sir?" -tanong ng driver...
"iwan...Basta nakita lang namin sya dun sa kagubatan" -sagot ko..at kinuha na sa driver yung anak ko...
"Kawawa naman ng batang yan..Parang mabait naman..pero bakit nila yan iniwan sa gubat" -iling-iling na saad ng driver...
"Ayusin nyo na po yung sasakyan" -utos ni nicolas sa driver..at agad ng pinasok sa loob ng taxi yung bata...Hindi pa nga nakakalapit sa unahan yung driver..ng biglang umandar ang sasakyan...
"Pano nangyari yun?" -tanong ng driver sa sarili habang kinakamot ang batok nya..
"Mabuti na po yan..Kaya bilisan nyo po para maka-alis na tayo" -sabi ko at agad na akong pumasok sa loob..habang buhat-buhat yung anak ko..yung asawa ko naman ay pumasok na dun sa passenger sit..yung driver naman ay dali-daling isinara ang binuksan nya kanina at agad ng pumasok sa driver sit..at nag-start ng mag-drive...(sino kaya ang batang babae na to?..bakit sya nandun sa malaking punong yun?...para talagang magic ang nangyari..Di talaga ako makapaniwala sa nakita ko..totoo palang my magic)...sabi ko sa aking sarili habang tinitignan ang batang babae...
"Ang ganda nya talaga" -nakangiting saad ko...mga ilang minuto pa ay huminto na yung taxi..ibig sabihin nakarating na kami...kaya agad ng bumaba si nicolas..at pumunta dito sa back sit..at binuhat yung batang babae...
"Tayo na ma" -pagyaya sakin ng asawa ko..kaya bumaba na ako..binayaran ko na yung driver at agad na kaming pumasok sa bahay...(maliit lang yung bahay namin..di kasi kami mayaman..mahirap lang kami..at tanging karenderya lang namin ng asawa ko ang negosyo namin).pagkapasok namin sa bahay ay agad ng dinala ni nicolas yung bata sa kwarto namin...at pinahiga yung bata sa kama...ng mapahiga na yung bata ay bumalik na kami sa sala...at sya naman ang nagbuhat sa anak namin...
"Kumain ka na muna ma" -sabi nya...tumango nalamang ako at kumuha ng pagkain sa kusina..at kumain na...mga ilang saglit pa ay parang my naririnig kaming halinghing na nanggagaling sa kwarto...kaya napatigil ako sa pag-kain ko..si nicolas naman ay pinahiga sa kuna..yung anak namin...at sabay na kaming pumunta sa kwarto..pagkapasok namin sa kwarto ay nakita naming gising na yung batang babae kaya lumapit na kami sa kanya...at umupo na ako sa tabi nya...sya naman ay napatingin samin..
"S-sino kayo?..at Nasan ako?" -tanong ng batang babae..
"Kami yung nakakita sayo sa kagubatan..at nandito ka sa bahay namin" -nakangiting sagot ko..
"Ahmm..bata..anong pangalan mo?" -tanong ni nicolas sa bata..
"H-huh?...P-pangalan?" -utal na tanong ng bata...
"Oo pangalan..Bakit?..di mo ba alam ang pangalan mo?" -tanong ko..napahawak naman ying bata sa kanyang ulo...
"Wala po akong ma-alala...s-sino ba a-ako?" -sabi ng bata..kaya napatingin nalang ako sa kay nicolas..ganun din si nicolas napatingin din sakin...
"Wala ka bang na-aalala..kung bakit ka napunta sa kagubatan?" -tanong ko..sa bata...umiling na lamang sya..
"E yung pamilya mo..alam mo ba kung sino sila?" -tanong ni nicolas sa bata..umiling ulit ang bata ..(Baka my amnesia)
"Cge magpahinga ka muna dyan..baka ma-alala mo" -sabi ko..at tinignan na si nicolas simbolo ng lumabas na kami...tumango naman sya kaya agad na akong tumayo at lumabas na kami ni nicolas..at agad ng nagtungo sa sala..at umupo....
"Pano na to ma?..kawawa naman yung batang yun..walang ma-alala..kahit pangalan nya lamang" -sabi ni nicolas..
"Hmmm...Amponin nalang natin sya pa..para my ate si Zoey paglaki nya" -sabi ko...
"pero mahirap lang tayo Ma..baka hindi nya makaya yung pagiging mahirap natin..dahil mukang mayaman yun e" -sabi nya..
"Kahit na Pa...kawawa naman kasi sya kung ibabalik natin sya sa kagubatan diba...At kahit mahirap tayo..kaya naman natin syang ituring na tunay na anak..At tuturuan natin sya ng tamang Asal..kaya ito na yung disisyon ko...aamponin natin yung batang babae..at bukas aayusin natin ang papers..para sa pagpapatunay na inampon natin sya...At para naman matulungan natin syang bumalik ang kanyang ala-ala" -mahabang salaysay ko...
"Hyyy..Cge Ma..papayag ako sa Disisyon mo..para naman makatulong tayo sa bata" -sabi nya kaya napangiti nalang ako...
"Mama" -rinig kung sabi ng aming anak..(Isang taon na kasi yung anak namin..kaya unti-unti na syang nagsasalita)
"Oyy..gising na yung baby ni papa.."-lambing ni nicolas sa anak namin.
"Papa" -sabi ng baby namin...
"Baby my meron ka ng ate...Maganda sya" -sabi ko..
"Pa..My naisip akong e-pangalan sa batang yun" -nalangiting saad ko kay nicolas..
"ano?" -nakangiting tanong nya..
"Chloe..Oo tama..Chloe ann..yun yung magiging pangalan nya" -sabi ko...
"Chloe ann Santos....Ang ganda Ma..cge yun yung e-pangaln natin sa kanya" -masayang saad nya...(exited na kaming maging magulang ng batang yun..Kapag naging anak na namin yun...ay tuturuan namin sya ng mabuting asal...at pagiging mabait na bata😊)
::::::::::::::::::::::::
*****KINABUKASAN*****
::::::::::::::::::::::::
Nandito kami ngayun sa karenderya namin...maaga kasi kaming gumising para mabuksan na yung karenderya namin...at para ma-ayos na ni Nicolas ang mga papers para sa pag-aampon namin sa bata...
"Chloe..Ok ka lang ba anak?" -tanong ko sa batang babae...(isinama na kasi namin sya dito sa karenderya...at nanghiram ako ng damit kanina sa kapitbahay namin..para my masuot ngayun yung batang to..mukang magka-edad lang kasi sila ng anak ng kapitabahay namin)
"Anak?..Chloe?" -takang tanong ng bata..kaya ngumiti nalang ako at humarap sa kanya..
"Ang magiging pangalan mo na Ay Chloe ann...Aamponin ka na namin ng asawa ko" -nakangiting saad ko...pero di parin sya ngumingiti..simula kanina...para bang tulala yung mukha nya..wala manlang emosyon..
"Oo nga..aamponin ka na namin....kaya ako na ang magiging Papa mo..at sya naman ay ang magiging mama mo..itong anak naman naming si Zoey ay magiging kapatid mo na" -mahabang salaysay ni nicolas..habang buhat-buhat ang anak namin...
"Ok po...Papa..Mama" -sabi ng bata..at niyakap kami..pero wala paring emosyon ang mukha nya..
"O sya Alis na ako Ma...kailangan ko ng Maayos yung mga papers para sa pag-ampon sa kanya" -pagpapa-alam ni Nicolas kaya kinuha ko na yung anak namin sa kanya at hinalikan sya sa pisnge..
"Mag-ingat ka" -habilin ko...tumango naman sya at hinalikan ako sa noo..ganun din sa anak namin..at sa bata..
"Papa." -sabi ng anak namin...
"Aalis na si papa...dito na muna kayo ni mama ok...at Chloe bantayan mo si Zoey hah..para naman maka-trabaho ng maayos si Mama" -habibilin ni nicolas..tumango naman yung bata....kaya umalis si nicolas...
"O sya Chloe..Punta na tayo sa loob" -sabi ko at hinawakan yung kamay nya..at pumunta na sa loob...nilagay ko na sa kuna yung anak ko..at si chloe naman ay umupo na sa tabi ng kuna...
"Bantayan mo si Zoey hah" -sabi ko kay chloe..tumango naman sya kaya pumwesto na ako..para ihanda ang mga pagkain...mga ilang saglit pa ay meron ng costumer...(si Jorge..palagi yang nandito sa karenderya..malapit lang kasi yung tinatrabahuhan nya rito kaya dito sya palaging kumakain sa karenderya)
"Oyy klara sino yung batang babae?" -tanong nya....
"Ampon namin ni Nicolas" -nakangiting sagot ko...
"Ahh..ganun ba...Hmm..sure akong Magiging mabait yan..Mabait kasi yung mga umampon" -sabi nya..kaya natawa nalang ako..at nilagay na sa harap nya yung minudo..at shaka kanin(yan yung palaging order nya e)
"Alam na alam ah" -natatawang saad nya.
"Syempre..palagi kang nandito sa karenderya e" -sabi ko...kaya kumain na sya...mga isang oras ang nakalipas at dumami na yung mga costumer..at lahat sila..tinatanong kung ano ko daw yung magandang batang babae😅...
"Oyy klara " -sigaw ng kung sino man..kaya nilingon ko yung tumawag..(si Joan lang pala😅...kaibigan ko simula pagkabata)
"Oyy musta na joan?.." -nakangiting tanong ko sa kanya at agad na syang nilapitan sa labas ng karenderya at niyakap..
"ito maganda padin" -sabi nya..
"hyy nako..hindi ka parin talaga nagbabago" -natatawang saad ko😅
"ito na ba yung anak mong si ayanna?" -tanong ko ng makita yung batang kasama nya..
"ayy oo klara yan na yung anak ko..maganda diba?" -sabi nya..kaya napatawa ulit kami..pero yung anak nya parang nagtataka..(Mukang magka-edad lang sila ni chloe)
"Dito na ba ulit kayo titira?" -tanong ko ulit..
"Oo dito na kami titira ng anak ko..langhiya kasi yung ama nito e..Sumama sa ibang babae.." -sabi nya
"pero ok na yun kaysa sa matali ka pa sa lalaking demonyo na yun" -sabi ko..
"Tama ka nga" -sabi nya at ngumiti..
"O sya pumasok muna kayo sa karenderya..para makakain na kayo..alam kung hindi pa kayo nakakain e..tama diba?" -sabi ko..
"Oo nga..kaya tara na...na-miss ko na yung luto mo e..at shaka yung baby mo" -sabi nya at nauna ng pumasok sa karenderya...kaya sumunod na ako...
"Klara sino yang bata na yan?" -tanong nya ng makita nya si chloe..na nakatingin sa kanya...
"Ahh sya nga pala si chloe ampon namin ni nicolas..nakita kasi namin sya kagabi sa kagubatan walang malay..kaya dinala namin sya sa bahay..at ng tinanong namin sya kung anong pangalan..wala syang ma-alala..parang my Amnesia..kaya pinangalanan namin syang chloe ann..at aamponin nalang namin..mukang mabait naman kasi e" -salaysay ko sa kanya..
"Hyy nako klara..di parin kayo nagbabago ni nicolas..napakabait nyo parin...saludo na talaga ako sainyong mag-asawa" -papuri nya at agad ng nilapitan si chloe..
"Hi Chloe..ako nga pala si Joan kabigan ako ni klara.. tawagin mo nalang akong tita joan hah" -sabi ni joan kay chloe..
"hello po" -sabi ni chloe pero wala pading emosyon yung mukha nya..at nginitian naman sya ni joan..at ibinaling ang tingin sa anak kung si Zoey..
"Hi baby Zoey..na miss mo ba si tita?..ehhh..ang cute talaga ng batang to" -sabi ni joan..at agad ng binuhat yung anak ko...
"Ahmm..Tita klara..pwede ko bang makalaro si chloe?" -tanong ni Ayanna....tumango na lamang ako..kaya lumapit na sya kay chloe..
"Hi chloe..ako nga pala si Ayanna..pwede ba kitang maging kaibigan?" -tanong ni ayanna kay chloe..tumango naman si chloe..
"Tara maglaro tayo" -pagyaya ni ayanna..pero umiling si chloe at tumingin sakin...kaya nginitian ko muna sya bago magsalita....
"Maglaro kayo chloe..para naman hindi ka ma bored dito sa loob..dito naman si joan e..sya nalang ang magbabantay kay Zoey" -sabi ko..
"Oo nga chloe..wala naman kasing nakakalaro yang anak ko e" -sabi ni Joan..pero hindi padin umi-imik si chloe..
"Tara na...laro na tayo" -pagpipilit ni ayanna..kaya tumayo na si chloe...at agad na syang hinila ni Ayanna palabas...
"Bakit ganun yung batang yun klara?..bakit parang tulala?" -Tanong ni joan sakin..
"My amnesia nga diba...pero ngingiti din yan si chloe..at shaka tutulungan namin sya ni nicolas para bumalik ang ala-ala nya" -sabi ko..at pinagpatuloy na ang ginagawa ko kanina bago dumating si joan..at si joan naman ay sinasayaw yung anak ko....
⬇
::::::::::::::::::
****CARDENIA****
Queen Cardelia's POV👑
"Mahal na Reyna..Nasa tamang tao na po ang itinakda" -balita ng aking tauhan...matapos kasi ang labanan..ay pinapunta ko ang aking isang tauhan sa mundo ng mga tao..para malaman kung nasa tamang tao na nga ba napunta ang aking anak...
"Mabuti naman kung ganun..Kaya pwede ka ng umalis..salamat sa iyong magandang balita" -sabi ko..yumuko naman yung tauhan ko at umalis na...(mamimiss ko talaga ang aking anak😕)
"ina..ama..My balita na po ba sa aking mahal na kapatid?..maayos lang po ba sya?" -matamlay na tanong ng aking anak na si zakiero..simula nong malaman nyang ipinadala namin sa mundo ng mga tao ang kanyang kapatid ay bigla nalamang syang naging matamlay..ganun din ang ibang mga princessa at principe...lahat sila ay na-apektuhan ng kalungkutan..ng mawala dito sa cardenia ang aking anak na si Claudiele..lalong lalo na si prince Keono..
"Nasa tamang tao na ang iyong mahal na kapatid anak....ibig sabihin ay maayos na sya doon..." -sagot ng aking asawa sa tanong ng aming anak..
"Mabuti naman kung ganun ama.." -prince Zakiero..
"Ama..ina..pupunta po muna ako sa aking silid para makapag-ensayo" -pagpapa-alam ng aming anak...Tumango nalamang kami at agad na syang umalis....
"Mahal ko...Paano kaya kung magpadala tayo ng Taga-masid sa ating anak sa mundo ng mga tao" -sabi ko sa aking asawa...
"Hindi pwede mahal ko..dahil baka malaman ng mga itim na cardian kung saan ang ating mahal na anak" -sabi nya😕
"At wag kang mag-alala mahal ko dahil maraming nagkalat na card sa mundo ng mga tao na galing sa ibat-ibang kaharian dito sa cardenia..makakatulong iyon para sa ating mahal na anak" -dagdag pa ng aking asawa...(sana nga mahal ko)
⬇
⬇
:::::::::::::::::::::::::
End of Chapter-02
:::::::::::::::::::::::::::
•@SecNarectBi