UMAKYAT ako sa ibabaw ng railing sa terrace ng tinutuluyan kong apartment. Natatanaw ko ang mga buildings na malapit sa lugar namin. Wala ng pumapasok sa isip ko kundi ang wakasan na lang ang kalunus-lunos kong buhay.
I started to put my other feet and balance myself not to fall. I keep on losing and I don't want to fight anymore. I have been through so much pain and couldn't take it anymore.
What if you have a special ability? But that ability of yours can make someone die? Is it a curse or a blessing?
For me, it is a curse. A curse that cannot be undone. An ability which makes me a monster.
I closed my eyes and let the tear run down my cheeks.
Hinawakan ko ang aking kaliwang kamay. Kinurut-kurot ko iyon at kinakalmot nang walang humpay. Nagsusumigaw ang dibdib ko sa inis at galit. Sa lahat ng tao, bakit ako pa? Bakit kailangang ako pa ang magdusa?
"Mama, Papa," nasabi ko na lang sa pagitan ng aking mga hikbi. "Take me out of here, please. I'm so done with this world."
Natigil ang aking pag-iyak nang makarinig ng sumisigaw na lalaki.
"Tulong!"
Nagpahid ako ng mga luha at tumingin sa ibabang bahagi. Nakita ko ang isang lalaki na hinahabol ng dalawa pang lalaki.
Tinakpan ko ang aking maselang tainga nang magpaputok ang isang lalaki. Napahinto ang hinahabol nila at nagtaas lang ng kamay bilang pagsuko. Na-corner na rin siya ng dalawa pa kaya wala na siyang kawala pa. Nakita ko kung paano matakot ang lalaki na sinusubukan pang lituhin ang mga kaaway pero hindi siya nagtatagumpay.
"Please, maawa na kayo. 'Wag ninyo akong saktan!"
Nagdadalawang-isip ako kung tutulungan ko ba siya o hindi. Hindi likas sa akin ang pagtulong, sinanay ako ng aking mga magulang noon na 'wag makisali sa gulo ng iba. Kung tadhana ng taong mamatay, wala akong magagawa. At isa pa, wala rin daw akong magagawa kundi palalain lang ang sitwasyon dahil sa abilidad na mayroon ako.
Lalayo na sana ako sa terrace nang mahagip ako ng tingin ng lalaki. Agad niya akong itinuro at biglang sumigaw. "Tulong! Papatayin nila ako!"
Nagtama ang paningin namin ngunit agad akong umiwas at yumuko. Muntik pa akong mapahamak dahil sa kanya. Dumadagundong ang puso na parang may nag-uunahang mga kabayo sa sobrang bilis. Base sa itsura ng mga kalaban niya, hindi lang sila basta-basta.
Matitipuno ang katawan ng dalawang lalaki. Halatang batak sa pakikipag-away. Nakikita ko sila nang kaunti, salamat sa nag-iisang light post na mapusyaw na ang kulay.
"Kahit anong gawin mo, walang makakarinig sa 'yo rito. Abandonado na ang lugar na ito. Wala nang nakatira rito." Narinig ko pa ang pagtawa ng lalaki na tila may pagkademonyo.
Marahan akong sumilip upang tingnan sila. Nakikita kong walang awa nilang binubugbog ang lalaking nakakita sa akin. Napapapikit na lang ako sa bawat suntok at sipa na parang ako ang nakararanas no'n.
Should I interfere or not? Maybe not. Kailangan ko ng makaalis dito.
Pero saan naman ako pupunta, e, dito ako nangungupahan sa apartment na ito?
Hindi lang ito isang beses na nangyari sa lugar kung saan ako nakatira. Marami na akong nakikitang mga karahasan na dito ginaganap malapit sa inuupahan ko. Kung minsan, makakarinig na lang ako ng putok ng mga baril, mga bugbugan, mga nagsusuntukan. May mga gumagamit din ng ipinagbabawal na gamot. Para akong nanonood ng live shooting tuwing gabi. Kung hindi nga lang ako nagtitipid ay hindi ako titira sa delikadong lugar na ito.
Solo ko lang ang unit. Tatlong palapag ang unit na ito. Minsan lang din bumisita ang may-ari ng apartment. Pinapayagan niya pa ako na kahit saan umokupa. Kailangan lang naman daw niya ng taong magbabantay sa paupahan niya.
"Nasa'n ang digital camera?" tanong ng lalaking may hawak ng baril. Itinutok niya iyon sa ulo ng lalaki.
"Wala sa akin, sex video ko lang ang mayron ako."
" Aba, namimilospo ka pa, ah!" Sinapok siya ng isa pang lalaki kaya humandusay siya sa kalsada. Tumingin siya sa gawi ko. "Sabihin mo na, kung hindi, papatayin kita."
Nakakainsultong tawa ang pinakawalan ng lalaking nakahiga. Kahit puno na siya ng sugat ay pagkamayabang pa rin siya.
"Alam kong papatayin niyo pa rin ako kahit sabihin ko sa inyo ang totoo." Napakunot-noo ako nang gawin niyang unan ang dalawang braso. "I won't tell you. Even if I die, there's someone who'll revenge my death." Tumingin siyang muli sa gawi ko. This time, tumayo na ako upang makita siya nang maayos.
Kumunot-noo ako sa sinabi niya. Pino-provoke niya pang talaga ang mga ito.
"Manahimik ka nga. Kanina lang halos maihi ka, ngayon ang yabang mo na. Tutuluyan na talaga kita."
Napatutop ako ng bibig nang babaril na sana siya ng kalbong lalaki pero nahinto iyon nang may tumawag sa kanya. Matapos non ay tumawa ito nang nakaloloko at muling itinutok ang baril sa lalaki. "Nahanap na nila ang camera mo pati ang kopya. Paano ba 'yan, wala ka nang pakinabang sa amin."
Mabilis na napatayo ang lalaki na tila gulat na gulat. "Paanong?"
"Wala na ang kaibigan mo. Kumanta siya bago pumanaw."
"Ang gagong 'yon! Humanda siya sa akin!" Nangingitngit siya habang nagpapagpag.
"Paalam."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Inabot ko ang takure sa gilid at ibinato iyon sa kalbong lalaki. Pare-parehas silang napaangat ng tingin sa gawi ko. Kahit madilim ay kita ko ang galit sa mata ng kalbo at ang isa naman ay itinutok ang baril sa gawi ko.
Wala na akong magawa nang paputukan nila ako kaya yumuko ako. Marahan akong gumapang palayo sa terrace.
"What have I done, what have I done?" paulit-ulit na tanong ko sa sarili. Tumakbo ako patungo sa may pinto at naghagdan palabas.
Nang makababa ako ay nakita ko ang kasamahan ng kalbo. Pinaputukan niya agad ako kaya pumasok ako sa isang kuwarto. Patay ako sa may-ari kapag nakita niyang puro butas ng bala ang apartment niya.
Habang nasa loob ng kuwarto, naghanap ako ng pwedeng ipanlaban. Nakakita ako ng jacket sa sahig na amoy pinagbabawal na damo pa. Nagtago ako sa gilid ng pinto. Marahas na bumukas ang pinto. Nang makita kong sumilay ang mukha ng lalaking may baril ay ipinitik ko ang jacket. Nawala siya sa atensyon kaya sinamantala ko ito. Ipinulupot ko ang jacket sa kamay niyang may hawak ng baril at saka malakas na tinadyakan ang baril. Pataas ito sa ere nang tumilapon. Ginamit ko ang isa ko pang binti upang sipain naman ito papunta sa gilid habang nasa ere pa.
Isang suntok ang muntik nang tumama sa mukha ko kaya lalo kong pinilipit ang jacket at hinarap siya. Masama ang tinging ipinukol ko sa kanya nang muli niya akong suntukin ngunit buti na lang at nakaiwas ako.
Malakas ko siyang tinisod dahil para mawalan siya ng balanse. Hinila ko ang buhok niya bago tinanggal ang jacket sa kanyang kamay at mabilis na inilipat iyon sa kanyang leeg. Hinigpitan ko ang pagkakasakal sa kanya pero bigla na lang siyang yumuko. Sa sobrang lakas ng pwersa niya ay nadala ako kaya napalipad niya ako sa kanyang ibabaw at nag-land ang katawan ko sa sahig. Nabitiwan ko rin ang jacket na naiinis niyang tinanggal sa katawan niya. Napangiwi ako sa sobrang sakit ng likod ko.
"Babae ka lang palang hayop ka!" Huli na para makakilos ako. Hinigit niya ako sa kuwelyo. Mabilis niya akong ibinalya sa pader habang nakahawak na siya sa leeg ko at sinasakal na ako. Napakislot ako sa sakit ng aking likod maging sa hirap kong paghinga.
Pinipilit kong tanggalin ang kamay niya sa aking leeg ngunit masyado siyang malakas. Puno ng galit ang mga mata niya ngunit ngumisi siya nang nakaloloko. "Sayang. Ang ganda mo pa naman sana. Mukhang masarap ka." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa nang may pagnanasa. " Parang gusto kitang paglaruan."
I grunted when he slammed me on the floor. Napaubo ako nang ilang beses matapos kong ma-realize kung gaano ako naging tanga sa sitwasyong ito. Sana pala, hindi na lang ako tumulong.
Sinubukan kong tumayo pero naunahan na niya ako. Narinig ko ang nakadidiri niyang pagsamyo sa aking buhok. "Ang bango mo!" wika niya bago ako niyakap mula sa likuran at itinapat ang bunganga sa bandang tainga ko.
Pinilit kong umiwas at makaalis sa pwesto. Masyado nga lang siyang malakas kaya ang nagagawa ko lang ipaling ang ulo ko tuwing lalapit ang mukha niya sa akin.
Hindi ko maatim ang kamanyakan niya kaya buong lakas akong nag-ipon ng lakas at mabilis na inumpog ang ulo ko sa kanya. Nakaramdam ako ng hilo pero hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na makalayo sa kanya. Minumura niya ako habang nakahawak sa dumudugo niyang noo. Nahinto ako sa paggapang palayo nang mahatak niya ang kaliwa kong kamay. Umabot ang takot at kaba sa aking isip nang mahila at matanggal niya ang gwantes na nasa aking kamay.
"NO!" hiyaw ko na nakikipag-agawan pa sa kanya.
"Walanghiya kang babae ka! Humanda ka sa akin!" itinapon niya sa kung saan ang tanging pananggalang ko sa sumpang bumabalot sa akin. Pilit niyang hinihigit ang kaliwa kong kamay. Iniiwas kong mahawakan niya nang tuluyan ito.
"Please, 'wag! Kundi mamamatay ka!" puno ng pag-aalala ang tinig ko kahit alam kong masama siyang tao. Ayaw ko na uli ng panibagong biktima. Mas mabuti pang bugbugin ko na lang siya kaysa mangyari sa kanya iyon.
"Hoy, mas intindihin mo ang sarili mo kaysa sa akin. Pagkatapos ko sa 'yo, papatayin kita!" Tumawa siya nang malakas.
Natigilan ako sa pagtawa niya. Should I stop him from doing this even though he deserves it? May mga tao talagang katulad niya. Halang ang kaluluwa at walang ibang gusto kundi ang kapahamakan ng ibang tao.
"Alam mo ba ang video na hinahanap namin? Pinatay lang naman namin ang mayor ng city na ito." Naririndi na ako sa pagtawa niya. "Siraulo kasing lalaki iyon. Binidyuhan ba naman kami. Kaya kailangan niyang mawala pati ang video na iyon. Syempre, kasama ka na."
Nagtagis ang mga bagang ko nang sabihin niya iyon. Bakit napakadali lang sa mga tao ang pumatay ng kapwa nila? Kung ako nga, nahihintakutan sa mangyayari kahit aksidente pa. Pero sila, parang wala lang sa kanila ang isang buhay.
Wala akong makitang awa sa mga mata niya. Hinayaan kong mahawakan niya ang kamay na pilit kong iniiwas. Pinagmasdan ko siya habang unti-unting nawawala ang tawa niya at napapalitan ng mga hikbi.
Nakabitiw siya sa kamay ko at napahiga sa sahig. Namaluktot siya at walang tigil sa pagsigaw at pag-iyak. Gusto ko sanang maawa sa kanya pero bumabalik sa akin ang mga mata niyang puno ng kademonyohan.
"Pasensya ka na, habang buhay kang makakaramdam ng lungkot, takot, at hinagpis. Iyan ang dahilan kung bakit hindi mo pwedeng mahawakan ang kamay ko," mahinang sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "May sumpa ang kamay ko. Sorry, hindi ko kayang alisin iyan."
"Tulong," umiiyak niyang sabi. Inabot niya ang kamay sa akin. Pinagmasdan ko lang iyon. Tumayo na ako at tumalikod sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko at napaatras nang makita ang lalaking binugbog kanina. Hawak niya ang isang camera na nakatutok sa akin.